As The Rain Starts to Fall/C2 La Sitio dela Mahika
+ Add to Library
As The Rain Starts to Fall/C2 La Sitio dela Mahika
+ Add to Library

C2 La Sitio dela Mahika

Mayare's P. O. V.

.

Days of walking and I finally found a cabin to stay for a long and tiring week with this endless trees I see. I don't know where I am, I think I am lost! Completely lost! but I don't understand. I have this feeling... this feeling that I am not lost... but I feel... I feel I am already home... at last.

Mula sa masukal na kakahuyan ay pumasok ako sa lumang-luma nang cabin. Parang kaunting galaw lamang dito ay masisira ang buong estruktura.

No more trees, but I found myself in a place full of antiques. Nang makapasok ako sa loob ng cabin sumalubong sa akin ang mga bagay na puros antigo ang iba ay nakikita ko lang sa mga historical books. But one thing caught my attention. In the middle of these treasures, a lamp with a dancing blue fire inside was so tantalizing to touch. Nakakaakit ang ganda nito. Tila isang babaeng sumasayaw sa maliwanag na entablado. Parang isang dancing balarina sa mga musical boxes.

Ang lampara ang nagsisilbing liwanag ng buong lugar, dahan-dahan na hakbang papalapit rito habang ang buo kong atensyon ay naroon pa rin sa asul na apoy na tila ay sumasayaw.

But when I was about to touch it, the wind blew hard that even the closed door of the cabin hanged open and the fire was out then everything went black.

It feels like I am back in the woods dark, cold, empty and alone. I can't see a thing. Nakakatakot... Natatakot ako... I need the light! I need that fire!

Nagsimula ng magwala ang isip ko dahil sa kaba. As far as I have remembered, I am only inches away from the light if I step in maybe... maybe I'll see it again. I'll see that fire again.

Hindi na ako nagdalawang isip pa, muli kong inalala ang posisyon ng lampara kanina at dahan-dahan ko pang inilapit ang katawan ko roon habang pikit ang mga mata. Natatakot ako sa pwedeng kahinatnan lalo pa't Hindi ko nakikita ang paligid ko. Pero parang walang nagbago ng igalaw ko ang mga paa ko, maliban na lamang sa hangin na tila ay hinahatak ako paibaba. Wait? No! It's not dragging me down! I'm falling! I am falling from knowhere! Patuloy ang pagbagsak ng katawan ko pero wala pa ring nagbabago sa paligid ko. Puros kulay itim. Ang boses ko... Hindi ko marinig ang boses ko! Sumisigaw ako! Alam kong sumisigaw ako!

"Tawagin mo lamang ang pangalan ko, ako ang magsisilbing liwanag mo sa dilim na dulot ng kakayahan mo."

Pero sa isang iglap, kasabay ng kaniyang mga salita ay ang unti-unting pagliwanag ng paligid ko.

.

"Mayare!!!"

"Ahh! Ha!" Agad akong napatayo dahil sa matinis na boses ni Jolina.

Panaginip? Geez! It was just a dream! Pinunasan ko ang mga pawis na tumutulo sa noo ko gamit ang likod na bahagi ng palad ko.

Agad rin naman akong tumingin sa alarm clock na nasa ibabaw lang ng side table. 6:15? Late na ako? Pero.... Well... Ayos lang yan, late lang naman ako.

Siguro ang pagiging late sa eskwela ang bagay na hindi ko kinatatakutan katulad ng iba. Sanayan na lang siguro ang hobby na ganito. Simula freshmen ay parati na akong late. Wala namang nagagawa ang mga teachers ko at siguro ay nagsawa na lang sila sa pagbibigay sa akin ng mga punishments.

"Yare! Gising ka na ba? " mula sa kabilang dako ng pinto ay naririnig ko ang boses ni Jolina. Siya na lang siguro ang hindi pa nasasanay sa pagiging late ko para sa morning class namin.

"Mauna kana. Susunod ako. " wika ko rito. Tumayo na lang ako at dumiretso sa banyo.

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa panaginip na yun. Paulit-ulit, pero bago ito ngayon dahil sa boses na yun, ang boses na yun... Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ng marinig ko ang boses tila ba'y saya ngunit malungkot. Panaginip lang ang lahat pero parang totoo.

"Anong ibig sabihin ng mga salitang yun? Sino ang lalaking yun? " ilang minuto pa akong tulala habang iniisip kung sino ang may-ari ng boses na yun, tiyak akong lalaki yun pero sino? Kakaiba rin yung mga sinabi niya. Ehhh! Basta ang weird!

"Hay! Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganitong bagay? Panaginip lang yun, Yare. Gagawa gawa lang ng isip mo yun." Pangungumbinsi ko sa aking sarili. "Tama, panaginip lang yun. Hindi totoo. "

Nagsimula na akong maghanda para sa pagpasok ko. Last year ko na rin naman ito sa high school and thank God for that, I'll never gonna wear this d*mn uniform again. A gray colored blouse with a red little belt like thing in the middle of the belly and a dark gray colored skirt. Isinusumpa ko itong uniform ko dahil hindi bagay sa kulay ko! I'm a little chocolate colored woman and I wear a dark gray uniform paired with black shoes with an inch heel to look taller. Hindi talaga sa akin bagay ang uniform ko.

Wala na si Jolina paglabas ko sa sala. As always she wants to be ahead of time. Hindi na ako nag almusal pa at lumabas na rin sa apartment at dumiretso na sa school.

Its near seven A. M. and its still cold outside. Maraming nag-jojoging sa huge oval like size of ground . Dito rin ginaganap ang mga palaro sa school like running, volleyball and basketball. Its everyone's place dahil maging ang ibang palaro sa lugar namin is dito ginaganap, sometimes huge celebrations also happens here.

Mabuti na lang at malapit lang ang apartment namin ni Jolina sa school, walking distance lang din.

Pagdating ko sa school marami na akong nakakasabay na students, ang iba nagmamadali ang iba naman chill lang... kagaya ko. Its still 30 minutes pa naman kasi bago ang pag-start ng klase.

"Yare!! " agad akong lumingon sa kanan ko ng marinig ang pangalan ko. It was Adrian. Kaklase ko siya for this year and he is a hot and handsome man. He was once called a heartthrob when we were in our junior years.

"Hey." Pagtawag ko dito. Lumapit siya sa akin at ipinakita sa akin ang isang libro. Medyo may kalumaan na rin ito dahil sa bakas ng mga tupi sa book cover.

"Alam mo kung ano ito? " abot tenga niyang tanong sa akin. Habang nakaharap pa rin sa mukha ko ang libro na hawak niya.

"Libro." Simpleng sagot ko rito. Hinawi ko naman sa harapan ko ang libro at nag patuloy na sa paglalakad. Nasa pinakadulo pa ng school ang building namin at malayo-layo pa ang lalakarin ko.

"H-Hindi! I mean... Hindi lang ito basta libro! " wika pa niya, sinabayan niya ako sa paglalakad at pilit na pinapakita sa akin ang librong hawak niya.

"Ano ba kasi yan? " kinuha ko mula sa kaniya ang libro. Masyado siyang mapilit at maingay.

"La Sitio de la Mahika? " pagbabasa ko sa pamagat ng libro. "Spanish?" Tanong ko rito.

"Oo which means 'the Sitio of magic'. It's an urban legend that only few knows about it. " sagot nito.

"Oh ano naman dito? " muli kong tanong rito at ibinalik sa kaniya ang libro na agad naman niyang kinuha.

"Its a place where magic existed before! A real magic! " amusement and excitement was written all over his face. This is why he 'was' once a heartthrob. He was hot and handsome—an ideal man, he was like the fictitious characters in a story but when everyone got to know the whole him, like this hobby of him then everyone thinks he's a weird and geek man everyone turned there backs on him. No one ever dared to be friend with him. Well... only few can manage his interest about this stuffs which we called his friends and yeah, I am one of them.

"Magic doesn't exist Adrian, malapit na mag-start ang klase. You must go to our classroom na right? " wika ko rito, nauna na akong naglakad sa kaniya papunta sa building ko.

"But Yare! What if?" Pangungulit pa nito sa akin.

"What if you can control the flow of the water, the dance of the flames, the silence of the earth and the movement of the wind? " dagdag pa nito. Seryoso siya sa bawat sinasabi at kung ibang two lang ako, panigurado nasapak na toh or rather natawag na naman siyang weirdo. Hinarap ko siya at iminuwestra sa harap niya ang palad ko kagaya ng mga nakikita ko sa pelikula na sa bawat galaw ng kanilang mga palad ay nagagawa nilang kontrolin ang iba't ibang elemento ng mundo.

"See? I didn't control any of what you have said. There is no such thing as magic, Adrian. Mag focus kana lang sa pag-aaral mo, sa pagkakaalam ko may exam tayo mamaya kay Ms. Ariola. Kaya halika na. " Wika ko rito nang walang nangyari sa ginawa ko sa palad ko.

Magic can only be seen and felt in movies and stories. In real life, there is no such thing. May mga bagay na akala natin ay isa ng magic like ng mga nakikita natin sa circus, a man walking in fire, eating swords, or breathing out fire, it wasn't a magic but a trick... a trick that always come up with an explanation.

Muli ay iniwan ko sa kinatatayuan niya si Adrian. Gusto pa sana niyang magpaliwanag pa pero tumakbo na ako papalayo. "Yare! " and I only hear his shout calling for me.

"That's why he doesn't get a friend. " pagmamaktol ko pa sa asta ni Adrian ng makalayo ako rito. He used to be loved by everyone, every attention was on his before. Yet now... Haysss. They only knew him as their psycho-weirdoo handsome boy who lost his right spin because of some weird stuffs.

He was so obsessed with magics, legends and so many fictional stories, he wants to prove that they were real, that they exist. I wish he bump his head and realize that what he wants to see doesn't exist at all. And that he must prioritize more his studies, he was our running valedictorian, a top student but lately he doesn't focus well on any subjects, may times rin na Hindi na siya nakakasagot sa tanong ng teachers dahil sa layo ng lipad ng utak niya. Hayssst.

Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa building namin. My room is in 2nd floor of the building at marami ng studyante ang halos liparin na ang daan patungo sa mga classrooms nila. Naging siksikan naman ang pag-akyat sa bawat floors dahil sa dami ng studyante.

Pagdating ko sa room ay naabutan ko si Jolina na abala sa pagkalikot ng cellphone niya. "Yare?" Sumalubong sa akin ang mukha ni Jolina na puno ng pagkamangha nang maka-upo ako sa tabi niya.... Yeah, it's my first time this month to be ahead of time. "I bet, this will be your first and last time na maaga kang papasok." Dagdag pa nito nang maka-upo na ako ng maayos.

"Wala pa si Adrian? Himala male-late ata siya ngayon. " aniya. Tumingin naman ako sa kaliwa ko kung saan ang bakanteng upuan ni Adrian.

He's an early bird, and he talks weird stuffs to us here in the classroom. Inabangan ba niya ako kanina? Same as Adrian, Jolina is also interested in weird stuffs like UFO's and mystical creatures. Halos silang dalawa nga lang ang laging nag-uusap dahil hindi naman ako naniniwala sa mga fictitious things such as magics and mystical creatures.

"Nakasunod na yun sa akin kanina. Darating na lang yun. " wika ko. Tumango naman si Jolina bilang pagsang-ayun.

Hindi pa nagtagal at nag-start na ang klase at wala pa ring Adrian ang pumapasok. Hindi siya nag-aabsent until he really needs to. Pero ang Mother niya ang pumupunta ng school to excuse him in all of his classes. At isa pa nandito na siya sa school kanina hindi siya nagka-cut ng class. Hindi niya gawain Yun.

Hours have passed but still no signs of him. Naubos ko na lahat ng kuko ko sa daliri pero wala pa rin siya. Hindi kaya nagalit siya sa akin dahil sa mga sinabi ko sa kanya kanina? But... No! He's not like that besides we've been friends since we were juniors, Alam niyang hindi ako naniniwala sa mga bagay na pinaglalaanan niya ng interes.

"Akala ko ba nakasunod na sayo kanina si Adrian? Two classes na ang namiss niya. " tanong sa akin ni Jolina. It's time for some snack yet nandito na pa rin kami ni Jolina sa room waiting for Adrian. Saan ba kasi nagpunta yun?

"Oo nga, tinakbuhan ko lang siya kasi may ipinapakita na naman siya about some fictional things. " sagot ko rito.

"About what? " naiintriga niyang tanong. Umayos pa siya ng pagkakaupo para marinig ng maayos ang sasabihin ko.

"About this place. Actually I don't know if that place does exist. Pero nasa libro kasi... If I remember it right it was entitled as 'La Sitio de la Mahika', he says that real magic existed there before. " sagot ko sa kanya.

She looks so interested about what I have said and it makes me a bit guilty. I know I pushed Adrian hard this time though what can I do? I am not interested in such things.

"La Sitio de la Mahika. " pag-uulit ni Jolina sa pamagat ng aklat na sinabi ko sa kanya. Her fluency in speaking Spanish was great. I wish I can speak Spanish too. Palibhasa ay mahilig siyang mag-aral ng iba't ibang lenguwaheng gusto niyang matutunan.

"Familiar ba? " takhang tanong ko rito matapos makita ang reaksyon ng mukha niya.

"I don't know... But I think yes... I think I have heard it before. But I don't remember when. " wika niya habang iniisip kung saan umano niya narinig ang mga salitang yun.

"If Adrian was being so obsessed again in this stuffs, I think I know where to find him. " aniya. Napangiti siya sa akin at hinatak ako palabas ng classroom at dahil Breaktime ngayon ay maraming students ang nasa corridor para tumambay. Ang iba naman ay nagmamadaling pumunta sa canteen.

"Yare! Lina! " napahinto na lang kami sa pagtakbo ni Jolina ng tawagin kami ni Ivy, classmate namin and a close friend din. May dala-dalang snacks si Ivy like an egg sandwich, she's with Ayen her bestfriend which is a fashionista.

"Hey."

"Hey."

Sabay naming pagtawag rito ni Jolina. Mula sa pananamit ng dalawa ay makikita kaaagad na magaan ang pamumuhay na meron sila. Ivy was holding her LV wallet together with her snacks, an egg sandwich and Blanca drink. While Ayen was holding her brand new Gucci purse together with her snacks and drinks. Also, she was called a fashionista due to her fashion style. Ginawan niya kasi ng kakaibang style ang uniform namin and it really suits her. And ganda lang niya.

"May party bukas ng gabi sa bahay, tayo-tayo lang naman. Let's spend the night together, isang taon na lang kasi at aalis na tayo rito, so might as well enjoy the remaining months that we are still a high school students, don't you think? " anito. Nagkatinginan naman kami ni Jolina at sabay na napangiti.

"Sino ba naman kami para tumangi? " wika ko sa dalawa. Hindi ko maalala kung paano ko naging kaibigan ang dalawang ito, all I can recall is that Ivy was my greatest opponent when we were in juniors, lagi kaming magkalaban at literal na magkaaway. Laman rin kami ng guidance office noon dahil sa mga pag-aaway namin. But now, we are friends. Halos lagi na kaming magkakasama especially kapag walang pasok at bakasyon.

"Sabi niyo yan! 6 P. M. sharp! Tomorrow night! " paalala niya sa amin. Puno naman ng saya at excitement ang mukha nilang dalawa. "Sabihan niyo si Adrian ah! Kami na ang bahalang mag sabi kay Maris, Jel at Mack. " dagdag pa niyo.

"Sige sige. Pupuntahan lang namin si Adrian. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya." Paalam ko sa dalawa. Tumakbo na ulit kami ni Jolina, sinusundan ko lang siya besides she knew where Adrian is.

"Library? " takhang tanong ko kay Jolina ng marating namin ang Hindi kalakihang library ng school na malapit lang sa main gate.

"Yeah, he became so interested in that place. So I bet, he wants to learn more about that place. And library is where all information— fact or theory can be found. " simpleng sagot niya at umakyat na siya papunta sa second floor kung nasaan ang library.

Tama nga naman, if you want to know something, the library will help you to answer your curiosity. Sumunod naman ako kay Jolina at agad hinanap ng mga mata namin si Adrian.

At sa gitna ng mga nagtataasang bookshelves nakaupo si Adrian. Maraming nakapalibot na libro sa kaniya at para bang abalang-abala siya sa pagbabasa ng mga iyon.

"Hey." Agad kaming lumapit ni Jolina kay Adrian na Hindi man lang napansin ang paglapit namin, nakatuon lang ang buong atensyon niya sa mga libro na nasa sahig.

"Hey." Medyo nilakasan ko na ang pagtawag rito, sapat lang upang marinig niya ako at mapansin.

"Y-Yare?" Takhang tanong nito. Nagkatinginan naman kami ni Jolina at tumango siya sa akin.

"Hey, sorry about kanina. If nagalit kita dahil sa inasta ko. " wika ko rito. Umupo na rin ako sa sahig kagaya ng pagkaka-upo ni Adrian. Gumaya na rin si Jolina upang maging mas komportable kami.

"Ha? Hahaha wala yun! Sanay naman ako sayo eh. " aniya. Ngumiti lang siya sa akin at muling ibinalik ang tingin sa librong binabasa.

"Kung hindi ka galit, bakit hindi ka pumasok sa two subjects natin kanina? " tanong ko rito.

Tinignan ko naman ang mga libro na nagkalat sa sahig at halos lahat ay historical book at geographical books even the map of the Philippines. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito.

"Uhmm well... Papunta na Sana ako sa room pero may nabasa ako sa librong pinakita ko sayo kanina and it ignited my curiosity. " muli kaming nagkatinginan ni Jolina at napabuntong hininga. Malala na ang pagiging obsessed niya sa mga ganitong bagay.

"Kailangan na nating bumalik. Exam natin ngayon kay Ms. Ariola. Malilintikan na naman tayo dun eh. " wika ko rito.

"Tingnan niyo muna kasi ito... " he said at pilit saaming inaabot ang libro.

"Malapit ng matapos ang Breaktime. We need to go. " pamimilit ko rito. Pinulot ko na rin ang I lang libro na malapit sa akin pero pinigilan niya ako.

"Yare, mabilis lang, makinig muna kayo sakin. " aangal pa Sana ako sa sinabi niya pero naramdaman ko na ang palad ni Jolina sa balikat ko nang tignan ko siya sa mata ay parang sinasabi niyang siya na ang bahala, bagay na ginawa ko naman.

"Okay! Titignan namin yan at makikinig sayo but after your explanation tatakbo na tayo papunta sa room, at pag-uusapan na lang ulit natin yan mamaya. Okay? " wika ni Jolina.

"Okay deal. " pagsang-ayon ni Adrian sa deal ni Jolina.

"Sige ipakita mo sa amin." Utos ko rito. Bakas naman ang excitement sa buong mukha niya. Mas excited siya ngayon kesa kanina na ako lang ang kausap niya tungkol sa libro.

"Okay, ganito kasi yan. Long ago in the early years of Spanish colonization, where the Spaniards are still in process of colonizing the whole country they discovered a town, it was already built nicely. There were a small town hall and a huge ground for celebrations like fiest of thanking the gods." Panimula nito sa kanyang kwento. Ibinaba niya ang libro at kumuha ulit ng isa pa kung saan may sketch ng town hall at malawak na kapatagan gaya ng sinabi niya.

"This place is called the Mahilirina. Akala ng mga espanyol noon ay nangunguna na sa sibilisasyon ang bayan dahil sa mga estruktura nito na may hawig sa mga estruktura sa mga bayan ng espanya. Hindi gawa sa kahoy ang mga estruktura kundi ito ay gawa sa bato maging ang mga kabahayan ay gawa sa bato na siyang ipinagtaka ng mga espanyol noon dahil walang ilog o bulkan man lamang na malapit sa bayan. Dahil na rin sa ganda at naayun sa panahon ang bayan ay agad itong sinakop ng mga espanyol and the place became the heart of the southern part of luzon." Dagdag pa nito. At dahil Hindi talaga ako interesado sa sinasabi niya ay kumuha ako ng isang libro na malapit sa akin at binuklat iyun.

"Bakit wala man lang naituro sa history ang patungkol sa lugar na yun? Imagine a well civilized town in our country without any influence of the Spaniards. It'll became hit sana." Namamanghang Saad ni Jolina. That question is also on my mind. Though maybe hindi siya inilagay sa mga historical books dahil hindi talaga totoo ang lugar at isinulat lang ng manunulat ang patungkol sa lugar para maging interesado ang sinumang makababasa ng kaniyang akda patungkol sa nakaraan ng ating bansa.

"No one really knows, but according to this book, it says na the leader of the town, which is a pure Filipino is using a black magic for his town to be civilized, kasi dati raw ang lugar na iyun ay pinamumugaran ng isang tribo kung saan ang kamatayan ay madali lang kung kumapit sa bawat miyembro ng tribo. Legends also says na hindi lumalagpas sa trenta ang edad ng bawat miyembro ng tribo and ayun namamatay na sila, the cause of their sudden death daw ay gutom, at lamig. Kaya napilitan ang leader ng tribes na makipag-kasundo umano sa demonyo to save his people. And the demon grants his wish kaya ang unang apat na anak ng leader is binigyan ng kakaibang kakayahan. " pagpapatuloy ni Adrian sa pagkukuwento habang matsyagang naghihintay si Jolina sa mga susunod na sasabihin ni Adrian.

"Kakayahan? Anong kakayahan? " Hindi napigilang tanong ni Jolina, natawa na lang ako dahil sa reaksyon nito, based sa kwento ni Adrian sure thing biniyayaan ng mag-kakaibang kakayahan ang unang apat na anak ng leader ng tribe and that ability is to control the four main elements of the earth.

"Biniyayaan ng kakaibang kakayahan ang apat. Ang panganay na lalaki na si Hagad ay biniyayaan ng kakayahang kontrolin ang apoy. Ang pangalawang anak na siya namang unang babae ay biniyayaan ng kakayahan upang kontrolin ang hangin. Ang pangatlong anak naman na siyang ikalawang anak na babae ay biniyayaan ng kakayahang kontrolin ang galaw ng katubigan. At ang ika-apat na anak na siya namang ikalawang anak na lalaki ay biniyayaan ng kakayahang kontrolin ang lupa. Ang apat ang naging dahilan upang mamuhay ng maayos ang buong tribo hanggang sa pagdating ng mga espanyol. " pagsasalaysay pa ni Adrian. Naitaas ko na lang ang kaliwang kilay ko dahil sa tamang tinuran ko. I lang beses ko na bang nabasa sa mga fantasy stories ang mga ganoong ability.

"So, magics before really does exist? " tanong ni Jolina kay Adrian. Pareho silang puno ng excitement at parang nasagot na nila ang katanungang matagal na nilang hinahanapan ng sagot.

"Yes! And legends also says na hindi nawala ang magics ng apat, bagkus ng magkaroon ng pamilya ang apat ay maging ang mga anak nila ay nagkaroon na rin ng kakayahan base sa mga elemento na nagbibigay buhay sa ating mundo. And their magics where passed on to generations and generations. And maybe until now, some of us ay may dugo ng apat na biniyayaan ng mga abilities and their magics were silently flowing in our veins. " nakangiting sagot ni Adrian. Both of them really look like crazy and scary at the same time.

Muli ko na lang binuklat ang librong nasa harap ko at hinayaang mag-usap ang dalawa. Tuwang-tuwa sila sa pinag-uusapan nila without knowing that they look like idiots.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa libro at inililipat ang pahina nito sa tuwing Hindi ko na maintindihan ang binabasa ko.

'The Stone of time' hindi ko alam pero nakuha ng atensyon ko ang pamagat ng pahina. Sa baba ng pahina ay ang animated picture ng isang bato na kulay asul. Kakaiba ang kulay nito at hugis. Kung hindi ko lang nabasa ang pamagat ay masasabi kong parang bowling ball ang nasa picture ang kinaibahan lang ay walang butas ang bato at hugis bilog lang talaga ito.

'Once you touched the stone, you will find the time where your hearts truly belong' pagbabasa ko sa isip ng unang linya sa pahina.

Sa isang iglap tila ay umikot ang mundo ko, hindi ko na magawa pang marinig ang pinag-uusapan O maging ang boses ng dalawang kasama ko, naging blurry na rin ang vision ko at sobrang pumipintig ang sintido ko.

"Sapat na ang tiwala upang mabuhay ako at hintayin ang pagbabalik mo kahit pa nag-nabadya ang pagbagsak ng ulan."

"Yare? "

"Mananatili lamang akong saiyo..."

"Yare?! "

Tila ay nabalik ako sa reyalidad dahil sa malakas na pag-alog sa akin ni Jolina. Ilang beses ko pang naikurap ang mata ko dahil sa biglaang pagkahilo na naramdaman ko.

"Ayos ka lang ba? " tanong nito sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot sa kaniya.

Nang mahimasmasan ay agad kong inalala ang narinig kong boses kanina lang. Alam kong nasa isip ko yun pero ano yun? Nababaliw na ba ako? Hallucinations lang ba yun dahil sa kwento ng dalawang kasama ko? Pero bakit parang totoo? Bakit parang naramdaman ko na? No... Bakit damang-dama ko na parang ako yung sinasabihan ng mga salitang yun. Bakit feeling ko para sa akin ang mga katagang iyun?

"Ayos ka lang talaga? "Muling tanong niya sa akin. Tinignan ko silang dalawa at parehong nag-aalala ang mukha nila.

"Ayos lang ako, Hindi kasi ako kumain kanina ng umaga eh. " pag-amin ko sa dalawa. Kinurot naman ako ni Jolina sa tiyan ko at inalalayan ako ng tumayo.

"Nagluto ako ng almusal kanina tapos hindi mo lang kinain? Haysss! " seryosong giit ni Jolina sa akin.

"Hmm. May 10 minutes pa naman tayo para makabili ng makakain. Adrian ligpitin mo na Yang mga librong ginamit mo. Hihintayin kita sa canteen, bibili lang kami ng makakain. " utos ni Jolina kay Adrian na agad namang tumango at iniligpit ang mga librong ginamit niya kanina. Habang inalalayan naman ako ni Jolina hanggang sa makalabas kami ng library.

"Jolina ayos na ako. Pwede mo na akong bitawan. " wika ko rito. Feeling ko naman ay bumalik na ang buo kong kaluluwa sa katawan kaya medyo ayos na ako.

"Sigurado ka? Namumutla ka eh. " anito. Tumango lang ako rito at nauna ng maglakad patungo sa canteen agad naman siyang sumunod sa akin.

I don't know if what happened earlier is real, if I really did heard his voice. The same voice that awaken my whole morning. And I want to hear more of what he says... I want to hear more of his

voice. If this is a sign of being crazy... Geez I need to go to a psychiatrist. This will not gonna help me.

*********

To be continued...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height