Ang Boyfriend Kong Manyak/C45 Final Chapter
+ Add to Library
Ang Boyfriend Kong Manyak/C45 Final Chapter
+ Add to Library

C45 Final Chapter

After 5 years...

Yhnna's POV

"Stephen!!! Walanghiya ka!!! Lalabas na!" Sigaw ko habang natataranta ang asawa ko na hindi alam kung ano ang unang dadamputin.

"Sesa sandali lang huwag muna. Hinga ka ng malalim. Inhale... exhale... " sabi pa niya na huminto pa sa harap ko. Sinunod ko naman siya pero hindi ko talaga kaya

"Yaaaahhh!!! Hindi ko na kaya!! Sigaw ko na mabilis na tumayo at bumaba sa kama. Hawak ang malaking tiyan ko ay hinablot ko yung susi ng kotse ng asawa ko na nasa side table at naglakad palabas ng kwarto.

"Sesa sandali!" Habol naman sakin ni Stephen na inalalayan ako sa paglalakad habang bitbit yung bag na di ko alam san galing. "Huwag ka munang manganganak papunta na ang barkada" sabi niya na pina paupo ako sa sofa.

"Walanghiya ka! Bakit doktor ba sila?! Bahala ka diyan! Hintayin mo silang mag isa! Mauuna na ako sayo hindi ko na kayaaa!!!" Sigaw ko sa mukha niya at mabilis naglakad palabas ng bahay.

Pinatunog ko ang Audi A8 na kotse ni Stephen at mabilis na pumasok doon. Dinig ko pa ang pag tawag niya sakin pero di ko na pinansin. May tumutulong tubig na sa legs ko at sobrang sakit na ng tiyan ko. Ini start ko ang kotse at inapakan agad ang gas at pinaandar ng sobrang bilis. Buti nalang madaling araw kaya wala akong kasabayan sa daan.

Mabilis agad akong bumaba ng kotse at humingi ng tulong sa nakita kong Nurse na nakatayo sa may harap pinto sa may entrance ng hospital. Bago ako malapitan ng Nurse ay nakita ko si Stephen at binuhat niya agad ako. Hiniga nila ako sa stretcher at mabilis na itinulak yon.

"Sesa kaya mo yan" sabi ni Stephen na sumunod pala sakin at hawak ang kamay ko. "Nurse alagaan niyo asawa ko at mga baby namin" sabi niya habang tinatakbo nila ako sa may delivery room. Sumara ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko at binuhat ako, inilipat ako sa may bed at nagsilapitan lahat sila sakin.

"Opo sir" dinig kong sabi ng isang nurse sa asawa ko bago tuluyang sinara ang pinto. Hinang hina na ako hindi ko na din kayang sumigaw pa. Para akong naubusan ng lakas at ang gusto ko lang ay manganak na ako.

-----

Stephen's POV

Ang bilis ng pagmamaneho niya para siyang nakikipag drag race sa bilis. Mabuti nalang wala siyang kasabayang kotse. Nakita kong lumiko siya at huminto sa mismong harap ng hospital. Nasa likod lang naman niya ako kaya ng pagbaba niya ay agad ko siyang binuhat at itinakbo sa loob ng hospital. Nagsilapitan yung mga Nurse at sinabing ihiga ko si Yhnna sa stretcher.

Pawis na pawis si Yhnna at tinitiis ang sakit na nararamdaman kaya hinawakan ko ang kamay niya. May mga sinabi din ako sa mga Nurse bago ako naiwan dito sa may labas ng delivery room.

Kinse minuto na ang nakakaraan pero hindi pa rin lumalabas yung doktor o kahit sino man nasa loob. Upo, tayo at pabalik balik na lakad ang ginagawa ko.

"Pre!" Tawag ni Anthony sakin na ikina lingon ko. Patakbo siyang lumapit sakin at kinamusta ang mag ina ko.

"Kanina pa siya si Yhnna sa loob pero wala pa ding lumalabas sa loob. Kinse minuto na ako dito pero walang nagsasabi na okay na ang mag iina ko" sagot ko sa kanya habang pabalik balik sa paglalakad habang naka sabunot sa buhok.

Sabay sabay namang dumating sina Luke at ang kambal. Nasa Bar kasi silang tatlo ng tawagan ko sila. Agad din silang nagtanong tungkol kay Yhnna at sa kambal. Si Anthony na sumagot sa kanila dahil kanina pa ako kinakabahan.

"Pre, umupo ka muna. Hintayin natin yung doktor" dinig kong sabi ni Jonas

"Kuyaaa!!! Nasan si bessy?!" Pasigaw na tanong ni Samantha kasama ang asawang si Gio. Tulad kanina si Anthony na sumagot.

"20 minutes palang pala maka react kayo! Yung iba nga umaabot ng 2 hours bago mailabas ang baby nila. Single pa yon at hindi double. OA niyo ha! Malakas si bessy kaya kayang kaya niyang ilabas ang kambal na maayos" sabi naman ni Samantha na ikinalingon ko

"Sam, diba doktor si tita? Baka pwedeng papuntahin mo siya dito. Nag aalala na ako sa lagay nila Yhnna" sabi ko na hinawakan ang kamay niya.

"Umupo ka nga! Doktor nga si mommy pero doktor ng hayop! Anong palagay mo sa asawa at mga anak mo? Aso't tuta?! Relax ka lang kasi. I'm sure okay lang sila. Okay naman mga check ups niya at umiinom din ng mga vitamins. Healthy naman mga foods na kinakain niya kaya no need to worry kuya" sabi niya na niyakap ako.

Tahimik kaming naka upo lahat sa labas ng delivery room ng lumabas ang isang Nurse na naka ngiti sa amin. Tumayo ako at agad na tinanong kung kumusta ang mag iina ko.

"Maayos po sila, tulog po misis niyo at nililinis na ang kambal. Pahingi nalang po akong gamit nila. Katok po kayo sa pinto kapag okay na po ha?" Sagot sakin ng Nurse. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malaman na okay sila.

"Pre mga gamit daw" sabi ni Joseph na tinitignan ang mga nakasulat sa maliit na papel. Inabot niya sakin yung papel at tinignan ito.

"Nasa bahay pa mga gamit nila" napahilamos na sabi ko

"Eh ano tong bag na to?" Sabi naman ni Samantha na binuksan ang bag na dala ko. Mga ilang damit yon ni Yhnna at toys ng kambal. Mga feeding bottles din at mga damit ng kambal.

"Wala kang dala kuya kahit isang lampin lang? Di pa pwedeng isuot ng kambal mga dala mo. Di pa nila magagamit mga toys na to. Naku naman! Tara nga uwi muna tayo kunin natin gamit nila" sabi niya na hinila ako. "Hon, bilhin niyo nalang muna yung iba sa may baba gaya ng sabon, bulak, alcohol, tignan mo nalang yung iba pang bibilhin. Tapos i abot mo na muna itong dalawang twalya sa Nurse pagka bigay niyo sa binili niyo ha? Sabihin niyo nalang na kinuha palang kasi namin yung gamit nila" sabi pa niya kay Gio. Buti nalang nandito si Samantha. Naglakad na kami palabas ng hospital at sumakay sa kotseng dala ni Yhnna kanina.

--------

"Waaah! Ang cute naman ni Austin" sabi ni Samantha habang nakatingin kami sa labas ng nursery room.

"Paano naman si Aada? Ang cute cute din kaya niya" sabi naman ng asawa niyang si Gio

"Sinabi ko bang hindi? Kamukha kaya niya si Tita Samantha niya. Pareho kaming dyosa" tumatawang sagot naman ni Samantha.

Inilipat na sa kwarto si Yhnna at mahimbing pa rin ang pagtulog. Sabi ng doktor na nagpaanak sa kanya ay magigising din siya mamaya. Bumabawi lang daw ito ng lakas. Pagka gising daw niya ay dadalhin ang kambal sa kwarto para maka i breast feed ni Yhnna.

Kanina pa nila kinukuhanan ng picture at video ang kambal tapos pino post sa social media. Parang sila yung tatay kung umasta, sila daw kasi kamukha. Umiyak si Austin at lumapit ang isang Nurse sa kanya at binuhat. Tumingin sa amin ang nurse at ngumiti. Naglakad siya palabas habang karga si Austin at binigay kay Samantha na tuwang tuwa.

"Dahan dahan ka" bilin ko kay Samantha na buhat ang gwapong baby ko.

"Tse!" Sagot niya sakin. "Hello Austin baby ako si Tita Samantha" kausap niya sa baby ko. Ngumuso nalang ako at hinayaan siya. Gusto ko din kargahin si Austin kaso napaka liit at lambot niya. Baka masaktan ko siya.

"Pwede niyo na po siyang dalhin sa kwarto niyo, ihahatid nalang po namin yung baby girl niyo pagka gising niya" sabi sa amin ng Nurse.

"Nurse si baby Aada umiiyak!" Tarantang sabi ni Luke. Mabilis akong lumapit sa may salamin at tinignan ang baby Aada ko. Pumasok yung Nurse sa loob at kinarga din si Aada.

"Kala ko napano na inaanak ko" sabi ni Joseph na binatukan si Luke. Nagtalo pa sila pero di ko nalang pinansin.

"Mukhang ayaw magpa iwan ng baby girl niyo. Heto po Sir sama niyo na daw siya" nakangiting sabi ng Nurse sakin na inaabot ang baby ko.

"Natatakot ako, baka mahulog ko siya" nag aalalang sabi ko. Tumawa naman silang lahat at lumapit sa akin si Gio.

"Ako na magbubuhat" sabi niya at dahan dahang kinarga si baby Aada.

--------

Yhnna's POV

Nagising ako sa malakas na iyak ng sanggol. Minulat ko ang mata ko at nakita sina Samantha at Gio na karga karga ang baby ko. Habang si Luke at ang iba ay nasa likod at gilid nila na kinakausap ang mga baby ko. Nakaupo sa gilid ko si Stephen habang hawak ang isang kamay ko. Nakangiti siyang nakatingin sa mga ito kaya napangiti din ako. Ginalaw ko ang kamay ko kaya bumaling siya ng tingin sa akin.

"Musta pakiramdam mo? Gusto mo bang kumain?" Tanong niya na lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. "Thank you" bigkas pa niya at hinalikan ulit ako sa noo sa ilong at sa labi.

"Ayos naman ako, masakit lang ang katawan ko. Pero mas okay kumpara kanina na tiyan ko ang masakit" nakangiting sabi ko. Tinulungan ako ni Stephen na umupo sa kama at nilagyan ng unan ang likuran ko.

"Bessy ang cute cute ni Austin oh!" Sabi ni Samantha na umupo sa tabi ko habang buhat si Austin. Kinuha ko sa kanya si Austin at di napigilan ang pag luha ng makita ang mukha ng anak ko.

"Parang pinagbaklas sila ni Stephen" sabi ko na naka ngiti at pina landas ang hintuturong daliri ko sa mukha ng baby ko. "Si Aada?" Tanong ko na tumingin kay Gio. Ibinaba ko sa kama si Austin na mahimbing na natutulog at kinuha kay Gio si Aada na gising.

"Hi baby! Ako si Mommy. Natatandaan mo ba boses ko?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya na parang alam ang sinasabi ko. Ngumiti ako at tumingin kay Stephen na naka ngiti din.

"Ang likot ng mata mo, gusto mo bang agad na makakita?" Tanong naman ni Stephen kay Aada na kanina pa ngumingiti.

"Pre, buhatin mo si Austin. Picturan ko kayo" sabi ni Anthony na kanina ko pa napapansin na tahimik lang na kumukuha ng picture.

"Di ako marunong baka mahulog ko siya" dinig kong sagot ni Stephen na nakatingin kay Austin.

"Hindi yan.. di mo naman hahayaan mahulog ang anak mo diba?" Nakangiting sabi ko. Dahan dahan kong iniabot sa kamay niya si Aada. Kita ko ang kaba at pag aalinlangan niya pero noong nasa kamay na niya si Aada ay bigla siyang ngumiti.

"Ang lambot niya" sabi niya na nakangiti at tumingin sa akin. Kinuha ko naman si Austin mula sa pagkakahiga sa kama at nagpa picture kay Anthony.

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto ng kwarto namin at iniluwa doon sina Mama at Papa kasama si Yael kasabay din nilang pumasok si Ate Sha kasama ang Daddy at lolo niya. Agad silang lumapit sa kama at kinamusta ako. Kanya kanyang sabi naman na sila ang kamukha ng kambal. Nakangiti lang akong pinapanood sila habang nilalaro at kinakausap sina Austin at Aada.

Tumingin ako kay Stephen na naka tingin din pala sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap din niya ako pabalik. Ang swerte ko kasi kumpleto na kami. Ano pa bang mahihiling ko? Nandito mga kaibigan namin ni Stephen na laging maaasahan sa lahat ng bagay. Yung pamilya namin na laging naka suporta. Syempre si Stephen na asawa ko na lalong gumagwapo at pinaparandam ang sobrang pagmamahal niya sa akin. At ang mga anak ko, ang dalawang bagong buhay ko at inspirasyon. Gagawin ko ang lahat para mapalaki namin sila ni Stephen na maayos.

---------

Tootsie's POV

"Arf Arf" tahol ko habang papasok ang kotse ng mommy yhnna at daddy stephen ko sa garahe. Gusto kong makita ang kambal. Sigurado cute din sila kagaya ng dalawang baby ko.

Buhat buhat ni Tita Sharleen yung isang baby At buhat naman ni Lola Yolly yung isa. Patakbo kaming lumapit sa kanila at winagayway ang mga buntot. Binuhat ni Tito Yael sina Sugar at Cream (mga baby ko) at dinilaan siya sa mukha. Pumasok sila sa loob ng bahay at umupo sa may sofa.

"Baby Tootsie halika. Tignan mo sina Austin at Aada" sabi ni mommy yhnna na binuhat ako at pinakita ang natutulog na kambal.

"Arf Arf" tahol ko. Ang ganda nila kamukha nila sina baby Sugar at Cream ko.

Ngayon kumpleto na talaga ang pamilya namin. May mommy at daddy akong among mabait. May kambal na anak na sila na aalagaan at ba bantayan ko tapos may kambal na anak na din ako na bini baby naman nila lalo na ni Tito Yael.

Haayyy... life... ang sarap ng buhay.

And we Lived Happily Ever After... *^*

*****

Author's Note

Natapos din!!! Waaaahhhh!!!! Thank you po sa nag abalang magbasa at matiyagang nag hintay sa update ko labyu!. Sobrang daming thank you mga bebe!!!!

-Beberose_28 :* 😘😙😚

Report
Share
Comments
|
The End
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height