+ Add to Library
+ Add to Library

C5 First kiss

Yhnna's POV

"Makulimlim mukhang uulan ngayon" sabi ko kay bessy na kanina pa ako kinukulit habang naglalakad kami papuntang canteen

"Oo nga eh! Pero hayaan mo yan! Ang importante malaman ko ngayon na crush mo nga yung manyak na unggoy na sinasabi mo" hirit pa rin niya

"Hindi nga sabi" sabi ko

"Crush mo yung manyak crush mo" pilit at paulit ulit na sinasabi ni bessy sakin habang sinusundot pa tagiliran ko. Pinag titinginan na kami kami dahil sa lakas ng boses niya buti na lang mukhang wala yung manyak na unggoy dito.

Nang makarating kami sa canteen ay agad naman kaming pumilang dalawa, nasa unahan ko siya pero daldal pa rin siya ng daldal. Di matigil sa pang aasar sakin, nung matapos na siya ay bumaling siya sa akin at tinuro yung bakanteng upuan wala naman masyadong tao sa canteen at sobrang dami ng upuan at mesa. Tinignan ko ang mga pagkain sa harap ko, nag ningning mga mata ko dahil sa dami ng cakes na naroon. Tinanong ko kung magkano yung strawberry cream cake 200 daw! Grabe 200 pesos para sa isang slice lang?! Sigaw ko sa utak ko. Tinuro ko naman yung iba at sinabing 200 pesos lahat ng cakes nila maliban sa Cheesecake na 250 daw! Juskolord 100 pesos lang ang baon ko! Tumingin ako sa ibang naroon, naghahanap ako ng chips na pwede kong bilhin.

"Bigyan mo ako ng tig isang slice sa lahat ng cake niyo at dalawang pineapple juice" sabi ng lalake sa likod ko. Agad na uminit ang mukha ko ng marinig ko ang pamilyar na boses at amoy ng taong asa likuran ko. Hinawakan niya bewang ko at iniabot ang card niya dun sa babaeng tindera.

Lumipat siya sa tabi ko at nagkatitigan kami, kinindatan ako at nginisihan "My treat" sabi pa niya.

"Hambog! Manyak! Unggoy!" Sigaw ko sa mukha niya ng matauhan ako. Nagtinginan naman lahat ng mga tao samin lalo na yung grupo ng mga lalaki na asa malapit sa upuan namin. Nakitang nagulat si bessy at mabilis akong naglakad papunta sa kanya at umupo sa tabi niya. Tinignan ko ang ibang taong naroon ang iba nga ay napatayo pa at nakita ko din may ilang babae na nakataas ng kilay sa akin. Nung tumingin naman ako kay manyak ay papalapit na din siya sa lugar namin bitbit yung mga cakes na inorder niya.

"Wala ka pala eh!" Tukso nung kaibigan niyang chinito nung malapit na siya nagtawanan naman lahat ng kaibigan niya. Tinignan lang niya ito ng masama at tumahimik sila.

Inilapag niya sa mesa namin yung mga na inorder niya at kinuha yung isang pineapple juice at umupo sa harapan ko. Bored na tingin ang ibinigay niya sakin habang binubuksan yung pineapple juice at ini abot sa akin. Siniko naman ako ni bessy indikasyon na kunin ko yung juice na inaabot niya. Kumalma naman ang kalamnan ko at nakipag laban ng titigan sa kanya.

Dalawang minuto na kaming nag tititigan at walang boses na lumalabas saming dalawa. Tahimik ang paligid at parang naghihintayan kami kung sino ang susuko at unang magsasalita samin dalawa.

************************

Stephen's POV

I hear the people gasp when I suddenly crumpled the pineapple can while looking at her. Her eyes get widened and look surprised of what I did. Iniangat ko ang sarili ko sa pagkakaupo na hindi hinihiwalayan ang tingin sa mata niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at tsaka ko tinignan ang labi niya na bahagyang nakabukas pa, mabilis kong sinimsim ang labi niya at pinalalim pa ang halik na yon. Narinig ko ulit ang mga tao na nakatingin sa amin pero pinagpatuloy ko pa din ang paghalik sa kanya. Bigla akong na paupo ng itinulak niya ko at sinampal na ikina tigil ko.

Tinitigan ko siya ngayon na habang nakatakip ang dalawang kamay niya sa bibig niya at tumutulo ang luha.

"Kuya! What is that?! Why did you do that?!" Pasigaw ni Samantha sakin. Tumingin naman yung babae sa kanya at sa mga tao sa paligid at bigla nalang siyang kumaripas ng takbo.

Sumunod naman agad si Samantha sa tumatakbong kaibigan pagkatapos niya akong bigyan ng masamang tingin.

"Woah!" Sabi ni Gio na biglang tumayo mula sa likod ko at lumipat ng upuan sa harapan ko sumunod naman ang ibang kaibigan namin na hinila pa ang mga upuan nila.

"Hey people what are you looking at?!" Pasigaw naman na sabi ni Jonas sa mga tao sa canteen na ikina tigil naman nila sa pagtingin. Hinawakan ko naman ang kaliwang pisngi ko na nasampal. Tinapik naman ng mga kaibigan ko ang balikat ko na parang sinasabi na ayos lang yan.

Tinignan ko naman si Gio at Anthony na nag e enjoy sa mga Cakes na binili ko. Tumayo nalang ako at nagpaalam sa kanila na sa rooftop na muna ako kung saan naroon ang tambayan namin.

"Sige pre" sabi naman nila.

"Hayaan niyo na muna siya" rinig ko pang sabi ni Luke

************************

Yhnna's POV

Nasa rooftop ako ngayon ng Aurellia Building umiiyak.

Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito at humahagulgol ng iyak na parang isang bata.

"HAMBOG!!!!"

"MANYAK!!!"

"UNGGOY!!!"

"WALANGHIYA KA!!! DAHIL SAYO WALA NA ANG FIRST KISS KO!!!"

"IBALIK MO FIRST KISS KO WALANGHIYANG UNGGOY KA!!!"

Yun ang paulit ulit kong sigaw habang nakatayo at nakahawak sa railings dito sa rooftop. Kung kanina ay ambon lang ngayon ay malalaking patak ng ulan ang sumasabay sa pag agos ng luha ko. Basang basa na ako ng ulan at nilalamig na din pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag sigaw at pag iyak.

Nanlaki ang mata ko ng may yumapos sa akin mula sa likod. Ilang segundo din akong natigilan at ninamnam ang init ng katawan ng taong naka yakap sa akin ngayon. "I'm sorry" mahinang sabi niya. Ngayon na kumpirma ko na kung sino ang tao ngayon sa likuran ko.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakayapos ngayon sa bewang ko kulang ba ako sa lakas o sadyang gusto ko lang yung init ng katawan na ibinibigay niya sa akin ngayon? Sa isiping iyon ay napakagat ako ng labi at na paupo kasabay siya.

Iniharap niya ako sa kanya at inalalayan patayo.

"I'm sorry" sabi niya ulit sa akin habang hawak ang pisngi ko at pinupunasan ang basang mukha ko gamit ang kamay niya. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng luha ko kahit alam kong sinsero naman siyang humihingi ng tawad. Hinawi rin niya ang mga nakawalang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko at inilagay yon sa likod ng tenga ko.

"I'm sorry" Ulit na naman niya. Nakatitig lang ako sa mata niya na nakatingin din sa akin na puno ng emosyon. Nakita ko din ang pagbaba niya ng tingin patungo sa labi ko. Hinaplos niya ang labi ko gamit ang kanang hinlalaki niya habang ang kaliwang kamay niya ay naka hawak sa pisngi ko. Bigla ko naman tinakpan ang bibig ko gamit ang kanang kamay ko. Nabigla din siguro siya kaya napatingala siya at hinila ako sa dibdib niya. Niyakap niya ulit ang bewang ko at hinalikan ako sa noo.

"I'm sorry.. I'm sorry.. kahit gustong gusto kong halikan ang labi mo ay hindi ko gagawin kung hindi mo gusto" sabi niya "pangako pipigilan ko sarili ko kahit na pilit akong tinutukso ng labi mo" dagdag pa niya.

Lumayo siya sa akin at nginitian ako lumabas tuloy ang kanang biloy niya sa pisngi na maging ako ay nagulat ng haplusin ito. Mabilis kong inalis ang kamay ko na tila ba ay napaso mabilis kong itinago yon sa likuran ko at nag iwas tingin sa kanya habang kagat kagat ang labi ko. Hindi naman nakalampas ng tingin sa akin ang pag ngiti niyang malapad.

Hinila niya ako papunta sa harap ng isang kwarto at may idinayal na numero doon bumukas naman ito ng pihitin na niya ang seradura.

"Anong gagawin natin dito?!" Histerekal na sabi ko ng hilahin niya ako papasok ng silid.

"Dito ka lang" sabi niya at dire diretyo siyang pumasok pa sa isa pang pinto ng silid na yon. Iginala ko ang aking mata, meron don na pa L na sofá at may malaking flat tv din don, Kumpleto ang appliances sa loob non at may mini bar pa nga.

Lumabas siya ng kwarto na hubad baro pang itaas, naiwan ang mga mata ko sa pandesal niya sa tiyan, bitbit niya ang isang twalya at isang terno ng school PE uniform. Tumikhim siya bago nagsalita.

"Magpalit ka muna ng damit mo, basang basa ka baka magkasakit ka" sabi niya habang turo kung saan ang banyo.

Mabilis ko namang kinuha yon at dali daling pumasok ng banyo.

Nag hubad na ako ng damit pero di ko pa din sinusuot ang damit na binigay niya sakin. Anong gagawin ko? Tanong ko sa isip ko basa din kasi ang underwear ko, nagpasya nalang akong isuot nalang din yon kahit basa pa.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong prenteng naka upo habang nanonood ng tv ang manyak na unggoy na nagnakaw ng first kiss ko.

"Baka meron ka diyan kahit plastik bag lang ilalagay ko lang basang uniform ko" sabi ko sa kanya.

Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin habang walang emosyong nakatitig sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sobrang lapit na namin kaya napapa atras ako hanggang sa wala na akong ibang aatrasan pa. Bigla siyang yumuko habang nakatingin sa akin kaya napa pikit ako.

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang lalaki sa harapan ko, naka ngisi siya ngayon habang hawak ang paper bag na winawagayway niya ngayon sa mukha ko.

"Kahit sobrang gusto kong halikan ka, kahit sobrang inaakit mo ako, hindi pa rin kita hahalikan hanggat di mo sinasabi" sabi niya na ikina init ng mukha ko.

Hinablot ko ang paper bag na hawak niya at mabilis na pumasok sa banyo para kunin ang basang damit ko.

"Aalis na ako" sabi ko

"Dito ka muna, malakas pa ang ulan sa labas" sabi niya na di man lang tumingin sa akin.

Padabog naman akong umupo din sa may sofa pero malayo sa kanya. Tumayo siya at pumunta sa may pinaka kusina at binuksan ang cabinet at kumuha ng potato chips, binuksan din niya ang ref at kumuha ng juice doon at binuhos sa isang baso. Lumapit siya sa akin at iniabot ang pagkain sa akin naalala ko yung kanina na ginawa niya sa pineapple juice kaya kinuha ko na ito bago pa niya basagin sa mukha ko.

"Salamat" sabi ko. Tumango lang siya at umupo sa tabi ko, inabot niya ang remote at pinalipat lipat ng channel ang tv. Nang wala siguro siyang nagustuhan iniabot niya sakin ang remote control.

"Kaw na pumili" walang emosyon na sabi pa niya.

Tinignan ko ang relos ko at napangiti, inilipat ko sa channel 5 ang tv at na noon ay Spongebob Squarepants ang labas. Tumingin ako sa katabi ko na naka kunot noo ding naka tingin sa akin. Inismiran ko lang siya at walang pake na nanood.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height