+ Add to Library
+ Add to Library

C38 Monthsary

Stephen's POV

"Nasaan na daw ba sila?" Tanong ko sa 4 na kaibigan kong nandito at inaayos ang mga tux na suot nila. Nandito kami ngayon sa may rooftop ng condominium na tinutuluyan ko at kagabi pa ako nagpatulong sa barkada para maayos ang rooptop. Magdamag din akong nag practice sa pagluto ng pagkain namin ni Yhnna para sa monthsary namin ngayon.

"Mag relax ka nga tatawagan ko lang si Gio" sabi ni Jonas

"May aksidente daw kaya na traffic sila pero malapit nalang daw sila" sabi ulit ni Jonas

"Okay lang ba sila?" Tanong ko

"Pre hindi sila yung na aksidente kaya chill ka lang diyan. Punasan mo pawis mo nagiging mukhang dugyot kana" sabi pa niya. Agad ko naman kinuha ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang pawis ko sa noo.

"Okay na?" Tanong ko pa kay Jonas.

"Okay na pre! Pero mas hamak na gwapo pa rin ako sayo" sagot naman niya

"Gago! Libre mangarap" nakangising sabi ko

"Kaya ayokong magka syota eh daming ka artehan" sabi naman ni Luke bitbit ang bass guitar niya.

"Pag ikaw na in love di ka namin susuportahan" sabi naman ni Anthony.

"Asa pa kayo, walang poreber mga tsong!" Sagot naman niya.

"May lalaki din palang bitter no?" Sabi naman ni Joseph

"Ang tanong lalaki ba yan?" Sabi ko naman

"Yun lang!" Sabay sabay namang sabi nina Anthony, Jonas at Joseph. Tawanan naman kami na medyo nagpawala ng kaba ko.

"Fafa sino ba talaga type mo sa amin?" Tanong ni Jonas na lumapit pa kay Luke at malanding inayos pa ang bow tie nito.

"Ikaw Gago!" Sabi naman ni Luke na mabilis hinalikan si labi si Jonas

"Puta! Pwe!" Sabi naman ni Jonas na dumura at pinunasan ang labing na halikan ni Luke.

"Langhiya! Laughtrip kayo puta!" Sigaw naman ni Anthony na tumatawa. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa ko habang si Joseph ay hawak ang tiyan at namimilipit sa kakatawa

"Isa pa fafa ang sarap mo pala" sabi naman ni Luke na kumekendeng pang lumapit kay Jonas. Hinawi pa nito ang kunwaring imaginary hair niya

Game naman na lumapit si Jonas sa kanya na umekis ekis din sa paglalakad habang nasa baywang ang kamay at naka nguso. "Gago ka humanda ka sa aking animal ka" sabi pa niya at hinampas ang balakang sabay sabing pak! Ganern!

Mukha namang natakot itong si Luke at hindi na tinuloy ang paglapit kay Jonas at tumakbo pa at nagtago sa likuran ko.

"Fafa bakit ka nagtatago?" Maarteng sabi naman ni Jonas na nag padyak pa at nag pout. Tawanan naman ulit kami habang pinapanood sila.

"Halika sweetie pie tuturuan kita paano humalik" sabi pa ni Jonas na inilabas ang dila at ginalaw galaw iyon.

"Tangna niyo magsitigil na kayo nasa baba na daw sila Gio" sabi ni Anthony na hindi pa rin mapigil ang pagtawa. Nang marinig ko naman ang sinabi niya ay bigla ulit akong kinabahan. At gaya ng sa plano namin ay tatawag si Anthony at papupuntahin sila dito sa rooptop. Ini ayos naman ni Anthony ang sarili niya bago tinawagan si Yhnna.

***********

Yhnna's POV

Hello Yhnna? Sabi ni Anthony nung sagutin ko ang tawag niya

Hello sagot ko

Yhnna kasi si Stephen nandito sa may rooptop nagpahatid kasi siya dito kani kani lang gusto daw niyang magpa hangin. Ang kaso ayaw pa niyang bumaba sa unit niya medyo maambon na din kasi inaalala ko baka lumala yung sakit niya. Sabi niya

Sige sige nasa elevator na din kami papunta na ako diyan sabi ko at binaba na ang phone.

"Bessy nasa rooptop daw sila ayaw pang bumaba ni Stephen puntahan ko muna una na kayo sa unit niya " sabi ko kay Samantha

"Hindi samahan kana namin" sabi pa niya na hinawakan ang kamay ko. Lumapit naman si Gio sa may button at siya na pumindot doon.

"Parang bata naman itong si kuya hindi na inisip na baka mas lumala ang sakit niya ayaw pa naman niya sa mga gamot" nag aalalang sabi naman ni bessy. Tikom naman ang labi ko at hindi alam ang pakiramdam ang lakas ng tibok ng puso ko kaya mas lalo akong kinabahan at naisip si Stephen. Baka kung ano na kasi nangyari sa kanya.

Inakbayan ni Gio si bessy pagkalabas namin ng elevator at ako naman ay agad umakyat sa hagdan papunta sa may rooftop. Pagbukas ko ng bakal na pinto ay agad kong nakita ang mga baso na may nakasinding kandila. Kinakabahang sinundan ko ang mga ito hanggang sa kung saan sila magtatapos.

Tumingin naman ako sa buong paligid ng biglang sumindi ang mga christmas lights sa buong rooptop kasabay ang pagtugtog nila Gio na nakita ko sa may sulok habang todo ngiti naman si bessy sa akin na hawak hawak ang mukha. Itinaas naman ni Anthony ang drums stick niya na parang sinasabi na nandoon siya.

May kumalabit naman sa akin mula sa likuran ko, sa amoy palang niya ay alam ko na kung sino siya kaya agad naman akong lumingon sa kanya at matamis na halik ang salubong niya sa akin.

"Happy monthsary sesa" sabi niya at inilabas mula sa likod nito ang isang kumpol na iba't ibang kulay ng mga rosas. Kinuha ko naman ito at kagat labing niyakap siya. I love you sabi pa niya habang yakap at halos buhat na niya ako habang isinasayaw sa tinutugtog ng mga kaibigan niya. I love you too sagot ko sa kanya at hindi mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko at pag singhot.

"Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong niya na huminto sa pagsayaw sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Ikaw kasi eh" sabi ko naman na sumisinghot singhot pa at patuloy sa pagbuhos ng luha. Kinuha naman niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga luha ko.

"Sorry na huwag ka ng umiyak. Sorry kung hindi kita nasundo kanina sa inyo, sorry kung hindi ako pumasok, sorry kung hindi ko binuksan ang phone ko, sorry kung nag alala ka. Tahan na" sabi pa niya

"Akala ko hindi mo alam na monthsary natin ngayon. Heto pala ang ginawa mo kaya hindi ka pumasok. Akala ko pa naman totoong nag lasing ka at magdamag kayong gumawa ng project niyo ni Luke. Akala ko din may sakit ka. Kainis ka!" Sabi ko na patuloy pa rin ang pag iyak. Mahigpit naman akong yumakap sa kanya.

"Sorry na prinsesa ko tahan na" sabi ulit niya habang yakap yakap din ako.

"Thank you kamahalan sobrang na surprise mo ako sa gimik mo, yung sobrang pag aalala ko kanina sayo biglang natabunan ng saya dahil dito. Dahil sa alam kong okay ka lang. Mahal na mahal po kita" sabi ko na dinampihan siya ng mabilis na halik sa labi. Mas mahal kita sabi naman niya na nakatingin sa mga mata ko. Alam ko sagot ko naman at hinalikan ulit siya ng tumagal din ng ilang segundo.

Inalalayan niya ako palapit sa may upuan at mesa kung saan may mga nakatakip na pagkain. Maginoong pinaghila niya ako ng isang upuan at inalalayan pa sa pag upo. Binuksan niya ang champagne at nilagyan ang dalawang goblet at inabot sa akin yung isa.

"Happy monthsary" sabi niya na naka ngiti sa akin habang naka taas ang goblet niya. "Happy monthsary" sabi ko din at pinatunog ang mga champagne goblet na hawak namin. Inilapit ko ang baso sa may labi ko at sinimsim ang lasa ng laman niyon.

At parang on cue naman na pagkatapos kong ibaba ang baso ko ay lumapit si Joseph na gwapong gwapo sa suot na tuxedo nito. Tinignan ko naman ang iba at napansin kong naka tux din sila at nakangiti sa amin habang patuloy pa rin sa pagkanta.

Binuksan ng natatawang si Joseph ang unang pagkain na nakatakip. Roast chicken daw ito pero parang napabayaan naman dahil sa itim nito. Naka 6 na manok daw sila bago na perfect ito. Perfect pa sa kanila yon. Pinanghiwa ako ni Joseph at inilagay sa may plato ko. Ganon din ang ginawa niya sa may plato ni Stephen. Pagka talikod naman sa amin ni Joseph ay siya namang lapit ni Gio.

Binuksan ni Gio ang pangalawang pagkain na nakatakip sa mesa namin. "Hindi ko alam kung anong klase ng itlog ang gusto mo Yhnna, sabi ni Stephen magluto daw ako ng sakto lang sa luto at malasado para sigurado." Natatawa ring sabi niya ako naman ay hindi mapigilan ang pagtawa. Binigyan niya ako ng isang perfect sunny side up at inilagay sa plato ko. Nilagay naman niya sa plato ni Stephen yung sunny side up din yata na mukhang scrambled egg naman. Yumuko ito sa amin bago tuluyang umalis.

"Hello Madam, Sir ang ipi present ko po sa inyo ay ang paborito ko" sabi naman ni Jonas pag kalapit sa amin. Binuksan nito ang nakatakip na pagkain at tumambad sa akin ang maraming pulang hotdog na perfect sa pagkakaluto. Mayabang pa niya ako akong binigyan ng dalawang piraso non na tinataas taas pa ang mga kilay habang naka ngiti. Thank you.. sabi ko bago ito umalis

Sunod na lumapit naman si Luke na nakangiti sa akin. "Hello Yhnna" bati pa niya. "Sa lahat ng pagkain na nasa mesa mo ngayon masasabi ko na ito lang luto ko ang magugustuhan mo" sabi pa niya bago buksan ang nakatakip na pagkain "Tsaran! French fries with catsup and mayo" sabi niya. Natawa naman ako ng lagyan niya ako sa isang platito nito. Nung hawakan ko ay walang kasing lambot ang mga ito at nag mamantika pa. Gaya ng iba nagpasalamat din ako bago siya umalis.

Sumunod naman si Anthony na pa kamot kamot pa sa ulo na lumapit sa amin. "Umayos ka" sabi naman ni Stephen sa kanya. "Ehem" sabi niya. "Yhnna sorry na palpak kasi yung mga niluto ko na soup kaya heto nalang" sabi niya at binuksan ang nakatakip na pagkain. Natawa naman ako dahil yung niluto ko na chicken cream soup ang nakita ko. "Ininit ko nalang sa microwave" dagdag pang sabi niya. Salamat Anthony. . Sabi ko din sa kanya ng lagyan niya ako sa may mangkok

"At para sa main course" sabi naman ni Stephen na todo ngiti. Tumayo ito at lumapit sa tabi ko, binuksan niya ang nakatakip na pagkain at nakita ko yung mga galunggong na na nalulunod sa mga kamatis. "Hindi man kasing sarap ng version mo sa sarciadong galunggong mo tikman mo naman ang sa version ko ng sarciado hindi sigurado ako mapapahiya sayo" Proud na sabi niya "limang kilong galunggong ang pinakain ko sa kanila bago ko nakuha ang tamang timpla niyan" sabi ulit niya habang nilalagyan din ako plato.

"Thank you, sobrang na appreciate ko talaga ito, sobrang effort ang ginawa niyo para lang sa araw na to. Thank you talaga" sabi ko kay Stephen. "May gift nga pala ako sayo" sabi ko at kinuha mula sa bag ang nakabalot na box.

"Nag abala kapa" sabi niya. "Hindi mo naman ako kailangan bigyan ng regalo yung mahalin mo lang ako ay sobra sobra na" sabi niya.

"Buksan mo" nakangiting sabi ko habang iniabot sa kanya ang gift ko. "Hindi yan mamahalin pero ng makita ko yan sa may gift shop ikaw agad naalala ko" sabi ko sa kanya habang sinisira ang wrapper.

"Wow!" Sabi niya at inilabas ang dalawang keychaines. Lumapit ako sa kanya at kinuha mula sa kamay niya ang mga ito. "Sayo itong hari akin naman ang reyna" nakangiting sabi ko habang inaabot sa kanya yung keychaine. "Ikaw bahala kung saan mo gustong ilagay" sabi ko at bumalik sa may upuan ko.

Kinapa naman niya mula sa bulsa ang lagayan ng mga susi niya. Nakangiting inilagay niya doon at isinali sa mga susi ng kotse niya yung keychaine at iwinagayway sa harap ko. Kinuha ko naman ang wallet ko at sinabit din doon yung queen na keychaine.

Masaya kaming kumain at nag kwentuhan hanggang sa dumilim. Nagpasalamat ako sa mga kaibigan niya na todo effort din para sa masayang araw namin ni Stephen. Alas otso y medya na nung inihatid ako sa bahay ni Stephen at hanggang ngayon sa pagtulog ko ay di mawala ang mga ngiti sa labi ko. Niyakap ko si tootsie na mukhang nagising dahil sa likot ko sa paghiga.

*************

Pengeng comments T___T

-bebe

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height