Ang Boyfriend Kong Manyak/C31 Masakit na parusa
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C31 Masakit na parusa
+ Add to Library

C31 Masakit na parusa

Yhnna's POV

"May lakad ba kayo ni kuya bukas?" Tanong ni bessy habang nagka klase para sa huli naming subject ngayong friday.

"Wala naman, wala naman kaming napag usapan pero baka dumaan siya sa bahay" sabi ko

"Edi Wow! Hindi ba kayo nagsasawa araw araw nalang kayong magkasama?" - bessy

"Hindi.. bakit ba? Dati naman ikaw ang unang nagsasabi na bigyan ko ng chance yang kuya mo ngayon naman na kami na parang gusto mo namang maghiwalay kami" nakangiting sabi ko

"Hindi ko naman po kasi naisip mahal na prinsesa na kapag naging kayo ng pinsan ko mawawalan ka na ng time para sa ibang bagay at isa pa hihiramin muna kita sa kanya bukas sa ayaw mo at sa ayaw niya wala akong pake!" Sabi niya na medyo malakas.

"Gusto niyong mag share ng pinag uusapan niyo Ms. Vasquez and Ms.Lopez? Tanong ni Mrs.Careon

"Sorry po maam" sabay naming sabi

*****

"Kuya hihiramin ko si bessy sayo bukas" sabi ni bessy habang sumasabay siya sa paglakad namin ni Stephen

"Ayoko" tipid na sagot ni Stephen

"Wala akong pake kung ayaw mo hindi naman ako nagpapa alam sayo" sabi pa ni bessy at hinila ako kay Stephen

"Hindi pa rin pwede" sabi naman ng aking gwapong boyfriend na gwapong gwapo habang naglalakad kahit nakasuot ang bag ko sa kanya.

"Ang cute niyo" sabi ko sa kanilang dalawa

"Gwapo ako" "Maganda ako" sabay pang sabi nilang dalawa

"Ilusyunado! Sabi nga nung kakilala ko mukha kang unggoy! Kapal ng mukha mo kuya pa check up ka malabo na mata mo" hirit pa ni bessy

"20/20 vision ko Samantha kaya nakakasigurado akong gwapo ako at huwag kang basta maniniwala sa mga sabi sabi ng mga baboy. At ikaw ang mas nangangailangan ng check up, sabagay kahit huwag na pala, sayang ang pera ng pamilya mo dahil wala ng doktor ang magpapalinaw ng mata mo" sabi naman ni Stephen

"Hindi talaga ako magpapa check up dahil totoong maganda ako at hindi ko kailangan patunayan yong sa mata mo! Napaka feelingero mo naman talaga eh noh? Kung gwapo ka wala ng pangit sa mundo!" Sagot naman ni bessy

"Alam mo Samantha naaawa ako sayo, kung ako ang nasa kalagayan mo hindi na ako lalabas ng bahay para ipakita sa iba ang pagmumukha ko. Pero dahil pinsan kita at mahal ko si tita pagagaanin ko kalooban mo. Bayaran mo mga kasamahan niyo sa bahay at sabihing huwag masuka habang nakikita ka nila. At yung tungkol sa kagwapuhan ko naman, huwag ka ng mag alala dahil kulang ang salitang gwapo para ilarawan ako" banat naman ni Stephen na nakangisi ngayon

"I hate you kuya! Nagsisisi ako ngayon kung bakit pa kita tinulungan sa bestfriend ko!" Sabi naman ni bessy

"Ngayon ako naniniwala na nasa huli talaga ang pagsisisi" sabi naman ni Stephen at inakbayan ako ulit

"Basta akin si bessy bukas!" Sabi ulit ni bessy

"Ayaw" tipid ulit nitong sabi

"Basta! Susunduin ko siya sa kanila bukas" -bessy

"No" - Stephen

"Ayaw mo? Huwag mo akong pilitin gawin to kuya" sabi ni bessy na naka ngisi at nakatayo sa gilid ng sasakyan niya.

"Ang alin?" Sabi naman ni Stephen na lumingon kay bessy

"Ang siraan ka kay tita Yolly sobrang close kaya namin ni tita at siguradong may t turn off yun sayo" sabi pa ni bessy na naka ngisi pa rin at sumandal sa pinto ng kotse

"Subukan mo lang" sabi naman ni Stephen

"Sigurado ka kuya? Okay" sabi ni bessy na pumasok na sa kotse niya. Naglakad na din kami ni Stephen palapit sa kotse niya.

"Pagbigyan mo na si bessy baka naiinip lang sa kanila" sabi ko kay Stephen pagkapasok ko sa kotse niya

"Ayaw" sagot naman niya

"Sige, pero huwag kang magagalit sa kanya kung si siraan ka nga niya kay mama, bestfriend din kaya ang dalawang yon. Si bessy ang spy kaya ni mama sa school ikaw bahala ha?" Sabi ko na kunwari ay walang pake habang kinakalikot ang phone ko. Shit! Mahinang sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya at matamis na ngumiti.

Tulad ng araw araw na ginagawa niya bumili nanaman siya ng pasalubong para sa lahat ngayon naman ay jco donuts ang binili niya. Hinahayaan ko nalang siya kasi siya din naman ang masusunod at paulit ulit na sasabihin lang niya maliit na bagay lang naman to edi siya na mayaman bahala siya.

*Bahay*

"Tumawag pala si Samantha kani kanilang ipinag pa paalam ka sa akin magpapasama daw siya sa mall" sabi ni mama

"Ano pong sabi niyo?" Tanong ko kay mama

"Ang sabi ko ay okay lang, na ikaw nalang tanungin niya dahil baka may lakad kayo nitong si Stephen" -mama

"Wala naman po kaming lakad ni Stephen, tawagan ko nalang po siya mamaya" sabi ko naman

"Ikaw bahala" sabi naman ni mama. Tumingin naman ako sa katabi kong si Stephen na naka simangot.

"Minsan lang naman" sabi ko at pinisil ang ilong niya

"Dito ako mag b breakfast" naka simangot pa rin siya

"Okay" masayang sabi ko at walang pake na hinalikan ko ang tungki ng ilong niya kahit naka tingin si Yael.

"Yuck ate!" Sabi niya na ikina tingin ni mama

"Mama nakita ko si Ate kiniss si kuya sa ilong" sumbong niya na ikinatawa namin ni Stephen

"Hayaan mo silang maglambingan diyan at huwag mo silang titignan" sabi naman ni mama na mas ikinatawa ko

"Yael oh!" Tawag ko sa pansin ng kapatid ko at nakatingin sa kanyang hinalikan ang pisngi ni Stephen.

"Mama oh!" Sumbong na naman ulit niya kay mama habang si Stephen naman ay tumatawa

"Dito ka na mag dinner" sabi ko kay Stephen

"Sa bahay na matagal na din akong hindi nakakauwi sa bahay, tinawagan din kasi ako ni Dad na sa bahay mag hapunan" sabi niya

"Sige ikaw ang bahala, may gagawin kaba sa linggo?" Tanong ko

"Yeah, balak ko sanang isama ka sa condo" sabi niya

"Yun lang? Anong gagawin ko don?" Tanong ko

"Yep! Sasamahan mo akong mag grocery tapos turuan mo akong magluto" sabi niya na naka ngiti.

"Bakit gusto mong matutong magluto? Sige, pero ano kasi.. pwedeng 6am nandito kana? O kaya kahit 6:30. Sama ka sa amin mag simba muna bago tayo mag groceries, okay lang ba?" Sabi ko na nag pout pa.

"Para ka talagang baboy pag naka pout ka* tumatawang sabi niya habang hawak hawak ang nguso ko. Tinanggal ko naman ang kamay niya at matalim na tinitigan siya ngumisi ako at napatigil siya sa pagtawa.

"Ayoko ang ganyang ngiti mo sesa, alam kong may masama kang binabalak" sabi niya na medyo umurong pa sa pagkakaupo

"Inosente ako" nakangisi pa ring sabi ko

"Baka inosente ako" sabi naman niya. Pinaningkitan ko siya ng mata at tumayo ako

"Yael kaw muna bahala sa kuya mo maliligo lang ako saglit" sabi ko sa kapatid ko at tumingin ulit kay Stephen at matamis na ngumiti. Mabilis akong umakyat sa kwarto at kumuha ng twalya at damit. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko yung maluwang kong tshirt at cotton na short. Binawalan na ako ni Stephen na mag suot ng ganitong damit pero dahil balak ko siyang gantihan susuwayin ko muna siya ngayon. Agad naman akong umakyat sa taas at pumasok ng kwarto para mag suklay at nag wisik din ako ng konting pabango na binigay ni bessy. Nang tignan ko ang repleksyon ko at makitang okay na ay bumaba na ulit ako at pumunta sa sala.

Sinalubong ko ang matalim na tingin sa akin ni Stephen at ngumisi sa kanya.

"Uuwi ka naba?" Nakangiting tanong ko sa kanya

"Bakit parang pinapa alis mo na si Stephen nak? Hindi ba siya dito mag ha hapunan? " Tanong ni mama

"Hindi ma, uuwi kasi siya sa bahay nila kasabay niya Dad niyang kakain mamaya. Diba?" Baling ko kay Stephen

"Opo Tita, malapit na din pong mag dilim kaya mabuti nga po sigurong mauna na po ako" paalam niya kay mama at tumayo na.

"Hatid na kita sa labas" sabi ko at sumunod sa kanya.

Binuksan niya ang kotse niya at umikot ako sa kabila para maka sakay din. Nagulat pa siya ng pumasok ako sa kotse niya at umupo sa kandungan niya. Agad kong hinubad ang tshirt ko at walang sabing hinalikan agad siya.

"Hey!" Yun lang ang nasabi niya at tumugon sa halik ko.

"Sinong baboy?" Tanong ko sa kanya bago kagatin ang labi niya. Agad naman niyang natanggal ang bra ko at minasahe ang isang dibdib ko at yung isang kamay niya naman ay nasa legs ko at hinihimas iyon.

"Ako" sagot niya na ikina ngiti ko. "Sinong unggoy" tanong ko ulit sa kanya habang naka subsob siya sa dibdib ko. Tinaas ko naman ang ulo niya at hinalikan ulit ang labi niya kita ko sa mata niya ang pagnanasa at ramdam ko din sa aking pang upo ang naka umbok na matigas na bagay na yon na nakatago sa pantalon niya.

"Ako" muling sagot niya at itinulak ko na siya pa sandal sa driver seat niya. Mabilis ko namang inabot ang bra ko na nahulog sa gilid niya at mabilis na isinuot ito. Lumipat ako ng upuan at isinuot ang hinubad kong tshirt.

Kunot noo naman siyang nakatingin sa akin habang habol habol ang hininga niya. Tumawa naman ako at mabilis kong dinampihan ng halik ang labi niya.

"Ingat ka sa pag drive manyak unggoy!" Sabi ko at nginitian siya. Ngumiti naman itong umiiling at napahilamos sa mukha.

"Ang sakit ng parusa mo" sabi niya na tumatawa

"Masarap naman!" Sabi ko at binelatan siya. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at bumaba na. "Ingat ka ha?" Sabi ko pa nung buksan niya ang bintana ng kotse niya.

"May araw ka din" sabi niya na nakangiti sa akin.

"May araw ka ulit sa akin" sabi ko na tumatawa bago ako nag wave sa kanya paalis.

Habang naglalakad ako papasok ng bahay ay hindi ko maiwasan maisip yung sinabi ko sa kanya kanina. Manyak na unggoy? Parang may mali.. Dumiretyo ako ng akyat sa kwarto at inabutan doon si Yael na may ginugupit. Hindi ko nalang siya pinansin at nahiga sa kama ko, napangiti ako habang nakikita ko ang mukha ni Stephen na gumuguhit sa isipan ko. Ang gwapo mo namang unggoy sabi ko sa isip ko at naisip ulit ang ginawa ko kanina sa kanya. Bigla akong na paupo at tinakpan ang bibig ko "ANG MANYAK KO!" Malakas kong sabi na ikina tingin ni Yael sa akin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height