Ang Boyfriend Kong Manyak/C44 Marriage Proposal
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C44 Marriage Proposal
+ Add to Library

C44 Marriage Proposal

A/N

Sorry natagalan pag update. T___T

-bebe

Samantha's POV

Nandito kami ngayon sa may hospital. Ayokong pumasok sa loob kung saan naroon si Veronica. Feeling ko kasi ang laki ng kasalanan ko sa kanya. Na dahil naman talaga sakin kaya siya nasaktan ni kuya Stephen at dahilan para mag higanti si kuya Zeke.

"Bessy tara na" hawak sa kamay ko ni Yhnna. Nag nod lang ako at ngumiti sa kanya at pilit inihakbang ang mga paa ko sa loob ng kwarto ni Veronica.

Nadatnan namin sa loob ang nakahigang si Veronica habang kausap si kuya Zeke na nakaupo sa may kama niya.

"Halikayo" sabi ng nakangiting matanda. Ngumiti ako sa kanya at naglakad papunta sa may kama ni Veronica. Inalalayan siya ni kuya Zeke para makaupo.

"Saan ko po ilalagay to?" Sabi ni bessy sa matandang babae at bahagyang itinaas ang dala niyang prutas.

"Ako na ang bahala ija" sagot naman ng matanda at kinuha sa kamay niya ang basket ng mga prutas.

Tumayo si Zeke at ngumiti sa amin. "Sa labas muna ako" sabi niya kay Veronica

"Sino sila? Mga kaibigan mo ba?" Tanong ni Ven. "Huwag mokong iiwan Stephen" sabi pa niya na hinawakan ang kamay ni Zeke.

"Huwag ka ng lumabas kuya" nakangiting sabi ni Yhnna at naglakad palapit sa may kama.

"Kumusta kana Ven? Hindi mo ba ako na aalala?" Tanong niya na umupo sa kama ni Veronica.

"Ayos lang ako. Magaling na ako. Hindi eh. Ano bang pangalan mo?" Na iilang na tanong niya.

"Ako si Yhnna, mag kaklase tayo sa MU" sagot naman ni bessy

"Ikaw! Ikaw yung may gusto kay Stephen diba?!" Malakas na sabi niya at biglang hinila at niyakap ang kamay ni Zeke.

"Sa kanya ba?" Turo ni bessy kay Zeke.

"Oo! Hindi mo maaagaw si Stephen sakin!" Sabi pa niya na isiniksik ang katawan kay Zeke.

"Wala akong gusto sa kanya, may boyfriend na ako. Hinding hindi ko siya aagawan promise" sabi pa ni bessy na itinaas ang kanang kamay para maniwala si Veronica.

"Talaga? Hindi mo siya aagawin sakin?" Sabi naman ni Veronica na todo kapit pa rin kay kuya Zeke. Tumango naman si bessy at tumayo sa kama ni Veronica. Hinila niya ang kamay ni kuya Stephen at ngumiti kay Veronica.

"Siya pala yung boyfriend ko. Si James" nakangiting pakilala ni bessy kay Veronica. Yumakap naman ang kamay ni kuya Stephen sa baywang ni bessy.

"Hi kumusta ka?" Sabi ni kuya Stephen kay Veronica

"Hello.. Mabuti na, lalo na ngayon. Sorry ha? Akala ko kasi aagawin ng gf mo ang bf ko" nahihiyang sabi ni Veronica. "Bagay kayo, ang ganda niyong tignan" sabi pa niya na ngumiti.

"Okay lang. Pagaling ka ha? Bagay din kayong dalawa. Alagaan niyo ang isa't isa" sabi ni Kuya Stephen na nakangiti ngayon sa dalawa.

"Salamat" mahinhing sagot naman ni Veronica "sana paglabas ko sa hospital maka bonding namin kayo no? Sabi ni Stephen ipapasyal niya ko sa lahat ng lugar na gusto kong puntahan" masayang sabi ni Veronica

"Nakaka inggit naman, gusto ko din mamasyal eh" naka pout na sabi ni bessy

"Bakit hindi mo naman ipasyal si Yhnna James! Alam mo ba na gustong gusto naming mga babae ang na mamasyal kasama ang boyfriend namin. Ipasyal mo si Yhnna sige ka baka iwan ka niyan" sabi pa ni Veronica

"Ahh. Ganon ba. Salamat sa pagsabi. Yaan mo ipapasyal ko siya mamaya" pigil tawang sabi naman ni Kuya Stephen. Tumingin sa banda ko si Veronica at nginitian ako.

"Sino siya?" Dinig kong tanong niya kina bessy

"Ahh.. siya si Sam. Bestfriend ko" sagot ni bessy na tumingin sakin at ngumiti. Lumapit ako sa tabi nila at umupo sa kama kung saan nakaupo si bessy kanina.

"I'm sorry.." sabi ko na niyakap siya at umiyak. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko.

"Huwag kang umiyak Sam, hindi ko alam bakit ka nag so sorry pero pinapatawad na kita kaya huwag ka ng umiyak" sabi niya at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Marami akong hindi na aalala kaya kung may pangit na nangyari sa pagitan natin dalawa sana makalimutan natin. Sana maging magkaibigan tayo" sabi niya sakin na pinunasan ang mga nahulog kong luha. Tumango lang ako sa kanya at niyakap siya ulit.

"Alam niyo ba ang dami kong hindi natatandaan, basta naaalala ko lang yung mga magaganda na nangyari sakin. Yung mga panahon na bata ako na kasama ko ang family ko, si Yaya at syempre si Stephen" sabi niya na ngumiti at hinilig ang ulo kay Kuya Zeke.

------------

Yhnna's POV

Dalawang oras din kaming nandoon sa hospital at ka kwentuhan si Nika. Nika nalang daw itawag namin sa kanya yun daw ang palayaw niya at yun din daw tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.

Bago kami tuluyang umalis kinausap din namin si Kuya Zeke. Nakausap namin siya dati noong naka confine siya at humingi siya ng tawad. Pinatawad na namin siya ni Stephen at hindi pinakulong. Yun nga lang hindi sapat na hindi kami maghain ng reklamo para di siya makulong. Pero dahil na din sa maka pangyarihan ang pera nagawan ng paraan ni Stephen na huwag siyang makulong at ng makasama pa niya si Veronica.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong sakin ni Stephen na diretyo ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho

"Maaga pa naman, gusto mo mag grocery? Dami ng kulang sa stocks mo sa condo" sagot ko na nakatingin sa kanya.

"Ipagluluto mo ako ng dinner?" Tanong niya na may halong kalokohan ang ngiti.

"O-okay lang.. ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya

"Kahit ano lang" sagot naman niya na kinuha ang kamay ko at hinawakan.

Nag park siya sa Love Mall at pinag buksan ako ng pinto pagka labas niya. Inakbayan niya ako at niyakap ko naman ang baywang niya.

"Omo! Stephen!" Malakas na sabi nung girl at biglang yumakap at nag kiss sa cheeks ni Stephen. Nanlaki naman ang mata ko at tinanggal ang kamay ko na nakayakap kay stephen at tinignan ito.

"Sino siya?" Tingin sa akin nung babae at ngumiti kay Stephen at niyakap ang kamay niya kay Stephen.

"Bitawan moko" dinig na sabi ni Stephen

"Ha? Why? Hinintay ko ang tawag mo. Kinukulit ko nga si Anthony kaso sabi niya busy daw kayong lahat" sabi niya na bumitaw sa pagkakayakap sa kamay ni Stephen pero malanding hinahaplos ang dibdib ni Stephen.

Marahas na hinawakan ni Stephen ang kamay nung babae at tinanggal yung kamay ng babae sa kanya.

"Ano nga kasi pangalan mo?" Naka kunot noong tanong ni Stephen sa kanya. "Kung ano man pangalan mo pwede wag kang lumapit sakin? Ang pangit mo" sabi ni Stephen dun sa babae.

"Sabi ni Anthony may gf kana daw. Siya ba yon? Maka pangit ka sakin akala mo naman ang ganda ng kasama mo. Mas maganda pa nga talampakan ko sa kanya!" Malakas na sabi nung babae na namewang pa sa harap namin.

"Oo nga!" Sabi naman nung isang girl na lumapit at tinaasan ako ng kilay

"Ganyan lang pala ang tipo mo Stephen? Sinabi mo sana para nagpaka dugyot kami. Hahaha" sabi naman nung isa

"Pffft..." pigil tawang sabi ni Stephen. Tinaasan naman kami ng kilay ng tatlo

"Alam niyo girls tama kayo, mga kagaya ng girlfriend ko ang tipo ko" sabi niya na niyakap ang baywang ko. "Ayos lang naman sakin kung hindi kayo nagagandahan sa kanya, di rin naman kasi ako nagagandahan sa inyo. Maganda pa talampakan niyo kesa kanya? E ano ngayon? Mahal na mahal ko naman siya. Di gaya niyo na mukhang pokpok wala pang nagmamahal sa inyo" tumatawang sabi ni Stephen bago niya hinawakan ang kamay ko at hinila.

"My God! Cloe mukha daw tayong pokpok!" Sabi nung isang girl. Di ko na narinig ibang usapan nila dahil malayo na kami. Tumingin naman ako ng masama kay Stephen na cool lang naglalakad.

"Mukhang talampakan pala ako ha" bulong ko na sinamaan siya ng tingin.

Dumiretyo agad kami sa may Supermarket at kumuha siya agad ng push cart.

"Anong bibilhin natin?" Tanong niya na umakbay sakin. Tinanggal ko ang kamay niya at tinignan ng nakamamatay na tingin.

"Bilhin mo lahat ng gusto mo" Masungit na sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin at inakbayan ako.

Tulak tulak niya ang push cart sa kaliwang kamay habang akbay naman niya ako sa kanan niyang kamay habang naka simangot akong namimili ng mga prutas at mga gulay.

"Anong gusto mo bang dinner mamaya?" Tanong ko

"Yung gusto mo" sagot niya

"Di ko kayang lutuin yung gusto ko" Masungit na sabi ko

"Ano ba gusto mo?" Kunot noong tanong niya

"Madami. Pero pinaka gusto ko yung patayin ka!" Sabi ko na iniwan siya at pumunta sa may meat section.

Di ko siya tinitignan basta kinukuha ko lang at inilalagay sa cart yung alam kong wala na siya at kulang sa stocks niya.

"May kukunin lang ako" paalam niya. Di ako sumagot at tinalikuran ko lang siya.

Nabili ko na lahat ng alam kong kailangan namin pero hanggang ngayon twenty minutes na wala pa din si Stephen. Andami pa naman ng mga kinuha ko, nakakahiya kung ibabalik ko mga to at iwan nalang. Five minutes nalang, kapag wala pa siya in five minutes iiwan ko mga to dito at uuwi na.

You're insecure

Don't know what for

Your turning heads when you walk through the door

Don't need make-up to cover up

Being the way that you are is enough

Nabigla ako ng mamatay ang tunog sa radyo ng Supermarket at napalitan ng pamilyar na boses na ikina ngiti ko.

Everyone else in the room can see it

Everyone else but you

Baby you light up my world like nobody else

The way you flip your hair gets me overwhelmed

But when you smile at the ground it ain't hard to tell

You don't know, oh oh

Bigla ko siyang nakita na lumabas sa isang corner habang sukbit sa leeg niya ang isang gitara. Tinanggal niya yung gitara na mukhang hiniram lang niya doon sa lalaki na pinag abutin niya tapos kinuha ang isang boquet ng bulaklak at naglakad palapit sa akin.

You don't know your beautiful, oh oh

That what makes you beautiful

Tuloy pa niya sa pagkanta kahit wala ng gitara at mikropono. Inabot niya sakin yung bulaklak at lumuhod sa harap ko habang naka tingin yung ibang tao.

"Sesa, hindi ganito ang plano ko pero nagka subuan na" tumatawang sabi niya. "Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko ngayon, biglang nawala sa utak ko mga sinaulo ko na dapat sasabihin ko sayo. Pero sesa isa lang naman ang gusto kong itanong sayo. Alam kong bata pa tayo pero alam ko na ikaw na talaga binigay ni God para makasama ko habang buhay. Sesa, payag ka bang pakasal sakin? Will you marry me?" Sabi niya na naka luhod sa harap ko at nakatingin sa mata ko.

"Bakit walang singsing?" Natatawang sabi ko na tumutulo ang luha. Inalalayan ko siyang tumayo at niyakap ng mahigpit. "Oo naman. Yes na yes" sabi ko na umiiyak.

"Nasa condo ko yung singsing, wala sa plano ko mag propose sa supermarket kaso mukhang nagtatampo kana. Baka kasi No ang maging sagot mo pag uwi natin. Ulitin ko nalang mamaya" tumatawang sabi niya habang mahigpit niya akong yakap.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin na kanina pa kami pinapanood.

"Congrats!" Hiyaw pa ng iba at walang tigil na palakpak

Nagpasalamat kami at yumakap sa baywang ko si Stephen at pumunta sa may cashier para bayaran na ang mga pinamili namin.

---------

Pagpasok namin sa condo ay nabigla ako sa mga red petals na naka kalat sa buong sala. Tumingin ako kay Stephen na nakangiti sakin at inalalayan akong umupo sa may sofa na may mga pulang petals din.

"Ano to?" Nakangiting sabi ko

"Diyan ka lang kunin ko lang mga pagkain natin" sabi niya na hinalikan ako sa pisngi. Sinindihan niya ang tv at may kinalikot sa phone niya bago naglakad papunta sa kusina. Nakatingin lang ako sa kanya na nakangiti hanggang sa mawala siya sa paningin ko ng makapasok siya sa kusina.

Bumaling ang tingin ko sa may tv ng marinig ko ang boses ng koreano na nag da drive. Nag ring ang phone niya at hindi nakita ang daan kaya may nasagasaan siya. Bumaba siya ng truck niya at tinignan kung ano ang nasagasaan niya at kung buhay paba o ano na. Akala ko yung nasagasaan niya inaalala niya yung truck pala niya. Buti nalang may subtitle na english kaya naiintindihan ko. Sumakay ulit yung lalaki sa truck niya at umalis ng makitang patay na yung usang nasagasaan niya. Pag alis naman ng truck ay siya namang bangon ng usa na parang walang nangyari.

"Weird" bigkas ko. At inilabas kung ano ang title ng movie Train to Busan.

"Kain muna" sabi ni Stephen na tumabi sakin at inabot ang isang baso ng Orange juice. Kinuha ko naman at agad uminom.

"Di ko gets pinapanood ko" sabi ko na tumingin sa kanya.

"Maganda daw yan sabi ni Luke sakin kagabi. Siya kasi tinanong ko kung ano magandang movie ngayon. Sinabi ko kasi na kasama kitang manonood" cool na sabi niya na inakbayan ako at kumuha ng pizza.

"San galing ang pizza?" Tanong ko na kumuha din ng isang slice.

"Bumili ako kanina ng pizza crust sa baba. Tapos ako nalang gumawa kanina" sabi niya na nakatutok ang mata sa tv.

"Kaya pala masarap" sabi ko na umiwas ng tingin

"Sarap ba?" Tanong niya. Ayoko siyang tignan kasi alam ko magyayabang na naman siya. Tumango nalang ako at humilig sa balikat niya. Seryoso nalang akong tumingin sa may tv at nanood.

"Waaaahhhh!!!!" Biglang sigaw ko na patalon na umupo sa kandungan ni Stephen at yumakap sa kanya. Tinago ko naman ang ulo ko at isiniksik sa leeg niya. "Patayin mo ang tv!" Sigaw ko sa kanya. Tawa lang naman siya ng tawa sakin. Pero naririnig ko pa rin ang tv.

"Maganda naman eh. Manood ka di naman nakakatakot" sabi niya. Unti unti kong minulat mga mata ko at sumilip sa tv. Nakita ko naman ang pag habol ng mga zombie sa mga kapwa nila pasahero ng tren at sa pag kagat ng mga ito sa kanila na kalaunan ay naging zombie na din.

"Kyaaaaahhhh!!!" Sigaw ko ulit ng magbago ang anyo ng isang pasahero na nakagat ng zombie. "Ayoko na!" Sigaw ko kay Stephen.

"Oo na heto na papatayin ko na" sabi niya na binuhat ako at inabot ang remote control sa may coffee table. Nawala yung boses na galing sa tv kaya minulat ko na yung mata ko at tumingin doon. Nakahinga ako ng maluwang ng makita kong nakapatay na kaya tumingin ako kay Stephen na nakangisi sakin ngayon. Nanlaki ang mga mata ko ng maglakad siya habang buhat ako.

"Ayoko nasa isip mo. Ibaba moko" sabi ko na nag likot sa pagkaka buhat niya sakin hanggang sa makarating kami sa kwarto at ilapag ako sa kama. Mabilis akong umupo at umusog ng umusog hanggang sa headboard na ng malambot na kama niya ang nasa likuran ko. Ngumisi lang siya sakin hanggang sa inilapit niya ang mukha niya sakin at hinalikan ako sa labi. Aarte paba ako? Sarap kaya ng kiss niya kaya tumugon na ako.

Wala ng saplot ni isa ang katawan ko, ramdam ko rin ang mainit na katawan niya sa balat ko. Nagwawala na din at tumutusok sa tiyan ko ang matigas na alaga niya habang naglalakbay ang kamay at labi niya sa katawan ko. Nawala na ako sa katinuan ko at blanko na din isip ko basta ang alam ko ay gustong gusto ko ang nangyayari ngayon. Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko habang kagat kagat niya ang pang ibabang labi ko. Lumayo siya ng bahagya sa katawan ko at huminto sa paghalik sakin

"Please.." sabi ko na pilit hinihila siya palapit sa katawan ko

"Look at me" dinig kong sabi niya. Unti unti ko naman binuksan ang mga mata ko at sinalubong ang tingin niya. "Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko kaya next year sa mismong araw ng birthday mo pakakasalan mo na ako sa ayaw at gusto mo" seryosong sabi niya habang nakatingin siya sakin.

Sasagot sana ako pero bigla niya akong mariin na hinalikan kasabay ang paglagay niya ng singsing sa daliri ko at pagpasok ng alaga niya sa pipay ko. Hindi ko na magawang tignan pa kung ano ang itsura ng singsing, pumikit agad ako at nagpakawala ng mumunting ungol.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height