+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Chapter 3

Abala ang buong VM Company sa paghahanda para sa pagsalubong ng kanilang big boss. Masaya sila dahil sa pagkapanalo ng kanilang kompanya sa isang bidding na ginanap sa Singapore. Dahil iyon sa kanilang magaling na lider na si Vance Michael Enriquez ang CEO ng VM Group

" Mr. Enriquez, welcome back!" bati ng mga empleyado sa kanya. Nakaabang ang mga ito sa malaking bulwagan ng VM Building.

" Thank you!" nakangiting sagot niya sa kanyang mga empleyado. Simula noong siya ang namahala sa kanilang negosyo mas lalong lumawak ito. Isa sa nakuha nila ang sikat na Entertainment Company. Ang SAM Entertainment pag-aari ito ng kaibigan nang kanyang ama. Ngayon ay tinaguriang pinakamalaki at sikat sa buong Asia. Pinalitan nila ang pangalan kaya ngayon ito ay naging Eries Entertainment Company. He's great grandfather is the founder of VM Group. Dahil ang kanyang ama ang panganay sa tatlong magkakapatid. Kaya ito ang naging successor ng kanyang lolo. Before his father retired from the CEO position. He was being trained to be a successor of the company. Kaya lumaki siya na dalubhasa sa pagpapaikot nang negosyo. Kaagapay niya sa pag-manage ng mga negosyo ang kanyang nag-iisang kapatid na si Vincent. Bata pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang ina. Iyon ang trahedyang hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya.

Kasunod ang kanyang assistant na si Tim. Dumiretso sila sa 50th floor kung saan naroroon ang kanyang opisina. Pagbukas niya ng pinto nagulat siya nang sumalubong ang kanyang mga kaibigan. May dalang alak ang mga ito.

" Congratulations, on your success bro!" bati sa kanya ni Vincent ang kanyang kapatid.

" Thank you!" aniya habang tinungga ang binigay nitong kopita na may lamang alak.

" So how's the trip? May natagpuan ka ba doon na nagpapatibok ng pihikan mong puso?" tanong sa kanya ni Samuel Martinez isa sa matalik niyang kaibigan.

" Wow bro! I didn't went there to have fun!" tumatawang sagot niya rito habang nakikipagkamay. Masaya siyang naroon ang kanyang mga kaibigan.

" So, Infinite club tonight? " Rex Gamboa said.

" Okay! "

Ang kanyang kapatid na si Vincent ang namamahala sa Eries Entertainment. He know how competent his brother is. Napanatili nito ang pagiging number one sa Entertainment Industry. Kaya proud ang kanilang ama sa kanilang achievement in business world. Ang isang kompanya noon na itinayo ng kanilang mahal na lolo ay marami ng subsidiary. He know how to play a game in terms of business. Halos araw-araw siyang laman ng mga pahayagan at television. Maraming reporter ang nais ma-interview siya. Ngunit mariin siyang tumanggi. Dahil ayaw niyang ma-expose sa media ang kanyang private life.

Pagka-alis ng kanyang mga bisita. Umupo siya sa kanyang swivel chair, saka inilapag ang bracelet na nasa kanyang palad. Ito ang naisip niya na nagbibigay nang swerte sa kanyang buhay sa nagdaang limang taon. Ang bracelet ng babae 5 years ago. May naka-engraved dito na pangalang Anastasia.

Samantala, alas siyete ng gabi naghahanda na si Anastasia upang umalis. Iniwan niya ang kanyang anak sa pangangalaga ni Joyce. Tuwing araw nasa kanya ang dalawang bata. Sa gabi naman ang kaibigan ang nangangalaga. Light make-up lang ang inilagay niya sa mukha. Sinipat-sipat niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Minsan naisip niya, siguro maganda ang kanyang ina at gwapo ang kanyang ama. Hindi man sa pagmamayabang, kitang-kita rin kasi sa kanyang magandang mukha. Napapangiti siya sa kanyang naiisip.

" Anastasia!"

Tawag sa kanya ni Joyce sa labas ng kanyang kwarto.

" Yes, My love?" nabungaran niya ito sa labas ng kanyang kwarto. Bitbit ang kanyang shoulder bag lumabas siya ng kwarto.

Tinitigan siya nito. " Anastasia, pamahagi naman ng ganda d'yan!" naka-pouty lips na saad habang pinasadahan siya nang tingin.

Natatawa siyang niyakap ito. " Ito naman lahat tayo maganda yan ang ilagay mo sa iyong isipan. Anhin mo yung ganda kung hindi naman maganda ang kalooban." sagot niya rito.

" Ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong niya.

" Naisip ko lang kasi, may event bukas sa Eries open siya para sa lahat. Baka sakaling gusto mong pumunta. Dahil mayroong event para sa mga bata." sabi nito habang sabay kaming lumakad patungo sa pintuan.

" Safe ba ang mga bata doon? Baka sa sobrang dami ng tao magkawalaan kami. Alam mo naman ako. " sabi niya.

" No worries nagkalat ang security guards. Marami kasing matutunan ang mga bata doon sa event." saad nito. Nakatingin sa kanya na para bang nakikiusap ang mata.

" Okay, basta tawagan kita pagdating namin doon. Baka mawala pa kami sa laking building nako hindi malabong mangyari hmm. " sagot niya.

" No problem "

Nagpaalam na siya rito. Naglakad siya hanggang sa may kanto. Doon na siya maghintay nang masakyan. Hindi naman kalayuan ang club sa lugar nila isang sakayan lang.

" Ingat Anastasia! " saad ng mga tambay sa kanto. Kilala siya ng mga ito dahil sa pagiging friendly niya sa lahat. Kaya safe siya tuwing lalabas dahil marami siyang tagapagtanggol sa labas.

" Thank you guys! Drink moderately ha. Ingatan ang sarili." aniya bago sumakay sa pumaradang jeep.

Magkasabay na pumasok sa club sina Vance at Vincent. Agad silang dumiretso sa VIP room na nakalaan para sa kanila. Pagdating nila roon may katabi ng babae sina Samuel at Rex.

" What's up bro! Ang bilis niyo naman may tsiks kaagad?" tanong niya sa mga kaibigan.

" Ito naman pampainit lang bro!" nakangising sagot ni Samuel. Ito ang kaibigan niyang malapit nang ikasal. Arranged marriage kagustuhan ng mga magulang nito kaya nagwala kahit sinong babae ang ikinakama.

Masaya silang nagkwentuhan tungkol sa mga babae naman ang topic. Kaya hindi na niya masyadong sineryoso.

" Hindi ka pa rin ba naka-move on doon sa babaeng 'yon?" seryosong tanong ni Rex sa kanya na ikinagulat niya. Matagal-tagal na ring hindi naungkat ang tungkol doon. Nilagok niya muna ang laman ng kanyang baso saka sumagot.

" Who said that?"

" Me!" mabilis na sagot ni Rex." Kasi naman parang wala kang gana sa mga babae. Lalo na iyong mga niririto sa'yo ng Daddy mo! Your not getting any younger bro'." wika nito na ikinatawa niya.

Sumabat naman si Vincent na tahimik sa tabi.

" Wow nakapagsalita ang laon!" masaya silang nagtawanan.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nang isang magandang babae na waiter.

" More drinks gentlemen? " bati nito sa kanila

" Anastasia?"

Bigla siyang napatingin kay Rex.

" Yes sir?" sagot nito sa kaibigan niya.

" Pwede ka bang maka-table?" nakita niyang nabigla ito sa tanong ni Rex.

" I'm sorry, Sir Rex. Hanggang waiter lang po talaga ako. Sige po!" nagpaalam na ito saka nagmamadaling umalis sa room nila.

Nagtaka siya dahil parang.. " Wait, she reminded me of that girl 5 years ago." Napakurap siya sa naisip. It's just a coincidence. Sigaw nang isipan niya. Kahit sa boses kasi magkatunog. Naalala niya ang pagmamakaawa nito sa kanya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Walang anu-ano'y tinungga niya ang alak sa kanyang baso. Nakatingin sa kanya ang lahat.

" What's wrong?" tanong ni Vincent sa kanya.

" Nothing, I remember something."

" Is it the name of that girl bro?" segundang tanong ni Samuel.

" Never mind!" sagot niya.

Hindi alam ni Anastasia kung bakit ang bilis nang tibok ng kanyang puso. Nang nagtama ang mga mata nila ng gwapong kasama nina Rex ang kanilang suki. Kapatid din ito nang may-ari ng club. Dahil weekend ngayon kaya punong-puno ang club. Nahirapan siyang makalusot pabalik sa counter. Pilit niyang inalis sa isipan ang mukha ng lalaki.

" Gerlie, baka hanapin ako punta lang ako ng toilet ha!" paalam niya sa kasamang waiter.

" Okay!"

Dumaan siya sa tabi dahil hindi masyadong masikip ang daan. Kaya matagumpay siyang nakaabot sa restroom sa 2nd floor na walang hassle. Habang nasa toilet, pilit niyang pinakalma ang sarili bago lumabas ng banyo. Pagkatapos maghugas ng mga kamay huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang door knob. Habang nasa pasilyo, sinulyapan niya ang malaking wall clock sa tabi. Mag-alas dose na maya-maya uuwi na siya. Ang bilis nang oras buti nga iyon at ng makauwi na. Busy ang kanyang isipan hindi niya napansin ang papalabas sa VIP room na lalaki. Nabangga niya ito at muntikan na siyang matumba kung hindi siya nito nasalo.

" I'm so sorry Sir!" aniya habang umayos sa pagkatayo.

" You're in hurry?" he answered in a baritone voice.

She look at the man in front of her. Shocks, it's him? Napaatras siya bigla. " I'm sorry again Sir!" saad niya.

" No problem!"

Tumalikod na ito sa kanya. Naiwan siyang natigilan, na parang ipinako sa kinatatayuan. Pinagmasdan niya ang matipunong katawan nito habang lumalakad patungong beranda.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height