Ang Boyfriend Kong Manyak/C39 Apo sa tuhod
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C39 Apo sa tuhod
+ Add to Library

C39 Apo sa tuhod

Yhnna'sPOV

"Anong baon mo?" Tanong ni Stephen habang paakyat kami sa rooftop.

"Asadong manok yung tira pa kahapon kaya huwag ka ng manghingi" sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.

"Ang damot, huwag ka din hihingi ng ulam ko" mayabang na sabi naman niya.

"Edi huwag!" Sabi ko na inirapan pa siya. Two days na din siyang nagbabaon sa mga luto niya na kakaiba. Nung isang araw piniritong pork chop na ubod ng tigas. Kahapon naman sabi niya burger steak daw ulam niya pero nung makita ko parang giniling na sunog lang na may naka halong gravy na may nagbubukol pang harina. Nung tikman ko naman medyo mapait dahil na rin siguro sa ibang nasunog na laman pero edible naman kaya kinain ko nalang din.

"Masarap pa naman baon ko ngayon" mayabang pang sabi niya.

"Ano bang baon mo?" Tanong ko

"Seafood paella at beef stew" nakangising sabi niya bago binuksan ang pintuan at pinauna akong pumasok

"Sana lang makain mo" sabi ko na ngumisi sa kanya at dumiretyo sa kusina.

"Huwag ka lang makahingi hingi sa akin ha?" Sabi pa niya habang pinapanood ako na sinasalin sa mangkok ang baon ko.

"Bango" sabi ko ng inamoy ko ang isang mangkok ng asado na ulam ko. Ngumisi naman sa akin si Stephen at kinuha mula sa paper bag niya ang mga food containers niya. Laking gulat ko ng buksan niya ang mga yon at makita yung paella niya at beef stew

"Pumunta si Sha kahapon sa condo pinagluto niya ako" mayabang na sabi niya at umupo sa harap ko. "Kain na" sabi pa niya na ngumisi ulit. Sumimangot naman ako at mabilis na sumandok ng pagkain ko.

"Buti pinuntahan ka niya?" Tanong ko habang pinapanood niya akong kumain

"May pinapasabi kasi si Tanda" sabi niya

"Ano daw?" Interesadong tanong ko

"Gusto ka daw niyang makilala" sabi niya at kinuha ang plato ko at ipinalit sa kanya

"Bakit daw?" Kinakabahang tanong ko habang kinakain ang kanina'y kinakain ko

"Ewan ko" tipid niyang sagot "kain kana masarap yan" sabi pa niya at sinubuan ako ng paella.

"Ano bang sabi sayo?" Interesadong tanong ko. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti

"Gusto na daw niya ng apo sa tuhod" natatawang sabi niya habang nakatingin sa akin

"Meron naman na siya ha? Yung baby ni Ate Sha" sabi ko

"Gusto niya galing sa akin" balewalang sabi niya. Nabilaukan tuloy ako.

"Ang bata mo pa kaya! Hindi ka pa nga nakakapag graduate tapos apo agad gusto niya?" Sabi ko

"Sa kanya mo sabihin yan, sabihin mo hindi ka pa handa magka baby tayo" sabi niya na tumingin sa akin "sama ka next week sa birthday niya" sabi pa niya

"Edi sama natin si tootsie sabihin mo si tootsie ang baby natin" sabi ko bago sumubo ulit ng pagkain. "Sarap" sabi ko pa at ini inggit siya.

"Meron pa ako sa condo kaya huwag kang mang iingit" sabi pa niya

"Mukhang masarap yan ha!" Sabi ni Jonas na bagong dating kasama si Luke

Agad naman kumuha ng platito si Luke at kumuha agad ng paella.

"Kumain ka na din" sabi ni Stephen kay Jonas at inabutan ng plato

"Masama daw tumanggi sa grasya kaya hindi ko aayawan yan" sagot naman ni Jonas

Bumukas ulit ang pinto at nilingon namin ang mga pumasok.

"Hayan na ang mga patay gutom" sabi ni Luke na ngumunguya

"Nagsalita ang hindi" sabi naman ni Jonas

Nagtinginan nalang kami ni Stephen at pinagpatuloy ang pagkain.

********************************

Third Person's POV

"Boss hindi talaga sila magkahiwalay hindi tuloy kami makakuha ng tyempo" sabi ni Allan isa sa mga goons na inuupahan ko

"Mag tyaga lang kayong mag hintay, hindi naman pwedeng araw araw magkasama sila" sagot ko habang tinitignan ang papaalis na kotse ni Stephen

"Eh kung si Stephen nalang unahin natin? Pwede natin siyang tambangan pag pauwi na siya galing sa syota niya" sabi naman ni Makoy na nililinis ang kwarenta'y singko na baril niya

"Kung ano ang plano yun ang masusunod, binabayaran ko naman kayo ng tama diba? Kapag maayos natapos to baka bigyan ko pa kayo ng bonus" sabi ko lahat sa kanila na nasa loob ng van.

"Sige boss ako bahala sa kanila" sabi ulit ni Allan

"Good. Sa ngayon manmanan niyo muna sila, kapag nagkaroon kayo ng pagkakataon gawin niyo agad ang plano. Siguraduhin niyo lang na malinis ang trabaho niyo" sabi ko bago naglakad palapit sa nakaparadang kotse ko.

Nag drive ako papuntang hospital, naalala ko ulit yung huling eksena namin dalawang araw na nakakaraan iyak pa rin siya ng iyak at sumisigaw. Kinailangan pa siyang turukan ng pampa kalma para maging kalmado siya. Pagkaraan naman ng ilang minuto naka tulog na ito

"Ya, kumusta na po siya?" Tanong ko sa Yaya ni Nika pagdating ko sa hospital room niya. Naabutan kong nanonood ng tv si Yaya Doray habang nakahiga at natutulog naman si Nika

"Mas mabuti na kumpara noong unang araw niya dito, medyo nakakausap na din siya ngayon pero hindi pa rin talaga mawala ang laging pag iyak niya. Kapag naman nilapitan namin siya para patahanin sumisigaw naman siya" sabi ng yaya niya

"Tumawag na po ba si Tita?" Tanong ko

"Oo kinamusta niya si Nika, nung sinabi ko na Okay lang yung bata ang sabi sa akin paki alagaan ko nalang daw ng mabuti dahil hindi pa siya pwedeng umuwi ng pinas dahil may problema ang negosyo nila sa singapore" sagot niya sa akin

Bumuntong hininga ako

"Mas importante pa talaga ang negosyo kaysa sa sariling anak niya?" Napapa iling ko pang sabi. "Salamat po sa pag aalaga kay Nika at sa hindi niyo pag iwan sa kanya" sabi ko pa

"Naku! Parang anak ko na din ang batang to, magbuhat ng baby siya ay ako na laging kasama at nag aalaga sa kanya kulang nalang ay ako ang mag luwal sa kanya" sabi pa ng matanda

"Buti nalang po at nandiyan kayo lagi sa kanya" sabi ko naman at ngumiti sa kanya.

Gumalaw ang natutulog na si Nika at unti unting minulat ang mga mata. Agad naman itong ngumiti ng makita ako. Lumapit ako sa kama niya at hinawakan ang kamay niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko na naka ngiti sa kanya

"Stephen mahal na mahal kita" sagot niya sa akin habang hinahaplos ang mukha ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya na humahaplos sa pisngi ko.

"Mahal na mahal din kita kaya magpa galing kana ha?" Sabi ko na hindi napigilan ang pagtulo ng luha

"Magaling na ako, uwi na tayo" sabi pa niya habang pinupunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko

"Oo, uuwi na tayo, malapit na kaya kapag pinapa inom ka nila ng gamot dapat inumin mo ha? Para mas mapabilis ang uwi natin" sabi ko. Ngumiti naman ito at hinalikan ako sa labi

***********

Stephen's POV

Nang maihatid ko si Yhnna sa kanila ay agad din akong nag paalam para umalis sinabi ko naman sa kanya na may practice kami ng team ko ng basketball ngayon, bukas na kasi ng hapon ang laban namin sa Dalton University.

1 message received

Sesa: txt mo ko kapag pauwi kana ha? Wag magpatuyo ng pawis. I love you

Me: tatawag agad ako pagkatapos namin sesa ko. I love you too :*

Sesa: okay :*

Tinawag na kami ng coach namin at nakangiti naman akong tumayo mula sa pagkakaupo sa bleachers dito sa gym.

"Game! Double time!" Sigaw niya habang nagtatakbuhan ang ilang teammates ko galing sa iba't ibang lugar.

Natalo kami last year ng mga taga DU kaya kailangan naming makabawi ngayon sa kanila dahil kung hindi ay mamaliitin nila kami. Noong natalo nila kami last year may mga naririnig kami na mayabang lang daw kami dahil mayaman at puro pa pogi lang ang alam pero lampa naman pagdating sa paglalaro ng basketball.

"Huling taon ko na ngayon sa MU at gusto kong patunayan sa DU na hindi tayo gaya ng iniisip nila. Masyado nilang minamaliit ang basketball team ng school natin kaya gawin natin ang lahat bukas para manalo!" Sigaw ng captain namin "fight!" Sigaw pa niya

"Fight!" Sabay sabay ding sabi namin at pumunta na sa mga kanya kanyang team at pwesto namin.

Last year lang namin naisip sumali nina Luke at Anthony dito sa basketball varsity team. At last year si Luke lang ang maswerteng nakapasok sa laban ng MU at DU at unang laban ay talo agad. Kaya siguro tinamad na din kaming maglaro, pero ngayon ay may prinsesa na ako gusto kong patunayan na may talento din ako na pwedeng ipag malaki.

"Stephen!" Sigaw ng isang ka team ko at hinihagis sa akin ang bola. Dahil masyadong malakas ang depensa ng bantay ko ay hinihagis ko naman ang bola kay Luke na libre ngayon. Agad naman siyang tumalon at ipinasok ang bola. Sigawan naman ang mga fangirls ni Luke na nasa bleachers. Nakipag apiran ito sa akin at tumakbo ulit sa pwesto niya at ginwardyahan si Anthony.

Naka'y Luke ulit ang bola at si Captain ang nagbabantay sa kanya, dahil sa mas matangkad si Captain sa kanya at sa tindi ng depensa ay napilitan itong ipasa ang bola sa katabi niyang si Shawn. Fiveseconds nalang para mag shot clock at hawak pa rin ni Shawn ang bola tumingin ito sa akin at parang instinct na din ang nagsabi na tumalon ako nakita iyon ni Shawn at i binato sa akin ang bola. Sabi ko sa sarili ko bahala na agad kong nasalo ang bola at binato nalang yon sa may ring. Nag hiyawan lahat ng mga nanonood ng saktong pag tunog ng buzzer ay ang pagpasok ng bola na ibinato ko lang.

Mabilis na natapos ang practice game namin at agad akong tumawag kay Yhnna. Pagkatapos kong mag paalam na maliligo muna at tatawag nalang ulit pagka uwi ko ng condo ay agad ko ng binaba ang phone ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height