+ Add to Library
+ Add to Library

C42 Hospital

Yhnna's POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Puti.. puro puti ang nakikita ko. Napakunot ako ng noo ng makita ko si Yael na natutulog sa tabi ko. Nilibot ko ulit ang paningin ko nasa sofa si Mama kasama si Papa at mahimbing ang tulog.

"Maa" tawag ko. Dahan dahan akong umupo sa kama at nag unat.

"Hmm" sagot ni mama

Nasa hotel ba kami? Litong tanong ko. Tumingin ako sa mahimbing na natutulog na si Yael. Kumunot lalo ang noo ko ng makita ang suot ko. Bakit nasa hospital ako? Tanong ko sa isip ko. Unti unti kong naalala mga nangyari kahapon.

"STEPHEN!" biglang sigaw ko. Nagising mga kasama ko sa kwarto sa sigaw ko. Agad naman akong bumaba sa kama pero pinigilan agad ako ni Papa at niyakap.

"Pa! Nasaan si Stephen?! Pupuntahan ko si Stephen!" Sabi ko na umiiyak

"Kumalma ka muna ihahatid kita sa kwarto niya" sabi naman ni papa

"Okay lang siya diba? Okay lang siya diba papa?" Tanong ko pa rin habang pinupunasan ang luha. Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng tumango si papa.

"Ate" sabi naman ni Yael na yumakap sa likod ko.

"Mabuti nalang gising ka na, wala bang masakit sayo?" Tanong ni mama. Dahil naman sa tanong niya ay parang bigla kong naramdaman ang sakit ng kamay ko pati na buong katawan ko.

"Ayos lang ako ma" sabi ko na tipid na ngumiti

"Bibili lang ako ng pagkain sa may canteen sa baba, anong gusto niyong almusal?" Tanong naman ni papa na pinahiran pa ang pisngi ko.

"Gusto kong makita si Stephen" sagot ko

"Kung gusto mo talaga siyang makita kumain ka muna" sabi naman ni papa

"Kahit ano nalang pa" sabi ko

"Gusto ko ng Jollibee pa!" Sabi naman ni Yael.

"Parang ikaw ang naka confine ha?" Biro ni mama "Sige pa, ibili mo nalang kami ng pancakes at hot chocolate sa Jollibee" dagdag pang sabi ni mama bago tuluyang lumabas at umalis si papa.

"Ma diba okay naman talaga si Stephen?" Sabi ko na hinawakan ang kamay niya.

"Oo, ayos lang siya. Nasa kabilang kwarto lang siya" nakangiting sabi ni mama.

"Ma samahan mo ako. Gusto ko siyang makita" sabi ko

"Masyado pang maaga alas kwatro pa lang kailangan din niyang bumawi ng lakas" sabi naman ni mama

"Kahit silipin lang ma, gusto ko lang makasigurado na okay lang siya" pilit ko

"O sige, pero silip lang ha?" Sabi pa ni mama. Ngumiti ako at tumango

----

Inalalayan ako ni mama habang naglalakad. Tama si mama, mag katabi lang ang kwarto namin. Stephen James Montreal basa ko sa pangalan sa may harap ng pintuan.

Madilim sa loob ng kwarto hindi ko makita ang mukha niya pero may nakita akong nakahiga sa may na may nakalagay na suero. Bigla akong kinabahan pipihitin ko sana ang door knob ng pigilan ako ni mama at umiiling. Nagsi unahan tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.

"Ma, gusto ko siyang lapitan" umiiyak na sabi ko

"Nakita mo naman na nagpa pahinga pa siya diba? Mamaya kapag naka kain kana papayagan ka namin" sabi niya na inalalayan ulit ako papasok sa kwarto namin

"Sabi niyo okay lang siya pero bakit may nakalagay na suwero sa kanya?" Umiiyak na sabi ko habang nakatakip ang kamay sa mukha.

"Ikaw din naman nilagyan ng suwero, tignan mo yung kamay mo may bulak at tape pa" sabi naman ni mama. Tumingin ako sa kamay ko na may naka tape na bulak.

"Bakit yung sa kanya hindi pa tinatanggal?" Umiiyak pa ring sabi ko

"Siguro kasi kailangan pa ng katawan niya, o kaya naman baka nakalimutan lang nilang tanggalin. Huwag kang masyadong mag alala sinisigurado ko sayo na maayos lang si Stephen" sagot ni mama na pina pahid ang luha ko sa pisngi

"Okay lang si Kuya ang lakas kaya niya! Pinuntahan ka pa nga niya kahapon dito sinigurado na okay ka. Gusto pa nga niyang bantayan ka kaso nabatukan siya nung Ate niya at binuhat pa siya ng mga kaibigan niya papasok sa kwarto nila" mahabang sabi ni Yael. Napangiti naman ako sa sinabi niya, si Ate Sha pala nag bantay sa kanya.

"Ma, paano niyo kami nailigtas? Nakita ko nakatutok yung baril kay Stephen. Alam ko na hindi nagbibiro si Kuya Zeke para siyang nasisiraan ng ulo na tawa ng tawa tapos narinig kong may pumutok na baril" sabi ko

"Ang kwento sa akin ni Samantha ng mabasa yung pinadalang text ng mga kidnapper mo sa cellphone ni Stephen ay agad nilang pinuntahan. Sakto daw ang pagdating ng mga pulis na swat at hindi nag dalawang isip na barilin agad yung Zeke dahil nakatutok daw sa inyo yung baril niya" paliwanag ni mama

"Buti nalang na unahan si Kuya Zeke, nasaan si Kuya Zeke Ma?" Tanong ko

"Nandito din sa hospital, pero huwag kang mag alala binabantayan siya ng mga pulis" sagot naman ni mama

"Pinuntahan namin siya kahapon ni papa ang sabi nung doctor ooperahan daw eh" sabat ni Yael

Hindi ko naman alam kung maa awa ba ako kay Kuya Zeke o magagalit. Niyakap ako ni mama at niyakap ko din siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa doon si Papa kasama si Samantha

"BESSY!!!" Sigaw agad niya na patakbong lumapit pa sa akin at niyakap ako. "I'm sorry dapat kasi sinamahan kitang bumili ng inumin eh" umiiyak na sabi niya habang yakap ako.

"Sira! Buti nga hindi mo ako sinamahan kung hindi dalawa pa tayong nakuha nila" sabi ko na tumatawa

"Ay! Parang bet ko yon tapos ililigtas din ako ni Gio kagaya ni Kuya Stephen" sabi niya na biglang tumawa

"Baliw ka na naman" sabi ko na pinaupo siya sa tabi ko

"Pero bessy sorry talaga" sabi pa niya

"Bakit ka nag so sorry? Ikaw ba mastermind sa pag kidnapp sa akin?" Natatawang tanong ko

"Ihhh! Naman eh! Hindi ko naman kayang gawin yung ginawa ni Kuya Zeke sayo. Kung kikidnappin kita mag papaalam naman ako kina Tita" sabi niya na naka pout

"Mag papaalam ka? Paano pag hindi pumayag? Edi hindi mo na ako kikidnappin?" Natatawang sabi ko

"Ganon talaga better luck next time" sabi niya na tumawa at ngumuso

"Baliw ka talaga, payakap nga" sabi ko at niyakap si bessy ng mahigpit.

"Nag alala kami ng sobra sayo" sabi niya na niyakap din ako ng mas mahigpit.

"Kumain na muna kayo" aya ni mama na iniabot sa amin ni bessy yung hot choco at dalawang styro ng pancakes

"Naku! Katatapos ko lang po, kumain ako ng kanin sa bahay bago pumunta dito" sabi niya na inilapag ang pagkain sa may side table.

"Buti ang aga mo?" Tanong ko

"Di ako mapakali sa bahay, nag aalala nga ako sayo kasi hindi kapa nagigising. Tignan mo mata ko! Nilagyan ko lang ng concealer para matakpan yung itim na nakapalibot diyan! Wala kaya akong tulog" sabi pa niya na sumimangot

"Ayiie... kinikilig naman ako sayo" sabi ko na sinundot ang tagiliran niya

"Mas kinikilig kaya ako kay kuya! Habang nililinis ang mga sugat niya pangalan mo binabanggit niya. Ang kulit kulit pa gusto ka daw niyang makita samantalang sarado naman mga mata niya sa bugbog" sabi niya. Tumawa naman ako habang naiisip ang hitsura ni Stephen

Knock Knock

"Good Morning!" Sabay sabay na sabi nina Gio, Luke, Jonas, Joseph at Anthony

"Waaahhh! Ang aga niyo" sabi ko noong nakalapit sila sa amin. Nag mano sila isa isa kina mama at papa.

"Ganyan kaba mag good morning?" Sabi ni Anthony na tumabi sa akin sa kama.

"Sige ulit. Good Morning din sa inyo" sabi ko na tumatawa

"Mukhang okay kana prinsesa ha!" Sabi naman ni Jonas na umupo sa may sofa

Inilagay naman ni Joseph yung basket ng prutas na dala nila sa may side table at iniabot sa akin yung isang basket din ng iba't ibang kulay ng bulaklak.

"Ang ganda naman nito Joseph! Thank you!" Sabi ko

"Thank you sa amin" sabi nilang lahat na tumatawa.

"Thank you sa inyong lahat" sabi ko ulit na tumatawa

"Grabe ha! Ang yayaman niyo pero naghati hati pa kayo sa pagbayad ng bulaklak" sabat naman ni bessy

"Ako lang nagbayad" sabi naman ni Gio na ngumisi

"Ikaw nga nagbayad ako naman pumili ng bulaklak" mayabang na sabi naman ni Luke

"Lul! Hindi lang ikaw pumili ng bulaklak" sabi naman ni Joseph

"Basta yung dilaw na tulip ako pumili" sabi naman ni Jonas

"Akin yung pink!" sabi Luke

"Huwag mo silang pansinin" sabi naman ni Anthony "ako yung pumili sa ibang kulay na hindi nila sinabi" dagdag pa niya

"Edi Wow! Sabi naman ni Yael na ikinatawa naming lahat.

"Nag breakfast naba kayo?" Tanong ko

"Yeah, dumaan kami sa may Coffee Shop kanina" sagot ni Jonas "sige na kumain ka muna" sabi pa niya

"Okay" sagot ko na ngumiti at sinimulan kainin yung pancake. Medyo na iilang pa ako dahil feeling ko pinag titinginan nila ako. Agad kong inubos ang dalawang pancakes at hot chocolate ko. Tumingin naman ako sa kanila na nag kukwentuhan kasama ang magulang ko.

"Pwede ko na bang puntahan si Stephen?" Tanong ko na ikina tingin nila sa akin.

Nakita ko naman tumango si mama na naka ngiti. Ngumiti naman ako at tumayo.

"Bessy sandali!" Sigaw ni Samantha

"Bakit?" Takang tanong ko

"Iniisip ko lang baka gusto mo munang mag suklay?" Patanong niyang sabi habang hawak ang brush niya at salamin

Ngumiti naman ako ng alangan at lumapit sa kanya. "Peram bessy ha?" Sabi ko.

"Ako na mag susuklay sayo, tignan mo nalang sarili mo sa salamin" sabi niya

"Okay" nakangiting sagot ko at tumalikod paupo sa kanya

"Ang ganda ng buhok mo bessy" sabi naman niya habang sinusuklayan ako "haba ng hair, nag rejoice ka ba girl" pa kantang sabi niya na ikinatawa ko

"Yan bessy! Mas prretty kana ngayon!" Sabi niya na tumawa

"Ikaw talaga, thank you" sabi ko na tumayo

"Samahan kana namin" sabi ni Anthony na tumayo din. Tumingin naman ako sa iba na nagsi tayuan na din at nagpaalam sa magulang ko.

"Ma Pa, pupuntahan lang namin si Stephen" sabi ko Sige sagot naman nila.

---

Tahimik kaming pumasok sa kwarto ni Stephen. Gising na si Ate Sha at pinaupo niya kami sa sofa. Nag paalam ito na may bibilhin lang sa baba.

Kinuha ko yung isang monoblock chair at inilapit sa may kama ni Stephen. Umupo ako doon at hinawakan ang kamay niyang may suero. Rinig ko ang paghinga niya habang mahimbing na natutulog. Lumipat ako sa kama niya at umupo doon. Tinitigan ko ang mukha niya at hindi naiwasang hindi haplusin. Puno siya ng pasa at galos parang nararamdaman ko din yung sakit ng mga yon. Hindi ko tuloy mapigilan ang pag uunahan ng pagpatak ng luha ko.

"Baka matunaw ako sa titig mo, alam kong gwapo ako" sabi ni Stephen na nakapikit pero naka ngisi. "Picturan mo nalang kaya ako?" Sabi pa niya na nagmulat ng mata

Agad ko naman siyang niyakap ng makitang gising na siya. "I love you" agad na sabi ko

"Ang sarap naman pakinggan ng Good Morning ko" sabi niya na niyakap din ako. "I love you too sesa" sagot niya sa akin at niluwagan ang yakap sa akin at hinawakan ang pisngi ko at mariin akong hinalikan sa labi

"Mahiya naman kayo sa mga bitter dito" Parinig ni bessy na ikina ngiti ko. Lumayo ako kay Stephen at tinulungan siyang umupo. Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"May masakit ba sayo?" Tanong niya na tinanggal ang pagkakayakap sa akin at inexamine ang mukha ko.

"Okay lang ako, walang may masakit sa akin" sabi ko na ngumiti sa kanya. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

"Sorry sesa dahil sa akin nadamay ka" sabi niya "Buti nalang okay ka lang kung hindi papatayin ko sila" sabi niya

"Pre! Patay na yung dalawa paano mo pa papatayin?" Tumatawang sabi ni Anthony

"Huhukayin ko ulit tsaka ko sila papatayin ulit!" Sabi naman ni Stephen na masamang tumingin kay Anthony

"Yuck! Ano yon double dead? Baboy lang ang peg nila?" Sabat naman ni Bessy

"Sus! Papatayin daw bugbog sarado naman" nakangisi namang sabi ni Joseph. Tawanan naman ang lahat pati ako nakisali

"Yah! Kung kayo nalang kaya ang bugbugin ko?!" Pasigaw namang sabi ni Stephen

"Huwag na, baka lalo ka lang pumangit" sabi naman ni Jonas na tumatawa. Di rin mapigilan ang pagtawa nila kaya nakitawa na naman ulit ako

"Kung ako pangit anong tawag sayo? Halimaw?" Sagot naman ni Stephen

"Kung may ibang tawag man sa akin maliban sa Jonas yun ay ang first name ko na Gwapo" sagot naman ni Jonas

"Ilusyunado ka rin pala pre no? Na ambunan ka lang ng kagwapuhan ko ang angas mo na. Alam naman nating lahat na naimbento lang ang salitang gwapo ng ipinanganak ako" sagot naman ni Stephen.

"Langhiya! Mga pre gwapo daw siya!" Malakas na sabi ni Luke na tumatawa. Nakitawa naman kami habang yung iba ay hawak ang tiyan sa kakatawa. Tumingin naman sakin ng masama si Stephen dahil sa pakikisali ko sa pag tawa. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Ate Sha na may bitbit na plastik bags.

"Ang saya niyo ha?" Sabi niya na naka ngiti habang inilalagay sa side table ang bitbit niya

"Ang kapatid mo kasi ang aga mag joke. Sabihin bang gwapo daw siya!" Malakas na sabi ulit ni Luke.

Tumingin naman si Ate Sha kay Stephen at binuksan ang drawer ng side table at kinuha yung square na salamin at hinihagis kay Stephen.

"Tignan mo nga ang hitsura mo ng mangilabot ka!" Sabi naman ni Ate Sha na ikinatawa naming lahat maliban syempre kay Stephen.

Kinuha naman ni Stephen ang salamin at tumingin doon. Nakita ko pang nanlaki ang mata niya bago sumigaw. Napuno naman ng tawanan ang loob ng kwarto. Kirat kasi ang isang mata niya tapos namamaga pa ang labi niya at puno ng pasa at gasgas ang mukha niya.

********************

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height