Ang Boyfriend Kong Manyak/C34 Cutie Pattotie
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C34 Cutie Pattotie
+ Add to Library

C34 Cutie Pattotie

Stephen's POV

"Good Morning" Bati ko kay Yhnna na kabababa lang mula sa kwarto nito. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.

"Good Morning" sabi naman niya at matamis na ngumiti sa akin. Hinalikan nito ang pisngi ko at niyakap ang isang kamay ko.

"Kuya sabay ako sa inyo ha?" Sabi ni Yael na lumapit sa amin.

"Sige, ikaw bahala" sagot ko naman dito.

"Mamaya na kayo mag kwentuhan diyan at hindi maganda pinaghihintay ang pagkain" sabi naman ni Tita Yolly

"Pagpasensyahan mo na ang almusal namin Stephen ang totoo ay ito na ang pinaka masaganang almusal namin" sabi ni Tito

"Salamat po Tito sa pagkain, lagi nalang po napaparami ang kain ko dito at kulang nalang ay ubusan ko kayo. Ako po ang dapat pag pasensyahan niyo dahil sa loob ng isang buwan ay walang mintis na pinapakain niyo po ako ng libre" natatawang sabi ko

"Ang batang ito, napakaliit na bagay lang niyan kumpara sa ginagawa mo para kay Yhnna sige na kumain ka lang" sabi ulit ni Tito

"Salamat po" sabi ko na ngumiti.

Kukunin pa dapat ni Yael ang kapirasong daing na bangus ng sawayin ito ni Tita.

"Sa kuya Stephen mo yan" sabi ni Tita at inilagay ang bangus sa plato ko. Sumimangot naman si Yael at pinag tyagaan nalang ang talong na ulam niya. Hinati ko naman ang bangus sa dalawa at inilagay sa plato ni Yael ang kalahati.

"Thank you kuya!" Masayang sabi naman ni Yael sa akin. Mahinang batok naman ang isinukli sa kanya ni Tita.

"May ulam kana pinag interesan mo pa ang sa kuya mo hindi kana nahiya" sabi ni Tita

"Okay lang po tita ang dami naman pong piniritong talong, ang sarap po pala nito" sabi ko na isinawsaw sa bagoong ang talong at isinubo

"Thank you kuya" sabi ulit ni Yael "ako anak nila hindi binibigyan ng extrang ulam sana pala boyfriend nalang ako ni ate" sabi pa niya na ikinatawa namin

"Kapag naman nagka girlfriend ka siguradong bibigyan din ni Mama ng extrang ulam ang girlfriend mo" sabi naman ni Yhnna

"Gusto ko ako ang may extrang ulam hindi yung girlfriend ko" sabi naman ulit ni Yael

"Sabi mo lang yan, pag nagka girlfriend ka siguradong isusubo mo nalang isusubo mo pa sa kanya" sabi ko naman

"Inuubusan mo kaya ako ng pagkain" sabat naman ni Yhnna

"Paano hindi ka naman kumakain" sagot ko

"Anong hindi! Kumakain kaya ako pero inaagaw mo sa akin mga chips ko!" Sagot naman niya

"Lamon ang ginagawa mo at hindi kain, masama din sa katawan ang puro chips kaya kinukuha ko yon sayo" sabi ko naman

"Ahh lamon pala ha? Humanda ka sa akin mamaya" sabi pa niya na naniningkit ang mga mata.

"Tama naman si Stephen puro sitsirya nalang kinakain mo, huwag ka ng mag kaila kahapon lang ang dami mong dalang sitsirya at softdrinks" sabat ni Tita. Sumimangot naman si Yhnna at tinuloy ang pagkain.

"Ma, kina kuya ako sasabay papunta ng simbahan ha?" Sabi ni Yael

"Nakakahiya sa kuya mo, maluwag naman ang tricycle natin at may pupuntahan pa mamaya ang mga yan" sagot naman ni Tita

"Okay lang po tita sa amin nalang po siya sasabay" sabi ko

"Kayong bahala" sagot naman niya

**********

"Kuya bakit iba na naman ang sasakyan mo?" Tanong ni Yael

"Ito kasi nadala ko" sabi ko naman na tinutukoy ang Ford Everest na gamit ko

"Madami kang sasakyan?" Tanong pa niya

"Tatlo lang ito at yung bmw i8 at isang audi A3 sedan" sagot ko

"Yung bmw yun yung lagi mong dala diba? Nasaan naman yung sedan?" Tanong naman nito

"Nasa bahay hindi ko din naman kasi nagagamit buhat ng idineliver yung i8 kaya iniwan ko nalang don" sagot ko

"Sabi ni papa kay mama dati mamahalin daw yung kotse mo at hindi lang basta milyones ang halaga non. Tapos sabi ko kay papa bibili kami ng gaya ng kotse mo kaso sabi niya kahit ibenta pa namin ang lupa't bahay namin kulang pa daw para makabili ng gaya nung sasakyan mo" sabi naman ni Yael

"Kasi Yael mahirap lang tayo at mayaman sina Stephen" sabi naman ni Yhnna sa kapatid

"Mag aral ka ng mabuti at kapag nakapag trabaho ka makakapag ipon kana ng pera at makakabili ka ng kahit anong sasakyan na gusto mo. Hindi mo naman kailangan maging mayaman para magka kotse ng maganda" sabi ko

"Pero kuya diba nag aaral ka palang din? Bakit ikaw may sasakyan na?" Tanong ulit niya. Tumingin ako kay Yhnna at ngumiti.

"Malapit na pala tayo sana may bakante pang lote na pwedeng pag parkingan" pang iiba ko ng topic at kumindat kay Yhnna

**************************

Yhnna's POV

"Ma, mauna na po kami mag go grocery pa po kasi kami" paalam ko kina mama at nag mano sa kanila ni papa ng matapos ang misa. Nagmano din si Stephen sa kanila at hinawakan ang kamay ko

"Kaawaan kayo ng Panginoon at mag ingat kayo" sabi naman ni Mama.

"Sige po Tito Tita mauna na po kami" paalam naman ni Stephen. "Pakabait ka" dagdag pang sabi ni Stephen kay Yael na bahagya pang ginulo ang buhok.

"Mag ingat ka sa pagmamaneho" sabi naman ni papa

********

*Supermarket*

Kumuha ng push cart si Stephen at pilit na pina paupo ako doon at dahil sa kakulitan niya ay pinag bigyan ko naman siya. Ang sabi niya wala hindi pa siya nag grocery mahigit isang buwan na kaya kung ano man ang nakita ko dati sa condo niya ngayon ay wala na talaga.

"Excuse me Sir Maam" sabi ng isang lalaking maliit na mukhang nagtatrabaho sa supermarket

"Yes?" Tipid na sabi ni Stephen

"Sir, baka po kasi masira yung cart-"

"Magkano ba to at babayaran ko ng Triple" sabi naman ni Stephen na hindi na pinatuloy ang gustong sabihin ng lalaki

"Kuya sorry po, paki tulungan niyo nalang po ako akong makababa" sabi ko. Nang akmang tutulungan ako ni Kuyang maliit ay nagsalita ulit si Stephen

"Try to touch my girl and I'll kill you" sabi naman ni Stephen na nag paurong kay Kuyang maliit

"Stephen! Ano kaba!" Saway ko dito at lumapit siya sa akin at binuhat ako para maibaba

"Sorry po" sabi naman ni kuya at mabilis na umalis. Hindi man lang ako naka hingi ng sorry sa inasal ni Stephen.

"Baliw ka talaga" sabi ko habang naglalakad kami papuntang meat section.

"Wala akong ginawang masama" sabi niya habang tinutulak ang cart

"Tinakot mo kaya yung tao" sabi ko sa kanya habang hawak ang dalawang hotdogs na magkaibang brand. "Anong gusto mong brand?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko siya tinakot dahiñ papatayin ko talaga siya kapag hinawakan ka niya" sabi niya at kinuha ang dalawang hotdogs na naka pack ng tig 500g sa kamay ko at inilagay sa cart. Kumuha din siya ng mga chicken nuggets, tocino, longganisa at bacon at inilagay sa cart.

"Huwag naman masyadong madami baka naman ma expired lang sayang naman" sabi ko at ibinalik ang ibang kinuha niya. "Sa bahay ka nalang kumain lagi para hindi puro process foods ang kinakain mo" dagdag ko pang sabi at lumingon sa kanya. Agad naman niya akong dinampihan ng mabilis na halik sa labi at ngumiti.

"Napaka PDA mo talaga nasa supermarket tayo at ang daming tao" sabi ko na kinurot siya sa tagiliran niya.

"Eh ano naman kung maraming tao? Tignan mo yung iba naka akbay din naman sila sa mga kasama nila" sabi niya na nilibot pa ang tingin.

"Baliw! Mag asawa kaya mga yon!" Sabi ko nung makita ang tinitignan niya

"Kunwari mag asawa din tayo" sabi naman niya na hinigit ako sa tabi niya at inakbayan din.

"Sino kaya maniniwala na mag asawa tayo sa edad natin no?" Sabi ko naman na inilagay ang mga kamay sa cart at tinulak yon.

"Pake ko sa kanila? Kung ayaw nilang maniwala edi huwag basta huwag lang silang lalapit sayo at kakausapin ka" sabi naman niya na naka nguso

"Ewan ko sayo. Bahala ka nga diyan" sabi ko at pumunta sa pwesto ng mga manok.

"Ano bang gusto mong lutuin ko?" Tanong ko sa kanya

"Kahit ano misis" sabi niya na naka ngiti. Kumuha siya ng plastik at naglagay ng liempo sa loob noon. Sa isang plastik naman ay pork chop naman ang inilagay niya. Kumuha naman ako ng dalawang kilong drumstick at tig kalahating kilo ng chicken breast at wings. Kumuha din ito ng beef chuck cuts at tinanong ako kung gusto ko bang kumain ng pusit.

"Bakit ikaw ba magluluto?" Tanong ko na nakangisi sa kanya

"Walang problema yun lang pala" mayabang na sabi niya at kumuha ng isang kilo ng pusit at mga sugpo. Kumuha din siya ng oysters at tatlong piraso ng bangus.

"Ang dami naman niyan mag papa fiesta ka ba?" Sabi ko na ibinabalik yung iba pero pinigilan ang kamay ko.

"Mag pa praktis akong magluto para sakali kung reject may reserba ako" sabi niya

"Hindi mo naman kasi kailangan mag praktis magluto, ipagluluto nalang kita ng kahit anong gusto mo" sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin at pumunta sa may mga gulay at prutas. Hinayaan ko siyang kumuha ng mga prutas na gusto niya habang ako naman ang namimili sa mga gulay. Kumuha na din ako ng mga condiments and spices at kinumpleto ang mga yon.

Nung napadaan kami sa wine section ay agad itong kumuha ng dalawang red wine at white wine kumuha din siya ng isang bote ng champagne at hinayaan ko nalang. Kumuha din ako ng isang bote ng maliit na rice wine at inilagay yon sa push cart.

Inihatid niya ako sa may counter 4 at sinabing kukuha lang siya ng chips at fries. Pagbalik niya ay may dala itong isang basket na may lamang eggs, butter, fries, chips at hindi ko mabilang na san miguel light in can. Tinaasan ko siya ng kilay at tinitignan mga alak na nasa basket niya.

"Para sa barkada kapag pumapasyal sila" todo ngiti pang sabi niya.

"Barkada ha" bulong kong sabi at umakbay siya sakin. Inabot niya ang card niya sa cashier na todo ngiti sa kanya.

"Ehem, miss okay na?" Taas kilay na tanong ko sa cashier na nag tutwinkle twinkle ang mata sa pag titig sa aking gwapong boyfriend.

"Okay na po mam pa pirma nalang po sir dito" sabi niya na ngumiti kay Stephen na kita pati gilagid. Tumingin naman ito sa akin at sumimangot.

"Tsk" sabi ko nalang at tumingin sa akin si Stephen na ngumingiti.

"Lets go?" Sabi niya sa akin at inaya na akong maglakad palabas habang tinutulak ang push cart na may lamang pinamili namin.

"Saya natin ha?" Sabi ko habang pasakay na ito sa sasakyan niya.

"Ang cute mo kasi" sabi niya at ini start ang sasakyan

"Dyosa nga ako!' Sabi ko at inirapan siya

"Ang cute cute mo" sabi niya ulit na tumatawa

"Isa pang cute masasapak na kita!" Sabi ko

"Hahaha!" -siya

"Tawa pa!" -ako

"Hahaha!"-siya

"Mamatay ka sana sa kakatawa!" -ako

"Hahahahahaha!!!!!" -siya

"Bababa na ako!" Sigaw ko

"Malayo pa tayo" sabi naman niya

"Uuwi na ako! Mangisay ka diyan sa kakatawa!" Sabi ko

"Nag jojoke lang naman ako" sabi naman niya

"Ako hindi nag jojoke! Ihinto mo to o tatalon ako sa labas?!" Sabi ko

"Naka lock ang pinto hindi ka makakalabas" sabi niya

"Ihinto mo sabi!" Sigaw ko

"Sandali, itatabi ko" Tarantang sabi niya habang itinatabi ang sasakyan.

Agad niyang hinawakan ang kamay ko at nag sorry sa akin, nag jojoke lang daw ito kaya huwag na akong magalit.

"Lalabas na ako tanggalin mo sa pagkaka lock ang pinto" sabi ko.

"Sesa naman" sabi niya

"Bubuksan mo ito o babasagin ko salamin nito?!" Sabi ko at kinuha ang sandals ko na may maliit na takong. Narinig ko namang nag click ang lock kaya sinuot ko ulit ang sandals ko at tuluyang lumabas ng pintuan. Sumunod ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo ako kundi si sigaw ako ng holdaper! Kukuyugin ka sigurado ng mga tao dito" sabi ko sa kanya at tinanggal ang kamay niya at mabilis na naglakad. Ramdam ko naman na naka sunod siya sa likuran ko kaya mas binilisan ko pa ang paglakad.

Nang palagay ko ay wala na siya sa likuran ko ay binagalan ko na ang lakad ko at pumasok sa kung ano anong shop na na dadaanan ko. Nakita ko yung babae na may hawak na tuta at galing siya sa may pet shop sa may di kalayuan.

Agad akong pumasok sa may pet shop at tinignan ang mga hayop na naroon. Pinakuha ko pa kay Ateng maganda yung maliit na shih tzu na kulay puti na may itim at brown na kulay sa may tenga niya at sa ibang part ng katawan.

"Ate magkano po siya?" Tanong ko kay Ateng maganda

"Six thousand lang po maam" nakangiting sabi sa akin ng tindera. Ang mahal naman 200 nga lang ang pera ko sa wallet ko sabi ko sa isip ko.

"Gusto niyo po ba maam?" Tanong ulit niya sa akin.

"Sino namang hindi gugustuhin ang cutie pattotie na to?" Sabi ko kay Ateng ganda at hinalikan pa ang cute na tuta.

"Malapit na akong magselos" sabi ng pamilyar na boses sa may likuran ko. Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman kung sino yon. Hinimas himas ko ang ulo ng tuta at idinidikit sa ilong ko.

"Kukunin na namin miss" sabi ni Stephen na nasa tabi ko na. Nanlaki ang mga mata ko noong kuhanin niya sa kamay ko ang tuta at kinarga ito.

"Okay po sir" sabi naman ni Ateng maganda

"Pati na pagkain niya at cage, paki kumpleto nalang po mga gamit niya" sabi pa ni Stephen. Pinahid ko ang mga luhang nagsisimulang mahulog sa pisngi ko nung lapitan niya ako.

"Sesa bakit ka umiiyak" tanong niya habang pinapahiran ang pisngi ko

"Akin kasi yan eh" sabi ko habang sumisinghot "babalikan ko naman siya kapag may pera na ako pero inagaw mo siya sa akin" sabi ko pa na tuluyan ng umiyak.

"Sesa hindi ko siya inagaw. Binili ko ito para sayo" sabi niya na inabot sa akin ang tuta at pinunasan ang mga luha ko. Dinampihan niya ako ng mabilis na halik sa labi at nagsabi ng i love you

"I love you too" sabi ko "Sure ka sa akin na to?" Naka pout na sabi ko. Tumango ito at ngumiti sa akin.

"Thank you" sabi ko na nakangiti at hinalikan siya sa labi

"Bati na tayo ha?" Sabi pa niya

"Oo baka kunin mo pa sa akin tong baby ko" sabi ko na inilayo pa si tootsie sa kanya.

Yep! Tootsie ang pangalan niya kasi cutie pattotie siya. =))

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height