+ Add to Library
+ Add to Library

C9 Mall

Yhnna's POV

Dahil linggo ngayon sarado ang tindahan namin sabi kasi ni mama sahod kahapon kaya paniguradong mamamalengke ang mga parokyano niya. Alas syete na nang bumangon ako, madaling araw na din kasi nung makatulog ako.

Bumaba na ako para makapag almusal at makatulong na din sa mga gawaing bahay naabutan ko pa si papa na nag kakape.

"Nasabi ng mama mo sa akin kagabi na may lakad daw kayo ng kaibigan mo" sabi ni papa habang nakatingin sa akin. Naglakad naman ako papunta sa kusina para gumawa din ng kape

"Opo pa, susunduin daw niya ko mamaya" sabi ko habang hinahalo yung kape. Lumapit naman ako kay papa at tumabi sa upuan niya kumuha din ako ng pandesal nilagyan ng mantikilya at ini abot sa kanya.

"Mga anong oras ka daw ba niya susunduin at nang makauwi ako at makilala siya, sabi ng mama mo magandang bata at magalang siya" sabi ni papa

"Alas onse daw pa, opo, maganda at mabait siya ang totoo nga niyan siya lang po ang kaibigan ko sa MU hindi siya matapobre kahit mayaman sila tinanggap niya ako kahit mahirap lang tayo." sabi ko na tumingin sa kanya

"Kahit naman mahirap lang tayo ay hindi ka naman mukhang mahirap anak" sabi ni papa at ginulo ang buhok ko". Nag pout naman ako at sumimangot.

Hinatid ko na si papa sa labas mamamasada pa kasi siya, naabutan namin don si mama nakikipag kwentuhan kina Aling Lorna at Aling Josie.

"Ang aga niyong magkumpulan diyan ha?" Pabirong sabi ni papa

"Hetong si Nestor naman minsan na nga lang namin maka kwentuhan nitong si Yolanda ay panira pa" sabi naman ni Aling Josie na tumatawa

"Joke lang naman yon Josie ikaw talaga di na mabiro" sabi pa ni papa

"Alam ko naman joke lang din naman yon" sabi naman ni Aling Josie na ikinatawa naming lahat

"Yhnna kumusta naman pala pag aaral mo sa Montreal?" Tanong naman ni Aling Lorna sa akin

"Maayos naman po" magalang kong sagot

"Yung babaeng kasama mo kahapon kaklase mo ba yon?" Tanong pa niya

"Ahh opo" tipid na sagot ko

"Naku! Kaganda ng kutis eh no? Ang gara pa ng sasakyan niya ang swerte mo nagkaroon ka ng kakilalang mayayaman" dugtong pa niya

"Ano ka ba Lorna pang mayaman na paaralan yung pinapasukan nila kaya malamang makaka kilala siya ng mayayaman" sabat naman ni Aling Josie

"Ang swerte mo Yhnna pag nagka asawa ka ng mayaman! Hindi naman malayo mangyari yon dahil sa Montreal ka nag aaral. Pag may nanligaw sayo na mayaman sagutin mo agad malay mo yun na swerte mo" sabi pa ni Aling Lorna

"Ikaw Lorna kung ano ano itinuturo mo sa anak ko pero may point ka" sabi naman ni mama kaya napasimangot ako

"Buhay reyna ka noon" sabi ni Aling Josie na nakipag apiran pa kina mama

"Pasok na po ako sa loob" paalam ko sa kanila at tumuloy na sa loob ng bahay

Naglinis muna ako sa loob ng bahay bago ako nagbabad sa tv, nang malapit ng mag alas diyes ay nagpasya na akong maligo dahil may lakad pa kami mamaya ni bessy.

"Ate! Nandito na si Ate Samantha!" Sigaw ni Yael mula sa baba

"Ayan na! Bababa na ako" pa sigaw ding sabi ko

Tinignan ko muna ulit ang repleksyon ko sa salamin at naglagay ng jhonson baby cologne. Suot ko ngayon yung bigay ni bessy sa akin na kulay asul na long sleeve na damit na pwedeng itupi ang manggas at gawing 3/4 tinernuhan ko yon ng faded fit jeans at doll shoes. Nang makuntento na ako sa hitsura ko ay nagpasya na akong bumaba.

Naabutan kong nag kukwentuhan sina bessy at ang pamilya ko, tawa ng tawa si bessy sa mga jokes ni papa na ikinangingiti ko naman. Tumingin ang lahat sa akin ng mapansin nilang pababa na ako.

"Ang ganda mo ngayon ate!" Puri sa akin ni Yael.

"Matagal ng maganda ang ate mo hindi lang na aayusan" sabi pa ni mama

"Sakin kasi nag mana ng hitsura yan kaya maganda! Gwapo ang ama maganda ang anak cute ang bunso at mukhang katulong ang nanay!" Sabi naman ni papa kaya nabatukan tuloy siya ni mama

Napuno ng halakhakan ang buong bahay namin alas onse y medya na nung magpasya kaming umalis na ni bessy.

*Mall*

"Bessy anong magandang i regalo sa isang one year old boy?" Tanong si Samantha sa akin

"Sa aming mahihirap kasi binibilhan lang namin ng damit o kaya binibigyan one hundred pesos okay na" sabi ko

"Kailangan pa talagang sabihin yung sa inyong 'mahihirap'?" Sabi niya na naka pout.

"Sorry na" sabi ko na naka ngiti

"Okay lang pero sa susunod wag mo naman liitin ang tingin mo sa sarili mo" sabi pa niya.

"Oo na" sabi ko sa mahinang boses

"Tara na nga!" Sabi niya sabay hila sa akin papasok sa isang boutique na may naka sulat na Ralph Lauren.

"Akala ko ba pang regalo mo sa bata?" Sabi ko na nagtataka dahil umiikot ikot siya sa mga estante na puro damit pambabae at inilalapat pa sa katawan niya.

"Bibili lang ako ng damit na isusuot ko" sabi pa niya

"Kakabili mo lang nung isang araw ha?" Sabi ko

"Pang casual lang naman yon at puro mga blouses lang" sabi niya habang kumuha ng isang dress at pumasok sa fitting room.

Paglabas niya sa fitting room tinanong niya ko kung bagay daw ba sa kanya tumango naman ako at ngumiti at pumasok ulit siya sa fitting room. Tatlong dress ang napili niya, lumapit kami sa counter at binigay niya yung credit card niya. Tinignan ko yung price nung isang dress at agad yong binitawan tumingin ako kay bessy at ngumiti.

"Bessy four thousand seven hundred fifty nine pesos para sa isang simpleng damit lang?" Sabi ko habang naglalakad kami.

"Talaga? Yaan mo na nabili ko na" sabi naman niya na parang balewala lang sa kanya.

"Seriously?" Sabi ko na tumigil pa sa harap niya

"Ihhh! Bessy naman hindi ko naman kasi tinitignan mga prices ng mga binibili ko" sabi niya na ikinagulat ko

"Ano?! Eh paano kung isang milyon pala yon? Basta mo nalang ipapa swipe sa card mo?!" May diin sa boses na sabi ko

"Bessy mag relax ka nga" sabi niya na yumakap sa braso ko at naglakad na.

"Bessy gutom na ako saan mo gustong mag lunch tayo?" Tanong niya

"Kahit saan na lang" sabi ko

Huminto ako sa paglalakad nung mapansin kong papasok kami sa unang restaurant na nakita namin.

"Yabu: House of Katsu" basa ko sa resto na asa harapan namin ngayon

"Tara na bessy" sabi niya sa akin at sinubukang hilahin ako

"Bessy sa Jollibee nalang tayo" sabi ko sabay hila sa kanya

Nagpahila naman ito at hinanap namin si Jollibee nang makita namin ito ay agad kaming pumasok.

"Anong gusto mong kainin bessy?" Tanong ko

"Gusto ko ng spaghetti at chicken" sabi niya "ikaw anong gusto mo?" Tanong niya

"Titingin muna ako, sige upo ka na ako na bahala dito" sabi ko

Binuksan niya ang MK bag niya at inilabas ang wallet niya, kumuha siya ng isang libo doon at iniabot sa akin. Tinignan ko siya ng masama at sinabing "sagot ko na to" ngumiti naman ito sa akin at sinabing "okay" at tumalikod na at umupo sa may bakanteng upuan sa may dulo.

"Grabe bessy! Na miss ko ang sweet spaghetti nila dito" sabi niya

"Masarap pa" sabi ko na nakangiti

"Oo naman! bata pa ako nung huling kain ko dito kasama si yaya perla sobrang umiyak pa ako noon para lang mapapayag siya " sabi niya at sumubo ulit ng spaghetti.

"Hindi ka dinadala dito ng parents mo noong bata ka?" Sabi ko

"Hindi eh pag kumakain kasi kami sa mga malls sa mga resto kami pumupunta, ayaw kasi ni Dad mga fastfood foods" sabi pa niya

"Bakit naman?" Tanong ko

"When he was eight years old daw kasi kinidnap siya habang nasa McDonald's sila ng yaya niya" kwento niya

"Talaga? Buti nalang nailigtas siya" sabi ko

"One month din bago sila kinontak nung mga kidnaper dinala pala sa bundok si dad kaya kahit anong hanap nila lolo ay hindi sila makita, nagbayad sina lolo ng 5 milyon pesos as ransom para ibalik si Daddy sa kanila" balewalang kwento niya

"Kumusta naman nung ibalik si Dad mo? Nahuli ba yung mga dumukot sa kanya?" Interesadong tanong ko

"Yep! He's fine naman daw maliban sa namayat siya. Mga NPA dumukot sa kanya nahuli naman sila pero parang may iba pa silang kasabwat ayaw lang magsalita nung mga nahuli" sabi niya

"Grabe naman nangyari sa Dad mo, siguro na trauma siya kaya ayaw ka niyang pakainin sa mga fastfood chains" sabi ko

"Parang ganon na nga" kibit balikat niyang sabi

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming pumunta sa sadya namin pumasok kami sa moose gear apparel at naghanap ng ipang reregalo niya. Nakita ko yung Sando terno na may Spongebob design at pinakita yon kay bessy. Tumango siya at ngumiti at kinuha sa akin mukhang nagustuhan naman niya ito. Pumili din siya ng tshirt na kulay blue na may Snoopy design naman pumili din siya ng tatlo pang terno na tshirt at short.

Pagkabayad namin ay agad naman na kaming lumabas hinila niya ako papuntang Quantum at nagpaka pagod kami sa mga games na naroon at nag feeling singer pa si bessy sa pagkanta sa videoke habang nasa stage. Maganda naman ang boses niya kaya marami ring nanood sa kanya ang ilan nga pumalakpak din kasabay ko.

"Bessy ko yan!" Sabi ko nung natapos ang kanta at pababa na siya

Nang mapagod kami ay pumunta kami sa may Food court bumili si bessy ng dalawang buko shake at umupo na muna kami. Nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano bago kami tumayo at umalis.

Habang naglalakad kami ay tumitingin tingin din kami ng kung ano ano, bumili nga si bessy ng dalawang tsinelas at pares dapat daw kami. Hiyang hiya nga ako dahil nilibre na naman niya ako.

"Ano ka ba! Wala yan" sabi pa niya

"Sa iyo hindi ako nahihiya sa parents mo oo sila kaya magbabayad nito" sabi ko na ikinatawa niya ng malakas tinginan tuloy mga tao sa amin.

"Bessy dun tayo!" Turo niya sa isang mobile store, sabay kaming naglakad doon at pumasok. Kung ano ano ang hinahawakan at binubutingting niya sa loob. Ako naman takot humawak dahil baka may masira ako kaya lumabas nalang ako at tinignan mga phones nila na naka display sa labas.

Nung papasok na ulit ako ay nasa Counter na siya at binabayaran yung binili niya. Grabe ang babaeng to kung gumastos sabi ko sa isip ko.

******************

A/N

Alam kong konti lang kayong nagbabasa pero sobrang daming thank you po talaga sa suporta. Alam ko din na hindi naman ganon ka gandahan itong gawa ko pero nag bo vote pa rin kayo sobrang thank you po talaga. Labyu mga bebe :* 😚😚

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height