+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Manyak

Yhnna's POV

Pangatlong araw ko ngayon sa school pero parang 3 buwan na ang katumbas sakin, nai stress ako sa kakaisip kung makakaya ko ba talagang makapag tapos dito. Pero kailangan tatagan ko loob ko at magtiwala sa magulang ko na nagsisikap sa araw araw para makapag aral ako dito. Yhnna fight! Sabi ko sa sarili ko.

Umupo muna ako sa bench dito sa ilalim ng puno kung saan umupo kami kahapon ni Samantha. Binuklat ko ang notebook ko at binasa ang isinulat namin kahapon, kinagatan ko ang ham sandwich na binalot kanina ni mama para sakin dahil hindi ako nakapag almusal. Madami kasing kostumer kanina sa lugawan ni mama kaya tumulong na muna ako sa pag seserve, nakalimutan ko na kasing kumain ng almusal kaya pinabaunan nalang niya ako. Alas otcho ang pasok ko pero alas syete kinse umaalis na kami sa bahay, alas syete y medya kasi pasok ng kapatid ko at sabay kaming pumapasok para tipid sa biyahe at gas ni papa sa tricycle. Ayos lang naman sakin yon kasi may oras pa ako para reviewin mga lesson namin.

Nagulat ako ng may tumalon mula sa taas ng puno.

"Ay kabayong sinto sinto!" Sabi ko sa sobrang gulat. Sino ba namang hindi magugulat kung tahimik ang buong paligid at naka focus ako sa binabasa ko tapos may tatalon nalang bigla mula sa taas ng puno?!

"Sinong sinto sinto?" Tanong ng lalaki na tumalon mula sa puno at kinuha ang sandwich ko at kinagatan niya ta.

"Sandwich ko!" Sabi ko. Inagaw ko mula sa kamay niya ang sandwich ko pero tinaas lang niya kamay niya. Patalon talon ako habang pilit na kinukuha ang sandwich na asa kamay niya. Mabilis niyang kinagatan ito at itinaas ulit ang kamay niya.

"Kyaaahhh!!!" Sabi ko at pinaghahampas ang dibdib niya. "Walanghiya ka! Ibalik mo ang sandwich ko!" Patuloy ko pa ding hinahampas ang dibdib niya.

Inisang subo nalang niya ang natitira pang sandwich at ngumisi siya. Nabigla naman ako ng hawakan niya ang bewang ko at hinila pa palapit sa katawan niya. Kaya naman napatigil ako sa pag hampas sa kanya at huminto ang kamay ko sa dibdib niya. Naka tingala ako ngayon sa kanya at sinasalubong ang tingin niya. Ilang segundo din akong napatulala sa kanya bago ko siya itinulak para makalayo sa kanya.

"Kyaaahhh!!! Manyak!!!" Sigaw ko sa kanya at mabilis kong hinablot ang bag ko na naka patong sa bench na inuupuan ko kanina, lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makaalis sa lugar na yon. Sumulyap pa ako sa lugar na kina uupuan ko kanina at nakita don ang lalaking prenteng nakatayo at naka pamulsa pa ang isang kamay habang ang isa ay naka taas at kumakaway sakin na naka ngisi pa. Mabilis akong pumasok sa classroom at naabutan don si bessy na tulad kahapon busy sa paglalaro ng Clash of Clans.

"Good morning bessy" sabi niya habang naka tutok mukha niya sa phone niya.

"Good morning din" sabi ko

Tumigil na siya sa paglalaro at tumingin sa akin.

"Anyare sa mukha mo? Bakit namumula ka?" Tanong niya na hinawakan pa mukha ko na parang ine examine pa niya.

Nilayo ko naman mukha ko at sumimangot.

"May manyak kasi na umagaw ng sandwich ko kanina. Kainis!" Sabi ko

"Sinong lalaki? Saan ba?" -Samantha

"Hindi ko siya kilala, doon sa inuupuan natin kahapon" -ako

"Tara balikan natin! Walang pwedeng bumastos sa bestfriend ko!" - Sam

Hinila ko ulit si bessy paupo.

"Hayaan na, wag na wag lang siyang magpapakita ulit sakin dahil sisipain ko ang balls niya" masungit na sabi ko.

"Pero bessy ano ba hitsura niya?" -Sam

"Matangkad siya, siguro nasa 6ft taas niya hanggang baba lang kasi niya ako. Maitim mata niya na may pagka chinito, matangos din ang ilong niya, ang labi niya ay natural ang pagka pula, parang labi ng babae. Magulo din buhok niya, siguro dahil sa bagong gising lang siya, galing kasi siya sa puno at tumalon don, pero masasabi kong bagay sa kanya. In short mukha siyang unggoy" Mahabang sabi ko.

Tulala namang nakatingin sakin si bessy.

"Bessy? Okay ka lang?" Tanong ko

"Bessy ang galing mo naman, memoryado mo talaga hitsura niya. At sa pag describe mo parang napaka perpekto niya. Yung totoo? May crush ka sa kanya?" -Sam

Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya.

"Grabe ka ha! Di ko crush yung manyak na unggoy na yon! Kahit na siya nalang natitirang lalake dito sa planet earth hindi pa rin ako magkaka crush don no! Mag e evacuate nalang ako sa planeta nina Matteo Do at siya pakakasalan ko!" -ako

"Ako pa talaga grabe ha? Paano magiging mukhang unggoy ang ganon ka perfect na hitsura gaya ng pag describe mo? Lawak ng imagination mo bessy! Pak na pak! Tinanong ko lang naman kung may crush ka sakanya, defensive much bessy?" Sabi ni sam na tumatawa pa.

"At ako pa may malawak na imagination ngayon? Yung isipin palang na magka crush ako sa unggoy na yon ay nakakasuka na kaya! Wala akong balak lahian ang mga ninuno ko ng unggoy" pa ismid pang sabi ko.

"Wala naman akong sinabi na aanakan ka niya bessy, andami mo ng sinabi" sabi niya na di tumitigil sa pagtawa.

"Azwjdyklnqhz" -ako

Dumating na si Sir Damian kaya tumahimik na kami at nagsimulang nakinig.

*******************************

Stephen's POV

Nakangisi akong nakatingin sa papalayong babae ngayon, kumaway pa nga ako ng bumaling siya ng tingin sa akin para maasar siya lalo. Ang totoo ay kahapon ko pa siya nakita, dito din mismo sa lugar na to. At gaya kanina nasa taas lang din ako ng puno habang nag kukwento siya sa pinsan kong si Samantha.

*kahapon*

Bababa na dapat ako pero nakuha ng interes ko ang boses ng babaeng kausap ni pinsan. Ayoko sanang makinig sa usapan nila pero parang may boses na pinipigilan ako. Imbes na bumaba nakinig nalang ako sa usapan nilahabang nakatingin sa kanilang dalawa.

Mahaba ang buhok ng babae na may tuwid na buhok na parang kay sarap amuyin. Bilugan mata niya na kulay chocolate at may mahabang pilikmata. Nakaagaw pansin naman ang labi niya na kagat kagat niya ngayon, para bang nag aanyaya siya na halikan ko yon.

Narinig ko lahat mula sa simula hanggang matapos ang kwento niya, nandito pa rin ako nakahiga sa sanga ng puno kahit na wala na sila. Iniisip ko kung totoo ba lahat ng narinig ko o isa lang din siya sa mga social climber na kakilala ko.

Inutusan ko ang isang estudyanteng dumaan at pinatanong kung anong course at section ng pinsan kong si Samantha Vasquez. Nang malaman ko ay agad akong dumaan sa classroom nila at di naman ako nabigo dahil nakita ko don yung babaeng kausap niya kanina. Seryoso siyang nakikinig sa prof nila habang naka tingin dito, di ko maiwasang hindi mapangiti ng gumalaw ang labi niya. Tumigil pa ako don ng ilang minuto para panoorin siya bago ako tuluyang umalis papunta sa klase ko.

Paglabas namin ng classroom inakbayan agad ng kaibigan kong si Luke.

"Tara sa rooftop? Nandon na daw ang tropa" sabi niya. Tumango lang ako at naglakad na kami.

Sa aming anim na magkakaibigan kami lang ni Luke ang mag kaklase, iba kasi yung kurso nung apat.

Naagaw naman ng pansin ko ang dalawang babaeng naglalakad ngayon.

"Mauna ka na pre! Sunod ako, may pupuntahan lang ako sandali." Sabi ko kay Luke

"Ayaw mo bang samahan kita?" Tanong niya

Tinanggal ko ang braso niya na naka akbay sakin. "Para kang bakla" sabi ko. Tumawa lang ito.

"O sige, hintayin ka nalang namin don fafah" pa bakla pang sabi ng gago.

Naglakad na ako palayo at sinundan sina Samantha. Nakita kong sumakay sila ng taxi kaya mabilis akong sumakay sa kotse ko at sinundan yung taxi na lulan sila.

Huminto yung taxi sa Love Mall at nakita ko silang bumaba, mabilis ko namang ipinark ang kotse ko at mabilis na pumasok sa mall. Ilang minuto din ang ginugol ko sa paghahanap sa kanila bago ko sila nahanap. Nakatayo sa harap ng isang maniquin ang kaibigan ni Samantha habang hinihintay lumabas sa fitting room ang kaibigan niya. Naramdaman niya yatang may nakatingin sa kanya kaya tumingin siya sa banda ko. Dali dali naman akong umalis at umupo sa isa sa mga benches sa loob ng mall, hindi ko inalis ang tingin ko sa labas ng boutique na kinaroroonan nila.

Nang lumabas sila ay mabilis akong sumunod sa kanila ng palihim.

Mga babae talaga andaming arte sabi ko sa isip ko. Ang huling pinuntahan nila ay ang Starbucks, nung naka order na si Samantha at umupo na sa table nila ay siya namang salisi ko para maka bili na din ng caramel frappucino. Umupo ako sa malayo sa kanila para di nila ako mapansin. Pagkalipas ng kulang kulang 30 minutes tumayo na sila at lumabas ng Love Mall. Nang makasakay na sila ay siya namang balik ko papuntang parking lot para makasunod sa kanila. Pinaharurot ko ang kotse ko para maabutan sila. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko ang kotse nila 2 jeep ang pagitan namin, hindi ko hiniwalay ang tingin ko kotse nila hanggang sa lumiko ito.

Alam kong hindi yon ang daan sa bahay nina Samantha kaya hula ko ay ihahatid niya ang kaibigan niya sa kanila. Napangiti naman ako ng maisip na baka nga ihahatid nila ito. Sa 21 years sa buhay ko ngayon ko pa lang ginawa ang bagay na to. Ano ba nangyayari sa akin? Tanong ko sa sarili ko.

Pagkalipas ng 10 minuto tumigil ang kotse nina Samantha sa harap ng isang bahay na may dalawang palapag. Nakita kong bumaba yung kaibigan ng pinsan ko at kumaway pa dito. Umalis na ang kotse ng pinsan ko pero nandito pa rin ako sa gilid ng poste nakatanaw sa bahay na pinasukan nung babae. Mabagal kong pinaandar ang kotse ko hanggang sa makalapit sa bahay nila. May karatula na nakalagay sa harapan ng bagay nila na Yhnna Yael's Store para itong maliit na karinderya dahil may iilang mesa at upuan sa loob nito. Tinignan ko ang mga bahay sa paligid nila partikular na ang bahay nila.

*kasalukuyan*

"Pre san ka galing?" Tanong ni Anthony isa sa mga kaibigan ko. "Dyan lang" sabi ko na naka ngisi at dumiretyo akong kumuha ng mineral water sa ref.

Tumingin ako sa dalawang kaibigan ko na prenteng naka upo ngayon sa sofa at naka titig sa akin.

"What?" Wika ko na tinignan sila ng masama.

"Mukhang good mood ka ngayon pre" sabi ni Luke na tumayo at lumapit pa sakin at inakbayan ako.

Tinanggal ko ang pag kaka akbay niya sa akin at binatukan ko siya. "Gago mukha kang bakla!" Sabi ko at umupo din sa sofa katabi ni Anthony na tatawa tawa ngayon. Bahagya ko naman itong sinikmurahan dahilan ng pagkakaubo niya. Si Luke naman ngayon ang tumatawa "Mga sira ulo" sabi ko at binuksan ang tv.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa doon si Gio kasunod ang kambal na sina Jonas at Joseph.

"Good morning mga pre! Kumusta tulog niyo? Napanaginipan niyo ba ako?" Salubong samin ni Gio habang nag Bubungguan mga kamao namin.

"Kanina good pero ngayon hindi na" sabi naman ni Anthony

"Nanaginip ako pre pero di ikaw napanaginipan ko kundi yung chix ko na kamukha ni Anne Curtis galing sa kama pre!" Sabi naman ni Luke

"Bakla!" Sabay sigaw ng kambal na ikinatawa naming lahat maliban kay Luke

"Ang sama niyo sa akin" sabi ni Luke sa tonong nagtatampo.

Lumapit ako kay Luke at binatukan ko ulit siya.

"Paano kang hindi tatawaging bakla tignan mo nga yung asal mo. Gawain ba ng matinong lalake mag pout sa harapan ng tropa niya?" Sabi ko sa kanya at tinapik ang balikat niya.

Tawanan na naman ang loob ng silid namin.

"La yan! Bakla nga kasi!" Asar pa ni Joseph na umupo sa bar counter.

Alam naman naming hindi bakla si Luke masyado lang talaga siyang binibaby ng mama niya kaya hilig niyang mang yapos at mahilig siya sa mga cute na bagay. Pero dakilang playboy naman hindi nga namin alam kung pano mabilis na napapasagot niya at naisasama sa condo niya mga babae niya.

"Supot!" Sigaw naman ni Luke kay Joseph na ikinatawa ulit namin.

"Gagu! Tuli na ako! Pakita ko pa sayo! Wag nalang pala baka maglaway ka pa" sabi naman ni Joseph

Na puno ng tawanan ang loob ng kwarto namin Oo kwarto namin. Kami lang pwede mag labas pasok sa kwartong ito na nasa loob ng school. Kaming magkakaibigan lang ang may alam ng access code dito at nung kasambahay namin na Regular na naglilinis dito dalawang beses sa isang linggo. Nabigla nga ako ng ibigay sa akin ni Dad itong kwarto na to, dito din pala siya nag i stay pag gusto niyang magpahinga noon. Pero dahil di naman daw niya ito nagagamit, pinaayos niya ito at kumuha pa ng interior designer para maging akma sa panlasa ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height