+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Chapter 4

Nabigla si Vance dahil sa reaction ng kanyang katawan, nang magkadikit ang kanilang mga balat. Kaya agad niyang iniwan ang babae na natigilan. Dumiretso siya sa beranda ng club. "Damn!" napamura siya dahil limang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari nang gabing iyon.

" Rex what did you put in my drinks?" Tinawagan niya ang kanyang kaibigan dahil sa sobrang init na kanyang nararamdaman. " Fvck! You guys drug me?" wala sa sariling tanong niya. Narinig niyang tumawa ang mga ugok niyang kaibigan. Iniwan niya ang mga ito sa pinuntahan nilang night club sa Makati. Dahil pagod siya mula sa business trip niya sa Hong Kong. Ngunit hindi niya akalain na ganito ang mapapala niya.

" Bro easy, gusto lang namin na mapatunayan kung straight ka ba talaga. Ayaw mo bang makatikim nang.. - Damn, send me one here right now!" hindi niya napigilan ang sarili.

" Okay, calm down they are on the way now. Good luck bro!" narinig niyang nagtawanan ang mga ito sa kabilang linya.

Kung hindi niya lang mga kababata ang mga ugok na iyon. Paniguradong puputulin niya ang ugnayan sa mga ito. Pinag-isipan pa siyang bakla. Nag-shower siya upang maibsan ang init ng kanyang katawan. Ngunit gano'n pa rin napamura siya habang hinahawakan ang kanyang turso na walang humpay sa pagtigas. Malalagot sa akin ang mga 'yon. Kakatapos niya lang mag-shower ng may nag-doorbell. Pinatay niya ang mga ilaw upang hindi siya nito makilala.

" Come in!"

Biglang pumasok ang isang babae. Dahil madilim sa loob hindi niya naaninag ang mukha nito. Nang lapitan at hawakan niya, nanginginig ito sa takot. Nagmumura siya sa kanyang isipan. Pinagkakaisahan na nga ako ng mga mokong ganito pa ang ipadalang babae. Ngunit dahil sa nag-iinit na pakiramdam, hindi na siya nag-alinlangan pa na lapitan ito at halikan. Kahit anong pagmamakaawa ng babae sa kanya. Nagtaka siya dahil nang magkadikit ang kanilang mga katawan. Ibang init ang kanyang naramdaman. Kaya mas lalo siyang naging mapusok sa paghalik sa babae. Maya-maya ang pagprotesta nito ay natigil. Unti-unti itong tumutugon sa halik niya na mas lalong nagpainit sa kanyang nararamdaman.

Ang isang hindi niya inaasahan nang gabing 'yon ay ang malaman na siya ang unang lalaki sa buhay nito. Paggising niya kinabukasan hindi na niya ito nasilayan pa. Hindi rin nito kinuha ang inilaan niyang card para rito. Ang tanging iniwan nitong bakas ay ang red stain sa kama at bracelet na may naka-engraved na "Anastasia".

Napakurap siya nang may kumalabit sa kanya mula sa likuran.

" Hi, Mr. Enriquez!"

Isang magandang babae ang lumapit sa kanya. Makapal ang make-up sa mukha. Hindi niya alam kung maganda nga ba ito kung walang kolorete ang mukha. Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Anastasia na kanina niya lang nakita.

" What do you want? " he asked.

" Do you need company? You are alone here." malambing na turan nito sabay hawak sa kanyang dibdib.

" Nope, I prefer to be alone." naka-smirked na sagot niya. Kung ang babaeng ito man lang ang makasama niya huwag nalang." Excuse me! "

Tinalikuran niya ito, mabuti pang umuwi na lamang siya. Tinawagan niya ang kanyang kapatid na mauuna na siyang umuwi.

Maraming nakapansin sa kanya sa club ngunit wala siyang oras na pansinin ang mga ito. Pagdating niya sa VIP parking lot. Ang babaeng kanina pa bumabagabag sa isipan niya ay kanyang nakasalubong. Pauwi na ata ito dahil may bitbit itong bag. Nagulat din ito nang makita siya.

" G-good morning Sir!"

" Yeah, it's already morning. Going home?" he asked. Para siyang na hypnotize nang liparin ng hangin ang maganda nitong buhok. Bahagya nitong hinawi ang nakatabon na buhok sa mukha.

" Yes Sir," sagot nito sa kanya sabay ngiti.

" Saan ka ba nakatira, idaan na lang kita. " pagmamagandang loob niya.

" Isang sakayan lang po. Pero huwag nalang po baka makaabala pa ako."

" No! Okay lang pauwi na rin ako. Let's go?" diretso niyang sagot upang hindi na ito makakatanggi pa.

" Hindi po ba nakakahiya? " tanong nito na hindi gumagalaw sa kinatatayuan.

Hinawakan niya ang kamay nito saka hinila patungo sa nakaparada niyang limited edition ng Maybach. Binuksan niya ito ng pinto. Tumingin ito sa kanya bigla. Kunti nalang magpang-abot na ang kanilang mga mukha.

" I'm sorry. Sige na pasok ka na. Don't worry, I am not a bad person." aniya sa dalaga. Nababasa niya kasi sa mukha nito ang pag-aalala.

" Thank you!"

Dahil sirado ang buong sasakyan. Amoy na amoy niya ang pabango ng dalaga. Bigla siyang natigilan, naalala niya ang amoy na'to ito rin ang amoy ng..." No, napaka-impossible naman." sigaw ng kanyang isipan.

Hindi alam ni Anastasia kung magsasalita ba siya o manatiling tahimik. Dahil halos nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

" Anastasia right?" biglang saad nito.

" Haa, ahh yes Sir. " sagot niya na hindi makatingin sa mga mata nito. Maraming nais umakyat nang ligaw sa kanya noon ngunit hindi niya pinansin. Pero bakit ang lalaking ito mabilis siyang napapayag na ihatid siya.

" Just call me Vance no need for Sir. Hindi naman kita employee." nakangiting wika nito.

" Okay,"

" Anyway, matagal ka na bang nagtatrabaho sa Infinite?" tumango siya rito.

" More than 2 years na rin po akong waiter doon. Dating waitress din ako sa Hardin club. Noong nag-aaral ako ng college." hindi niya alam kung bakit siya nagku-kwento rito.

" Ahh okay," sagot nito habang nakatuon ang mga mata sa daan.

" Why? Nandidiri ka sa akin? " biglang tanong niya rito.

" No! Of course not! Wala akong sinasabi na gano'n. " sagot nito saka sinulyapan siya.

" Salamat!" aniya.

" Open minded akong tao. I know, hindi lahat ng mga babae na nagtatrabaho sa club o bar ay gano'n. Lahat tayo may kanya-kanyang kwento sa buhay. Kaya hindi tayo dapat agad-agad manghusga ng kapwa. Hindi ba?" agree naman siya sa sinabi nito.

Nasilayan niya sa may di kalayuan ang kanto na papasok sa kanila.

" Vance, d'yan mo lang ako ibaba sa may malaking puno." aniya sa lalaki.

" Okay, malapit na ba sa inyo rito? " tanong nito sa kanya.

" Oo d'yan lang sa unahan." sagot niya.

Paghinto ng sasakyan. Mabilis itong bumaba at pinagbuksan siya.

" Salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi. " saad niya habang nakangiti. Tinitigan siya nito saka biglang ngumiti sa kanya. Marami siyang nasilayan na mga gwapo. Pero bakit ang gwapo ng isang 'to. Kung tutuusin mas gwapo pa'to kesa sa mga artista eh! Sinaway niya ang kanyang sarili dahil sa mga naiisip. " Goodnight Vance!" kumaway siya rito.

" Mornight Anastasia!"

" Oo nga pala, umaga na!"

Humakbang na siya at tinalikuran ito. Ngunit hindi pa rin niya narinig ang tunog ng sasakyan nilingon niya ulit ang binata. Nakita niya itong nakatanaw pa rin sa kanya. Sumenyas siya na umalis na ito. Ngunit nais nitong magpatuloy siya. Kaya nang makarating siya sa tapat ng kanilang bahay nasa ikaapat na bahay ito mula sa kanto. Kumaway na lamang siya upang umalis na ito. Papasok na siya nang makarinig siya ng sasakyan na paalis. Napangiting pumasok siya ng bahay.

Ilang oras lang ang naitulog niya. Dahil maaga rin siyang gumising upang ipaghanda ang mga bata ng agahan. Matulog na lamang siya ulit kapag nakaalis na ang mga ito papasok sa eskwela. Nakangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi.

" Ohh, mukhang maganda ang gising natin ah!" biro ni Joyce sa kanya.

" Ano ka ba may naalala lang ako!" sagot niya rito. Tinalikuran niya ito ngunit hindi pa rin siya nakawala dahil sinundan siya kahit saan siya magtungo. " Joyce, ano ba! Nahihilo ako sa kasusunod mo! " wika niya sabay kurot sa tagiliran nito.

" Kukulitin talaga kita, hangga't hindi ka magkwento. Hmm," nakataas ang isang kilay nito.

Sarap talagang paluin ng sandok na hawak niya. Wala siyang choice kundi ikwento rito ang nangyari kagabi. Tumitili naman si Joyce sa kilig.

" Ano ka ba, akala mo naman nanalo sa lotto eh! " inirapan niya ito.

" Ito naman, siyempre masaya ako kasi sa edad mong biente-sais minsan ka lang nagkaroon ng lalaki sa buhay mo. Hindi naman masama na mangarap ulit hindi ba?" sagot nito sa kanya.

Tama naman ito ngunit para sa kanya mahirap nang pumasok sa ganyang bagay. Dahil takot na siya sa mga lalaki.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height