+ Add to Library
+ Add to Library

C41 Kidnapped

Stephen's POV

"Relax ka lang pre baka may pinuntahan lang yon" sabi ni Luke

Tumatakbo naman palapit sa amin si Samantha kasama si Gio habang may hawak na plastik bag.

"Kuya! Kinakabahan na ako, nakita namin ni Gio itong apat na mineral water sa lupa malapit sa may canteen. Hindi ko na sana papansinin kaso nakita ko to, alam ko coin purse ni bessy to" sabi niya at iniangat ang kulay pink na wallet na gamit ni Yhnna. Agad kong hinablot sa kanya yon at nakita ang nakalawit na keychain doon.

Para akong sinabuyan ng malamig na tubig at hindi makapag salita. Tinignan ko lahat sila na puro nag aalala ang mukha.

"Kailangan kong mahanap si Yhnna" sabi ko na tumakbo papuntang parking lot. Sumunod naman lahat sila sa akin.

"Pre! Sandali!" Sigaw ni Joseph na ikinalingon ko sa kanya. Tinuturo niya ang poste na may cctv at parang alam ko na ang tinutukoy niya.

"Galing mo tol!" Sabi ni Jonas na bahagya pang binatukan ang kapatid.

"Tara na sa office!" Sabi naman ni Anthony na nauna pang tumakbo sa amin. Nagpaalam naman kami at sinabi ang dahilan namin. Agad naman namin tinignan ang cctv hanggang sa oras na sinabi ni Samantha.

Nakita namin ang paglalakad ni Yhnna papunta sa canteen. Sa kabilang monitor naman ay nakita namin siya sa loob ng canteen na bumili ng mineral water. Nakita pa namin siyang naglakad palabas hanggang sa mawala siya sa. Naghintay lang kami ng ilang minuto at nakita ulit siya sa isang monitor at yung lalaking tumatakbo palapit sa kanya.

Nagtaka kaming lahat kung bakit siya mabilis na sumama doon sa lalaki at mukhang nag aalala. Sinundan namin siya hanggang makalabas sila at tumungo sa may parking lot. Sa kabilang monitor naman ay nakita namin ulit siya kasama yung lalaki. Binuksan ng lalaki ang itim na van at itinulak siya sa loob. Biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at parang may sinabi yung isang lalaki na nandoon bago ulit ito isinara. Pumasok yung lalaki sa van at mabilis na humarurot iyon palayo.

"Nakita niyo ba yung plate number?" Tanong ko. Hinihinto naman ni Joseph sa sasakyan ang kuha nito at izinoom in yon. Malinaw na lumabas ang numero ng plaka kaya mabilis namin inalam kung sino may ari non.

Pumunta kami sa may pinaka malapit na presinto at sinabi ang mga nangyari. Agad naman kaming inasiste ng mga pulis at tinanong ulit ang nangyari. Ang sabi nila'y kinidnap daw si Yhnna at kailangan namin mag hintay ng tawag ng mga kidnapper para sa ransom.

"Kuya, tawagan ko na si Tita Yolly papuntahin ko na sila dito" sabi ni Samantha. Nakatingin lang ako sa kanya at parang hindi alam kung ano ang isasagot.

"Sige tawagan mo na" sabi naman ni Gio sa kanya at tinapik ang balikat ko.

Rinig ko ang pag uusap nila Samantha at ni Tita Yolly dahil ini loud speaker ni Sam ang phone niya. Alalang alala si Tita habang umiiyak narinig ko pa nga nung tinanong niya kung nasaan ako. Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

*phone ringing*

Kinuha ko mula sa bulsa ang cellphone ko at sinagot yung unknown number na tumatawag.

"Hello" nanlalambot na sagot ko

"Gusto mo bang marinig ang boses ng syota mo?" Tumatawang sagot ng kabilang linya

"TANGINA MO! NASAAN SI YHNNA!" Sigaw ko

"Oops! Chill.. kasama namin ang syota mo. Kung gusto mo pa siyang makita ulit sumunod ka sa sasabihin ko" Hindi na ako naka sagot dahil ibinaba niya ang tawag.

Mabilis kong idinayal ang number nung tumawag pero ayaw sagutin ito. Ilang sandali lang ay may isinend siyang picture sa akin kung saan ay nakatali si Yhnna habang dumudugo ang labi.

"Shit!" Sabi ko at nilapitan ako ng mga kaibigan ko. Nag ring ulit ang phone ko at sinagot ko ulit.

"Kung gusto mo pang makita ang syota mo pumunta ka dito, itetext ko sayo ang address". At huwag kang magtatangka na magsumbong sa mga pulis at magsama ng alalay mo. Ikaw lang kailangan namin dito, kapag hindi ka sumunod.. malamig na bangkay ng syota mo ang idedeliver ko sa harap ng bahay niyo" sabi pa niya

"Gusto kong makausap si Yhnna! Ipausap mo siya sakin!" Sigaw ko

"Stephen please huwag kang pupunta, may baril sila wala din naman silang balak na buhayin tayo" dinig kong sabi ni Yhnna habang umiiyak

"Sesa makinig ka, pupunta ako diyan, ililigtas kita. Mahal na mahal kita pupuntahan kita diyan" sabi ko na umiiyak na din

"Ahhhh!" Narinig kong sigaw ni Yhnna "SESA! YHNNA!" Sigaw ko

"Tama na ang drama niyo, kinikilabutan ako" sabi ng lalaki na kausap ko kanina.

"Tangina mo! Huwag mong sasaktan ang girlfriend ko!" Sigaw ko sa kanya. Busy tone nalang ang narinig ko sa kabilang linya. Na paupo ako habang sina sabunot ang buhok ko. Tumunog ulit ang phone ko at binasa yung lugar kung saan ako pinapa punta. Agad akong lumabas ng presinto at hinabol ako ni Gio.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya

"Pupuntahan ko si Yhnna" sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse ko

"Sasama ako!" Sabi niya

"Hindi pwede, gusto nila ako lang mag isa. Huwag kang susunod sa akin baka mapahamak si Yhnna" sabi ko at mabilis na pumasok ng kotse at pinaharurot iyon.

***********

Gio's POV

"Saan nagpunta si Stephen?" Salubong sa akin ni Luke

"Alam niya kung nasaan si Yhnna, pupuntahan daw niya" sagot ko

"Bakit hinayaan mo siyang mag isa?! Susundan ko siya!" Sabi niya na tinalikuran ako. Mabilis ko naman hinila ang damit niya para pigilan. Sinuntok naman niya ako at sinuntok ko din siya.

Nagsilapitan ang mga kaibigan namin at ini awat kami.

"Lulumpuhin kita gago ka!" Sigaw ni Luke sa akin

"Tarantado! Mas gago ka ugok! Ibinilin sa akin ni Stephen na huwag tayong susunod pero hindi naman ako kasing gago mo na basta nalang susunod kahit hindi alam ang pupuntahan! Pinauna ko lang siya makaalis para hindi siya manghinala!" Sabi ko habang pinupunasan ang pumutok na labi. Inilabas ko ang nahulog na cellphone ni Stephen sa bulsa ko. Sa sobrang pagmamadali niya noong kunin ang susi niya ay hindi niya namalayang nahulog niya ito.

Medyo kumalma naman ang lahat ng pinakita ko yung text kay Stephen galing sa mga kidnapper ni Yhnna.

"Mga boss" tawag pansin ng isang pulis sa amin. Lumapit naman kami sa kanya

"Alam na po namin sino ang may ari ng van na ginamit sa pag kidnapp ng kaibigan niyo" sabi niya.

"Sino?" Sabay sabay naming tanong.

"Ezekiel Alcantara" bigkas niya sa pangalan. "Kilala niyo ho ba?" Tanong pa niya

"Wala akong kilalang Ezekiel" sabi ko

"Ako din" sagot naman ng iba

"Si kuya Zeke" mahinang bulong ni Samantha pero naabot sa pandinig namin. Tumingin naman kaming lahat kay Samantha

************

Yhnna's POV

"Ano bang kasalanan namin sayo?! Pakawalan mo na ako!" Sigaw ko

"Kung tutuusin wala ka namang atraso sa akin" sabi ni kuya Zeke na nakangisi sa akin

"Alam mo ba na sobra na ang laki ng atraso sa akin ng syota mo?!" Sabi niya na pinisil ang pisngi ko. Umiiyak lang akong naka tingin sa kanya.

"Naghiwalay kami ni Jean dati dahil kay Stephen alam mo ba kung bakit? Syempre hindi kaya ikuwento ko sayo!" Sigaw niya na binitiwan ako at tumalikod sa akin

"Nilandi lang naman ng syota mo ang syota ko! Okay na sana eh! Tanggap ko na na pinili ni Jean si Stephen. Pero anong ginawa ni Stephen? Pinag pustahan lang pala nila ng kaibigan niya si Jean! Tapos nabalitaan ko nalang na umalis ng bansa si Jean at doon na nag aral" sabi niya na biglang humarap sa akin.

"Alam mo ba ang isa pa? Noong nalulugi ang negosyo ng magulang ko humingi kami ng tulong sa magulang ni Stephen. Pero ni singko wala silang itinulong sa amin! Dahil sa sobrang pag iisip inatake ang Daddy ko at ang Mommy ko naman sumama sa ibang lalaki! Pilit kong kinalimutan ang lahat. Nakapag move on ako kay Jean at binangon ko unti unti ang negosyong nawala sa amin. Tapos isang tawag galing kay Nika na umiiyak ang natanggap ko" sabi niya na pinupunas na din ang luha

"Alam mo ba gaano ka sakit yung marinig mo ang tawag ng taong mahal mo na umiiyak at nagsusumbong? Si Nika siya yung tumulong sa akin para makalimutan si Jean si Nika at ang pamilya niya ang tumulong sa akin para maka bangon muli. Tapos dahil kay Stephen! Dahil sa isang Montreal na naman umiiyak ang taong pinaka mamahal ko! Tangina lang diba?! Hanggang kailan ako tatantanan ni Stephen! Lagi nalang akong talo pag dating sa kanya!" Sigaw niya at sinuntok ang poste kung saan ako nakatali.

"Hindi naman kaila sa akin ang pagkaka gusto ni Nika sa kanya, ang totoo nga yan sinusuportahan ko pa siya sa pagkaka gusto kay Stephen. Kahit masakit tinitiis ko bawat salitang sinasabi niya kung gaano niya ka gusto si Stephen. Pero anong sinukli ni Stephen sa kanya? Hindi na nga niya tinanggap ang pagmamahal na matagal ko ng gustong makamit kay Nika tapos sinaktan pa niya! Putangina mo Stephen!" Sigaw pa niya

"Maiintindihan ko naman kung hindi siya gustuhin ni Stephen pero yung ipahiya si Nika?! Sampalin at itulak siya?! Tangina niya! Papatayin ko siya!" Sigaw ulit niya

Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa doon si Stephen na may pasa at may bahid ng dugo ang damit. Agad naman niyang sinuntok ang lalaking humarang sa kanya at natumba naman agad yon. Pinulot niya ang tubo na na bitawan nung lalaki at hinampas ang isa pang lalaki.

"Ituloy mo lang yan! Para kumalat ang utak ng syota mo dito!" Sabi ni Zeke na ikinasa ang baril na hawak niya at itinutok sa ulo ko. Bigla naman huminto si Stephen.

"Huwag. Huwag mo siyang sasaktan" sabi ni Stephen na itinaas ang kamay

"Bitawan mo ang hawak mo" utos ni Zeke

Agad namang inihagis ni Zeke ang tubong hawak niya malapit sa akin. Bigla naman siyang sinikmurahan nung lalaking pinalo niya kanina ng tubo. Lumapit pa ang iba at sinuntok din siya. Nung mapahiga si Stephen ay pinagsisisipa naman siya. Kinuha ng isang lalaki ang isang tubo na nasa mesa nila at malakas na hinampas si Stephen.

"TAMA NA! MAAWA KAYO SA KANYA! Sigaw ko. Umubo ng may dugo si Stephen pero pilit pa rin siyang tumatayo

"Stephen wag ka ng tumayo please?" Umiiyak na sabi ko

"Ayos lang ako sesa, sabi ko naman sayo ililigtas kita" sabi pa niya na seryosong nakatingin sa akin. Tumutulo ang dugo mula sa pumutok na kilay niya, ng punasan niya ito ay sinuntok ulit siya ng malakas kaya napa urong ito at na paupo. Umubo na naman ulit siya ng dugo.

"Tigilan niyo na siya! Please po tama na!" Pagmamaka awa ko

"Yan lang ba kaya niyo?" Dinig ko pang sabi niya habang tumatayo. "Hindi kasing weak niyo ang inaasahan ko na daratnan dito" sabi ulit niya na dumura ng dugo at ngumisi.

"Stephen! Huwag ka ng magsalita!" Sigaw ko sa kanya.

"Matigas ka ha! Bugbog sarado kana nga maangas ka pa din" sabi naman ni Zeke "sige bugbugin niyo pa!" Utos pa niya sa mga kasama niya.

Pinalibutan naman ulit siya ng mga tauhan ni Zeke. Nung sumuntok pabalik si Stephen ay hinawakan siya ng dalawang lalaki at pinagtulungan naman siya ng dalawa pa na bugbugin siya.

"Tama na! Tama na!" Sigaw ko ng paulit ulit. Binitawan nila ang duguang si Stephen na sarado ang isang mata. Itinulak siya malapit sa akin at gumapang siya para makalapit pa sa akin. Habang gumagapang ay pinagtatawanan naman siya nina Zeke habang sinisipa. Gusto ko siyang tulungan, gusto ko siyang abutin pero hindi ko magawa dahil sa pagkakatali nila sa akin.

"Ang ganda naman pagmasdan, ang tamis!" Sabi ni Zeke

"Parang si Romeo at Juliet lang boss!" Sa bi naman ng isa pa na tumatawa

"Tanga! Paanong romeo at juliet?! Nagpakamatay ang dalawang yon at hindi pinatay!" Sagot naman ng isa pang lalaki na kasamahan nila.

"Tanggalin niyo ang pagkakatali ni Yhnna" utos naman ni Zeke

Mabilis naman nilang tinanggal ang tali ko. Pagkatanggal naman ay agad kong nilapitan si Stephen at niyakap.

"Sesa.." nanghihinang sabi niya

"Shhh.. huwag ka ng magsalita" sabi ko na umiiyak habang tinutulungan siyang makaupo.

"Ang ganda niyong tignan kaso hanggang dito nalang ang buhay niyo" sabi ni Zeke. Tinignan ko naman siya habang nakatutok sa amin ang baril niya.

"Sino kaya sa inyo ang uunahan ko?" Nakangising sabi niya

"Mini mini my nimo!" sabi niya habang nakatutok ang baril kay Stephen Niyakap ko naman ng mahigpit si Stephen at pumikit.

"Paano ba yan Stephen mauuna ka daw" dinig ko pang sabi niya habang tumatawa. Wala pang isang segundo ay narinig ko ang isang putok ng baril at nawalan ako ng malay.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height