+ Add to Library
+ Add to Library

C35 Sexy back

Yhnna's POV

"Bakit naman tootsie pinangalan mo?" Tanong sa akin ni Stephen habang karga ko si tootsie at buhat naman niya lahat ng pinamili namin. Iniwan nalang niya sa sasakyan niya yung mga stuffs na binili niya para kay baby tootsie.

"Bakit ba? Cute kaya" sabi ko na inirapan ko siya at pumasok na sa elevator.

"Kung nagsasalita lang yan sasabihin ang pangit ng pangalan niya" sabi niya na pinindot ang number 6 button at tumabi sa akin.

"Mag uumpisa ka na naman ba?! Mas pangit naman ang gusto mo na pangalan niya. Seriously Macho? Hello! Girl ang baby ko" Sabi ko

"Akala ko kasi lalaki" sagot niya

"Kung lalaki siya pa pangalanan ko ng Lucas" sabi ko na nakangiti

"Alam mo bang pinagtanong ko pa sino ang kaklase niyo na Lucas ang pangalan? Buti nalang narinig ko si Gail na nakikipag kwentuhan sa kaklase niya at sinabi na napanood na niya ang buong series ng descendants of the sun. Kung hindi pa niya nabanggit na may pangalang Lucas sa kinukwento niya hindi ako titigil sa paghahanap. Tapos kinuwento niya sa kasama niya na iisipin na namatay si Lucas at yung Diego pero hindi naman talaga. Hindi daw sila naka uwi dahil kinulong sila ng mga taga North Korea, nakatakas daw sila dahil yung tinulungan nilang North korean ay tinulungan din sila" mahabang sabi niya

"Ang hilig mo talagang makinig ng usapan ng iba no? Napaka tsismoso mo talaga! At panira ka eh.. sinusubaybayan ko kaya yon tapos i kukwento mo lang!" Sabi ko habang naglalakad palabas ng elevator

"Hindi ko sinasadyang mapakinggan usapan nila hinahanap ko nga kasi yung Lucas. Buti nga dinescribe nung kaibigan ni Gail yung Lucas at napahinto ako dahil kagaya ng paglalarawan mo yung Lucas din na sinasabi niya. Kung hindi ko lang nalaman kung sino si Lucas hanggang ngayon hinahanap ko yung gagong yon panigurado" sabi pa niya

"Bakit mo naman hinahanap?" Tanong ko

"Bubugbugin ko sana" mayabang na sabi niya at isinwife yung card niya sa pinto ng unit niya

"Ikaw pa bugbugin non. Kita mo naman ang katawan niya ang yummy!" Sabi ko at umupo sa sofa. Hinayaan ko siyang dalhin niya ang mga pinamili namin sa kusina.

"Kung makakatama siya" sabi pa niya

"Yabang mo! Isang suntok lang sayo non tulog ka panigurado" sabi ko habang binababa sa sofa ang natutulog na si Tootsie

Umupo naman si Stephen sa tabi ko at hinubad ang polo shirt na suot niya.

"G-ginagawa mo?" Tarantang sabi ko at binuhat ulit ang tulog na si Tootsie at umurong hanggang sa may dulo ng sofa.

"Wala. Mainit kaya nag hubad ako ng pang itaas" nakangiti nitong sabi

"Mag damit ka nga!" Sigaw ko sa kanya

"Ayaw mo sa view?" Tanong pa nito at lumapit sa akin. Halos tumulo ang laway ko sa pag titig sa mga pandesal niya. Oh my ghad why so hot naman this guy! Sigaw ng utak ko. Para naman akong baliw na umiling iling para mawala sa isip ko ang bumubukol na pandesal nito sa tiyan.

"Magbihis kana nga! Ang pangit ng katawan mo!" Pasigaw kong sabi

"Oh? Kaya pala kulang nalang tumulo laway mo sa kakatitig sa 6 pack abs ko" sabi niya ng nakakaloko at ngumisi. Pinaningkitan ko naman siya ng mata

"Asa kapa! Ambisyoso!" Sabi ko at pumunta ng kusina. Uminom muna ako ng malamig na tubig bago maayos na inilagay sa cupboard ang mga pinamili namin. Inilagay ko naman sa freezer ang mga meats at sa chiller naman sa mga gulay. Lumapit sa akin si Stephen na ngayon ay naka sando na.

"Anong gusto mong lutuin ko?" Tanong ko sa kanya habang binabanlawan ang mga sugpo at inilagay sa may food container.

"Ikaw kung anong gusto mo" sagot naman niya

"Gusto mo tikman ang chicken cream soup ko?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit ano basta luto mo siguradong masarap" sabi niya

"Nambola ka pa, sarciadong galunggong, tinola at tocino't tuyo palang natikman mo sa mga luto ko kaya huwag mo na akong bolahin" sabi ko na kinukuha sa ref ang mga manok at gulay. Kumuha din ako ng karne ng baka dahil balak ko talaga siyang i pagluto ng caldereta.

"Ang galing naman" sabi niya na yumakap sa akin mula sa likod habang pinapanood akong manghiwa ng gulay.

"Oo nalang" sabi ko "Mabuti pa tulungan moko ikaw na mag balat ng sibuyas at manghiwa para mabilis tayo matapos" dagdag ko pang sabi

"Yes boss!" Sabi niya at kinagat ang balikat ko bago siya kumuha ng bagong chopping board at tumabi sa akin.

Ilang minuto lang ay nadinig ko ang mahinang pag singhot niya mula sa tabi ko ng lingunin ko ito ay namumula ang ilong nito at may mga mumunting luha ang nasa sulok ng mata nito.

"Akala mo naman sinong tigasin kapal ng mukha para sabihing hindi makakatama si baby Lucas sa kanya eh sa sibuyas palang umiiyak na" bulong ko na pigil ang tawa pero sapat na para marinig niya.

"Kahit sino iiyakan ko at kung kailangan mag makaawa pa ako gagawin ko kahit paluhurin pa ako gagawin ko huwag ka lang agawin sakin" mahinang sabi naman niya. Tinignan ko naman siya na seryoso sa paghihiwa ng sibuyas

"What?" Tanong niya nung mapansin niya na nakatitig lang ako sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya at pinahiran ang ilong niya.

"Tumutulo na kasi sipon mo kadiri kung mapunta sa sibuyas" sabi ko

"Sus! Kung hindi ko lang sana nababasa nasa isip mo" sabi niya na nakangisi sa akin

"At ano naman ang nasa isip ko aber?" Taas kilay na tanong ko

"Na sobrang gwapo ko" sabi niya na kinindatan ako at nag pogi sign pa

"Ay grabe! Tindi ng hangin mo level 99999999999 na!" Sabi ko na natatawa

"Kapit ka lang sa abs ko baka tangayin ka" sabi naman niya na tumatawa

"Jusko! Ang kapal! Abs daw! Abs na walang laman naman! Pustahan tayo mamon ang sa iyo at hindi pandesal" sabi ko

"Kaya pala kanina hindi matanggal tingin mo sa katawan ko" sabi naman niya

"FYI lang manong kung napatingin man ako sa katawan mo yun ay dahil sinusuri ko kung tunay ba o thank you steroids lang! At sa nakita ko mukang inject lang naman ang mga nagkukunwaring pandesal mo sa tiyan. Mga ilusyunadong mamon po sila kaya huwag kang ambisyoso" sabi ko at tinapos na ang paghiwa sa huling sibuyas at hinarapan siya

"Mga babae nga naman" sabi niya na nag hubad ng sando at kinuha ang kamay ko at inilagay sa oh so yummy na abs niya. Napakagat labi nalang ako ng hindi ko mapigilan pisilin ang mga matitigas na pandesal nito.

"Enjoying?" Sabi niya na naka ngisi

"Nope! Nakakawalang gana. Tama nga ang hinala ko na Thank you steroids lang" sabi ko na tumalikod sa kanya. Napapikit nalang ako dahil sa pagkapahiya. Niyakap naman niya ako mula sa likuran at hinalik halikan ang leeg ko.

"Ang cute mong mamula" bulong niya sa tenga ko

"Lumayo ka sa akin kundi sasamain ka talaga" sabi ko sa kanya na tinanggal ang mga kamay niyang naka paikot sa may baywang ko.

"Tutulungan nga kita" sabi niya

"Thank you nalang po pero kaya ko na to kaya lumayas ka sa tabi ko para matapos na din ako" sabi ko

"Kiss mo muna ako" sabi niya

"Layas!" Sabi ko at tinakpan na ang chicken cream soup na niluluto ko. Inumpisahan ko naman ang pag prito sa carrots at patatas para sa beef caldereta ko

"Sesa..." tawag sa akin ni Stephen.

"Problema mo?" Tanong ko nung tumingin sa kanya

"Kiss mo muna ako" sabi niya na naka nguso

"Kiskis mo nalang sa pader" sabi ko

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinikiss" sabi pa niya

"Edi huwag kang umalis diyan pake ko? Mas ok nga naisip mo para may taga abot ako" sabi ko na tumingin sa kanya at binelatan

"Gusto ko din naman dito sa pwesto ko kitang kita ko kasexyhan mo habang naka talikod ka sa akin at nagluluto" sabi niya. Mabilis ko namang pinatay ang piniprito ko at tumingin sa kanya.

"Ang manyak mo talaga! Layas! Layas!" Sabi ko habang hinahampas ko ang dibdib niya. Tawa naman ito ng tawa habang sinasangga mga hampas ko

"Kiss mo nga muna kasi ako para dun nalang ako sa sala" sabi pa niya

"Wala! Walang kis- hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong binuhat at ini upo sa Island at hinalikan. Para naman akong nawala sa sarili habang hinahalikan niya. Napakapit ako sa may batok niya at tumugon na din sa halik niya.

"Arf arf" tahol ni Tootsie. Tinulak ko agad si Stephen at bumaba mula sa kinauupuan ko.

"Bakit baby? Gutom ka naba?" Tanong ko kay tootsie at kinarga. Idinikit ko ang basang ilong niya sa ilong ko. "Arf arf" tahol ulit niya at dinilaan ako ilong.

"Wawa naman baby ko, papa kuha ko kay daddy yung foods mo ha?" Sabi ko ulit sa kanya at hinalikan ang ulo.

"Gutom na baby ko kunin mo sa sasakyan mo yung foods niya" utos ko kay Stephen na naka simangot.

"Ang swerteng aso" bulong niya bago isinuot ang sando na nakapatong sa island kanina.

"Kunin mo nalang kasi" sabi ko

"Heto na kukunin na" sabi niya at naglakad palabas.

"Bilisan mo" sabi ko na ngumiti sa kanya bago isinara ang pinto. Sumimangot ulit siya sakin bago tuluyang naglakad palayo.

Umupo ako sa may sofa at sinindihan ang tv at inilagay sa cartoon network yung channel. Tawa naman ako ng tawa habang nanonood ng Oggy and the Cockroaches pinapahirapan kasi nung tatlong ipis yung pusa at ginagawang epic lahat mga ginagawa niya.

"Arf arf" tahol ni tootsie sa tv na para bang nag eenjoy din sa panonood.

"Manood ka muna baby ha? Diyan ka lang. Tatapusin lang ni mommy niluluto niya okay?" Sabi ko at hinimas himas ang ulo niya

Binuksan ko ang takip ng soup na niluluto ko at tinikman iyon. Napangiti ako nung natikman ko ito at napasabi na perfect! Sa pinag prituhan ko naman sa mga carrots ay iginisa ko ang bawang at sibuyas ng naamoy ko na ang aroma ng mga ito ay inilagay ko na ang karne ng baka.

"Sarap ng amoy" sabi ni Stephen na kararating lang at niyakap agad ako mula sa likod.

"Pakainin mo muna si tootsie kawawa naman siya kanina pa yun gutom" sabi ko at inilagay na ang dahon ng laurel at paminta sa niluluto ko.

"Ako din gutom na" sabi niya na kinagat ang braso ko

"Maaga pa wala akong pake! Kaya hindi ako natatapos sa pagluluto dahil sa kamanyakan mo. Gusto mo ng kiss? Sige lang sabihin mo okay lang naman. Dinilaan kaya ni tootsie ang buong mukha ko" sabi ko naman habang hinahalo ang niluluto ko pagkatapos lagyan ng liver spread.

"Malason nga yung bubwit na yon" bulong na sabi niya at lumayo sa akin

"Pag may nangyaring masama naman kay tootsie magdasal kana sa lahat ng pwede mong dasalan!" Sabi ko

"Takot ako" pang i inis pa niya habang hawak ang dalawang lalagyan ng pagkain ng aso yung isa ay may lamang gatas habang yung isa naman ay may dog food. Tinignan ko naman siya ng masama at nginisihan lang ako.

"Humanda ka talaga sa akin mamaya!" Pasigaw kong sabi sa kanya

"Handang handa na ako" sagot pa niya na nangaasar

Nang matapos ako sa mga iniluto ko ay inihanda ko na ang mga ito sa mesa. Nung tatawagin ko na si Stephen ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa may carpet habang nasa tiyan niya si tootsie. Kaya imbes na gisingin ay tumabi nalang ako sa kanilang dalawa at kumuha ng throw pillow at pinanood silang dalawa.

*********************

A/N

Parang gusto kong bigyan ng POV si Tootsie. Lol.

Happy Reading po! ^________^

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height