+ Add to Library
+ Add to Library

C32 The Gift

Yhnna's POV

"Aga mo ha! Dito ka natulog?" Mataray na bungad pambati ni bessy kay Stephen. Agad ko naman tinakpan ang bibig ni Stephen para hindi na ito makasagot.

"Good Morning bessy!" Bati pa ni Sam at bineso ako

"Good Morning din bessy mag snacks ka muna" aya ko sa kanya ng pumasok siya sa loob ng tindahan.

"Huwag na bessy sa Mall nalang" sabi niya na nakatingin sa pinsan niya na prenteng nakaupo sa kabilang mesa.

"Ano bang bibilhin mo don?" Sabi ko na binigyan siya ng bottled water.

"Hindi ko pa din alam eh, bahala na pag nasa Mall na tayo" sabi niya na ngumiti sa akin.

"Ako na maghahatid sa inyo" sabat naman ni Stephen na inilabas sa bulsa ang susi ng kotse niya.

"Tse! May driver na kami!" Masungit naman sabi ni bessy

"Pahatid ka sa driver mo ihahatid ko ang girlfriend ko" sagot naman ni Stephen

"Ano kaya yon? Kami lang ang may lakad kaya huwag ka ng sumingit pa" -bessy

"Hindi naman ako sumisingit sa lakad niyo ihahatid ko lang ang girlfriend ko sa pupuntahan niyo at aalis din agad ako" -Stephen

"May kotse ako at may driver ako kuya, hindi naman mapapano ang bestfriend ko at hindi ko naman hahayaan mangyari sa kanya kaya kuya pwede ba?! Bigyan mo ng space ang bestfriend ko! Ikaw din baka masakal ito sayo iwan ka" Mataray na sabi pa ni bessy

"Tama na nga yan baka mag away pa kayo" sabat ko sa kanila

"Ihahatid kita" simpleng sabi ni Stephen

"Kuya grabe ka ha! Ang OA mo na kainis ka na talaga" sagot naman ni bessy

"Stop!" Sabi ko at tinignan ako ng dalawa

"Bessy wala tayong magagawa makulit ang pinsan mo at hindi magpapatalo kaya hayaan na natin sa gusto niya, kita nalang tayo sa mall" sabi ko. Sumimangot naman si bessy habang naka ngisi naman si Stephen sa kanya.

"Ma, alis na po kami" paalam ko kay mama

"Ganon ba? Sasama ka ba sa kanila Stephen?" Tanong ni mama

"Ihahatid ko lang po si Yhnna di diretyo po ako sa kaibigan ko pagkahatid ko sa kanya sa mall" sabi naman niya.

"Ahh kung ganon ay mag ingat kayo" sabi ulit ni mama

"Tita alis na po kami" paalam ni bessy

"Sige po" sabi naman ni Stephen

"Bessy sigurado ka bang kay kuya sasabay?" Tanong ulit niya bessy habang pasakay na ito sa kotse niya

"Oo nga sakin sasabay" sabat naman ni Stephen na pinag buksan ako ng pinto ng kotse niya.

"Tse!" Sagot nalang ni bessy

"Kita nalang tayo sa mall bessy" sabi ko na nakangiti bago pumasok sa kotse ni Stephen.

********

"Para kayong bata na away ng away" sabi ko kay Stephen habang nag da drive

"Siya nauuna" tipid na sagot niya

"Pinapatulan mo kasi kaya humahaba ang away niyo" - ako

"Hindi ko siya pinapatulan" tipid pa ring sabi niya

"Eh ano tawag sa ginagawa mo?" -ako

"Sinasagot ko lang" sabi niya na tumingin sa akin

"Yun nga, sumasagot kapa kasi" - ako

"Okay okay ganito nalang sa susunod na may sabihin siya ipapasok ko sa tenga at ilalabas nalang sa kabila, ayos na ba yon?" Sabi niya na hinawakan ang kamay ko at hinalikan yon. Tumango nalang ako bilang pag sang ayon.

Nakita namin nag park ang sasakyan ni bessy at sumunod naman kami kung saan sila nag park. Nakita kong bumaba siya ng kotse niya at matiyagang naghintay sa amin.

"Tara na bessy?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti

"Hatid ko na kayo sa may entrance" sabi naman ni Stephen

"Ayoko ng makipagtalo sayo kuya kaya hanggang hatid ka lang" sabi naman ni bessy

"Ihahatid ko lang girlfriend ko hanggang sa may tapos aalis na ako, may lakad din kami ni Gio kaya pupuntahan ko siya sa condo niya" sagot naman ni Stephen

"Bakit wala kang sinasabi na may lakad kayo?" Tanong ko habang naglalakad kami

"Nakalimutan ko din naman kasi at nasabi ko na sa kanya na pupuntahan kita naalala ko lang kagabi ng tumawag siya" sagot niya sa akin

"Saan ba ang lakad niyo?" Tanong ni bessy

"Kay Gwen" tipid na sagot ni Stephen

"Sinong Gwen?!" Sabay naming tanong ni bessy. Ngumisi naman ito sa amin at hindi sumagot

"Sinong Gwen kuya? Bakit pupuntahan niyo?" Tanong ni bessy

"Birthday niya" tipid na sagot naman niya

"Ano niya si Gio?" Tanong ko naman

"Special na babae kay Gio" sagot niya sa akin at ngumiti

"Mas special pa sa akin?! So ano ako laruan niya?!" Histerikal na sabi ni bessy

"Siya tanungin mo" sagot naman ni Stephen

"Dito nalang o may bibilhin ka sa loob?" Tanong ko kay Stephen ng nasa harap na kami ng entrance ng mall

"Wala sige pumasok na kayo didiretyo na din ako sa condo ni Gio" sagot niya sa akin bago hinalikan sa noo.

"Okay babye" sabi ko at hinawakan na si bessy at inaya sa loob.

"Kainis!" Sabi ni bessy

"Bakit hindi mo tawagan?" Sabi ko

"Gago siya! Niloloko lang pala niya ako kainis!" Gigil na sabi niya

"Ano ka ba bessy tawagan mo muna hindi naman kasi ganon ang pagkaka kilala ko Gio" sabi ko

"Akala ko pa naman siya ang pinaka matino sa kanila" -bessy

"Si Stephen kaya" Pabirong sabi ko. "Bessy naman matino naman talaga si Gio lapitin lang talaga siya ng mga babae dahil sa pagiging komedyante at mapagbiro niya tapos gwapo pa diba? Pero nakikita ko naman sa kanya na seryoso talaga siya sayo" sabi ko

"Ako din naman ay nakikita ko sa kanya yon ang kaso si kuya alam nating dalawa na hindi siya nagsisinungaling" sabi niya.

Agad kaming pumasok sa Stackers at nag order ng burger nila at pizza. Umupo kami sa may dulo na may pang apatang mesa.

"Hi Good Morning pwede maki share ng table?" Tanong sa amin ng isang lalaki.

"Sorry pero madaming bakanteng upuan" sabi ni bessy na hindi man lang tinitignan ang gwapong nilalang na naka tingin sa kanya.

"Ang lungkot ko noong nasa US ako dahiñ nag iisa lang ako lagi at walang kasabay kapag kumakain, pati ba naman dito sa pinas ay ganon din?" Sagot naman nung lalaki kay bessy

"So?! Hindi lang ikaw ang kumakain mag isa palagi pero kahit ganon hindi ako nalulungkot" Mataray na sabi ni bessy na wala pa ring pake at isinawsaw ang fries niya sa catsup bago kinain

"Ang laki ng pinag bago mo Sammy ang sungit mo na ngayon" sabi naman ng lalaki na nakangiti. Marahas na lumingon naman si bessy sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"Z-zeke???" Sabi ni bessy na tinakpan pa ang bibig. Dahan dahan namang tumango ang lalaki na nakangiti

"Ohemji! Ikaw nga!" Sabi naman ni bessy na biglang tumayo at niyakap ang lalaki

"Woah!" Sabi naman ng lalaki na mabilis ibinaba ang hawak na tray at gumanti ng yakap kay bessy.

"Kailan kapa naka uwi dito?" Tanong ni bessy at inayang umupo ang lalaki.

"Last week lang" sabi niya at tumingin sa akin at ngumiti "baka gusto mo akong ipakilala sa magandang kasama mo?" Sabi niya

"Ohh! Sorry.. bessy siya pala si Kuya Zeke sa iisang village lang kami nakatira kapitbahay namin siya at sa US siya nag aral" sabi ni bessy na naka ngiti

"Kuya siya naman ang bestfriend ko si Yhnna" pakilala naman niya sa akin doon kay Zeke

"Hi Yhnna ang ganda mo naman" sabi niya na iniabot ang kamay niya.

"Thank you" mahinhin na sabi ko at inabot ang kamay niya para makipag shakehands.

"Okay lang ba saluhan ko kayo dito?" Natatawang tanong niya

"Ahh ewan ko kay bessy sa akin okay lang naman" sabi ko

"Oo naman kuya! Are you staying here for good?" Tanong ni bessy

"I have some business to take care off here this month, hoping matapos nga ito ngayong buwan tapos babalik na ako ulit sa New York." Sabi niya na nakatingin sa akin at nakangiti

"Kuya girlfriend yan ni kuya Stephen ha! Ayoko sa mga tingin mo sa kanya" Pabirong sabi ni bessy

"Stephen? Stephen Montreal your cousin?" Tanong naman niya na naka kunot ang noo

"Yeah, kaya hands off hahahaha!" Sabi naman ni bessy at itinaas naman ni Zeke ang kamay na parang sumusuko habang nakikitawa. "Hindi pa man ako nagsisimula bokya na agad" sabi pa ni Zeke

"Talaga! Mahal na mahal kaya yan ni Kuya" sabi ni bessy na tumatawa. Ngumiti nalang ako at kinagatan ang burger

Nagkwentuhan sina bessy at Zeke at minsan ay sinasali nila ako sa usapan nila, tumingin sa relos niya si Zeke at nag paalam na, may pupuntahan daw pa kasi ito at kinuha pa niya mga numbers namin ni bessy at sinabi na i te treat daw niya kami ng lunch sa susunod.

"Diba monthsary niyo na sa Monday ni kuya? May regalo ka naba?" Tanong niya sa akin

"Oo at wala pa akong maisip na ibigay sa kanya" sabi ko

"What about shoes? Mahilig si kuya sa mga shoes" sabi ni bessy at pumasok kami sa isang sikat na brand ng mga shoes.

"Bessy wala akong pambili dito" sabi ko at hinihila si bessy palabas

"Ako ang magbabayad pumili ka lang" sabi niya na hinihila din ako

"Huwag na bessy tsaka hindi ko naman alam sige ni Stephen kaya huwag na" sabi ko at hinila ulit siya palabas

"Ano niyan i reregalo mo sa kanya?" Tanong ni bessy

"Ano bang pwede kong ibigay sa kanya? Lahat naman kasi nasa kanya na kaya ang hirap mag isip" sabi ko

"Ohemji! Bessy huwag mong sabihin na isusuko mo na ang bataan?" Nanlalaking matang sabi ni bessy na pumunta pa sa harapan ko. Hindi ko naman maiwasan mamula sa sinabi niya.

"Ano kaba! Hindi!" Namumulang sabi ko at hinampas ang braso niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa may gift shop. Nagtinginan kaming dalawa ni bessy at nakangiting pumasok doon. Bawat makita ng mga mata ko ay talaga namang maganda, maganda kasi mahal ang presyo. May napansin akong couple na may tinitignan sa may bandang dulo ng shop tapos nakita ko yung mga phone case na hawak nila. Lumapit ako at tumingin din sa mga yon, napasimangot nalang ako sa isipin na Samsung j7 nga pala ang phone ko at iphone6S naman ang phone ni Stephen kaya hindi rin pwede.

Naglakad lakad ulit ko hanggang sa may umagaw ng pansin ko mga keychaines na iba't ibang disenyo. Agad akong lumapit sa mga yon at tinignan isa isa, may lumapit na sales clerk sa akin at tinanong kung para saan ba at kanino.

"Hello po maam may napili na po ba kayo?" Tanong sa akin ni Miss.Maganda

"Maganda naman po lahat ang kaso po parang hindi akma sa personalidad ng bibigyan ko mga designs niyo" sabi ko na nakangiti

"Para kanino po ba?" Tanong ulit niya

"Ahm, sa boyfriend ko sana" kiming sabi ko

"May ipapakita po ako sa inyo baka po magustuhan niyo" sabi niya. Tumango naman ako at hinintay siya. Pagbalik niya ay pinakita niya sa akin ang hawak niya na nasa box.

"Last design na po namin ng King and Queen collection namin, actually po may nagpa reserve na nito three days ago kaya hindi na po namin sinali sa display kaso po hanggang ngayon hindi pa po binabalikan nung babaeng nagpa reserve ito kaya kung gusto niyo po ay sa inyo ko nalang po ibibigay" sabi ni Ms. Maganda.

Agad ko namang tinignan ang nasa loob non at Wow lang ang nasabi ko Couple keychaines ito na crown ng hari at reyna ang design. Agad ko namang tinanong kung magkano ito at ang sabi ng babae ay libre na daw ang gift wrap at 500 pesos ang dalawa kung kukunin ko pero kung isa lang ay 300 pesos. Tumango naman ako kay Ms.Maganda at sinabing kukunin ko yung dalawa.

"May napili ka na?" Tanong ni bessy sa akin nang lumapit ito sa akin sa may counter. Halos mapuno naman ng kung ano ano ang basket na hawak niya.

"Oo bessy nandon na binabalot" turo ko kay ms.Maganda na abala sa pag balot ng binili ko.

"Ang daya mo bakit hindi mo muna pinakita sa akin?" Sabi niya

"Sorry bessy pero binabalot na kasi, makikita mo naman yan sa susunod na mga araw" sabi ko na nakangiti. "Ano ba pinamili mo?" Tanong ko pa

"Hindi ko din alam basta kung ano makita ko na cute nilagay ko sa basket ko, ay wait bessy bumili din ako ng friendship bracelets! Tsaran!" Sabi niya habang nasa tapat ng mukha ko ang mga kamay niya at pinapakita ang dalawang bracelets na binili niya.

"Ang cute naman" sabi ko habang tinitignan ang kulay silver na bracelet na may nakalawit na dalawang babaeng magkahawak kamay.

"Ang cute diba? Tig isa tayo!" Masiglang sabi niya at binayaran ang mga pinamili niya.

Inabot na sa akin ni Ms.Maganda ang binili ko at nagpa thank you, sana daw bumalik ulit kami ni bessy sa shop nila. Naglibot pa kami ni bessy at pumunta sa iba't ibang shop at gaya ng dati may binili din siya sa akin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height