C13 Savage Love
KASALUKUYAN ng naglalagay ng mga damit sa maleta si Carl sa mga oras na iyon.
May nalalabi pa naman siyang kaunting oras para sa pag-aayos ng mga dadalhin niyang gamit sa Cebu.
Matagal na rin siyang pinalilipat doon ng boss niya, ngunit siya lang itong tumatanggi dati. Dahilan niya'y ayaw niyang iwanan si Dhalia dito sa bahay