+ Add to Library
+ Add to Library

C40 Oh no!

Yhnna's POV

"Bessy tignan mo ginawa kong banner!" Sabi ni Samantha habang pinapakita yung banner na ginawa niya para sa basketball team. Go Flaming Dragons! We love you! nakalagay.

"Wow ang ganda naman!" Masayang sabi ko

"Bakit ikaw bessy wala?" Tanong niya

"Ako pa ba?" Inilabas ko mula sa locker ko yung pompoms at cartolina na pinag puyatan ko pa kagabi. Pinalaki ko yung picture ni Stephen at ginupit ko tsaka ko idinikit sa may cartolina na kunwari nag da dunk. Nagpatulong ako kay Yael na mag drawing kasi wala akong talento sa pag drawing. Nag pinta din ako ng I love you kamahalan! Fighting!

"Di ka naman prepared nuh" sabi pa ni bessy

"Maliit na bagay" sabi ko at nag flip hair

"Gumaganyan kana bessy ha?" Sabi niya at tumawa kaming pareho.

Pumunta na kami sa may gymnasium at sobrang daming tao na. Parang nanliit ako sa mga nakikita ko na naglalakihang banner na dala ng ibang tao. May mga tarpaulin pa sila na naglalakihan at sobrang ganda naman ng mga ginawa ng iba.

"Bessy dun tayo!" Turo niya sa pangatlong palapag na upuan. "Dalian mo baka ma unahan pa tayo" sabi pa niya at hinila niya ako.

"KUYA!" Sigaw ni bessy na ikinalingon naman nila Stephen pati na din yung ibang kasama nila. Kumaway si Stephen amin at may sinabi kay Anthony. Kumaway naman ako kay Stephen at naglakad siya papunta sa pwesto namin.

"Penge naman akong power hug" sabi niya at bigla nalang niya akong niyakap. "Cheer mo ko ha?" Sabi pa niya at mabilis akong dinampihan ng halik sa labi.

"Oo ipag chi cheer kita" sabi ko at ini angat ang dala kong banner at pompoms na naka ngiti.

"Ganda pero mas maganda ka" sabi niya at hinalikan ulit ako. Tumingin naman ako sa mga tao na kanina pa yata naka tingin sa amin.

"Ang PDA mo talaga. Nakakahiya" sabi ko.

"STEPHEN!" Sigaw ni Anthony na kumakaway sa amin.

"Tawag kana buti pa pumunta kana don" sabi ko

"Kiss mo muna ako" sabi niya

"Na karami kana ha!" Sabi ko naman

"Hindi ako aalis dito hanggat di mo ko kini kiss" sabi pa niya na ngumuso. Tumingin naman ako sa mga tao na nakatingin sa amin. Yung iba nga naka taas kilay pa at masama ang tingin sa akin.

"Ayoko. Madaming tao. Kapag nanalo kayo bibigyan kita ng maraming kiss" sabi ko nalang

"Marami talaga?" Tanong pa niya. Nag nod ako sa kanya at ngumiti.

"Sobrang dami na hindi ako titigil hanggat di ka nagsasawa" sabi ko na ngumiti ulit sa kanya.

"Orayt!" Sabi pa niya. "Mananalo kami" sabi ulit niya bago siya bumaba at pumunta sa may court.

"Hello girls" sabi ng bagong dating na sina Gio at ng kambal. Umupo sa tabi ko si Joseph at Jonas habang sa tabi naman ni bessy si Gio.

"Hi! Buti hindi kayo sumali sa basketball team?" Tanong ni bessy

"Ayokong pagpawisan" - Joseph

"Ayokong madagdagan mga fan girls ko" - Gio

Tumingin naman kami kay Jonas

"Kapag sumali ako baka lumindol dahil sa kaka sigaw ng mga fan girls ko" balewalang sabi niya at tumingin sa may court. Binatukan tuloy siya ni Joseph na kuya pala niya. Binato naman ng popcorn ni Gio si Jonas. At ako? Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kaya kunwari di ko nalang narinig.

"Yah! Bakit ba?! Inggit na naman kayo sa kagwapuhan ko?" Sabi pa ni Jonas

"Hi Jonas! Pwedeng magpa picture?" Sabi ng dalawang babae na lumapit sa amin.

"Sure!" Sabi naman niya at inakbayan ang dalawang babae at binigay nung babae yung phone niya kay Joseph. Ayaw kunin ni Joseph kaya ako nalang ang umabot at pinicturan sila.

"Thank you!" Masayang sabi nila bago umalis.

"Gwapo ko shet!" Sabi pa ni Jonas bago umupo

"Feeling gwapo gunggong" sabi naman ni Joseph

"Inggit ka lang pangit mo kasi" sabi naman ni Jonas

"Baka ikaw ang inggit kaya pinapatos mo mga nagpa pa picture sayo? Kasi ayaw mong aminin na mas gwapo ako sayo gunggong" sabi naman ni Joseph

"Akala ko salamin mo lang makapal sayo pati pala mukha mo" sagot naman ni Jonas. Tinanggal naman ni Joseph ang salamin niya at sinuklay pataas ang buhok niya at tumingin sa babaeng nasa ibaba namin at ngumiti.

"KYAHHH!!! NAG SMILE SA AKIN SI JOSEPH!" Sigaw ng isang babae na nasa baba

"SAKIN SIYA NAG SMILE!" Sabi naman ng kasama niya

"AKO KAYA TINITIGNAN!" Sabi naman nung isa pa

Nagkatinginan naman kami ni bessy at nag pigil ng tawa. Tinignan ko naman si Joseph na nakangisi habang sinusuot ang salamin.

"Pareho lang naman silang gunggong" sabi naman ni Gio na kumakain ng popcorn

"Huwag ka ng makisali sa kanila" sabi naman ni bessy sa kanya

"Nakikipag compete sa isa't isa mag kamukha naman ang mga gago, di ata nila alam na kambal sila kaya pareho silang pangit" sagot pa niya na tumingin sa dalawa.

Tinignan ko naman ang kambal na masama ang tingin sa kanya. Parang wala namang sinabi si Gio at cool na kumakain lang ng popcorn at umakbay kay bessy.

"Ohemji! Magsisimula na!" Sabi ni bessy. Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ng makita kong kasali sa first five ang boyfriend ko.

"Go Stephen! I love you!" Sigaw ko. Tumingin naman sa akin ang lahat pati na si Stephen na sobra kung maka ngiti. Nahihiya naman akong na paupo at umubob kay bessy.

"Kung may fan girls bessy ikaw naman ang Super fan girl" sabi naman ni bessy

Lupa kainin mo ako grabe nakakahiya. Sumiksik naman ako lalo kay bessy

"Foul yon!" Biglang sigaw ng kambal at ni Gio. Napatayo pa sila habang sumisigaw ng Foul! Foul!

Wala naman akong ka alam alam sa basketball kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng foul. Basta nakikita ko ay tinutulungan ni Luke yung number one na sabi captain daw nila.

Para namang walang narinig yung referee at nagpatuloy lang sila sa paglalaro. 6-2 ang score lamang ang DU sumisigaw naman ang mga taga MU ng defense kaya nakisigaw din ako.

Natapos ang 1st quarter at lamang ng 9 ang kalaban. Gusto kong bumaba at punasan ang pawis ni Stephen pero alam ko naman na bawal. Tumingin siya sa akin at pinakita ko sa kanya yung banner ko. Kahit hindi ko narinig ang sinabi niya ay alam kong I love you yon. Kaya sumagot nalang ako ng I love you too ng walang boses. Baka kasi pag tinginan na naman ako ng mga tao.

Tumunog ulit ang buzzer hudyat para simulan ang 2nd quarter. Hiyawan na naman ang mga tao sinisigaw kung saang team sila at kung sino ang bias nila sa mga naglalaro. May naririnig din akong sumisigaw ng i love you Stephen pero hindi ko nalang sila pinapansin.

"Bessy nauuhaw ako" sabi ko

"Gusto mo ba samahan kita?" Tanong niya

"Hindi.. huwag na. Anong gusto mong drinks?" Tanong ko

"Sure ka? Sige mineral water nalang" sagot niya na kumukuha ng pera sa wallet niya.

"Huwag na, sagot ko na" sabi ko at pinigilan ang kamay niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Gio ng makita akong tumayo

"May bibilhin lang ako sa canteen" sabi ko

"Ako na" sabi niya na tatayo na sana

"Huwag na, ako nalang. Manood nalang kayo diyan" sabi ko at naglakad na paalis.

*Canteen*

"Ate apat nga pong mineral water" sabi ko at binigay ang 200 pesos tig 50 pesos kasi yung tubig nila dito. Mahal no? May ginto kasi yung tubig nila dito. Echos!

Habang naglalakad ako ay may lalaking lumapit sa akin.

"Miss ikaw si Yhnna diba?" Sabi niya

"Halika sama ka sa amin, dinala si Stephen sa hospital habang naglalaro" sabi niya. Na bitawan ko yung dala kong mga tubig at biglang sumama kay kuya.

"Ano pong nangyari sa kanya?" Umiiyak ng sabi ko

"Sumuka siya ng dugo kanina kaya dinala sa hospital. Ang sabi sa akin puntahan daw kita at dalhin sa kanya" sabi nito.

"Sana ok lang siya, sana walang nangyaring masama sa kanya" sabi ko na umiiyak

Mabilis kaming nakarating sa may school parking lot. Binuksan ni kuya yung itim na van at itinulak papasok.

"Dalian niyo!" Sigaw ng lalaking nasa loob na hinila pa ako. Sisigaw sana ako at hihingi ng tulong kaso tinakpan nila yung ilong at bibig ko at unti unti akong nawalan ng malay.

Amoy usok ng sigarilyo ang na aamoy ko, may mga tunog din ako ng mga baboy at hayop na naririnig. Gusto kong imulat ang mata ko pero parang inaantok pa rin ako at nahihirapan akong imulat ang mga ito.

"Nasaan na daw ba si boss?" Dinig kong sabi ng pamilyar na boses

"Malapit na daw siya, tinapos lang yung meeting niya" sagot naman ng isang boses

"Tangina! Wala na tayong alak! Tonyo! Bumili ka nga muna ng alak at pulutan natin!" Sigaw naman ng kung sino

"Nasan ba yung susi boss?" Tanong ng isang lalaki. Siya siguro yung Tonyo. Alex tulungan mo si Tonyo tatanga tanga pa naman yan" sabi nung isang lalaki at narinig ko ang pagbagsak ng susi.

Unti unti kong minulat ang mata ko at tinignan ang buong paligid. Nakatayo ako at nakatali ang kamay ko pataas sa may bakal ng poste. Nakita kong lumabas yung dalawang lalaki na inutusan nung tinatawag nilang boss. Tinignan ko naman ang mga naglalaro ng baraha sa may mesa. May apat na nakaupo at nagbabaraha at may isang nakatayo at nanonood sa kanila.

Nagkasalubong ang tingin namin ng isang lalaking nakaupo, ngumiti ito sa akin at nag hithit ng sigarilyo bago iyon tinapon.

"Gising na pala ang prinsesa natin" sabi niya at naglakad palapit sa akin. Sumunod naman ang dalawang lalaki sa kanya habang ang dalawa'y prenteng naka upo pa din habang naka ngisi sa akin.

"Sino kayo?! Bakit niyo ko dinala dito?!" Sigaw ko. Ang nasa isip ko ay kinidnap nila ako at balak humingi ng ransom sa magulang ko. Inisip siguro nila na mayaman kami dahil sa MU ako nag aaral kaya naisipan nila na ako ang kidnapin nila.

"Maawa na po kayo pauwiin niyo na po ako" sabi ko na umiiyak. Hinawakan naman ng lalaking malaki ang tiyan ang pisngi ko at diniinan yon. Ramdam ko yung sakit sa pagkakahawak niya.

"Alam mo bang mahigit isang linggo ang hinintay namin para makuha ka? Tapos sasabihin mo pauwiin ka nalang namin?" Sabi niya malapit sa mukha ko kaya amoy na amoy ko yung mabahong hininga niya.

"Hindi po kami mayaman wala pong maibibigay na ransom ang magulang ko sa inyo" sabi ko na umiiyak

"Sino bang nagsabi na hihingi kami ng ransom sa magulang mo?" Sabi niya na binitawan ang pisngi ko at tumawa ng tumawa. Tumawa din ang mga ibang kasama niya.

"Ano pong kailangan niyo sa akin kung ganon?" Tanong ko

"Wala kaming kailangan sayo, ang boss namin meron" sabi niya

"Ang ganda mo naman pala, baka pwede mo muna akong pagbigyan" sabi nung isang lalaki na hinawi ang buhok ko. Nag taasan naman ang balahibo ko ng nung maramdaman ko ang kamay niya sa legs ko.

Naiiyak akong sinipa ko yung gitna niya. Napa atras naman ito sa akin habang salu salo ang balls niya. Tinawanan siya ng mga kasama niya at tinukso na wala ka pala eh!

Nang makabawi ito sa sakit na nararamdaman ay tinignan niya ako ng masama at lumapit ulit sa akin. Sinampal niya ako ng sobrang lakas at sinabunot ang buhok ko pataas.

"Alam mo bang ganyan ang tipo ko sa babae? Palaban!" Sabi pa niya at naramdaman ko ang labi niya sa may leeg ko

"Huwag po tama na po" sabi ko na umiiyak. Pero hindi pa rin ito tumitigil sa ginagawa.

"Itigil mo yan" sabi ng isang lalaki na bagong dating ka sama yung dalawang lalaki na lumabas kanina. Tumigil naman ang lalaki sa pag halik sa leeg ko. Nanlalabo ang mga mata kong tumingin sa bagong dating.

"IKAW?!" Sabi ko nung makilala ang taong ngayon ay palapit sa akin. Ngumisi naman ito sa akin.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height