C5 Four
Jade's Point of View
days passed since the fight between the nerd and my boyfriend. Walang pasok ngayon kaya naman nandito ako sa library ng bahay at nagbabasa na naman ng mga kailangan kong aralin para sa darating na exam. Actually, tinatamad talaga ako mag study ngayon pero dahil ayaw ko maitapon sa abroad, kaya nagbabasa ako.
'I should be over all the butterflies, but I'm into you~'
Mabilis kong inabot ang cellphone ko na nagring. Sino naman kaya itong tumatawag? Kapag ako bumagsak sa exam yari sakin to.
"Who is it?" tanong ko mula sa malamig na himig.
"It's your mom, nandiyan na kami mamayang 7." ah, si Mom pala.
Pagkatapos niyang sabihin yun, agad niyang binaba ang tawag. Okay, binabawi ko na ang sinabi kong yari sa'kin ang tumawag dahil baka ako pa ang mayari dito kapag bumagsak ako.
Nagkibit-balikat na lang ako. Naalala ko lang, bakit hindi nakasaved ang cellphone number ni Mom? O nagpalit na naman siya ng number? Hay, ewan makapagbasa na lang.
hours passed at nandito pa rin ako, maghahapon na kaya siguro nakaramdam na ako ng gutom. Kakain na ba ako o mag rereview pa rin at hintayin na lang sina Mommy para sabay sabay na kami? Pero mag 3 palang ng hapon tapos 7 pa ang uwi nila. Hay bahala na nga, kakain na muna ako. Baka mamaya sumabog na ang utak ko kakareview tapos wala naman palang papasok na kahit isa sa mga nabasa ko.
Pababa na ako ngayon ng hagdan. Ang tahimik sa loob ng bahay, well mas mabuti na ang tahimik kesa naman maingay. Asan na ba ang ibang katulong dito? Di naman ako marunong magluto, sana lang may pagkain pa sa ref na pwedeng kainin. Baka mamaya puro hilaw pa ang nandun.
"Jei?"
Anong ginagawa dito ni kuya? And look at him, parang isang linggo na itong hindi nakakakain. What the heck? Is he really my brother?
"Kailan mo ba akong tatawaging kuya ha?" sabag subo nanaman sa hotdog na hawak nito.
Shocks, ano na ba ang nangyayari sa mga tao ngayon? Nakataas ang paa ni kuya na kumain at nakakamay ito. Andaming kanin sa plato niya pati halos lahat ata ng putahe nasa harapan niya na. Nevermind a tleast swerte ako ngayon dahil maraming pagkain ang nakahanda. Hindi ko na kailangan pang maghintay na matapos ang lulutuin ng katulong at hindi ko na sila kailangan na utusan pa.
Lumapit na ako kay Jei at umupo sa harapan ng upuan nito. Hmm, ano kayang una kong kakainin dito? May lechon, may iba't ibang klase ng ulam, mga desserts, prutas at iba pang hinahanda tuwing may okasyon. Anong meron ngayon? May birthday ba? Hindi naman birthday ngayon ni Jei dahil tapos na ang kaarawan niya. Nagkibit balikat na lang ako sa naiisip. Di bale na atleast mabubusog ako ngayon.
"Kamusha nyaman kyo ng boypfriesn mo?" napangiwi na lang ako dito. Nagsasalita lang naman siya habang punong puno ng pagkain ang bibig niya. Shocks, kahit walang tao dito bukod samin, ikinahihiya ko na siya.
"Where's the manners, Jei?" balik kong tanong dito bago siya inirapan. Kumuha naman ako ng shanghai at spaghetti.
"Arte nito. Kamusta na nga kayo?" ano bang pakialam nito sa boyfriend ko? At bakit nga pala to nandito? Hindi naman kasi siya dito umuuwi, nag i-stay siya sa condo niya malapit sa pinapasukan nitong college school.
"It's none of your business." sabay subo sa shanghai na kinuha ko. Hmm~ sarap..
"Alam mo ikaw, napaka taray mo e no. Paano ka kaya nagustuhan ng bo--" hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang batuhin ko ito ng shanghai na kinagatan ko.
What the heck? Kailangan pa ba yan banggitin? Wait.. Paano niya nga pala nalaman na may boyfriend ako? Never ko namang sinabi yon sa kanya even to mom and dad. So how did he know?
"How did you know?" ngumisi lang ito kaya naman sinamaan ko siya ulit ng tingin. Akmang ibabato ko na ulit sa kanya ang isa pang shanghai ng itaas nito ang dalawa niyang kamay sa ere.
"Sasabihin ko na nga, e." hindi ko siya sinagot, kumain lang ako ng spaghetti.
"I have my own way to know, I don't need to hear it from you. And I won't wait for you to tell me." seryoso ang boses nito kaya naman nag angat ako ng tingin. Seryoso lang itong kumakain.
He had his own way? May spies ba siya? Damn. Ano ba itong pinag iisip ko. Kesa mag isip nang kung ano, tinuloy ko na lang ang pagkain at hindi na pinansin pa ang binitawan na salita ni
Jei. Baka gusto niya lang akong pag isipin.
"If I know, basketball player yun diba?" tapos na siya ngayon kumain pero ang pinagkainan niya ay nasa harapan parin niya. Inirapan ko lang ito at hindi siya sinagot, pinagpatuloy ko lang ang pagkain saka kumurot sa lechon.
"Tapos nakatira siya sa Villa Ladencia." binagsak ko ang tinidor, bakas pa sa kanya ang pagkagulat.
Ano ba talaga ang gusto nitong ipahiwatig? Argh. Umiinit nanaman ang ulo ko.
"Would you please shut up your mouth? Baka biglang dumating sila Mommy." impit pa ang boses ko dito dahil nagpipigil ako ng inis.
Ano naman sa kanya kung doon nakatira ang boyfriend ko, at alam kong doon nakatira yun. Bakit kailangan ulitin? Alam naman na pala niya na doon nakatira si Jordan, bakit kailangan pa niyang itanong? Ghad, kung hindi lang ako gutom aalis na talaga ako dito.
"Sa pagkakaalam ko 7 pa ang uwi nila." tumayo ito at nilagay sa lababo ang pinagkainan niya.
"Bakit ka ba nandito?" naaasar na ako.
Ang daldal talaga ng isang 'to, mabuti na lang at hindi niya ako katulad. Duh, I hate noisy people.
"Ayaw mo ba ako makita dito?" hindi ko alam pero parang na guilty ako sa tanong nito. Na offend ko pa ata siya.
Hays, e, kasi naman ang daldal niya, hindi ba pwedeng kapag nasa hapag kainan ay kakain lang? Hindi yung daldal pa nang daldal. Shocks, sumasakit ang ulo ko dito.
"Okay then, I'll go ahead. Always take care little sis." he said and turn his back on me.
Napailing na lang ako. Bibilisan ko na nga ang pagkain at para makapag review na sa itaas ulit. Baka pag naabutan ako nina mommy dito na kumakain, pagalitan nanaman ako at i-o-open up nanaman ang tatlong mali na sagot ko sa overall subject na nagpa long quiz last month. Bakit ba ako nagkaroon ng magulang na ang priority sa anak nila ay ang mataas na grado? Tss.
"Ma'am pinapatawag po kayo ni Mrs. Austrelle." nilingon ko ang nagsalita sa pintuan. Tumango ako dito saka tinignan ang oras sa wall clock.
7 na pala? Shems, baka matulad ako nito sa nerd na yun sa susunod na school year sa sobrang pagbababad ko dito. Shocks buti na lang at saktong seven rin dumating sila mommy dahil kung hindi, baka kahit alas onse na ng gabi ay nandito parin ako. Balak ko na atang tapusin buong
libro nito sa kakabasa.
Tumayo na ako at pinaglalagay sa book shelves ang mga librong kinuha ko kanina para pag aralan. Pagtapos mailigpit ang lahat, hindi naman na ako nag aksaya pa ng oras at bumaba na rin sa salas kung nasaan nakaupo sina mom at dad. Bakit nga pala nandito sa salas? Diba dapat sa kusina kasi kakain na?
"Jade, sit here." mahinang tinapik ni dad ang gitna nila mommy. Sinunod ko naman siya at umupo na doon.
"May sasabihin kami." nakatingin lang ako sa lamesa sa harapan ko.
Tungkol naman saan to ngayon? Wala pa nga ang exam e wag mo sabihin na bumagsak na ako agad? O 'di kaya hindi na nila hihintayin ang result ng exam at ipapatapon na ako agad sa abroad. Fuck! Ayoko!
"Alam ko," mahinang sagot ko kay Daddy.
Rinig ko ang buntong hininga nito bago magsalitang muli. "You will meet your fiance tomorrow."
"Oka--what?!" mabilis akong napatayo nang mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Daddy.
What? Fiance? What the hell? Hindi pa nga nagpopropose sakin si Jordan so, paano ako magkakaroon ng fiance? Damn it, don't tell me--
"We arrianged you in a marriage," he answered.
No. No. No. This is impossible!
My brows furrowed, "Dad, look. I'm just 17 years old how could you arranged me in a marriage? Did I know that guy?"
"Jade, calm down." tumayo si Mommy at hinawakan ang magkabilaang braso ko. Si Daddy naman ay nakatayo na rin ngayon.
What the hell!? Gusto na nga nilang ma-perfect ko ang bawat exam, manguna sa lahat ng estudyante, tapos ngayon gusto pa nila ako ipakasal? Fuck. Anong klaseng buhay ba ang meron ako? Mas papangarapin ko pa maging mahirap kesa lumaki nga sa yaman pero ganito naman ang takbo ng buhay. Shit. Hindi ako alagang hayop nila para magsunod sunoran sa gusto nilang mangyari! Hindi ko papakasalan ang lalaking pinagkasundo nila. Never in my wildest dream.
"How can I calm down?" naiiyak na ako shems. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko? Hindi ba pwedeng mabuhay naman ako tulad ng isang simpleng estudyante?
"Dad please cancel it. Please, please..." hawak ko na ngayon ang kamay niya at nagmamakaawa.
Onti na lang ay tutulo na ang luha ko. Shit.
"Jade," Mom called my name so I turned my body to face her.
"Mom, please, I will do my best to perfect my exams. Please, just cancel it." hindi ito sumagot, pinunasan lang nito ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Damn! Ayokong maikasal sa lalaking hindi ko naman kilala and worst paano kung mukhang shokoy ang isang yun. Tangina at kahit sino pa siya hinding hindi ako makikipagkasal sa kanya.
"It was already fixed." Dad said.
"Already fixed? Ngayon niyo lang sinabi sakin kung kailan ayos na lahat? Hindi niyo man lang kinuha ang panig ko? Dad naman! Did you really treat me as your daughter? Or you treat me as your pet who will follow you everytime you tell me what to do?" Halos pasigaw kong saad kay Dad.
Nakatikim ako ng malakas na sampal mula kay Dad. Sampal na ngayon niya lang nagawa sa'kin. Damn, it hurts.
"You will meet your fiance tomorrow even if you want it or not!" fuck. Paano ko ba makukumbinsi itong tatay ko. Damn. Kailangan pa bang lumuhod ako sa harapan niya?
"Pupunta na lang akong abroad, wag niyo lang ituloy yun."
Right. Eto naman ang gusto nila diba? Then, go! Mag a-abroad na lang ako, doon na lang ako mag aaral. Okay nang mahiwalay sa kanila, wag lang maikasal sa hindi ko kakilala.
"The decision is final." matapos sabihin yun ay lumakad na ito palayo sakin, ganun rin si mommy.
Tangina. Bakit parang napakalupit naman sakin ng mundo? Bakit sarili kong magulang pinagkaka-kalulong ako? Kaya ba humiwalay samin si kuya dahi ganito? Wala ng humpay sa pagtulo ang luha ko. Fuck. Wala akong magawa kundi ang umiyak. May magagawa pa ba ako kung lahat ay ayos na? Damn.
"Dad!" fuck.
"Dad!" kahit isang lingon ay hindi nito ginawa. Nabagsak ko na lang ang sarili sa sofa na inuupan namin kanina.
"Okay ka lang?" I looked at her.
Siya lang ata ang kasundo ko dito sa bahay. Maski sila dad at mom hindi ko nakakausap gaya kung paano ko makausap itong si Maddy. Isa siya sa mga katulong namin at matagal nang nagsisilbi sa pamilya.
I hugged her, saka ko ibinuhos lahat ng luha ko. Damn. Bakit ba pumasok sa isip nila mommy ang ipakasal ako? Niyakap niya rin ako at dahan dahang hinahaplos ang buhok ko.
Maddy is so kind, she's in there everytime I'm feeling so alone. I want her to be my mother. I hope she take the role of my real mother. I wish I was her daughter. How I wish that mom could be like her...