+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Gymnasium

Yhnna's POV

Pabaling baling ako sa kama hindi ako makatulog.

"Waaahhh!" Sabi ko sabay takip sa bibig ko baka kasi magising ko kapatid ko, magkasama kasi kami sa iisang kwarto magkahiwalay lang ang higaan namin. Tinakpan ko gamit ang unan ang mukha ko at pumikit ulit baka sakali makatulog na ako. Pero kahit anong gawin kong pilit na matulog laging pumapasok sa isip ko ang manyak na unggoy na yon.

Umupo ako at inabot ang cellphone ko may text si bessy kanina na hindi ko na replayan dahil nga sa wala akong load at nag lowbat pa phone ko T___T binasa ko nalang ulit mga yon.

Bessy: nasaan ka?

Sent: 2:41pm

Bessy: bessy!!!! Waaaah!!! Nasaan ka? Pupuntahan kita.

Sent: 2:45pm

Bessy: bessy kanina pa ako paikot ikot sa campus masakit na paa ko nasaan ka na ba?

Sent: 3:01pm

Bessy: umuwi kaba?

Sent: 3:05pm

Bessy: textback!

Sent: 3:06pm

Bessy: sorry sa ginawa ng pinsan ko, mabait naman yon hindi ko nga alam bakit niya nagawa yon. Sorry...

Sent: 3:10pm

Bessy: hintayin nalang kita sa classroom ha? Mag i start na kasi ang klase.

Sent: 3:15pm

Tinignan ko ang oras 01:22am na nahiga ulit ako at pumikit pero mukha talaga ng manyak na yon ang paulit ulit na nakikita ko. Huling sulyap ko sa orasan ay alas kwatro y medya na ng umaga.

"Ate" boses ni Yael ang naririnig ko.

"Ate gising na" sabi pa niya

"Hmmm.." ungol ko

"Ate bangon na baka ma late tayo" - Yael

Bigla akong napa upo ng sabihin niya na baka ma late kami.

"Anong oras na ba?" Tanong ko

"6:45 na" - Yael

"Kyaaahhh!!! Bakit ngayon mo lang ako ginising?!" Sabi ko at mabilis na tumayo

"Kanina pa kaya kita ginigising" Nakalabi pang sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis na hinablot ang twalya at bumaba na ng makaligo na.

*********

Para akong wala sa katinuan nung umupo ako sa upuan ko sa classroom wala pa din si bessy. Nung iniangat ko ang mukha ko ay mukha ni Veronica na nakapa mewang at taas ng kilay.

"You bitch!" Sabi niya sakin na ikina bigla ko.

"Stephen is mine and mine alone bitch!" Sabi niya sabay sampal sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo para landiin si Stephen pagkatapos sinampal mo pa siya! Ang landi mo te!" Sabi pa niya na nag amba ulit ng sampal kaya pumikit nalang ako.

"Subukan mo lang sampalin ang bestfriend ko may kalalagyan ka" mahinahong sabi ni bessy habang hawak ang kanang kamay ni Veronica

"Seriously Samantha?! Siya pa talaga kinakampihan mo?!" Sigaw ni Veronica

"At sino gusto mong kampihan ko? Ikaw? And take note lang ha! Hindi malandi ang bestfriend ko kung ikaw pa sa sabihan nilang ganon wala pang isang segundo maniniwala ako" sabi pa ni bessy.

"Tama na yan" sabi ko sabay hila sa kamay ni bessy paupo

Bigla naman hinawakan ni Veronica ang kamay ko itinaas iyon kaya napatayo din ako

"Yuck! Ano to?" Sabi niya habang naka tingin sa relos ko

Kinuha naman ni bessy kamay ko sa pagkakahawak ni Veronica at hinila ako palapit sa kanya

"Ay boba! Di mo nakikita na wrist watch yon?! Ang boba mo grabe ha! Saan napunta utak mo sa suso mo na sawang sawa na sa silicon?!" Sabi pa ni bessy na ikinatawa ng lahat

"Bessy tama na alis na lang tayo" sabi ko sabay hila sa kanya. Nagpatianod naman ito sa akin at iniwan doon si Veronica na nanlalaki ang mata at inis na inis.

Tumingin muna ako sa may taas ng puno bago kami umupo ni bessy sa bench na nandoon baka kasi may unggoy ulit na biglang tumalon.

"Bakit mo naman hinayaan na sampalin ka ni Veronica?!" Naiinis na sabi niya

"Ayoko lang kasing makipag away bessy at kapag pinatulan ko siya lalo lang siyang magagalit at pag iinitan ako alam ko naman sa sarili ko na hindi ako malandi" Paliwanag ko.

"Kahit na! Sa susunod matuto kang lumaban!" - bessy

Tumango nalang ako para matapos ang usapan. Tinignan naman niya ang pisngi ko na makirot ngayon.

"Ohemji!" Biglang sabi niya at bigla niya akong hinila papuntang clinic ng school meron pala akong galos sa mukha kaya pala mahapdi. Maliit lang naman yon pero makirot, pinahiran ng ointment yon nung magandang nurse at binigyan ako ng hot compress para sa mukha ko para daw hindi magpasa.

"Bessy alis muna ako" sabi ni Samantha na nanggigigil

"San ka pupunta?" Sabi ko

"Babalik din ako" sabi niya at tumayo na

Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing okay lang ako, mukha kasi siyang pupunta sa giyera.

"Ms. Nurse, wag mong papaalisin ang kaibigan ko dito hanggat wala ako ha?" Sabi pa niya sa nurse ng school.

"Sige Ms. Samantha" sabi naman nung nurse na ngumiti pa kay bessy.

"Aalis muna ako bessy huwag kang aalis diyan" sabi pa niya. Tumango nalang ako sa pag sangayon.

Sa sobrang inip ay nakipag kwentuhan muna ako sa nurse ng school, okay na pakiramdam ko pero ayaw pa rin akong paalisin bilin daw kasi yon ni bessy. Nalaman ko din na isa sa may ari ng school na ito ang pamilya ni bessy grabe bigtime pala talaga ang bestfriend ko sabi ko sa utak ko. Isang oras na nakakalipas pero wala pa din si bessy kaya naisip ko nalang na matulog muna tutal ay puyat din ako.

*****************

Samantha's POV

Nanggigigil akong naglalakad pabalik ng classroom namin ni bessy. Pagkarating ko roon ay naabutan ko si Sir Damian na nag di discuss. Napatingin ang mga kaklase ko sa akin at si sir ng bigla akong pumasok at sinabunot si Veronica pakaladkad palabas ng classroom. Tumayo ang ibang kaklase ko na balak yatang umawat sakin pero tinitigan ko lang sila ng masama kaya hindi na tumuloy sa pag awat sakin. Lumapit sa akin si sir at sinabing bitawan ko si Veronica pero tinignan ko lang din siya ng masama at sinabing "kung gusto mo pa magtagal sa skwelahang ito ay manahimik ka" napa tulala naman ito sa akin at napaatras pa.

"Bitawan mo ako you bitch!" Sigaw ni Veronica habang hila hila ko ang buhok niya.

"Bitch pala ha! Matitikman mo ngayon ang pagka bitch ko!" Sabi ko sa kanya na mas lalong hinigpitan ang paghawak sa buhok niya. Kanina pa siya dumadaing at umiiyak.

"Please.. let me go" sabi niya na ngayon ay nagmamakaawa na. Naglabasan ang mga ilang estudyante at yung iba naman ay napatigil sa nakita nilang ginagawa ko. Kinaladkad ko siya hanggang sa makarating kami sa may gymnasium ng school. Nagsitigil ang mga naglalaro doon at nagtinginan lahat ng naroon.Itinulak ko si Veronica at sinampal.

"Grabe ha! Nasaktan kamay ko sayo ang kapal kasi ng mukha mo!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya na umiiyak at hulas ang make up.

Lumapit naman sa akin ang pinsan ko na nandoon pala at kasama ang mga kaibigan niya na naglalaro pala ng basketball. Tumingin ako sa paligid at nakita kong maraming tao actually halos babae lahat.

"What the fuck are you doing Samantha?!" Sabi ni Kuya Stephen sakin at hinablot ang balikat ko. Napa aray ako sa ginawa niya parang humiwalay ang balikat ko sa katawan ko.

"Stephen help me" sabi ni Veronica na lumapit pa sa pinsan ko at hinawakan ang braso. Nanggigil naman ako lalo sa ginawa niya kaya sasampalin ko sana siya kaso pinigilan ni kuya ang kamay ko bago yon dumapo sa mukha ni Veronica.

"Don't tell me Kuya na siya pa ang kakampihan mo! I'm your cousin!" Sabi ko

"Even you're my cousin I won't take your side f-" hindi ko na hinintay pa na tapusin ang sasabihin niya kaya sinigawan ko siya

"She hurt Yhnna! She hurt my bestfriend kuya!" Sabi ko na malapit nang kumawala ang pinipigilan kong luha.

**********************

Stephen's POV

Napatigil kami sa paglalaro ng basketball nang makarinig kami ng daing at iyak mula sa babae. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang gumagawa ng eksena doon. Sinampal ni Samantha ang isang babae at itinulak pa yon.

"Grabe ha! Nasaktan ang kamay ko sayo ang kapal kasi ng mukha mo!" Sigaw ni Samantha doon sa babae. Mabilis naman akong lumapit kay Samantha at hinawakan ang balikat niya.

"What the fuck are you doing Samantha?!" Dumaing siya sa hawak ko kaya niluwagan ko iyon.

"Stephen help me" sabi nung babae na umiiyak. Tinignan ko siya at hinawakan ang braso ko

"Don't tell me Kuya na siya pa ang kakampihan mo! I'm your cousin!" Sabi ni Samantha.

"Even you're my cousin I won't take your side f-" hindi ko na natapos ang balak ko pa sanang sabihin dahil biglang nag pintig ang tenga ko sa sigaw niya sakin.

"She hurt Yhnna! She hurt my bestfriend kuya!" Sigaw niya sa akin.

Paulit ulit na nagbabalik sa akin ang sinabi ni Samantha sa akin. She hurt Yhnna! She hurt my bestfriend kuya! Bigla kong naalala ang babaeng laging kasama ni Samantha na tinatawag niyang bessy. Naalala ko din ang karatula na nakalagay sa harap ng bahay nila Yhnna Yael's Store.

Tumingin ako kay Samantha na ngayon ay nakatakip ang mukha at umiiyak. Bumaling naman ako sa babaeng nakahawak sa braso ko na umiiyak din. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at sinampal siya napa upo ito at mas lalong umiyak habang hawak ang mukhang sinampal ko.

Nagulat ang lahat ng naroon na nanonood samin pati na mga kaibigan ko. Nag aalab ang mata ko sa galit ng tumingin sa babae na nakasalampak ngayon sa harapan ko, yumuko ako at balak na hilahin pa sana siya pero pinigilan ako ng mga kaibigan ko. Mabilis nila akong inawat at niyakap at inilayo. Bago kami makalayo ay sinigawan ko pa ang babae at mga taong naroon.

"Don't mess with my girl try to hurt her and I'll show you what hell looks like!"

"Fuck! I'm fine! Bitawan niyo na ako!" Sabi ko sa mga kaibigan ko na halos buhatin na ako makalayo lang sa gymnasium. Lumapit sa amin si Samantha na hanggang ngayon ay umiiyak at kita ang takot niya sa mga mata niya. Inalalayan naman ito ni Gio para maka upo sa bench na sa harapan namin.

"Hey Sam you alright?" Tanong ni Gio

"Yeah, I'm fine" sabi ni Samantha na medyo nanginginig pa ang boses. Inutusan naman ni Gio ang isang estudyanteng dumaraan para bumili ng tubig.

"Kuya I'm sorry.." sabi ni Samantha na biglang lumakas ang iyak. "Hindi ko alam na madadamay ka sa ginawa ko. Gusto ko lang naman iganti ang bestfriend ko sa babaeng yon" patuloy niya.

"Ano bang nangyari Sam?" Tanong ni Gio sa kanya

"Naabutan ko kasi kanina na sinampal si bessy ni Veronica at tapos kung ano ano pang masakit na salitang pinagsasabi niya. Sasampalin pa nga dapat niya si bessy buti nalang napigilan ko. Tinanggap lahat ni bessy yung masasakit na sinabi ni Veronica sa kanya tapos pinahiya pa siya. Nung ipag tatanggol ko na si bessy ay hinila niya ako palabas para daw matigil na at baka lalo lang daw siyang pag initan. Tapos nung lumabas kami at tinignan ko mukha niya nakita kong namamaga at may dugo pisngi niya kaya dinala ko agad siya sa clinic para hindi mag peklat at hindi magpasa yung mukha niya. Iniwan ko muna siya saglit don at bumalik nga sa classroom. Hindi ko alam kung ano naisip ko basta ang goal ko lang ay ipaghiganti si bessy. Tapos yun nga kinaladkad ko si Veronica hanggang sa madala ko siya sa gym" mahabang paliwanag ni Samantha

Hinawakan naman ni Jonas ang kamao ko dahil kanina pa daw ako nanginginig sa galit. Sinabihan din nila ako na kumalma dahil kung ano magawa ko, pina alalahanan din nila ako na babae si Veronica.

"Nasa clinic pa ba si Yhnna?" Tanong ko kay Samantha

"Yes kuya, ibinilin ko siya dun sa nurse na huwag siyang paalisin hanggat wala ako" sagot niya.

Ginulo ko naman ang buhok niya at sinabing good job. Tumingin siya sa akin at nag pout. "Tara na puntahan natin ang aking prinsesa" sabi ko nalang at pa cool na tumalikod at nauna ng naglakad sa kanila.

Tumakbo naman si Luke sa unahan ko at sumuntok pa sa hangin at sinabing "orayt!" Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa inasal niya.

*****

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height