Ang Boyfriend Kong Manyak/C36 Pinaka gwapo sa lahat ng gwapo
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C36 Pinaka gwapo sa lahat ng gwapo
+ Add to Library

C36 Pinaka gwapo sa lahat ng gwapo

Stephen's POV

Ala una y medya na ng magising ako hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina habang pinapanood sa pagkain niya si tootsie. Napakunot ang noo ko ng makita na nakahiga si Yhnna sa tabi ko at yakap ako. Nasa may gitna naman namin si tootsie na nakalusot ang ulo sa may kamay Yhnna at mahimbing din sa pagtulog.

Nang gumalaw ako ay nakita kong nagising din si tootsie at agad akong dinilaan sa mukha napahagikgik ako ng mahina dahil sa ginawa niya. Minabuti ko ng tumayo para hindi maistorbo ang pagtulog ng aking prinsesa. Binuhat ko si tootsie at ibinaba siya sa may lagayan ng pagkain niya. Pinanood ko siya habang dinidilaan ang gatas na nasa food container niya.

"Ang cute mo pala talaga" sabi ko sa kanya habang pinapanood ko siyang kumain

"Arf arf" tahol naman niya at winigayway ang maliit na buntot

"Baby?" Sabi ni Yhnna na bagong gising lang at agad hinanap si tootsie. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. Itinuro ko naman si tootsie na busy sa pagkain.

"Kanina ka pa gising?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Ngayon lang din" sabi ko at pinaupo siya sa kandungan ko. Niyakap naman niya ako at hinilig ang ulo niya sa akin. I love you Stephen sabi pa niya na ikina ngiti ko. I love you more sesa sabi ko naman at dinampihan ng halik ang labi niya.

"Hindi pa ako naghihilamos" sabi niya na tumatawa. "Dinilaan kaya ako ni tootsie sa buong mukha ko mukha ngang nag mana sayo dahil gustong gusto niyang dilaan ang labi ko" dagdag pa niya

"Okay lang, dinilaan din naman ni tootsie ang buong mukha ko kaya ayos lang din gaya mo adik din siya sa kiss ko" sabi ko naman na hindi mapigilan ang hindi pagtawa.

"Maka adik ka manong ha! Ikaw kaya ang halik ng halik sa akin" sabi naman niya

"Huwag ng ideny buking kana" sabi ko na tumatawa. Tumayo naman siya mula sa pagkakaupo sa akin at hinampas ako.

"Ang hilig mong mang hampas no?" Sabi ko na hinuli ang isang kamay niya na balak din niyang ipang hampas sa akin.

"Ewan ko sayo!" Masungit niyang sabi at binawi ang kamay niyang hawak ko. "Initin ko lang muna ang mga niluto ko para makakain na tayo" sabi niya na tumalikod na sa akin.

"Maya nalang, ligo muna tayo" sabi ko na hinabol ang isang kamay niya

"Waaahhh! Ang manyak mo talaga! Maligo kang mag isa!" Sabi niya na pinaghahampas ulit ako. Tawa lang ako ng tawa habang tinitignan ang namumula niyang mukha. Bigla ko siyang binuhat na parang baboy at pinasok sa kwarto ko.

"Waaahhh!!!! Ibaba mo ako! Walanghiya ka talaga!" Sigaw niya habang pinag ha hampas ako sa likod. Binaba ko siya sa may kama at kinayumos ko agad siya ng halik para tumigil ito sa pagsigaw.

"A awww!" Sabi ko dahil kinagat niya ang labi ko. Nalasahan ko naman ang dugo sa labi ko dahil sa pag kagat niya.

"Yan! Buti nga sayo! Ang manyak mo kasi!" Pagalit pang sabi niya at hinampas ulit ako. Pabagsak niyang sinara ang pinto ng kwarto ko at tuluyang lumabas. Hinawakan ko naman ang labi kong kinagat niya at napangiti. Agad naman akong pumasok sa banyo at mabilis na naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Yhnna na naka upo sa may sala at nanonood ng tv. Tinignan naman niya ako at sumimangot.

"Na init ko na yung ulam kumain na tayo" sabi niya na naka simangot pa rin

"Okay" sabi ko naman at sumunod sa kanya

"Ahh! Na sobrahan yata ako ng kain sarap mo magluto" sabi ko at tumingin sa nakasimangot na si Yhnna.

"Ako na magliligpit" sabi ko at kinuha sa kamay niya ang mga plato.

"Bahala ka" sabi lang niya at nilagpasan ako. Mabilis ko naman iniligpit ang mga pinagkainan namin at nilinis ang mga ito.

Nang matapos ako ay lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Sorry na" sabi ko at kinuha sa kandungan niya si tootsie at kinarga. Hindi naman siya kumibo at patuloy pa rin sa panonood ng tv

"Baby oh! Galit si mommy mo sa akin" usap ko kay tootsie na iniangat pa siya hanggang sa mukha ko.

"Arf arf" tahol naman ni tootsie na parang naiintindihan ako

"Naiintindihan mo ba baby? Sabihin mo kay mommy na I love you" usap ko pa rin sa kay tootsie

"Arf arf arf" tahol ulit nito. Nakita ko naman ang pag sulyap ni Yhnna sa amin ang pag ngiti nito

"Ang galing naman ng baby namin ngayon naman kiss mo si daddy" sabi ko at inilapit ang mukha ko. Dinilaan naman niya ang mukha ko at tinikom ang bibig ko. Kita ko namang ngumiti ulit si Yhnna at hinaplos ang ulo ni tootsie

"Sabihin mo naman ngayon I love you daddy" sabi ko ulit kay tootsie

"Arf arf" sagot ulit niya at dinilaan ulit ako. Kinuha naman sa akin ni Yhnna si tootsie at siya ang kumausap

"Bite daddy bite" sabi niya at tinapat niya sa braso ko si tootsie pero dinilaan lang naman ni tootsie. "Bite him" ulit niya pero wala naman ginagawa ang cute na tuta

"Come baby" sabi ko na kinausap na parang bata si tootsie. Kinawag kawag naman niya ang buntot nito na parang gusto ngang lumapit sa akin. Binigay naman ni Yhnna sa akin si tootsie at inilagay siya sa dibdib ko. Humiga naman ako sa sofa at nag unan sa binti ni Yhnna.

"Gwapo ba si daddy?" Tanong ko kay tootsie na nginangatngat ang suot kong sando pero hindi man lang ako pinansin nito at patuloy parin sa ginagawa niya.

"Pahiya ka no?" Pang aasar pa sa akin ni Yhnna habang hinahaplos ang buhok ko

"Gwapo naman talaga ako diba?" Sabi ko na tumingala sa kanya

"Di din" sabi niya na pinisil ang ilong ko

"Kasi sobrang gwapo ko" sabi ko na ngumisi

"Kasi sobrang hangin mo!" Sabi niya

"Gwapo naman" sabi ko ulit

"Gwapo nga mayabang naman" sabi niya

"Inamin mo din na gwapo ako" sabi ko na tumatawa

"Never ha! Kapal mo talaga" sabi niya na panitik ang noo ko

"Kakasabi mo lang kaya" sabi ko naman

"Napaka feelingero mo talaga mas gwapo pa rin si Lucas sayo" sabi niya

"Alam ko namang gwapong gwapo ka sa akin kunwari kapa" sabi ko na tumatawa.

"Ewan ko sayo Stephen oo nalang ako" sabi niya na ginulo gulo ang buhok ko

"Sabi ko na nga ba gwapong gwapo ka sa akin eh!" Sabi ko pa na tumatawa

"Oo na! Ikaw na gwapo! Basta ako dyosa" sabi niya pa na binelatan ako. "Kumontra ka pa yari ka sakin!" Dagdag pa niya

"Ang Ganda ganda naman" sabi ko na tumatawa

"Yan ganya magbigay galang ka sa mga magaganda" sabi ulit niya

"Oo nga sesa ang ganda ganda ni tootsie no?" Sabi ko na tumatawa at tinignan ako ng masama

"Syempre Dyosa mommy niya kaya maganda siya" sabi niya na nakataas ang kilay

"Buti hindi din siya dyosa?" Tanong ko naman

"Kasi mukhang unggoy ang tatay niya kaya sa akin lang nag mana ng kagandahan kaya maganda lang siya" sagot naman niya sa akin

"Ahh ganon ba? Kaya pala" sabi ko na tumango tango

"Kaya pala ano?" Tanong niya

"Hindi sesa.. kasi naisip ko lang na kaya pala mabalahibo siya dahil balbon daddy niya. At naisip ko din na kaya pala matakaw siya dahil tababoy ang Mommy niya" sabi ko na tumatawa.

"Ahh ganon?! Inumpisahan mo na naman ako ha?!" Sabi niya na hinampas ako sa dibdib

"Awww! *cough cough*" sabi ko at inubo dahil sa hindi inaasahan na paghampas niya. Nang makita naman niyang seryoso akong nasaktan ay hinimas niya ang dibdib ko at pinaupo sa tabi niya.

"Kasi ikaw eh! Sorry na napalakas yata" sabi niya na niyakap ako

"Okay lang" sabi ko naman at niyakap din siya at hinalikan ang ulo niya

"Huwag mo kasi akong tawaging tababoy hindi naman kasi ako mataba" malambing na sabi niya.

"Ang cute mo talaga" sabi ko na hinawakan ang magka bilang pisngi niya at pinisil

"Dwowsha ngwa akoh" sagot niya sa akin habang pinipisil ko ang pisngi niya

"Ikaw ang nag iisang dyosa sa mga mata ko" sabi ko na hinalikan ang labi niya. Kinawit naman niya ang kamay niya sa batok ko at tumugon sa halik ko. "Mahal na mahal kita" sabi ko habang nakatingin sa mata niya. "I love you too" sagot naman niya "ikaw lang din naman ang pinaka gwapo sa lahat ng gwapo sa mga mata ko" sabi niya at dinampihan niya ako ng mabilis na halik sa labi.

"Ganon ako ka gwapo? Pinaka gwapo sa lahat ng gwapo?" Sabi ko habang yakap yakap siya

"Oo pero huwag ng paulit ulit baka gawin kong pinaka pangit sa lahat ng pangit" sabi niya.

"Okay na yung pinaka gwapo sa lahat ng gwapo baka kasi kapag pinalitan mo ng pangit sabihin pa nila na napaka sinungaling mo mapa away pa ako" sabi ko naman

"Kaya ayaw kitang purihin eh! Lalong lumalakas ang level ng hangin mo" sagot naman niya

"Maganda siya" sabi ko na tumatango habang pinapanood yung babae sa tv. Agad naman akong binatukan nito.

"Nag iisang maganda pala sa mata mo ha?!" Sabi niya

"Wala akong sinabing ganon, sabi ko nag iisang dyosa ka sa mga mata ko. Ikaw din nagsabi na magbigay galang ako sa mga magaganda diba?" Tanong ko

"Uuwi na ako" sabi niya na biglang tumayo at kinuha ang bag niya. Kinarga din niya ang natutulog na si tootsie. "Uwi na tayo baby ha?" Sabi pa niya

"Ang aga pa wala pa ngang 4 o'clock" sabi ko

"Ihahatid mo ba kami o mag je jeep nalang kami?" Sabi niya na nakataas ang kilay

"Ginawa ko na naman?" Sabi ko

"Magbigay galang ka nalang sa mga magagandang nakikita mo!" Sabi niya at naglakad palabas.

"Sandali lang" sabi ko at mabilis na hinablot ang susi ng kotse ko

"Ang init na naman ng ulo mo" sabi ko nung makasakay kami ng elevator

"Huwag mo akong kausapin kung ayaw mong masaktan" sabi pa niya. Inakbayan ko nalang siya at hindi kinausap hanggang sa makasakay kami ng kotse. Binuksan ko nalang ang radyo at nag play ang kanta ng Ezra band na walang iba.

Ilang beses ng nag away

Hanggang sa magkasakitan

Na di alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay

Na napag uusapan

Bigla nalang pinag aawayan

Ngunit kahit na ganito

Madalas na 'di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong makapiling

Sa buong buhay ko

Hinawakan ko ang kamay ni Yhnna at sumulyap na ngumiti sa kanya. Hinalikan ko ang likod ng palad niya at feel na feel na sinabayan ang pagkanta habang natatawa

Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano

Ikaw pa rin ang gusto ko

Tinignan ko naman siya na pigil ang tawa habang hawak ko ang kamay niya na ginawa kong mikropono

Kahit na sinasampal mo ako't

Sinisipa't nasusugatan mo

Ikaw pa rin walang iba

Ang gusto kong makasama

Walang iba...

Napuno ng halakhak niya ang loob ng kotse ko ng matapos kong sabayan yung chorus ng kanta. Pinag hahalikan ko naman ang kamay niya at ipinark ang sasakyan sa may petshop.

"Bakit tayo nandito?" Tanong niya

"Nagmamadali po kasing umalis si cinderella at nakalimutan ang sapatos niya" sagot ko

"Ano?" Tanong niya. "Suot ko naman ang sandals ko ha?" Sabi pa niya. Bumaba na ako ng sasakyan at pinag buksan siya ng pinto.

"Yung pagkain ni tootsie at yung lagayan ng pagkain niya nasa condo nakalimutan kong dalhin" sagot ko at inakbayan siya at naglakad papasok sa shop

"Good afternoon po" salubong ni Ateng maganda kanina na pinagbilhan namin kay tootsie

"Good afternoon ate" Masayang sabi ni Sesa

"Pagbilhan mo kami ng dog foods at food container" sabi ko at tumingin tingin sa loob ng shop. "Pati itong portable dog house at yung kulay pink na bed kennel at yung small crates na may cushioned sa border. Bigyan mo din kami ng magandang shampoo para sa kanya" turo ko kay tootsie

"Okay po sir" sagot naman niya at kinuha nila nung kasama niya mga sinabi ko

"Anong kulang pa na gamit niya?" Tanong ko kay Yhnna

"Ewan ko mukhang wala na, binili mo na yata lahat kahit yung iba na di naman kailangan" sabi niya

"Alin ba don ang di niya kailangan?" Tanong ko

"Gaya nung bed sigurado namang tabi kami matutulog ni tootsie" sabi niya

"Paano pag nasa school ka? Kailangan niya yon" sabi ko at hinalikan siya sa ulo

"Miss potty trainer din at yung white na soft bag carrier" Pahabol ko sa babae

"Sige po sir" sabi naman niya todo ngiti

"Baby oh daming binili ni daddy sayo masyado ka niyang inispoild" sabi ni Yhnna na kinakausap si tootsie.

"Swerte naman ng dog niyo sigurado pag nagka baby kayo mas magiging spoiled siya" sabi nung isang babae na tindera kay Yhnna

"Matagal pa po yon ate sa ngayon si baby tootsie muna" nakangiting sabi ni Yhnna

Paano nga kaya kung magka anak kami ni Yhnna? Sigurado hindi lang siya sa akin magiging spoiled pati na din kay Dad at ate isali mo pa si tanda na matagal na akong kinukulit na bigyan siya ng apo.

"Okay na po sir" tawag pansin sa akin nung babae at nilapitan ko siya

"Tara na?" Sabi ko kay Yhnna na isinusuot kay tootsie ang binili naming bag carrier.

"Okay naba?" Tanong niya na naka ngiti. Tumango naman ako at pinag buksan kami ng pinto nung babae.

"Salamat po" sabi pa ni Yhnna. Hindi ko na narinig ang pag uusap nila nung babaeng tindera dahil inilagay ko sa luggage compartment ng kotse ang mga binili namin.

"Lets go?" Tanong ko kay Yhnna ng makalapit ako sa kanila. Nag paalam na ito sa babae at hinawakan ang kamay ko at naglakad kami papunta sa kotse.

Dumaan muna kami sa may red ribbon at bumili ng brazo de mercedes bago ko siya hinatid sa bahay nila.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height