+ Add to Library
+ Add to Library

C37 Hala!

Yhnna's POV

"Hindi mo yata kasabay si kuya ngayon?" Tanong ni bessy sa akin

"Hindi siya pumunta ng bahay naka off din ang phone niya" sagot ko

"Hindi ko din makontak si Gio nangyari sa mga yon?" Sabi naman niya

"Sandali itetext ko si Luke" sabi ko na kinuha ang phone sa bulsa ko. Tinext ko naman siya at tinanong kung kasama niya sina Stephen at Gio.

"Anong sabi?" Tanong ni bessy.

"Hindi pa siya nag reply kaka send ko lang" sabi ko

After 5 minutes hindi pa rin nag rereply si Luke

"Sigurado ako magkakasama mga yan kagabi tapos nag inom kaya hanggang ngayon wala pa sila" inis na sabi ni bessy

"Hindi naman siguro, magkasama kami ni Stephen kahapon pero wala naman siyang sinabi" sabi ko

"Bessy naman! Syempre kapag sinabi niya na mag iinom sila hindi mo siya papayagan kaya hindi nalang niya sinabi" sagot niya sa akin

"Hindi naman ganon si Stephen, kapag may ginagawa yon kahit yung pagligo lang niya sinasabi sa akin. Alam naman niya kapag ayaw ko hindi niya gagawin" sabi ko naman

"Kaya nga hindi na siya nag paalam diba? Kasi nga ayaw mo uminom siya. Kung nag paalam ba siya papayagan mo?" Tanong pa niya

"Hindi" sagot ko na naka simangot

"Yun nga kaya hindi na siya nag paalam" sabi pa ni bessy.

"Baka nga..." Sabi ko.

"Sigurado ako. Lagot sa akin ang Gio na yan mamaya!" Sabi niya

"Bakit? Kayo na ba?" Tanong ko na naka kunot noo

"H-hindi pa" sabi niya na nabubulol at umiwas ng tingin.

"Bessy sure ka? Ano naba status niyo?" Tanong ko

"M-mag k-kaibigan lang kami gaya ng dati" sagot niya

"Oh? Bakit iba pakiramdam ko sa inyong dalawa? Bakit hindi mo pa kasi sagutin ng masapak mo ng todo kapag naiinis ka gaya ngayon" sabi ko na nakangiti

"Hindi ko siya kailangan sagutin para masapak lang siya, Okay na kami sa ganito" sagot niya sa akin

"Alin ang okay? Na mag MU kayo? Malabong usapan lang bessy? Paano kung dahil sa malabong usapan na yan ay may makita siyang iba?" Sabi ko naman

"Subukan lang niya ng mapatay ko siya!" Sagot niya sa akin. Tinusok tusok ko naman ang tagiliran niya

"Uyyy! Si bessy inlab" sabi ko at patuloy sa pagtusok sa tagiliran niya.

"Ano ba nakikiliti ako" sabi niya na tumatawa

"Amin na kasi na in love kana kay Giong kulot" sabi ko

"Tse! Wala akong aaminin" sabi niya at tumayo. Niyakap ko naman ang kamay niya at tinukso pa rin kay Gio habang papasok sa classroom.

*****

*Vacant*

"Bessy hindi pa rin ba tumawag sayo si Gio?" Tanong ko

"Hindi pa nga eh naka off din ang mga phone nina Anthony at kambal" sabi niya habang naka salungbaba sa mesa sa may canteen habang sinisipsip ang softdrinks niya.

"Nag aalala ako bessy.. kapag wala pa sila mamayang lunch pupuntahan ko si Stephen sa condo niya. Nagluto kasi ako kahapon don baka yun ang ginawa nilang pulutan. Naalala ko kasi na bumili siya ng alak kahapon sa supermarket, sabi niya sa barkada daw. Baka napasobra sila ng inom at kung ano na nangyari sa kanila" sabi ko na

"Sama ako" sabi naman niya

"Sige" sabi ko naman at tipid na ngumiti

"Diba monthsary niyo ni kuya ngayon?" -bessy

"Oo" malungkot na sabi ko. "Pero mukhang nakalimutan naman niya" sabi ko pa

"Hindi kaya may binabalak si kuya? Kaya hindi pumasok?" Sabi naman niya. Seryoso naman akong tumingin sa kanya.

"Pero bakit pati sina Gio hindi pumasok?" Tanong ko

"Parang hindi mo naman alam ang mga yon hindi sila makakagalaw kung kulang ng isa" sabi naman ni bessy

"Good Morning" sabi ni Gio na kasama si Jonas. Umupo sila sa paharap sa amin habang hinihintay si Anthony na umoorder ng pagkain nila.

"Bakit ngayon lang kayo? Nasaan si kuya?" Tanong ni bessy sa kanila

"Wala bang good morning muna?" Tatawa tawa pang sabi ni Jonas

"Wala! Kaya sagutin niyo tinatanong ko" Mataray na sabi ni bessy

"Napuyat ako kagabi kaya late na akong pumasok" sabi naman ni Gio "alam ko gumawa ng project sina Luke at Stephen. Wala paba sila?" Tanong pa niya

"Ako tinext lang ni Anthony sabi late daw papasok kaya hinintay ko nalang sila sa Rooftop" sabi naman ni Jonas

"Eh si Joseph nasaan?" Tanong ko naman

"Nandiyan lang yan sa tabi tabi" sagot niya sa akin

"Pero bakit hanggang ngayon wala pa sina Stephen?" Tanong ko

"Baka hindi pa tapos sa project nila alam ko kasi deadline na yon ngayon" sagot pa ni Jonas

"Good Morning!" Masiglang bati naman ni Anthony at kumuha ng isang monoblock chair sa kabilang mesa at umupo sa tabi ni Jonas

"Morning" tipid kong sabi at pilit na ngumiti

"Bakit parang lungkot mo Yhnna may problema ba?" Tanong niya sa akin at binigyan ako ng pineapple juice at sandwich.

"Wala kasi si kuya" sagot niya kay Anthony at kumagat ng sandwich na bigay din ni Anthony

"Sabi sa akin bukas nalang daw siya papasok, hindi ba sinabi sayo?" Sabi ni Anthony na tumingin sa akin

"W-wala siyang nabanggit sakin eh" sabi ko naman

"Nakapagtataka naman" balewalang sabi niya na kumagat din ng sandwich niya

Halos maiyak naman ako sa pag aalala kay Stephen at kung bakit hindi man lang siya nag text sa akin kung wala siyang balak pumasok. Napaka halaga pa naman ng araw na to sa amin pero sadyang nakalimutan nga niya siguro o baka hindi niya talaga alam. Malapit ng tumulo ang luha ko nung marinig ko si Jonas na binanggit ang pangalan ni Luke at ni Stephen. Tumingin sa akin si Jonas habang kausap niya si Luke.

"Sorry daw kung hindi ka daw na replayan ni Luke, kakagising lang daw niya at ngayon lang nabasa ang text mo" sabi niya sa akin

"Okay lang, sinabi ba niya kung magkasama sila ni Stephen?" Tanong ko

"Lasing daw at mahimbing pa ang tulog kaninang umalis daw siya sa condo ni Stephen" sagot niya sa akin

"Kanina? Ibig sabihin inumaga sila kakainom? Akala ko ba may ginagawa silang project?" Tanong ko

"Yun din ang alam ko" sagot naman niya sa akin. Yung pag aalala ko kay Stephen kanina ay napalitan ng inis. Mariin kong kinagat ang labi ko hanggang sa malasahan ko ang pagdurugo nito.

"Pupuntahan namin siya mamaya, gusto mong sumama?" Tanong naman ni Gio

"Sama ako!" Sabi ni bessy na todo ngiti

"Sige ikaw bahala" balewalang sabi naman ni Gio

"Ano Yhnna sama ka?" Tanong naman ni Anthony

"Huwag nalang, papasok naman yon bukas" sabi ko at tipid na ngumiti

"Ang kj nito! Sama kana bessy para may kakwentuhan ako. Iiwan mo ako sa mga pokemon na to?" Sabi naman ni Samantha

"Ako si Arceus" sabat naman ni Gio

"Si Rayquaza ako" sabi naman ni Jonas

"Darkrai nalang akin" sabi naman ni Anthony

"Mga ambisyoso!" Sabi naman ni bessy. "Si Gio si Squirtle kasi cute, si Jonas naman si magmar kasi pula ang buhok at si Snorlax naman si Anthony kasi.."

"Baboy" sabay na sabi naman ni Gio at Jonas hindi ko naman mapigilan ang pagtawa din.

"Nakakahiya naman sa abs ko" sabi niya na tinaas ang suot na uniform. Nabatukan tuloy siya ni Gio.

Pansamantalang nakalimutan ko si Stephen at ang inis ko sa kanya. Pero nung oras na ulit para sa next subject namin ay naisip ko nanaman siya. Tinext ko ulit siya pero hindi talaga nag rereply.

"Huwag mo ng i-text pupuntahan naman natin siya mamaya after class" sabi ni bessy

"Kayo nalang siguro, baka magalit pa yon" sabi ko

"Bakit naman siya magagalit? Matutuwa pa nga yon kapag nakita ka" sabi pa niya

"Huwag na, hintayin ko nalang tawag niya" sabi ko at tipid na ngumiti

"O sige ako na bahala pagalitan siya" sabi niya.

*****

*Lunch*

"Nasan yung iba?" Tanong ni bessy kay Gio na inihahanda ang lunch namin sa may rooftop. Naabutan namin kasi siya sa labas ng classroom namin na may bitbit na naka styrofoam na pagkain at inaya kami sa rooftop na kumain. Tumanggi pa nga ako kaso nag pumilit siya, baka daw magalit din si Stephen sa kanya kapag nalaman niyang kumain akong magisa.

"Huwag mo ng hanapin mga yon, busy sila sa mga babae nila" sabi naman ni Gio na naka ngiti.

"Okay, sabi pala ni Yhnna hindi siya sasama mamaya sa atin" sabi ni bessy na umupo sa tabi ko at sinindihan ang tv

"Bakit?" Tanong naman ni Gio na tumingin sa pwesto namin

"Hintayin ko nalang siya tumawag mamaya" sabi ko na ngumiti kay Gio

"Baka daw magalit si kuya kapag sumama siya" sabat naman ni bessy

"Baka nga sa atin pa magalit yon kapag hindi sumama sa atin si Yhnna" sabi pa niya

" 'di yon" sabi ko naman

"Mas maganda pa din kung sumama ka para hindi kana din nag aalala" sabi pa ni Gio habang naglalakad palapit sa amin

"Oo nga" sang ayon naman ni bessy.

"Kain na tayo" sabi ni Gio sa amin at inalalayan si bessy sa pagtayo. Kita ko din ang yakap ng kamay nito sa baywang ni bessy. Tumayo na din ako at nauna na sa may dining table at hinintay sila bago umupo.

Halos hindi ko naman malunok ang pagkain ko dahil sa ka sweetan nila bessy. Kahit hindi ko naman sila tinitignan ay ramdam ko naman ang mga ginagawa nilang pag susubuan. Naalala ko nanaman tuloy si Stephen.

******

"Sige na bessy sumama kana" pagpilit sa akin ni bessy habang hinihila ang kamay ko. Kasama namin ngayon si Gio at sinabi na nauna na daw yung iba sa condo ni Stephen.

"Mag aaral pa ako bessy, hintayin ko nalang tawag ni Stephen mamaya" sabi ko

"Wait tawagan ko si Anthony. Nasa condo na daw sila" sabat ni Gio sa amin. Lumayo ito ng konti sa amin habang nasa tenga niya ang cellphone niya at hinihintay sagutin ng nasa kabilang linya.

Hello pre dinig kong sabi ni Gio

May sakit si Stephen at ayaw uminom ng gamot? Sabi pa niya. Agad naman akong nag alala sa lagay ni Stephen. Napakagat labi ako at tinext ulit si Stephen

Hinahanap si Yhnna? Ayaw naman sumama ni Yhnna pilitin niyo siyang kumain dinig kong sabi pa ni Gio

Sige sige papunta na kami ni Sam sabi niya bago ibaba ang phone niya. Lumapit ito sa amin ni bessy at sinabi na aalis na daw sila.

"Sasama na ako" sabi ko bigla nung hawakan na ni Gio ang kamay ni bessy

"Yehey!" Sabi naman ni bessy na umalis sa tabi ni Gio at niyakap ang kamay ko. Napangiti naman si Gio sa amin at naglakad na papuntang parking lot.

"Dito ako sa likod uupo katabi ni bessy" sabi ni Samantha na diretyong umupo sa may likod. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Gio at umupo din sa likod katabi ni bessy.

"At ginawa niyo pa talaga akong driver" sabi niya nung makapasok din siya sa kotse niya at umupo sa may driver seat.

"Tse!" Sabi naman ni bessy sa kanya at kinausap ako.

*******

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height