+ Add to Library
+ Add to Library

C33 Gio's Condo

Stephen's POV

Pitong taon na ang nakakaraan pero sariwa pa rin sa aming dalawa ni Gio ang nangyari ng araw na yon. Nagpupumilit si Gwendalyn na sumama sa amin pumunta sa may basketball court ngunit ayaw naman ni Gio. May crush kasi si Gwen sa isa na ka team namin non sa basketball at iniiwas naman ni Gio ang kapatid doon. Dahil sa may pagka makulit ang batang si Gwen na may edad na sampu hindi namin napansin na palihim itong sumunod sa amin.

Napalingon nalang kami sa babaeng sumigaw na "nasagasaan yung bata!" Noong una ay alinlangan pa kaming lumapit dahil sa marami ng taong nagkukumpulan pero biglang tumakbo ang isa sa mga kalaro namin sa basketball palapit sa amin at sumigaw na "tol ang kapatid mo na hit and run!"

Mabilis kaming lumapit sa batang si Gwen na may lumalabas na dugo sa bibig at nakatingin kay Gio I love you kuya dinig ko pang sabi niya bago ito umubo ng dugo. Mabilis naman dumating ang ambulansya na tinawagan ng isa sa mga taong naroon ako naman ay natataranta at pinapakalma si Gio na walang tigil sa pag iyak.

"Pre tinawagan ko na sina Tita papunta na daw sila ni Tito" naalalang sabi ko pa sa kanya habang naka upo sa may labas ng operating room. Tumango tango lang ito sa akin at sinisisi ang sarili na sana ay isinama nalang niya ang kapatid sa amin.

Dumating sina Tita at Tito at mabilis na lumapit sa amin at tinanong ang nangyari, hindi makapag salita si Gio kaya ako nalang ang nag kwento sa mga nangyari. Niyakap ni Tita si Gio at sinabi na huwag sisihin ang sarili at magiging okay lang ang batang kapatid niya. Hindi naman mapakali si Tito na pabalik balik ang lakad habang hinihintay lumabas ang doktor.

Pag labas ng doktor ay agad itong nagtanong sa amin kung sino daw ba ang kamag anak ng pasyente agad namang lumapit sina Tita at sinabing sila ang magulang. "Misis, ginawa po namin ang lahat pero hanggang dun nalang po talaga ang buhay ng anak niyo. Sorry po." Sabi ng doktor. Pagkasabi ng doktor na ganon ay mabilis kaming pumasok sa operating room at nakita ang nakahigang si Gwen na tinatakluban ng kulay berdeng kumot.

"Pre umaambon na, tara na?" Tanong ko kay Gio. Tumayo naman ito at nagpaalam sa puntod ng kapatid at nangakong babalik.

"San tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang nag da drive palabas ng memorial park

"Sa condo ko nalang" tipid na sagot niya.

"Kumusta na kayo ni Tito?" Tanong ko. Buhat kasi ng mamatay si Gwen ay naging malamig na ang pakikitungo nito sa kanya.

"Ano pa nga ba? Walang pagbabago. Kakausapin ako kapag tungkol sa negosyo maliban don wala na" sagot naman niya.

"Eh si Gail at si Tita?" Tanong ko ulit

"Maayos naman sila" Tipid na sagot nito

Mukhang wala siyang balak mag kwento tungkol sa mga ito kaya hinayaan ko nalang muna siyang manahimik. Agad kong ipinark ang kotse ko sa parking space ng condominium na tinutuluyan niya. Mula ng mag college din siya ay sa condo na rin siya nanirahan kahit ayaw ni Tita.

********

Hinagisan ako ng Beer ni Gio at umupo sa katabing upuan ko, natawagan ko na din ang barkada at pinapasunod ko sila dito. Sinalo ko naman to at ikinampay sa beer na hawak din nito.

Habang nag hihintay sa barkada ay umupo muna ako at sinimulang tipain ang mga tono sa puting grand piano ni Gio. Natatandaan ko pa noong bata kami ay lagi kong tinutukso si Gio dahil sa imbes na gitara ay piano ang pinag aaralan nito. Ngunit nung marinig ko itong tumugtog ng La Campanella ay bumilib ako dito. Kaya kapag may oras ako ay patago akong pumupunta sa Music School malapit sa Village namin at palihim na nag e ensayo.

Inumpisahan kong tugtugin ang Dubbusy ni Clare De Lune hindi ako ganoon kagaling sa pagtugtog ng piano pero ito kasi pinaka nagustuhan kong piece sa lahat maliban sa Beethovens Moonlight Sonata. Lagi itong tinutugtog noon ni Gwen kapag dumadalaw ako sa bahay nila at kapag naririnig ko ito ay para bang nagiging at peace ako at buong paligid.

Lumapit si Gio sa akin at nang matapos ako sa tinutugtog ko ay siya namang tipa niya ng bagong piece na lagi din nilang sabay tinutugtog noon ni Gwen ang Rock Around The Clock. At dahil natutunan ko rin naman ito ay sinabayan ko na rin siya. Alam ko kung gaano niya ka miss ang kapatid niya at wala na din naman akong magagawa para ibalik ang kapatid niya kaya idadaan ko nalang din ng pagtugtog ng piano para naman mabawasan ng bahagya ang lungkot niya dito.

Binatukan ko ito ng matapos kami at tumawa ng tumawa.

"Lam mo pre, kailangan mo ng mag move on sa pagkawala ni Gwen nandiyan pa si Gail na kailangan din ang pag aalaga mo. Akala mo ba hindi ko napansin na lumayo ang loob mo sa kapatid mo mula ng mamatay si Gwen? Nakikita ko kay Gail na pilit ka niyang inaabot pre, pero wala ka naman ginagawa kundi lumayo. Kailangan ka din ni Gail pre, hindi lang naman tayo magkaibigan para na din kitang kapatid kaya payo ko lang abutin mo ang kamay ni Gail habang hindi pa huli ang lahat" sabi ko

"Hindi ko naman nilalayuan kapatid ko pre, ayoko lang masyadong maging close siya sa akin. Kahit naman madalang ko lang siya kausapin lagi ko naman siyang binabantayan lalo na sa iisang school lang kami pumapasok. Grade 5 pa lang siya pero mukha na siyang high school student hindi rin nawawala sa pandinig ko na may nanliligaw na sa kanya. Gumagaan lang ang pakiramdam ko kapag nalalaman ko na agad niyang binabasted mga ito. Natatawa nga ako dahil nabalitaan kong may crush siya kay Joseph" sabi nito na biglang timawa.

"Si Joseph na kaibigan natin?!" Nabiglang tanong ko. Tumango ito at tumawa.

"Biruin mo nga naman oh!" Sabi ko din na tumatawa

"Mas palagay ang loob ko na kay Joseph siya may gusto, kaibigan natin si Joseph at wala naman akong masasabing negatibo patungkol sa kanya. At alam ko naman na hindi niya pagsasamantalahan ang kapatid ko. At kay Gail naman, hangga't may crush siya kay Joseph mapapanatag ako" sabi naman niya

Mga katok sa pinto ang nagpatigil sa usapan namin agad niluwa doon ang pinag uusapan naming si Joseph. Sumunod namang dumating sina Luke at Jonas, pagkalipas ng halos isang oras naman ay dumating si Anthony na may kasamang mga babae.

"Yo! Mga pre!" Sabi ni Anthony na nakipag fist bump sa amin

"Sila nga pala si Amanda, Cloe, at Dianne" dagdag pa niyang sabi sa amin

"Hi boys" malandi ng sabi naman nila at yung isa na kanina'y akbay ni Anthony ay lumapit sa akin.

"Hi ako pala si Cloe" sabi sa akin ng babae na kulang nalang ay lumuwa ang dibdib sa suot na damit.

"Hello" tipid ko namang sabi

"Ang gwapo mo naman" sabi pa niya na hinihimas ang dibdib ko. Hindi ko ito pinansin at tinignan ko si Anthony ng masama na ngayon ay naka ngisi sa akin.

"Excuse me" sabi ko sa babae at tumayo. Hinila ko si Anthony papunta sa kusina at sumunod si Gio

"Sino mga yon?" Agad kong sabi kay Anthony

"Chill pre! Kinakapatid ko si Cloe at mga kaibigan niya yung mga kasama niya" sagot niya

"Bakit mo sila sinama dito?" Iritadong sabi naman ni Gio

"Hindi ko sila inaya, nagpilit sila na sumama sa akin. Nakita ko sila kanina sa lobby at bigla nalang nila akong nilapitan. Ang sabi ko nga pupuntahan ko mga kaibigan ko at sabi nila sama daw sila. Sinabi ko naman na puro lalaki tayo dito pero nag pumilit pa rin sila" paliwanag naman nito

"Paano pag nalaman to ni Samantha? Kaibigan niya yung sa harapan ng unit ko paano kung magsabi yon na may babaeng pumasok dito?" Sabi naman ni Gio

"Si Eunice ba?" Tanong ko kay Gio

"Oo, kakalipat lang last week at si Samantha ang tumulong sa kanya" sagot sa akin ni Gio

"Shit! Sigurado damay din ako dito. Mag bestfriend sina Yhnna at Samantha kaya sigurado na sasabihin din ni Samantha kay Yhnna na kasama niyo ako dito" sabi ko naman

"Relax lang mga pre, wala naman kayong ginagawang masama. Wala tayong ginagawang masama, nakikipag kaibigan lang naman yung tatlo sa atin" sabi naman ni Anthony

"Kahit na, hindi mo dapat sila isinama hanggang dito, mabuti pa paalisin mo na sila" sabi naman ni Gio

"Okay okay sasabihin ko nalang na aalis tayo, ihahatid ko lang sila sa labas" sabi naman ni Anthony

*****

"Girls I'm sorry pero nakalimutan ko kasing may lakad pala kami ng mga kaibigan ko, hatid ko nalang kayo sa labas?" Sabi ni Anthony na naka ngiti sa mga babae

"Awww.. hindi niyo ba kami pwedeng isama?" Tanong ng isang babae na naka kandong kay Luke

"Oo nga naman, sama niyo nalang kami" sabi naman nung Cloe na lumapit pa sa akin at yumakap sa kamay ko. Agad ko naman tinanggal ang kamay niya at malamig na tumingin sa kanya.

"Pasensiya na girls pero next time nalang ha? Busy lang talaga ngayon" sabi ni Anthony

"Ang mabuti pa ay ihahatid na namin kayo sa may elevator" sabi naman ni Gio

"Okay, pero tawagan mo ko ha?" Sabi ulit nung isang babae kay Anthony at hinalikan ito sa labi. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila

Nauna ko ng buksan ang pinto para maihatid na nila yung tatlong babae, pag bukas ko ng pinto ay ang mukha ni Samantha at Yhnna ang nabungaran ko na akmang kakatok palang.

"Hello kuya! Si Gio?" Agad na tanong ni Samantha

"N-nasa loob si Gio kasama ang barkada" malakas kong sabi at lumabas.

"Tapos na kayong mag shopping?" Tanong ko habang naka tingin sa isang paper bag na bitbit ni Samantha. Niyakap ko naman ang baywang ni Yhnna at hinalikan sa pisngi. Niyakap din niya ang isa niyang kamay sa baywang ko at matamis na ngumiti.

"May ibibigay lang ako kay Gio kuya, tara sa loob?" Sabi naman ni Samantha

Agad pinihit ni Samantha ang pinto at binuksan yon. Nakangiting Gio ang naabutan namin na pawis na pawis ng pumasok kami sa loob ng unit niya.

"Hello" nakangiting bati naman ni Joseph na tumayo sa kinauupuan niya.

"Asan yung iba?" Tanong ni Samantha

"Hindi niyo ba nakita sa baba? Nauna na kasi silang umalis balak kasi naming pumunta sa mall" mabilis na sabi ni Gio

"Hindi eh anong gagawin niyo sa mall?" Tanong pa ni Samantha. "Siguro sinabi ni kuya na nasa mall kami ni Yhnna at balak niyong sundan no?!" Dagdag pa niya

"Oo" - Gio

"Hindi" - ako

Natatawa namang tumingin sa amin si Joseph.

"Oo at hindi. Oo sinabi ni Stephen na nasa mall kayo, at hindi naman dahil hindi kami sumusunod sa inyo, balak kasi naming maglaro ng Arcade games sa quantum dahil bitin kami dito" nakahinga ako ng maluwag ng makapag palusot si Joseph

"Buti naman, akala ko sinusundan niyo kami" sabi ni Samantha

"Buti pa tara na baka mainip yung tatlo don" sabi naman ni Gio at inakay palabas si Samantha.

"Teka lang" biglang sabi ni Samantha

"B-bakit?" Sabi naman ni Gio na nag punas ng pawis niya

"May binili kasi ako, ilalagay ko lang sa kwarto mo" sabi ni Samantha na naglakad papunta sa kwarto. Agad namang hinawakan ni Gio ang kamay ni Samantha at sinabing siya nalang maglalagay mamaya pag uwi niya. Nakakahiya daw kasi ang kwarto niya dahil hindi pa siya nakapag ligpit. Kinuha niya sa kamay ni Samantha ang paper bag at inilagay iyon sa may sofa.

"Gusto nito bang sumama sa mall?" Tanong ni Joseph kina Yhnna. Tumingin naman ako kay Yhnna at ngumiti.

"Huwag na ako, pero kung gusto ni bessy isama niyo nalang din siya" sabi ni Yhnna

"Masakit na din ang paa ko kaya kayo nalang, next time nalang siguro" sabi naman ni Samantha

"Ihahatid nalang kita" sabi ko kay Yhnna

"Huwag na, sasabay nalang ako kay bessy" sagot niya sa akin.

"Hindi, ako na maghahatid sayo" pilit ko.

"Sige ihatid niyo na muna sila at hintayin nalang namin kayo sa mall" sabi ni Joseph

"Hindi na, kasama ko driver ko. Si kuya nalang maghahatid kay bessy kasi sigurado naman na hindi yan magpapatalo" sabi ni Samantha

"Kung ganon ay hintayin ka nalang namin sa mall pre" sabi naman ni Gio.

"Sige kita nalang tayo sa quantum" sagot ko

"Huwag na huwag kayong mamba babae kung gusto niyo pang mabuhay ng matagal" sabi naman ni Samantha

Tumawa naman ng malakas si Joseph at sinabi na loyal kami sa kanila kaya wala dapat silang ipag alala. Nang makaalis na kami ay siya palang hinga ko ng maluwang. Ngumiti agad ako kay Yhnna at kinuha ang kamay niya at hinalikan.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height