+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Chapter 5

Habang nakatayo sa loob ng opisina niya. Hinihigop ni Vance ang kape na

ginawa ng kanyang secretary na si Joyce. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang

nangyari kagabi. Ni hindi niya naisipang hingiin ang number ng dalaga. Habang

abala ang kanyang isipan, biglang tumunog ang telepono sa kanyang mesa.

Agad siyang lumapit sa mesa upang sagutin ito.

"Bro, anong oras ka ba pupunta

rito. Marami ng tao, the board of directors are expecting you here." bungad ng

kanyang kapatid. Wala sana siyang balak pumunta kasi marami pa siyang

nakatambak na trabaho.

"Okay!" matipid niyang sagot.

Tinawagan niya si Tim pati na rin ang kanyang secretary na si Joyce upang maghanda.

"Hello! Nasaan ka? Andito na kami sa entrance ng Eries Building. Maraming

tao girl baka maligaw kami nako ang laki pala nitong company na'to!" namangha si Anastasia nang makapasok na sila sa loob ng Eries.

Kasama niya ang kanyang anak na si Ashton at Jeremy ang anak ng kaibigan niyang si Joyce. Hawak niya ang dalawang maliliit na kamay. Maraming nakapansin sa kanila lalo na sa

dalawang bata. Nakatayo sila sa tabi ng malaking screen na may video ng mga artista.

Binitawan muna ni Anastasia ang kamay ng kanyang anak dahil kausap niya si

Joyce.

"Ikaw talaga, malaki talaga 'yan pero mas malaki at magara ang building

namin no!" pagmamalaki nito sa kanya.

Proud siya sa kanyang kaibigan dahil

maganda ang trabaho nito sa pinakasikat na kompanya sa buong Pilipinas.

"Oo na, yang kompanya niyo ang isa sa pinaka-memorable place ko. Dahil d'yan kita

unang nakilala." nakangiti niyang saad.

"Oh, s'ya sige na at baka

magka-dramahan pa tayo rito. Papunta na rin kami riyan, buti nga naisipan ni

boss pumunta. Ayaw sana nitong pumunta dahil tambak ang trabaho niya. See you!" wika

nito.

"Okay, hintayin ka namin dito." Pinatay niya ang cellphone saka inilagay

sa kanyang bag.

"Son, hintay.. - " Napalingon si Anastasia sa kanyang paligid.

Ngunit hindi niya makita ang kanyang anak. Binalingan niya si Jeremy na abala

sa panonood sa malaking television sa kanilang harapan.

"Jeremy nak, nakita mo ba si Ashton?" tanong niya sa bata.

"No tita, hindi ko po napansin." para

siyang binuhusan nang malamig na tubig. Napakaraming tao sa loob paano niya

mahanap ang kanyang anak. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha.

"Let's go, hanapin natin siya!" sumunod naman ito sa kanya na nag-aalala ang mukha.

Lakad takbo ang ginawa nilang dalawa ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kanyang

anak. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kapabayaan.

"Don't worry po tita makikita rin po natin si Ton-ton." mabining saad ni Jeremy.

"I hope so nak!" umiiyak niyang sagot.Napakalaking building saan ba niya ito hahanapin. Nagtanong-tanong siya sa mga nakakasalubong na mga tao ngunit walang nakakita sa kanyang anak. Lumabas sila sa entrance ngunit wala silang makitang mukha ni Ashton. Pakiramdam niya hihimatayin siya sa sobrang pag-aalala. Naramdaman niya ang malamig na kamay ni Jeremy.

"Sana hindi nalang ako nagpumilit pumunta rito tita. Hindi sana mawawala si Tonton." tumutulo ang luha na saad ng bata. Niyakap ito ni Anastasia nang mahigpit.

"No! It's not your fault. Kasalanan ko dahil naging pabaya ako." sagot niya habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Pagbaba ni Vance nang sasakyan sa harapan ng Eries Building. Nagkislapan ang mga camera. Inayos niya muna ang suot na suit saka humakbang papasok sa entrance. Nagkalat ang mga tao sa malaking bulwagan. Isa lamang ito sa malaking event na gaganapin para sa nalalapit na anniversary ng kompanya. Ang lahat ng malikom na pera mula sa auction ngayong araw ay ilalagak sa foundation ng VM Group. May event din na gaganapin para sa mga kabataan.

"Excuse me, Mr. Enriquez!" biglang nagsalita ang kanyang secretary habang naglalakad sila patungo sa private elevator. Siya at ang kanyang kapatid lang ang dapat gumamit sa elevator na iyon.

"Yes, Joyce?"

"Pwede po bang sumaglit muna ako sandali sa atrium? Nandito kasi ang kaibigan ko at ang anak ko a-attend nang event para sa mga bata." paalam nito sa kanya.

"No problem, kasama ko naman si Tim." sagot niya.

"Thank you, Mr. Enriquez."

Pagdating nila sa tapat nang elevator. Namataan niya ang isang bata nakatalikod ito sa kanila at halatang umiiyak. Napatingin siya kay Tim. Agad naman nitong na-gets ang ibig niyang sabihin. Nilapitan ni Tim ang bata, bahagya namang nagulat ang reaction ni Tim at saka napatingin sa kanya. Isang kibit-balikat lang ang sagot niya.

"Ask him, what happened." saad niya sa kanyang assistant. Nagtaka siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Sir, may anak ka ba?" napatingin siya bigla rito.

"What are you talking about? Paano ako magkakaanak ni girlfriend nga wala!" sagot niya rito. Sumenyas si Tim at itinuro ang batang umiiyak.

Nilapitan niya ang bata.

"Kid!" tumingala ang bata sa kanya habang hilam ang mga sa luha. Maging siya ay nagulat. He looks like him, when he is young. Tumingin siya kay Tim dahil hindi siya makapaniwala sa nakita." Little boy what happened? Where is your mom?" tanong niya sa bata nang bumalik siya sa sariling katinuan.

"I am lost mister! Hindi ko po mahanap si Mama sigurado nag-aalala na siya." umiiyak na wika nito.

"Okay let me help you. Sumama ka sa akin sa office para madali mong makita ang iyong ina." aniya sabay hawak sa kamay nito. Nagulat siya sa kanyang naramdaman nang magkadaop ang kanilang mga palad. Para bang ang sarap sa pakiramdam habang hawak niya ang maliit na kamay ng bata.

"But Mama said, hindi raw po ako sasama sa strangers. Baka ibenta raw po ako at hindi na ako makakabalik sa kanya." malungkot na saad nito.

Lumapit si Tim sa kanila.

"Kiddo, don't worry. We are not a bad person. Actually, he is the owner of this very huge building." nakangiting sagot ni Tim sa bata.

"Really! Wow you are so amazing mister!" Napamulagat ang bata sa narinig nito. Natuwa naman sina Vance at Tim sa narinig.

"Thank you! So, you wanna join us upstairs?"

"Okay!"

Inakay niya ang bata papasok sa elevator. Napansin naman niya ang lihim na ngiting sumilay sa labi ni Tim."What?" anas niyang tanong.

"Bagay po sa inyo!"

He smirked and trying to ignore his assistant. Pagdating nila sa 15th floor kung nasaan ang kanyang opisina sinalubong sila ni Vincent.

"Thanks God, you're finally here." wika nito sabay yakap sa kanya.

"Why? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? How many years mo nang pinapatakbo itong Eries." saad niya. Ngunit nabaling ang tingin nito sa hawak niyang bata.

"Bro! You have a son?" bulalas nito. Pagak siyang tumawa.

"Are you insane? Ni girlfriend nga wala anak pa kaya!" sagot niya rito. Napatingin naman ang bata sa aming dalawa habang nakahawak ito sa daliri niya.

"Seriously bro! He looks like you!" seryosong saad nito saka binalingan ang bata."Hey, little boy. What's your name?"

"I'm Ashton Sevilla."

Napatingin si Vincent sa kanya. "Saan mo'to nakuha?"

"He is lost by his parents, paki-inform ng mga security na may nawawalang bata rito." sagot niya saka humakbang patungo sa loob ng opisina. Naiwang natigilan si Vincent. Sumunod naman si Ashton sa kanya.

"Kid, please sit down here, and wait for your mother to come okay?" paliwanag niya sa bata.

"Okay mister. Thank you for your help." napabilib siya sa bata. Dahil sa murang edad nito, matured na kung makipag-usap.

"Bro, meron nga raw babaeng naghahanap ng bata sa baba. I will let her come?" tanong ni Vincent sa kanya.

"Okay!"

Curiosity ang nag-udyok sa kanya kung bakit nais niyang makaharap ang ina nito. Dahil kahit siya ay hindi makapaniwala kung bakit kamukhang-kamukha niya ang bata.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height