As The Rain Starts to Fall/C1 Chapter One ( Ang Simula)
+ Add to Library
As The Rain Starts to Fall/C1 Chapter One ( Ang Simula)
+ Add to Library

C1 Chapter One ( Ang Simula)

Sa maingay na Flordes, isang bahay-aliwan nakatuon ang buong atensyon ni Lara. Pumwesto ang dalaga sa ika-lawang palapag ng kaharap na kainan na bukas hanggang madaling araw upang magmatyag sa kambal. Tila ay isa siyang espiya kung matyagan ang kakambal na si Leandro na nagkakasiyahan kasama ang mga kaibigan nito. Puno ng alak at mga pagkain ang lamesa na pinag-sasaluhan ng magkakaibigan habang ang mga serbidora ay pabalik-balik sa mesa upang maglabas pa ng maraming alak at pagkain. Kita sa mukha ng magka-kaibigan ang saya bagay na ikinaiinis ni Lara.

"Senyorita, Hindi ho kaya ay mali ang ating ginagawa? Hindi ho ba't may pahintulot naman ang senyorito mula sa inyong Ama? Baka tayo pa ho ang malagot sa inyong Ama oras na malaman niyang wala ho kayo sa inyong silid." Nag-aala at sunod-sunod na tanong ni Mirasol sa kaniyang Senyorita Lara na abala pa rin sa ginagawa nitong pagmamasid sa kakambal.

Dahil sa paninibugho at inggit ay itinapon na lamang ni Lara ang abaniko nitong kulay pula na iniregalo sa kaniya ng ina noong nakaraang kaarawan nila ng kambal, bagay na ikinagulat ni Mirasol na agad namang pinulot ang abaniko mula sa kahoy na sahig ng kainan at ibinalik ito sa kaniyang Senyorita na agad namang kinuha ang abaniko mula sa kaniya.

"Mirasol, nais ko lang naman na maranasan din ang buhay sa gabi, kung gaano kasaya para sa iba at kung bakit para saakin ay Hindi, kung bakit ay mas nais nang iilan na magising sa gabi kesa sa umaga. At kung bakit, pinahintulutan ni Ama na uminom ng alkohol si Leandro at ako ay hindi!" Pasigaw na sagot ng senyorita sa kaniyang mutsatsa.

Hindi na lamang sumagot pa si Mirasol sa kaniyang senyorita dahil kahit na ano pa man ang ibuka ng kaniyang bibig ay hindi na magbabago pa ang nais ng kaniyang senyorita. Ang kailangan na lamang niyang gawin ay kung paano maghahanda ng eksplenasyon kay Don Leonel sa oras na malaman nito ang kanilang ginawa ngayong gabi.

"S-Sandali..." Napa-upo ng maayos si Senyorita Lara nang makita ang isang pamilyar na bulto na tinatahak ang ikatlong palapag ng Flordes.

"Ano ho iyun Senyorita?" Takhang tanong ni Mirasol sa kaniyang Senyorita na agad ring napalingon sa Flordes.

"Hindi ba't si kuya Marko iyon?" Paniniguro nito sa pamilyar na bulto ng lalaki. Marami mang tao at magulo ang lugar ay natuon pa rin ang atensyon ni Lara sa nakakatatandang pinsan.

Agad namang hinanap ni Mirasol ang ginoo na itinuturo ng kaniyang Senyorita.

"Oo nga ho, si Senyorito Marko ho iyun. " Paniniguro ni Mirasol sa nakita ng kaniyang Senyorita.

"Ahh! Ayun pa ho si Senyorito Antonio at Senyorito Santino. " agad na wika ni Mirasol na itinuro pa ang dalawang senyorito matapos makita ang paglapit ni Marko sa dalawa na tila naman ay inaasahan na ang pagdating ng maginoong si Marko.

"Kahina-hinala. Ni minsan ay hindi ko nagawang makitang magsama sina kuya Antonio at kuya Marko. At kasama pa ang balat-kayong si Santino na mortal na kalaban ni kuya Marko." Nagtatakang wika ni Lara habang buo ang atensyon at paningin sa tatlong Senyoritong seryosong nag-uusap.

"At isa pa po Senyorita, ipinagbabawal rin na lumabas si Senyorito Marko ng dalawamput' apat na gabi dahil sa ginawa nitong pagsira sa isang larawan sa silid ng iyong Lolo Pablo kanina. " wika pa ni Mirasol na nagpadagdag sa kuryusidad ni Lara.

"Hmmm ni minsan ay hindi lumabag sa pinag-uutos ang aking pinsan. Bakit nandirito siya? " muling tanong ni Lara kay Mirasol na maging ito ay hindi masagot ang tanong ng Senyorita.

Kagat ang pang-ibabang labi ay muling tinignan ni Lara ang kambal na hanggang ngayon ay nagpapakasaya sa buhay nito na hindi man lang napansin ang pagdating ng kaniyang kuya-kuyahan na si Marko.

'Walang kwenta.' Wika ni Lara sa kaniyang isipan habang nakatingin sa kambal.

"Hali na Mirasol." Wika ni Lara na agad tumayo upang lisanin ang lugar. Hindi na siya muli pang tumingin sa pwesto ng kakambal dahil sa panibughong nararamdaman.

"Uuwi na ho tayo Senyorita?" Tanong ni Mirasol sa kaniyang Senyorita nang makalabas sila sa kainan.

Huminto naman si Lara na tila ay may inaabangang lumabas mula sa kaharap na Flordes.

"Hindi pa." Tanging tugon ng dalaga sa kaniyang mutsatsa na sumimangot na lamang.

Maya-maya pa ay dumating na ang hinihintay ni Lara. Lumabas mula sa Flordes si Marko. Tila ay wala sa sarili at malalim ang iniisip.

"Tila yata ay kailangan mo nang matuto sa paglangoy ginoo." Wika ni Lara.

Gulat ang mukhang humarap si Marko sa kaniyang pinsan na nakatayo hindi nalalayo mula sa kaniyang pwesto.

"Lara? Anong ginagawa mo rito? May pahintulot ba ito ng iyong ama?" Hindi makapaniwalang tanong ni Marko sa dalagang si Lara na ngayon ay malapad ang ngiti sa kaniya.

"Hindi ko kailangang sagutin ang iyong mga katanungan. Problema ko na ang mga bagay na iyon. Pero... Ikaw, balita ko'y bawal kang lumabas ng dalawamput' apat na gabi bilang kaparusahan sa iyong kasalanan kanina. Bakit naririto ka?" Mataray na tugon ng dalaga. Isang pilyong ngiti na lamang ang itinugon ng binata.

"Hindi ko kailangang sagutin ang iyong nga katanungan. Problema ko na ang mga bagay na iyon." Pang-gagaya ni Marko sa tinuran ni Lara na napailing na lamang.

"Kuya Marko naman eh. " tila ay isang nagtatampong paslit ang tono ng pananalita ni Lara na nagsimula na ring maglakad habang nakasunod naman sa kaniya si Marko at tahimik na sumasabay sa bawat niyang hakbang si Mirasol na kaniyang mutsatsa.

Bilang miyembro ng pamilya Escobar, at mga apo ng gobernadorcillo ay hindi masasabing isang pangkaraniwang pamilya ang mga Escobar na kasapi ng principalia. Malaki ang kanilang impluwensya lalo na sa kanilang bayan.

Bukod pa roon ay natatangi ang pamilya Escobar dahil sa kakayanan ng bawat miyembro. Bawat miyembro ay may kakayahang mamili ng kanilang personal na taga-silbi upang mas mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

"Ang kasagutan sa ating nga katanungan ay pareho lamang, Lara. Pareho tayong tumakas at hindi sumunod sa mga pinag-uutos sa atin." Sagot ni Marko kay Lara na natigil sa paglalakad at hinarap ang kaniyang kuya Marko.

"Kuya Marko, wala akong pakialam kung ako ba ay sumusuway sa mga pinag-uutos sa akin. Sapagkat kung iyung tutuusin mas masarap gawin ang mga bagay na nais mo para sa iyong sarili. May Iba't-ibang paniniwala ang bawat tao, kasiya-siya sa iyo ngunit sa iba ay hindi. Kaya mas nanaisin ko na matawag na suwail kaysa makulong sa saya ng iba. Sa saya ng aking ama." mahabang tugon naman ni Lara na ikinahanga naman ni Marko at ni Mirasol.

"Ohhh... Ilang taon kana ba binibini? " pabirong tanong ni Marko matapos marinig ang lintanya ng nakababatang pinsan.

"Labing-pitong taong gulang na ho, ginoo. " Nakangiting sagot ni Lara sa kaniyang kuya.

"Tila yata ay mas gumagaling ka sa mga pinag-aaralan mo. Saan mo ba napupulot ang ganiyang kaalaman? " Muling tanong ni Marko. Natawa na lamang si Lara at muling naglakad papalayo sa Flordes.

"Sa mga libro ni Mara. Isa siyang manunulat, humahanga ako sa mga nailathala niyang libro at mga tula. Hindi lamang puro romansa ang nakalathala ngunit puno rin ng aral kung iyong susumahin. " nakangiting sagot ni Lara.

Ngunit agad ring napahinto sa paglalakad Senyorita at muling hinarap ang nakatatandang pinsan at tinitigan ito ng kasama.

"Ahhhh! Nililigaw mo ang usapan!" Naihampas na lamang ni Lara sa hangin ang mga palad matapos niyang mahinuha ang pag-iiba ng kanilang usapan.

"Ano ang iyong ibig sabihin?" Nagtatakang tanong ni Marko habang nakatingin ng diretso sa kaniyang pinsan.

'Nakita niya ba ako kanina sa loob ng Flordes?' Tanong ni Marko sa sarili matapos makita ang reaksyon ng pinsan kanina na tila ay may hinihintay ito na lumabas sa Flordes idagdag pa rito ang masasamang tingin ng dalaga.

"Nais kitang tanungin sapagkat nakita kitang kausap si Kuya Antonio at ang balat-kayong si Santino." Diretsang saad ng dalaga.

'Kung gayun ay nakita nga niya ako.' Napangiti at ilang beses na lamang na napailing si Marko sa kaniyang naisip.

"Oo, nakita ko kayong tila ay nagbabalak pumaslang ng tao. " sarkastikong wika ni Lara na muling nagpangiti sa mestizong si Marko.

"Haha tama ka sa iyong tinuran ngunit kami ay hindi nagbabalak upang pumaslang ng tao." Natatawang sagot ng ginoo na halos wala nang mata dahil sa pagiging singkit nito.

"Anong pagbabalak naman ang ginagawa niyo?" Muling tanong ni Lara.

"Madilim na sa lugar na ito, sa tingin ko ay dapat muna akong kumuha ng sulo." Pag-iiba ni Marko sa usapan na ikinasingkit naman ng mata ni Lara.

Naglakad pabalik si Marko mula sa tinahak nilang daan kanina. Hindi pa naman malayo ang sentro ng bayan at mula sa pwesto nila ay tanaw pa rin ang mga ilaw mula sa Flordes at ilang mga karatig na gusali.

Ngunit madilim naman at mangilan-ngilan na lamang ang mga tahanan sa kanilang daraanan pauwi sa mansyon. Idagdag pa ang makulimlim na kalangitan kung saan natatago ang maliwanag na sinag ng buwan.

"Kuya Marko, tila ay nakakalimot ka."

Agad na napahinto si Marko nang kaniyang maalala ang abilidad na meron ang dalaga. At sa muli nitong paglingon sa dalaga ay makulay na ang paligid at hindi na nagtatago pa sa maiitim na kaulapan ang buwan.

"Kung ang usapan ay patungkol lang naman sa liwanag, ako na ang bahala basta't ang sagot mo sa aking mga tanong ay hindi maantala. " pilyo ang ngiting nakakurba sa labi ng dalaga matapos nitong makita ang pagsuko mula sa mukha ng kaniyang pinsan.

'Wala na akong magagawa.' Bumunot ng malalim na buntong hininga si Marko. Kilala niya ang nakababatang pinsan, lahat ng nais nito ay nakukuha, lahat din ng gusto nitong malaman ay nalalaman niya. Matalino si Lara kung kaya't hindi ito madaling mauto.

"Kami ay nagbabalak na pasukin ang itinatagong silid umano sa loob ng silid ni Lolo sa mansyon." Sagot ni Marko na nanguna na sa paglalakad.

"Itinatagong silid? Mayroong itinatagong silid sa mansyon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lara namamangha ang dalaga sa kaniyang mga nalalaman.

"Oo, at nakita ko na ang lagusan patungo sa silid. " taas-noong wika ni Marko na mas ikinamangha ng dalaga.

"Kung ganun, hindi aksidente ang pagkakasira mo sa larawan ng ating Lolo noong isa pa lamang siyang ginoo? Iyong sinadyang sirain ang larawan ni Lolo? " hindi makapaniwala sa ideyang namumuo sa kaniyang isipan si Lara na dahan-dahang napalingon sa kaniyang kausap.

"Hindi iyun aksidente. " wika ni Marko na nababakas ang pilyong ngiti sa labi nito.

"At sa pagkakataong iyun ay nakita mo ang lagusan? " muling tanong ni Lara. Napaisip naman si Marko at napailing.

"Hindi ko mawari. Naroon ako sa silid ni Lolo ng marinig ko ang marahang pagtawa ng babae ngunit hindi ko ito makita. " tugon nito sa tanong ng dalaga na ngayon ay nakabuka ang bibig at titig na titig sa maamong mukha ng pinsan.

"Ilang beses ko ng napasok ang silid ni Lolo at iyun ang unang beses na makarinig ako ng ganun sa silid nito." dagdag pa ni Marko sa kaniyang sinabi.

"Dahil sa iyong narinig ay nahanap mo ang lagusan? " muling tanong ni Lara.

"Sa aking palagay ay oo. Hindi ko mawari kung bakit sinundan ko ang boses at dinala ako nito sa loob ng aparador. At Doon ko nakita ang lagusan patungo sa itinatagong silid." Pagtatapos ni Marko sa kaniyang pagbabalik-tanaw sa nangyari kaninang umaga nang pasukin niya ang silid ng kaniyang Lolo Pablo.

"Kakaibang paglalakbay ang naranasan mo kanina hahaha" natatawang saad ni Lara matapos magkwento si Marko.

"Hayy, totoo nga. " pangungumbinse ni Marko kay Lara na natatawa pa rin.

"Alam ko. Sadyang natatawa lamang ako hahaha. " dipensa pa ni Lara. Tanging pag-buntong hininga na lamang ang nagawa ni Marko.

"Bakit nais niyong mapasok ang itinatagong silid ni Lolo? " tanong ni Lara nang mahimasmasan ito.

"May nais makita si Antonio at tanging ako lamang umano ang maaaring makakuha at maibigay sa kaniya. " pag-amin ni Marko sa layunin ng kanilang pagbabalak.

"Ano ang nais makita ni Senyorito Antonio? " nakuha ng sinabi ni Marko ang buong atensyon at kuryusidad ni Lara tila ay Alam na nito kung saan patutungo ang kanilang usapan.

"Ang itinatagong yaman umano ng ating pamilya na mula pa sa ating mga ninuno. " inosenteng sagot ni Marko.

"Nais niyang makuha ang lampara dela mahika. " natatawang saad ni Lara ng mapagtanto ang nais ng kaniyang pinsan na si Antonio.

"At nais niyang ikaw ang kumuha ng lampara dahil sa iyong abilidad." Dagdag pa nito at napailing na lamang.

"Akala ko ay isa lamang kuro-kuro ang itinatagong silid sa mansyon at isang kwentong barbero lamang ang patungkol sa lampara dela mahika." Iiling iling na saad ni Lara. Nagkatinginan na lamang sina Marko at Mirasol dahil sa inaakto ng senyorita.

"Sabihin mo sa akin Marko, ano ang kapalit ng ipinagagawa niya saiyo? " diretsang tanong ni Lara kay Marko na tila ay mas matanda pa sa kaniyang pinsan.

"Wala--"

"Hindi ako hangal!" Hindi na natapos pa ni Marko ang sasabihin dahil sa biglaang pagsigaw ng pinsan. Namumula na ang pisngi nito at bakas ang inis sa mukha nito.

Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang nagawa ni Marko bago sagutin ang tanong ni Lara. "Aking kukunin ang umano'y yaman, at ibibigay nila sa akin ang kapayapaang aking ninanais." Sagot ni Marko.

Ang tahimik na gabi ay mas lalong naging tahimik dahil sa sinabi ni Marko. Tinitigan lamang siya ni Lara habang ang tingin naman ng binata ay sa maliwanag at malaking buwan na siyang nagbibigay liwanag sa kanilang daraanan.

"Tutulungan kita. " Hindi makapaniwalang lumingon si Marko kay Lara dahil sa sinabi nito.

"Marami akong alam patungkol sa itinatagong silid maging sa lampara dela mahika. Mga alamat man ito o kuwentong barbero, ngayong napatunayang mong totoo ang silid ay tiyak rin akong totoo ang lampara at ang mga nakasulat sa mga libro. " dagdag pa ni Lara

"Lara... "

"Huwag ka ng magsalita pa Marko, may kapalit rin ang pagtulong ko sa iyo. " wika ng dalaga na ikinatigil ni Marko.

"Anong kapalit iyun? "

"Ayon sa mga kuwento, isang babaeng mahikera ang ikinulong ng kaniyang iniirog sa lampara upang maproteksyunan ng lalaki ang pamilya nito mula sa mahikera na kaniya namang kerida. Ayon pa sa mga libro na aking nabasa, ang mahikera ang nagbigay sa ating pamilya ng mga kakaibang abilidad upang kutsyain tayo at ang mundo na mismo ang pumaslang sa ating lahi." Pagsasalaysay ng dalaga sa kaniyang mga nabasa patungkol sa lampara.

"Nalilito ako, ano ang nais mong iparating?" Takhang tanong ni Marko.

"Ang ating pamilya ang binigyan niya ng kakaibang kakayahan. Ang kaniyang iniirog ay ang ating ninuno. At ang ating ninuno ang siyang nagkulong kay Elena sa loob ng lampara. Hindi man diretsang isinasaad sa mga aklat na ang ating pamilya ang pamilyang tinutukoy sa kuwento, pero kung iyong susumahin, tayo lang naman sa lugar na ito ang may kakaibang kakayahan. " paliwanag ni Lara na sinang-ayunan naman ni Marko.

"Ikaw ang magpapatunay na totoo ang alamat ng lampara dela mahika. At kung ang ating ninuno nga ba ang nagtaksil sa maalamat na mahikera." Dagdag pa ni Lara.

Napahawak na lamang si Marko sa dibdib nito dahil sa mabilis nitong pagtibok na tila ay lalabas na sa kaniyang dibdib.

"Hayyy.... Nais ko lamang ng mapayapa at tahimik na buhay, bakit tila ay masyadong komplikado ang aking dapat lakbayin upang makuha iyun?" Iritadong tanong ni Marko

Natawa na lamang sina Lara at Mirasol dahil sa gawi ng binata.

"Kuya Marko, ang kapalit na nais ko sa pagtulong na ito sa iyo ay ang babaeng nakakulong ng matagal na panahon sa lamparang iyun. " sambit ni Lara na may diin sa bawat salitang binibigkas nito. Nakatingin ng diretsa sa mata ni Marko ang dalaga upang ipakaita na seryoso ito sa kaniyang sinasabi.

"Ngunit hindi ko alam kung paano siya mapapalaya."

"Ang asul na apoy." Simpleng sagot ni Lara habang nilalaro sa kaniyang mga kamay ang mumunting liwanag mula sa buwan.

"Hindi ko--"

Muli ay natigilan si Marko dahil sa ginawa ni Lara. Ang kaninang liwanag na nilalaro nito sa kaniyang mga palad ay namuo bilang palaso na patungo sa direksyon ni Marko.

Dahil sa kakulangan sa espasyo dahil sa maliit na espasyo ng tulay at oras upang makailag sa atake ni Lara ay pumusisyon na lamang si Marko ng pang-dipensa upang protektahan ang sarili.

Ngunit hindi iyon naging sapat upang manatili siya sa kaniyang kinatatayuan. Naramdaman na lamang ni Marko ang pagtilapon ng kaniyang katawan patungo sa malamig na ilog ng Giho.

Ang pagkontrol sa liwanag ng buwan at sinag ng araw ang kakaibang abilidad na meron si Lara. Mula sa mga liwanag na iyun nagagawa niya ang anumang naising sandata.

"Lara!! "

Hindi napigilan ni Marko ang mapasigaw dahil sa sakit na dulot ng ginawa ni Lara.

"Po? " inosenteng tugon ni Lara sa pinsan na lumalangoy patungo sa dalampasigan.

"Binibini... " may ngiti sa labi si Lara matapos makita ang sitwasyon ng pinsan. Agad naman itong napalingon kay Mirasol ng tawagin siya nito. Ngunit imbes na magsalita ang mutsatsa ay itinuro nito ang abanikong hawak ng senyorita. Napangiwi na lamang ang senyorita dahil sa kinahinatnan ng kaniyang abaniko.

"Bakit mo ginawa iyun! " agad na bungad ni Marko sa pinsan nang makarating ito sa tulay. Basang-basa ito at mababakas ang galit sa mukha.

"May mga bagay kang magagawa nang hindi mo inaasahan depende sa sitwasyon na iyong kinalalagyan.' Payo iyon ng aking Ina na angkop sa kahit na anong sitwasyon." Kalmadong wika ni Lara at nagsimula nang maglakad pabalik sa mansyon.

"Ahh... Ito ang resulta ng bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo. " dagdag pa ni Lara at tinapon patungo sa direksyon ni Marko ang abaniko na iniregalo sa kaniya ng kaniyang Ina.

Ang abanikong gawa sa mahahaling tela ay mayroong mumunting sunog at butas. Ang ibang sunog na parte ay umuusok pa.

"Anong ginawa ko?" Tanong ni Marko sa kaniyang sarili matapos makita ang kalagayan ng abaniko na siguradong siya ang may gawa.

"Ginoo, nagawa mo pong makagawa ng maliliit na bolang apoy at ang abanikong iyan ang ginawang panangga ng aking senyorita." Nakangiting wika ni Mirasol na agad sumunod sa kaniyang senyorita.

"N-Nagawa ko ang ano? " Hindi makapaniwalang tanong muli ni Marko sa kaniyang sarili habang hindi maalis ang tingin sa abaniko na pagmamay-ari ni Lara.

"Ginoo, kung nais mong makapasok at makalabas ng matiwasay sa silid na iyun, kung maaari ay iyong bilisan. Lumalalim na ang gabi at nakararamdam na rin ako ng pagod." Wika ni Lara na nakatawid na sa kabilang bahagi ng tulay.

Hindi naman nagdalawang isip si Marko na tumakbo at humabol kay Lara sapagkat ang nakababatang pinsan ang tanging makatutulong sa kaniya upang mapagtagumpayan ang pansariling nais nila ni Antonio. Kapayapaan para sa kaniya at kayamanan naman kay Antonio.

.

Nang makarating sa bakod ng mansyon ay agad nagtago ang dalawa sa likod ng mga naglalakihang bato malapit sa bakod ng mansyon dahil sa nagkalat na mga taga-bantay ng kanilang Lolo na isang gobernadorcillo sa kanilang bayan. Liban dito kasama rin sa principalia ang mga anak ng kanilang Lolo na nakatira rin sa loob ng kanilang magara at malaking tahanan.

"Magtungo ka sa iyong silid at magbihis. Kami naman ni Mirasol ay tutungo sa aking silid upang kuhain ang aking aklat. Magkita tayo sa dambana sa likod na bahagi ng mansyon." Pabulong na utos ni Lara kay Marko na agad namang kumilos patungo sa kwarto nito sa kabilang bahagi ng mansyon.

"Senyorita, mas marami ho ang mga guardia, may liwanag rin ho akong natatanaw mula sa silid ng inyong mga magulang. Hindi ho kaya ay gising pa sila at alam na nilang tumakas ho kayo ngayong gabi at kanilang hinihintay ang inyong pagdating at sa pagputok pa lamang ho ng liwanag ay inyo nang hinaharap ang konsekuwensya ng inyong mga ginawa?" Ani ni Mirasol na napapakagat na lamang sa kaniyang mga kuko dahil sa mga namumuong ideya sa isipan.

"Mirasol huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano riyan, maging ako'y kinakabahan sa iyong mga tinuturan. Manahimik kana lang muna at magdasal. " pagsuway rito ni Lara.

Kagaya nang sinabi ng kaniyang Senyorita ay mataimtim na nanalangin si Mirasol sa tabi ni Lara na napailing naman ngunit agad ring ginawa ang tanda ng krus upang manalangin.

"Hali na Mirasol. "

Agad na nagtungo ang dalawa sa likod na bahagi ng mansyon at sa pagitan ng dalawang puno ng akasya nagtatago ang pinto patungo sa bawat silid sa mansyon.

"Hintayin mo ako rito, hindi ako magtatagal. " utos ni Lara kay Mirasol at agad ng pumasok sa sekretong lagusan.

Nang makarating sa kaniyang silid ay agad na hinanap ni Lara ang libro na kaniyang nabasa patungkol sa mga sekretong lagusan ng kanilang mansyon.

"Saan ko nga ba nailagay iyun? " tanong ni Lara sa kaniyang sarili nang hindi makita sa nakagawian niyang sisidlan ang libro.

Lumipas ang ilang minuto bago niya makita ang libro. Agad siyang bumalik sa sekretong lagusan at hinanap si Mirasol.

"Halika na. " wika ni Lara ng makalabas sa lagusan. Isinara naman ni Mirasol ang pinto patungo sa mga lagusan at kinuha ang libro na hawak ng kaniyang Senyorita.

"Akala ko'y tuluyan ka nang nahimbing." Bungad ni Lara kay Marko ng madatnan nila itong nakaupo sa unang baitang patungo sa dambana.

"Heto, ang aklat na yan ang magsisilbi mong gabay upang makarating sa iyong paroroonan." Wika ni Lara sabay bigay kay Marko ng aklat na kaniyang kinuha.

"Kailangan mong ibalik saakin ang aklat" Dagdag pa nito. Tumango na lamang si Marko at inabot ang aklat.

"Ibabalik ko rin sa iyo ito. Salamat sa tulong." Nakangiting pasasalamat ni Marko sa pinsan.

"Hindi mo kailangang magpasalamat dahil ang pagtulong ko sayo ay may kapalit." Tugon ni Lara. Umayos ng tayo ang dalaga at hinarap ang nakatatanda niyang pinsan.

"Nauunawaan ko. " wika ni Marko.

"Siya nga pala, kung sakaling hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak. Tutulungan ka nito upang maging ligtas. Sundan mo lamang ang liwanag. " Wika ni Lara at iniabot kay Marko ang isang pulseras na agad naman niyang isinuot.

"Mauuna na ako kuya Marko. Mag-iingat ka at nawa'y magtagumpay ka. " paalam ni Lara bago nito lisanin ang kausap.

...

"Marko!!"

Nabulabog ang tahimik na gabi dahil sa palahaw ni Don Pablo. Agad na nagsilabasan ang mga tao sa buong kabayahan matapos marinig ang pagsigaw ng Don.

"Tawagin niyo si Heneral Relio! Ngayon na!" Pasigaw na utos nito sa mga kasambahay na agad namang kumilos kahit bakas pa ang antok at pagod sa mukha.

"Lolo, ano ho ba ang nangyari?" Malumanay na tanong ni Serina sa kaniyang Lolo na hindi pa rin matigil sa pagsigaw.

"Hanapin niyo siya! Huwag niyong hahayaang makatakas ang batang iyon!"

Umalingaw-ngaw sa madilim na gabi ang boses ni Don Pablo. Iniuutos nito sa mga guwardya sibil ang paghahanap sa kaniyang apo na tumakas sa kanilang tahanan dala ang isang baul na puno ng mga pinaka iniingatan niyang yaman ng pamilya.

"Lolo! Maghunos-dili ho muna kayo. Ang mga guwardya na ho ang bahala kay Marko. " Pagpipigil ni Serina sa kaniyang lolo na hindi matigil sa pagsigaw nang pangalan ng kaniyang pinsan.

"Pumasok na ho muna tayo, Lolo. Hindi makabubuti sa inyong kalusugan ang lamig ng gabi." Dagdag pa nito.

Dala na rin ng pagod ay hindi na umangal pa si Señor Pablo sa tinuran ng kaniyang paboritong apo. Malalim muna itong bumuntong-hininga ng makailang ulit bago naglakad papasok ng kabahayan kasama nang isiping sana ay magbabalik ang apo dala ang mga kinuha nito at hihingi ng tawad sa kaniya.

Sabay sabay namang nagsiyukuan ang mga taga-silbi nang pumasok si Señor Pablo.

Humugot na lamang ng malalim na buntong-hininga si Serina nang tuluyang makapasok ng kabahayan ang kaniyang Lolo. Muli na lamang siyang napalingon sa mga bulto ng guwardya sibil bitbit ang kanilang mga armas at sulo na patungo sa masukal na kagubatan upang hanapin ang pinsan na si Marko na mitsa ng kaguluhan.

"Ano ba naman kasi ang kaniyang naisipan upang gawin ang bagay na ito?" Pabulong na tanong niya sa kaniyang sarili.

"Binibini, halika na ho, pumasok na ho tayo." Muli na lamang siyang humugot ng malalim na buntong-hininga bago tumango sa kanilang mayordoma na si Inang Alicia.

Sa kabilang banda, sa gitna ng kagubatan ay hindi malaman ni Marko kung saan tatakbo, bukod sa hindi niya alam ang pasikot-sikot sa gubat at hindi rin nalalayo sa kaniya ay ang mga sulo mula sa mga guwardya sibil na tinutugis siya, ay mabigat rin ang dala-dala niyang baul na halos ay ikatumba niya dahil sa bigat nito.

Dala na rin ng kaba at takot na mahuli ay pinilit tumakbo ng binata patungo sa mas masukal na parte ng kagubatan. Tanging ang ilaw lamang ng bilog na bilog na buwan ang nagsisilbi niyang ilaw upang makita ang daraanan.

Dahil sa pagmamadali na makalayo ay hindi namalayan ni Marko na ang tinatahak na daan ay paibaba na naging dahilan upang mawalan siya ng balanse at gumulong pababa kasama ang baul mula sa maliit na burol.

"Ahhh aray ko!" Napadaing na lamang si Marko matapos ng nangyari sa kaniya.

"Ang balakang ko!" Muling daing nito hawak ang balakang na tumama sa isang gilid ng baul.

"Nandirito ang Señor!!"

Isang malakas na sigaw ng isang guwardya sibil ang nagpatigil kay Marko at agad na nagpabangon mula sa pagkakahiga nito sa lupa.

Agad niyang hinanap ang baul, ngunit hindi niya nagustuhan ang nasaksihan. Nagkalat ang laman ng baul sa kaniyang tabi.

"Halah! Mukhang malilintikan ako kay Lolo!" Wika niya matapos makita ang lahat na gamit sa lupa.

Ang pinaka-iniingatang yaman ng kanilang pamilya ay tila hindi na maituturing na yaman dahil sa nangyari, ang ibang kagamitan ay basag na katulad na lamang ng isang bato na nahati sa dalawa at ang isang lampara na basag na ang salamin.

"Señor Marko!"

"Marko!"

Mas nagpadagdag lamang sa kaba at takot na kaniyang nararamdaman ang malakas na hiyaw ng mga guwardya sibil at ang pagtawag ng heneral sa kaniyang pangalan na nakatingin sa kaniya mula sa itaas ng burol.

Agad naman niyang pinulot ang ilang mga gamit mula sa baul bago kumaripas ng takbo papalayo sa mga guwardya sibil.

"Heneral, malalim na ang gabi. Itutuloy pa rin ba natin ang paghahanap kay Señor Marko?" Tanong ng isang guwardya sa heneral nang makababa sila sa burol.

Nanghihinayang na tumingin ang heneral sa lampara na basag at ilang mga antigong yaman ng kanilang pamilya mula pa sa kanilang mga ninuno na naiwan ni Marko dahil sa pagmamadali. Higit na mahalaga ang mga kagamitang iyun sa kanilang pamilya lalong-lalo na sa kaniyang Lolo na siyang taga-pagbantay ng mga antigong kagamitan.

"Heneral?" Muling pagtawag ng guwardya kay Heneral Relio ang unang apo ni Señor Pablo Escobar.

"Ano ba ang kaniyang nasa isipan upang gawin ang bagay na ito?" Tanong ni Heneral Relio sa kaniyang isipan. Dahil maging siya ay walang makitang rason upang itakas ni Marko ang kanilang yaman na pinaka-iniingatan ng kaniyang pinakamamahal na Lolo.

"Bumalik na muna tayo, hindi kabisado ni Marko ang kagubatan kaya't tiyak akong babalik rin ang may sayad kong pinsan." Sagot ni Heneral Relio, tumango na lamang ang guwardya at ibinalita ito sa kaniyang mga kasama.

Dala ang mga antigong yaman ng pamilya Escobar ay bumalik na ang mga guwardya sibil sa mansyon.

"Ang lampara. " Iiling-iling si Marko nang maalala ang nangyari sa lampara. Hindi na niya magagawang maibigay ang ninanais na kapalit ng kaniyang pinsan na si Lara.

Hinimas ni Marko ang pulseras na ibinigay sa kaniya ni Lara kanina. "Patawad." Tanging sambit nito at muling naglakad papalayo mula na rin sa tulong ng pulseras ni Lara.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height