+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Chapter 6

Masaya si Anastasia nang makita niyang parating ang kanyang kaibigan. Niyakap siya nito nang mahigpit.

"What happened to Ash?" tanong nito sa kanya.

"Habang kausap kita kanina. Hindi ko napansin na umalis siya sa tabi namin." umiiyak na saad niya.

"Wait, don't panic okay? Mahahanap natin siya. Napalibutan ng cctv ang building na'to. Halika humingi tayo nang tulong sa security." lumapit sila sa security na nakatayo sa bungad nang malaking glass door.

"Can we seek your help Sir? Nawawala po kasi ang pamangkin ko. Can you help us please?" nagsusumamong wika ni Joyce sa security guard.

"No problem po." sagot nito sa kanila. Nabuhayan naman ng loob si Anastasia. Kanina pa siya nanghihina. Narinig nilang may kausap ang security. Dahil sa mga makabagong technology. Mabilis ang naging aksyon ng mga security. Maya-maya binalingan sila nito.

"Di ba kayo po ang secretary ni Mr. Enriquez?" tanong ng poging security kay Joyce. Napansin naman ni Anastasia ang nakatagong kilig sa mga mata ng kanyang kaibigan. Paano naman kasi ang tikas nang katawan nito at ang gwapo. May matangos na ilong at medyo kasingkitan ang mata.

"Yes, bakit po sir?" patay malisyang sagot ng kanyang kaibigan.

"Puntahan niyo po ang bata nasa taas kasama si Mr. Enriquez." napamulagat si Joyce.

"Oh my goodness beshie. Sa kadami-daming tao na makakita kay Ash si Mr. Enriquez pa!" bulalas nito. Nalilito man ngunit hindi na siya nag-atubili pa dahil gusto na niyang makasiguro kung ang kanyang anak nga ba iyon.

"Kung sino man yang sinasabi mo, wala na akong pakialam. Basta ang gusto ko lang puntahan na natin ang anak ko. Please Joyce para na akong mamatay sa takot." malungkot na wika niya sa kaibigan.

"Okay, let's go. Mamaya na tayo magchika sa bahay." nagmamadaling inakay nila si Jeremy patungong elevator. Dahil napakaraming tao natagalan silang natakatayo bago makapasok sa elevator. Hindi na nila iniisip kung nag-umpisa na ba ang event. Dahil sa ngayon ang isip ni Anastasia ay nasa kanyang anak lang. Maya-maya nakahinga siya nang maluwang pagtunog ng elevator. Nasa 15th floor na sila. Dali-dali siyang sumunod kay Joyce. Bigla siyang binalingan nito na ikinagulat niya.

"Teka nga muna, ayusin mo muna ang sarili mo. Mga executives ang andito sa floor na'to. Kaya ayusin mo ang sarili mo okay?" dahil sa magandang mukha hindi na siya nahirapan pang ayusan ang sarili. Nakasuot siya ng skinny-jeans at nakatuck-in na gold polo-shirt at saka pinarisan nang white rubber shoes. Pero angat na angat pa rin ang kanyang ganda at kaputian sa kabila nang simpleng kasuotan.

Namangha si Anastasia sa kagandahan nang napakalawak na bulwagan. Kung gaano ka ganda ang building na'to sa labas mas doble ang ganda nito sa loob. Napalibutan ito ng tinted na salamin. Maraming nakasabit na malalaking picture ng mga sikat na artistang naka-sign sa Eries. Karamihan dito ay mga paborito niyang actor.

"Halika ka na, mamaya na yan alam kong naglalaway ka na naman d'yan sa mga crush mo." biro sa kanya ni Joyce. Hindi niya napansin napahinto na pala siya sa paghakbang. Hinila siya nito paliko sa may pasilyo na sa tantiya niya ay opisina ng mga bigating tao. Dahil nakahilira ang mga security at mayroon ding secretary na nasa labas nakaupo. Tumayo ang secretary nang makita sila.

"Miss. Joyce!" bati nito sa kanyang kaibigan.

"Nandito ba si Mr. Enriquez?" tanong ni Joyce sa secretary.

"Oo nasa loob, may dalang bata 'yon pagdating niya kanina." sagot nito.

"Ah okay. Thank you Lea!"

Samantalang, abala sina Vance at Vincent sa pakikipag-usap sa limang director. Dahil malawak ang opisina ni Vance doon na lamang niya kinausap ang mga ito. Nanatili namang nakaupo si Ashton sa tabi niya habang naglalaro sa kanyang ipad. Maya-maya umalis na rin ang mga director upang magtungo sa auction sa baba. Naiwan sila sa loob kasama ang bata.

"Wala pa ba ang magulang nito?" tanong niya sa kanyang kapatid.

"Paakyat na raw sila kanina sabi ng security sa baba." sagot nito sabay ngiti. "Curios ka ano? Kung sino ang nanay ng bata."

Napailing na lang siya sa sinabi nito. "Sino ba naman hindi magtaka. Bihira lang mangyari ang ganito." sagot niya. Nakarinig sila nang mahinang katok sa pinto.

"Come in!"

Biglang lumitaw ang mukha ni Joyce na kanyang secretary. Ngunit nabigla siya sa sumunod na babae. "Anastasia?"

"Mama!" biglang sigaw ni Ashton sabay takbo patungo sa babaeng nakatayo sa may pintuan. Umiiyak itong niyakap ang kanyang anak. Nagkatinginan sila ni Vincent.

"I'm sorry sir sa abala. Hindi kasi napansin ng kaibigan ko na umalis si Ash sa tabi niya." paliwanag sa kanya ni Joyce.

"She's your friend?" tanong niya.

"Yes sir!" sagot nito sa kanya.

Masayang-masaya si Anastasia nang masilayan at mayakap ang kanyang anak.

"I'm sorry Mama!" narinig niyang bulong ng kanyang anak.

"Huwag mo nang isipin 'yon. Ang importante natagpuan na kita." sagot niya. Lumapit naman sa kanila si Jeremy at niyakap nang mahigpit si Ashton. "Nagpasalamat ka ba sa tumulong sayo?" tanong niya sa kanyang anak.

"Yes po! Andoon siya nakaupo kausap ni tita." tinuro nito ang kinaroroonan ng lalaki. Ngunit dahil natakpan ito ni Joyce na nakatayo, hindi niya nakita ang mukha nito.

"Let's go, samahan mo ako. Mag pasalamat tayo sa kanya." magkahawak ang kamay na sumunod sina Ashton at Jeremy sa kanya. Ngunit laking gulat niya nang makita ang lalaki na nasa kanyang harapan.

"Vance?"

"Hi! Nice to see you again." nakangiting saad nito.

"Kilala niyo ang isa't-isa?" bulong ni Joyce sa kanya. Napatingin siya sa kanyang kaibigan.

"Siya yun, yung sinabi ko!" mahinang sagot niya upang hindi nito marinig ang kanilang pinag-usapan.

Biglang dumaan si Ashton sa kanyang tabi. Lumapit ito sa lalaki at umupo sa tabi nito. Bigla siyang namutla dahil sa nakitang pagkahawig ng kanyang anak sa lalaki. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa. Maging si Joyce ay nagulat rin napatingin ito kay Anastasia.

"Mommy, siya po ba ang Daddy ni Tonton?" biglang tumahimik ang lahat na nasa loob ng opisina. Maging si Vincent ay tahimik na nakamasid sa nangyayari.

"N-no sweety, he is my boss." narinig niyang sagot ni Joyce sa anak nito.

"Ba't sila magka-mukha?" inosenteng tanong nito. Nakita niyang napalunok si Joyce.

Pinagpawisan bigla si Anastasia. Nilapitan niya ang kanyang anak.

"Let's go honey! Magpasalamat ka na kay Sir Vance. Uuwi na tayo." Bulong niya sa kanyang anak.

"Akala ko po ba manonood pa tayo sa baba, Mama." biglang bumagsak ang balikat ni Anastasia. Napatingin siya sa kaibigan.

"Next time nalang nak, baka malapit na iyon matapos. Paano na-late kasi tayo." paliwanag ni Joyce kay Ashton.

"Okay po tita!"

"Ashton, come here." napatingin sila kay Vance na biglang nagsalita. Tahimik ito mula kanina at matiyagang nagmamasid sa kanila.

"Yes mister?" sagot ng bata habang papalapit dito. Iniwan nito ang dalawang babae na natulala sa kanilang kinatatayuan.

"Gusto mong manood sa baba?"

"Yes!" mabilis na sagot nito sa lalaki.

"Okay, sasamahan kita!" nagkatinginan sina Anastasia at Joyce.

"Nako sir, huwag na po baka makaabala na kami sa inyo." nahihiyang saad ni Anastasia.

"It's okay pupunta rin naman kami ni Vincent doon upang bisitahin ang event." sagot nito sabay tingin sa kapatid. Nag-aalangan man ngunit tumango ito bilang sang-ayon. " Shall we go? " inilahad nito ang kamay kay Ashton na agad namang tinanggap ng bata saka tumayo.

Biglang hinarangan ito ni Anastasia.

"Wait, Mr. Enriquez!" saad niya habang nakatapat ang dalawang kamay sa dibdib nito.

"S-sorry!" bulong niya saka binaba ang mga kamay. Tumingin siya sa mga mata ng lalaki. " Huwag mo pong gawin 'to please. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao na makakita. Ayaw ko po na magka-problema kayo nang dahil sa anak ko."

Tinitigan siya ni Vance. Akala niya papayag na ito ngunit pinatabi lamang siya nito upang makadaan silang dalawa ni Ashton. Tinawag nito si Jeremy upang makasabay ng kanyang anak. Biglang nanlambot ang kanyang buong katawan. Napatingin siya kay Joyce na halatang gulat din sa inasta ng lalaki.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height