+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Para sa akin

Yhnna's POV

"Ganda pag balot mo nga ako ng dalawang pansit palabok at isang goto" sabi ng kostumer sa akin, mabilis naman akong kumilos at ibinalot kaagad ang ini order niya.

"Bali eighty-five pesos lang po" sabi ko sa kanya sabay abot sa akin ng isang daan. Mabilis ko naman itong sinuklihan at nagpasalamat.

Tumingin ako sa orasan alas nuebe na pala mahinang sabi ko. Habang abala si Mama at Ate Marissa sa pag hiwa at pagbabalat ng mga gulay ay nag walis na muna ako wala na din naman masyadong bumibili hindi kagaya kanina na hindi ko man lang magawang maupo. Pero mas okay nga yon kasi mas maraming kostumer mas malaki ang kita ^_____^

Binuksan ko ang radyo at nilakasan ang volume nito dahil isa sa paborito kong kanta ang tumutugtog, hindi ko naman maiwasan ang hindi sabayan ito.

Kung ika'y magiging akin

Di ka na muling luluha pa

Pangakong di ka lolokohin

Nang puso kong nagmamahal

"Mukhang in love na ang dalaga mo Ate Yolly ha!" Sabi ni Ate Marissa kay Mama.

"Kumakanta lang in love na agad? Hindi ba pwedeng crush muna?" Sabi ko na tumatawa bakit ko naman nasabi yon? Tanong ko sa sarili ko sino naman ang crush ko? Napapikit ako nung biglang nabuo ang mukha ni manyak sa isip ko. Waaahhh! Erase erase erase! Hindi pwede! May Veronica na yon! Sabi ko sa utak ko at nagpatuloy sa pag wawalis.

"Okay lang naman mag boyfriend siya basta ba mahal ng anak ko ay mahal ko na din" sabi ni mama na ikina pout ko.

"Diba si Teban pinopormahan siya? Edi gusto mo na siya para kay Yhnna?" Tumatawa pang sabi ni Ate Marissa.

"Sabi ko yung mahal ng anak ko!" Sabi ni mama na hinampas sa towel niya si Ate Marissa "kahit sino basta mahal niya, pero mas maganda kung ang mapapangasawa niya ay mayaman diba? Para naman guminhawa na din ang buhay namin" dagdag pa ni mama

"Bahala nga kayo diyan" sabi ko nalang at bumirit ulit sa kanta ni Sitti. Ginawa ko pang mikropono ang walis tambo at tawang tawa naman sila.

Di kita pipilitin

Sundin mo pang iyong damdamin

Hayaan nalang tumibok ang puso mo

Para sa akin

Bigla akong napatigil sa pagkanta ng may biglang tumikhim sa may likuran ko. Nagulat naman ako dahil nasa harapan ko ngayon si bessy na may malapad na ngiti na nakaharap sa akin.

"Bessy!" Sabi niya at niyakap ako

"Bessy bakit ka nandito?" Agad na tanong ko

"Bakit? Bawal bang dalawin ang bestfriend ko sa bahay nila?" Sabi niya sa tonong nagtatampo

"Hindi yun ibig kong sabihin, halika muna umupo ka kumain ka na ba? May pansit palabok pa kami dito meron ding-"

"Pansit palabok nalang bessy" putol niya sa sasabihin ko.

"Good morning po pala" bati niya kina mama na naka tingin sa amin.

"Good morning din kaibigan ka ba nitong anak ko? Mabuti ngayon ka lang pumasyal?" Sabi ni mama

Inihahanda ko na yung pansit palabok ni bessy habang nag uusap sila ni mama. Lumipat pa nga ng upuan si bessy para di sila magka sigawan.

Nalaman ni mama na sa MU din nag aaral si bessy kaya parang biglang nag ningning mga mata niya. Kinuwento pa nito kay bessy nung kapanahunan daw niya ay may boyfriend siya na nag aaral din sa MU pinilit pa daw niya ang lolo ko na pag aralin din siya sa MU pero dahil noon pa man ay salat na kami sa buhay hindi daw siya nakapag aral sa MU at hiniwalayan din daw siya agad nung naging boyfriend niya. Nag migrate daw ito sa amerika at ang huling balita niya nag asawa na daw siya. Doon naman daw pumasok sa picture si papa ko na may lihim na pagtingin pala kay mama matagal na. Ngayon ko lang din nalaman na mag bestfriend pala sina Mama at Papa dati. Ikinuwento din ni mama kay bessy ang pag ayaw kong pumasok sa Montreal University.

Nang matapos kumain si bessy ay inaya ko siyang pumasok sa bahay namin hindi naman ito tumanggi.

"Bakit pala hindi ka pumasok kahapon ng hapon? Hindi mo na din ako binalikan sa clinic" nagtatampong sabi ko

"I'm sorry bessy, pero binalikan kita kaso natutulog ka kaya hinayaan ko nalang na makapag pahinga ka" sabi niya

"Okay lang yon pero bakit umabsent ka?" Tanong ko

"Hindi kaya ako umabsent nasa Disciplinary Room kaya ako! Ikinulong ako doon ng limang oras bessy! As in five hours!" Sabi niya na minuwestra pa ang kamay

"Oh my! Na detained kayo ni Veronica kaya wala din siya?" Gulat na tanong ko

"Hindi no! Si Kuya Stephen ang kasama ko kahapon" sabi niya na ikina lumot ng mukha ko

"May minanyak na naman panigurado ang pinsan mo no? Kaya siya andon!" Mataray na sabi ko

"Hindi bessy! Hindi naman yon manyak ang gwapong manyak naman niya kung ganon" hirit pa niya

"So anong ibig sabihin nung ginawa niya sa akin? Ako ba nag manyak sa kanya?!" Sabi ko na inismiran pa siya

"Ano ka ba! Hindi sa ganon-"

"Ang problema sa pinsan mong manyak na unggoy ay di makuntento! May girlfriend na nga kung sino sino pa minamanyak. At di man lang niya naisip ang mararamdaman ni Veronica Walanghiya talaga! Grabe naka kapag kulo ng laman!" Pag putol ko sa sasabihin niya.

"At heto pa bessy ha! Mabuti nalang at hindi ko siya nakita kahapon grabe halos di ako makahinga halos lahat ng mga tao sa school pinag uusapan ako, kesyo di naman daw pala ako maganda, ako pala daw yung Yhnna, mukha daw akong pulubi at madami pa silang sinabi na hindi ko nalang narinig at pinansin pa. Kung nakita ko lang kahapon yung pinsan mo panigurado bugbog abot sa akin non! Kaya sabihin mo sa manyak na yon na huwag niyang hayaan mag krus pa landas namin dahil baka di ako makapag pigil mabugbog ko talaga siya! At isa pa! Sabihin niya sa girlfriend niya na huwag akong pag initan dahil pag ako hindi nakapag timpi pag uuntugin ko silang dalawang mag jowa!" Sabi ko

"Bessy pakiulit?" Sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko naman

"Ang dami kasi non i re-record ko nalang sana at i si send ko nalang sa kanya" sabi niya sabay taas sa cellphone niya

Tinignan ko naman siya ng masama at nag peace sign siya sa akin.

"Grabe ka kay kuya ha!" Sabi pa niya

"Anong grabe don? Totoo naman kasi na di siya makuntento kay Veronica! At bubugbugin ko talaga siya pag nakita ko siya!" -ako

"Hindi naman kasi niya-"

"Hep! Stop! Ayoko siyang pag usapan tama na" sabi ko na tinakpan pa ang tenga

"Pero kailangan mo k-"

"Walang pero pero ayokong may marinig ng kahit anong tungkol sa kanya" sabi ko

"Crush mo lang yata eh!" Mabilis na sabi niya. Binato ko siya ng throw pillow sapul siya sa mukha

"Hoy! Gaya ng sabi ko kahit siya na ang huling lalake sa mundo hinding hindi ko siya papatulan! At kahit kung sakali na kaming dalawa nalang matirang buhay sa mundo hinding hindi ko pa rin siya papatulan! Mas gugustuhin ko pang lamunin nalang agad ng lupa kesa makasama siya no!" Mataray na sabi ko

"Asus! Kakainin mo panigurado yang sinabi mo" sabi niya at tumawa ng malakas. Binato ko nalang ulit siya ng isa pang unan.

Pumasok si Yael sa bahay ipinakilala ko naman siya kay bessy at nakasali siya sa kwentuhan namin. Pinakita pa ni Yael yung mga Albums namin at napuno ng tawanan ang loob ng bahay hiningi pa nga ni bessy yung isang picture ko at binigay naman sa kanya yon tumahimik lang kami ng mag ring ang phone ni bessy.

"Hello kuya?"

"Nasa bahay ako ng kaibigan ko"

"Ganon ba, sige kuya ako na bahala"

"Okay bye" pagtatapos ni bessy sa kausap niya sa phone

"Bessy alis na ako ha? May pinapahanap kasing files si kuya hindi naman kasi alam ng mga kasambahay namin yung mga yon" sabi niya

"Ok lang mukhang importante inuutos sayo ng kuya mo text nalang kita" sabi ko

"May load ka ba?" Hirit pa niya

"Yun lang" sabi ko at nagtawanan kami.

Hinihatid ko si bessy hanggang sa sasakyan nila niyakap muna niya ko bago siya sumakay sa kotse.

"Bye bessy" sabi pa niya

"Ingat bye" sabi ko nung nakasakay na siya

Nakangiti akong naglalakad pabalik sa bahay, umakyat ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Mabilis naman ulit akong bumaba at tinawag si Yael.

"Bakit ate?" Tanong niya

"Paloadan mo nga ako kina Joy don" sabi ko at iniabot ang kinse pesos "alltext 10 kamo ha? Iyo na ang sukli" sabi ko at sinabayan na din siya palabas. Pumunta ulit ako sa lugawan para makatulong ulit kina mama

"Umuwi na kaibigan mo?" Tanong ni mama

"Opo, hindi na nga nakapag paalam sa inyo dahil nagmamadali, may importante kasing inuutos sa kanya yung kuya niya" Paliwanag ko

"Ahh.. Sa susunod na pumasyal siya sabihin mo dito nalang din mananghalihan" sabi ulit niya

"Opo" sabi ko

"Sa susunod isama mo din dito yung ibang kaibigan mo sa school niyo sabihin mo lang kung kelan at ng makapag luto ako at makapag handa" umoo nalang ako kay mama. Sino pang ibang kaibigan ko eh nag iisa lang si bessy, buti na nga lang at ginusto niya akong maging kaibigan.

Tumunog ang cellphone ko at agad kong sinagot ng ang tawag ni bessy.

"Hello" ako

"Hello Bessy nasa bahay na ako nakalimutan ko kasing itanong kanina kung may gagawin ka ba bukas, magpapasama sana ako sa mall" sabi ni bessy

"Ahm, wala naman sige okay lang" sabi ko

"Sunduin nalang kita bukas ha?" Sabi pa niya

"Huwag na bessy kita nalang tayo sa mall mapapalayo ka pa" - ako

"Sunduin nalang kita ng maipag paalam kita kay tita" - bessy

"Oh sige kung mapilit ka" sabi ko

"Ayiie! Thank you bessy!" Sabi niya

"Ano ka ba, para yun lang eh" - ako

"Bessy 11am kita susunduin ha?" Sabi niya

"Sige hintayin nalang kita" sabi ko naman

"Aye aye captain! Bye na muna kita nalang tayo bukas" sabi niya

"Okay bessy bye" pagtatapos ko sa usapan namin

"May lakad kayo bukas?" - mama

"Opo ma nagpapasama sa mall nakalimutan daw niyang sabihin sa akin kanina, ang sabi ko nga magkita nalang kami sa mall ang kaso sabi niya susunduin nalang daw niya ako at ng maipag paalam niya ko sa inyo." Sabi ko

"Gusto ko yang kaibigan mo magalang hindi tulad ng ibang kabataan ngayon. Naku! Yung anak ni Aling Tinay laganap ang tsismis sa buong baranggay na buntis! At ang matindi pa ay hindi alam kung sino ang ama ng dinadala niya" sabi ni mama

"Hindi naman ako magtataka ma kung mabuntis siya at hindi panagutan nung lalaki, lagi ko kaya siyang nakikitang naka tambay sa tindahan ni Aling Sion kasama yung napapabalitang adik sa kabilang baranggay. Alam naman ng lahat na hindi mabuting halimbawa mga barkada niya pero hindi man lang yata siya sinusuway ng nanay niya" sabi ko naman

"Kaya ikaw Yhnna ha! Piliin mo mga kinakaibigan mo yung si Samantha approve sa akin yon magaan ang loob ko sa kanya" sabi naman ni mama

"Mabait yon" sabi ko nalang na ngumingiti

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga gaya lagi nangyayari pag pumipikit ako mukha ni manyak ang paulit ulit na nakikita ko. Asar! Bat ba lagi kang nagpapakita sa aking unggoy ka! Sabi ko sa sarili ko. Nang hindi ako maka tiis dahil sa pangungulit ng unggoy sa isip ko, tumayo nalang ako at nagpasyang maligo nalang.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height