+ Add to Library
+ Add to Library

C7 Friday

Stephen's POV

Nag aalangan pa akong pumasok sa loob ng clinic pero mas nangibabaw ang pag aalala ko kay Yhnna. Naabutan namin siyang nakahiga at mahimbing na natutulog tinitigan ko ang mukha niya at di ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang pisngi niya. Namumula ang pisngi niya at halata ang galos sa makinis na mukha niya, bahagya pang nakabuka ang labi niya na parang inaaya ulit ako na halikan siya. Pero bigla kong naalala ang sinabi ko sa kanya kahapon.

Pinaalis ko na ang mga lokong kaibigan ko dahil may pasok pa kami bale kaming dalawa nalang ni Samantha ang naiwan dito at nagbabantay sa kanya.

"Kuya do you like my friend?" -Samantha

Tinitigan ko naman ang maamong mukha ni Yhnna na mahimbing na natutulog. Pagkatapos tumingin ako kay Samantha at tumango.

"Ohemji!" Sabi pa niya na nanlalaki ang mata

"Is it real is it real?! You sure kuya?" Sabi ulit niya. Tumango lang ulit ako sa kanya at nginisihan siya.

"O My God! You really like her bag talaga" Sabi ulit niya

"Yes I really like her" sabi ko habang nakatingin sa mata ng pinsan ko

"Pero kuya does she know about it?" Malungkot na umiling ako sa kanya.

"O My! Kuya kelan ka pa naging torpe? Why don't you court her?" - Samantha

Tumawa nalang ako at ginulo ang buhok niya. Soon habol na sabi ko sa kanya na mukhang ikinatuwa niya. "Pero huwag mong sasabihin sa kanya" Mahinang sabi ko

Biglang may kumatok sa pintuan ng clinic at pumasok ang dalawang estudyante kinausap sila ng nurse at bumaling sila sa amin. Nagtinginan naman kaming dalawa ni Samantha at parang alam na namin ang pakay nila.

Lumapit sa amin ang Nurse at sinabi ang pakay nila, bago kami lumabas ay binilinan ko yung Nurse na hayaan nalang munang matulog si Yhnna isang mabilis na sulyap ang ginawa ko sa kanya bago tuluyang pumunta sa DSO.

Pinapanood sa amin ng Disciplinarian yung Cctv kuha sa Gymnasium.

"Hindi nagsumbong si Ms.Veronica Vasquez pero hindi ibig sabihin non ay ba balewalain namin to. Hindi pa tayo sigurado kung ano ang magiging aksyon ni Ms. Vasquez dito kaya humanda kayo kung anong pwedeng kahahantungan ng ka bayolentihan niyo. Hindi dahil sa kayo ang may ari ng school na ito ay hahayaan namin kayong sirain ang magandang reputadyon nito. Mula bukas ay suspended kayong dalawa ng one week at mag co community service kayo sa loob ng isang linggo. Kailangan niyo pa ring pumasok at mag report sa akin mula pag pasok niyo hanggang sa pag uwi niyo nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi niya samin ni Samantha na palipat-lipat ng tingin.

Tumango nalang kaming mag pinsan bilang pag sang ayon tatayo na sana kami at aalis ng may sabihin pa ito. "Doon muna kayo sa disciplinary room ng 5 hours" pina samahan pa niya kami doon sa dalawang estudyante na pumunta sa clinic kanina.

*****************

Samantha's POV

Nandito kami ngayon ni Kuya Stephen naka kulong like duh! Limang oras daw kami dito wala yata silang balak pakainin kami kainis! Padabog naman akong umupo sa monoblock doon at inilabas ang phone ko, maglalaro nalang ako ng Coc pampalipas oras.

Tumingin naman ako kay kuya na naka sandal ngayon sa upuan na naka headset at naka pikit. Ayoko naman siyang istorbohin kaya nagpaka busy nalang ako sa paglalaro.

Nang magsawa ako sa paglalaro ay binuksan ko nalang ang Facebook account ko hinanap ko ang pangalan ni bessy pero ibang tao naman na se search ko. Nag post nalang ako ng status at naisipan ko din mag selfie natawa naman ako sa huling take ko ng picture kaya mabilis kong ini upload yon. Itinag ko yon kay kuya na may hashtag pa na #PhotoBomber mabilis kong ini upload yon at gaya ng inaasahan ko 5mins palang almost 1k na ang likes at ang comments? Grabe nasa 300 na. Aliw na aliw kong binabasa mga comments na nandoon yung iba mga kakilala ko kaya nirereplayan ko sila.

Nag post ulit ako ng status at sinabi ko na mag la live ako kasama si Kuya Stephen dagsa ulit yon ng comments at like. Kinuha ko sa bag ko yung salamin at suklay ko ginamit ko din yung bagong bili ko na pressed powder at nag lip gloss din ako. Sinigurado ko munang maayos ang mukha ko bago ko ulit hinawakan ang phone ko at nag live video.

Humarap ako sa cam ng phone ko at nag hi sa mga nanonood pinakita ko naman ngayon si kuya na mukhang masarap ang tulog lumipat ako ng upuan at tumabi kay kuya. Ikinuwento ko kung bakit kami naroroon syempre ini exaggerate ko ng konti. Hihihi. Binasa ko ng malakas ang mga pangalan at mga comments nila karamihan puro hi at hello para kay kuya. Tumagal din ng isa't kalahating oras bago ako huminto.

Malalim pa rin ang tulog ni kuya kaya nagbasa nalang ako ng stories online.

****************

Yhnna's POV

Alas dose y medya na ng tanghali ng magising ako tumayo ako at nakita kong walang tao sa loob ng clinic, balak ko pa sanang hintayin si bessy pero nagugutom na ako. Lumabas na ako ng clinic at nag titinginan mga tao sa akin yung iba nagbubulung bulungan pa. Nadinig ko naman yung iba na may sinabi na siya ba yung Yhnna? Hindi naman pala maganda. Nalaman na siguro nila yung nangyari sa classroom kanina. Bigla tuloy akong nahiya kaya yumuko nalang ako at naglakad papuntang classroom dapat pala di nalang ako umalis ng clinic, na iilang tuloy ako sa mga tumitingin sa akin.

Wala ng tao sa classroom nung pumasok ako nakita ko naman agad yung paper bag na pinaglagyan ko ng baon ko. Yep! Nag baon ako mula elementarya ay ganito na ginagawa ko para makatipid ng pamasahe at mas magkaroon pa ng mas mahabang oras sa pagpapahinga. Ilalabas ko na sana ang lunch box ko kaso natigilan ako air-conditioned nga pala ang classroom namin. Sigurado mangangamoy ang paksiw na bangus ang classroom namin nagpasya akong sa labas nalang kumain. Bitbit ang paper bag at bag ko dumiretyo ako sa canteen, medyo maraming tao ngayon lunch time na kasi.

Unang hakbang ko pa lang ay pinag tinginan na ako ang kanina'y maingay na akala mo'y palengke ay biglang naging parang simbahan sa katahimikan. Wala kang ibang maririnig kundi mga yabag ko na naglalakad bawat hakbang ko ay tinitignan ako. Hindi pa ba sila naka get over sa nangyari kahapon dito kaya hanggang ngayon pinagtitinginan ako? Sabi ko sa sarili ko. May nakita akong nagbubulungan habang nakatingin sa akin hindi na ako naka tiis kaya umalis nalang ako ng canteen. Sa isa sa mga benches nalang dapat ako kakain kaso lahat ng tao naka tingin sa akin kaya naglakad nalang ako at umakyat hanggang sa makarating sa rooftop.

Habang naglalakad ako kanina ay inihanda ko na makita yung manyak na unggoy na yon at sinabi ko din sa sarili ko na okay lang na bwisitin ako basta maka kain ako. Nang makarating ako sa rooftop ay sariwang hangin agad nalanghap ko agad kong inilibot ang mga mata ko pero sadya talagang nag iisa lang ako. Bigla akong nakaramdam ng lungkot pero pinasigla ko ang sarili ko at naglakad papunta sa may sulok para ayusin ang pagkain ko. Dinaanan ko yung kwarto kung saan ako isinama kahapon ni manyak si silipin ko sana yung loob pero baka kung ano pa makita ko.

Rinig ko ang asaran at tawanan na papalapit sa kinaroroonan ko, mabilis kong inayos ang mga pinagkainan ko para sana maka alis na agad sa lugar na yong. Pumunta pa ako sa sulok ng matapos kong ligpitin mga gamit ko para sana hindi na ako mapansin, pero sa hindi namang inaasahan na pagkakataon nabitawan ko ang tumbler ko na naglikha ng ingay napapikit nalang ako sa katangahan ko. Agad na naglapitan yung limang lalaki na may pamilyar na mukha sa akin.

"Ikaw si Yhnna diba? Yung nanampal kay Stephen" sabi nung lalaki na chinito. Tsaka ko lang sila naalala, sila yung mga kasama ni manyak kahapon. At siya pala yung tinutukoy ni Veronica na Stephen niya daw. May nagsabi siguro kay Veronica sa nangyari kahapon sa canteen kaya galit na galit siya sa akin kanina. Hindi ko naman gustong halikan niya ko ha? Edi kanya na ang manyak na boyfriend niya! Isaksak pa niya sa baga niya!

"Ako nga, sige mauna na ako" sabi ko

"Wait miss" sabi nung isang lalaki na katabi yung kamukha niya na may salamin. Bumaling naman ako ng tingin sa kanya. "Bakit?" Tanong ko

"Hinihintay mo ba si Stephen? Baka gusto mong pumasok muna sa loob ng tambayan namin at doon mo nalang siya hintayin? Sabi pa niya.

"At bakit ko naman hihintayin ang manyak na kaibigan mo?" Mataray na tanong ko

"Well, ahm, baka kasi may gusto kayong pagusapan?" Nag aalangan na tanong niya

"At ano naman pag uusapan namin? Yung kamanyakan niya?" Sabi ko pa na ikinatawa ng mga kasama niya.

"Ahm, ano, yung ano about kay Veronica" sabi pa niya.

"Ano pake ko sa kanilang dalawa? Magsama sila kamo!" Sabi ko at nag walk out.

Habang pababa ako ay kung ano ano ang pinag sasasabi ko, kung may makakakita sa akin iisipin talaga nila na natuluyan na ako. Agad akong dumiretyo sa classroom namin at wala ni isang kaklase ko pa ang naririto ngayon, pumasok ako sa cr para mag toothbrush. Palabas na sana ako ng banyo ng marinig ko ang dalawang taong nag uusap sa loob ng classroom kaya bigla akong napahinto.

"Grabe talaga yung kanina no? Imagine kinaladkad niya si Veronica hanggang sa gymnasium" -girl 1

"Ang swerte ng pulubi na yon! Biruin mo si Samantha pa naging kaibigan niya! Kawawang Samantha paniguradong peperahan lang siya ng social climber na yon" -girl 2

"Sinabi mo pa!" Sangayon naman nung isa at nagtawanan pa.

"Tara sa canteen? Balita ko kasi nandoon mga basketball varsity team" sabi nung isa.

"Omo! Tara na! Bakit ngayon mo lang sinabi!"

Nag hintay muna ako ng 2 minuto bago ako lumabas ng banyo. Pinahiran ko ang mga nakawalang luha sa mga mata ko. Inilabas ko ang cellphone ko at balak sanang mag text kay bessy pero wala nga pala akong load.

Unti unting dumadami ang tao sa loob ng classroom yung iba ay halata namang pinariringgan ako at yung iba naman ay todo iwas iilan lang yata sa kanila ang may walang pake.

Malapit ng magsimula ang klase pero wala pa din si bessy, wala yata siyang balak pumasok. Bumuntong hininga nalang ako at nagpasalamat sa panginoon na buti nalang biyernes na ngayon at walang pasok bukas.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height