As The Rain Starts to Fall/C3 Memorias Dolorosas
+ Add to Library
As The Rain Starts to Fall/C3 Memorias Dolorosas
+ Add to Library

C3 Memorias Dolorosas

Mayare's P. O. V.

"Hey." Nagtama ang tingin namin ni Adrian matapos akong tawagin nito.

"Upo ka. " pag-anyaya ko rito.

Umupo naman ito sa katapat kong silya. "Nasaan si Jolina?" Tanong nito nang maka-upo.

Ininguso ko lang sa kaniya ang pwesto nang mga estudyanteng nakapila para makabili ng makakain. Maraming tao ngayon sa canteen at halos juniors ang nandito dahil sa lapit ng canteen sa building ng juniors.

"Kanina pa siya dun? " tanong nito.

Umiling ako bilang sagot, " Hindi. " bumalik ako sa pangangalumbaba sa ibabaw ng lamesa habang inaantay ang pagbalik ni Jolina na may dalang snacks.

"Nakita kita kanina. " napalingon ako rito pero bumalik rin sa pwesto ko.

"Anong ibig mong sabihin? " walang ganang tanong ko rito. Masama talaga ang pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko.

"I saw you reading about that stone. "

Ilang segundo akong natigilan, Hindi ko alam kung bakit halos lumabas na ang puso ko dahil sa narinig ko. Hindi ako nagulat—excitement, alam kong excitement ang nararamdaman ko. Pero bakit? Nalilito na ako sa sarili ko.

Hinarap ko siya at umupo ako ng maayos. "Ano naman dun? "

"May sinabi sa akin ang Lola ko dati about sa stone na yun. " anito. Inilapag naman niya ang bag na kanina pa niya yakap sa katabi niyang upuan at lumapit sa akin ng kaunti para marinig ko ang lahat ng sasabihin niya.

I senselessly lean closer to him as well to hear clearly what he wants to say. "Oh? "

"She says na kapag nahawakan mo raw ang bato dadalhin ka nito sa lugar na ninanais ng puso mo. Like you lost a special someone and you want to see that certain person, once you touched the stone it will bring you to the place before you lost that person. So parang magkakaroon ka pa ng chance to save that person or to be with that person. "Dagdag pa nito.

Walang ganang bumalik ako sa pwesto ko at nangalumbaba. "Ano yun time machine? " sarkastiko kong saad.

"You can try it if you want. " napalingon akong muli sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Nasaan ba yung bato? " tanong ko rito.

"Nasa bahay eh hihi. If you want to pwede tayong pumunta sa bahay mamaya. Ipapakita ko sayo. " giit pa nito.

Kunot ang noo akong tumingin sa kaniya. " Pinagloloko mo ba ko ha? Paanong nasa bahay niyo yung ganoong klase ng bato? Baka nga gawa-gawa lang yun eh. "

"Nakuha ng Lola ko ang bato and I swear, it wasn't fake nor fictional. I am not making any stories here. " giit niya.

"Paano niya nakuha yung bato? " tanong ko rito. Hindi pa rin ako satisfied sa sagot niya.

If I'm not mistaken, I've read that stone on a historical—mythology book. So bakit nasa Lola niya ang isang legendary stuff?

"Ang sabi niya sa akin, nakuha niya ang bato malapit sa isang kweba noong bata siya. Tapos inuwi niya at itinago tapos noong nasa kolehiyo na siya doon niya nalaman ang tungkol sa bato. "

"So... Nahawakan na niya yung bato? "

"She said yes when I asked her that. Pero sabi niya hindi raw yun effective sa kanya."

Naitaas ko na lang ang kaliwang kilay ko dahil sa sagot niya. "What do you mean? "

"Legends says once you touched the stone it will bring you to the place where your heart truly belongs, and that time she's still a kid who just wants to be with his father. That is where her hearts truly belongs—in his father's arms, that time. " sagot nito.

"Maybe it was a fake one. It isn't the stone. " walang pag-aalinlangan kong tanong rito.

"She said it wasn't fake. It was the real stone from those mythological books. " giit nito.

"I don't think so. " pag-mamatigas ko pa rito. Walang pruweba ang Lola niya na yun nga ang bato mula sa libro.

"Then, let's have a deal. " anito. Seryoso ang mukha niya at may diin sa bawat salita niya.

'He's pissed.'

"Okay. But don't cry if you lose. " pagsang-ayon ko rito. His Lola's stone is just a fake one.

"I don't cry! " giit nito na ikinatawa ko.

"Anong hindi ka umiiyak? " sabay kaming napalingon ni Adrian sa bagong dating na si Jolina, dala-dala nito ang mga snacks and drinks namin.

Inilapag nito sa harapan namin ang mga pagkaing binili niya. " I remember when we were juniors, We accidentally left you in the gym and when we come back for you, we saw you crying out loud! " pag-alala nito sa nangyari sa amin noong juniors namin.

"I was just afraid that time! " pag-dipensa naman ni Adrian.

"Afraid from what? HAHAHA don't tell me... It's a ghost? HAHAHA sa Gabi lang may multo hindi sa tanghaling tapat. " hindi mapigil sa pag-tawa si Jolina hanggang sa makaupo ito.

I remember back then, excited kaming kumain ng lunch ni Jolina 'cause we're planning to share our foods to each other and we forgot about Adrian that time whose in the last to perform for our P.E. subject. At dahil wala ng interes ang karamihan sa kanya noon, naiwan na lang siya at yung teacher namin sa gym. And nakita na lang namin yung teacher namin sa canteen and that time naalala namin ni Jolina si Adrian and when we came back, he's crying out loud calling for our names.

"I was—"

Hindi ko na pinatapos pa sa sasabihin niya si Adrian. " He was afraid that the legendary wolf on our school was gonna get him. "

I also remember that legendary wolf. Ang sabi sa kwento, lumalabas daw ang wolf sa school any time basta may makita lang itong tao na isolated from anyone. At yung gym namin noon ay nasa dulo ng school at malayo layo sa classrooms.

"I'm... Well yeah. That's true. " pag-amin nito.

"HAHAHA you believe that? HAHAHA. " muli at natawa na lang ng sobrang lakas si Jolina, halos mag-tinginan naman ang mga students sa part namin.

"Oh bakit? Wala namang—"

Muli ay hindi na natapos ni Adrian ang sasabihin ng magsalita na si Jolina. "Ginawa lang yung panakot sayo ni Kuya Lloyd! Gosh! You really believed that? HAHAHAHA. "

"Wait—WHAT? It wasn't true? Gawa-gawa niyo lang? " hindi makapaniwalang tanong ni Adrian.

Kuya Lloyd is a friend of ours, but he's no longer in this school. College na eh, he was our senior back then. He is the best writer and storyteller, maniniwala ka talaga sa mga kwento niyang fictional.

"You didn't know? HAHAHA" maging ako ay natawa na lang din sa kanila. "Hindi mo sinabi sa kaniya? HAHAHA" lumingon sa akin si Jolina at umiling ako bilang tugon sa tanonng niya.

"I really did forgot to tell him that. " pag-amin ko.

"Geez! Kaya pala Hindi ko mahanap sa libro ang tungkol sa wolf na yun. Mga bwiset kayo! " nilantakan na lang ni Adrian ang sandwich na binili ni Jolina para sa kaniya dahil sa inis. If I were that siguro pati sandwich ni Jolina kinuha ko na HAHAHA.

"So ano na, may pinag-uusapan kayo kanina tungkol sa isang deal." Wika ni Jolina. Magsasalita pa sana ako pero nagsalita na siya ulit. "Don't you dare lie! Ako na nga ang bumili ng snack niyo!" Ani pa nito.

"Babayaran na lang kita. " wika ko rito.

"Para ano? Hindi niya malaman na talo ka sa deal, Ha? Ha? Ha? " pang-aasar sa akin ni Adrian.

"Duhhh! I'm telling you it's fake! " giit ko.

"It's not! " giit ni Adrian.

"Sandali! Sandali! Ano ba kasi yung pinag-uusapan niyo? Hindi ako maka-relate you know! " pag-pigil sa amin ni Jolina.

"Lola has the stone of time. At Hindi naniniwala si Yare na totoo yung stone na hawak ni Lola." Paliwanag ni Adrian.

"It's fake. Ikaw na mismo ang nagsabing hindi yun effective sa Lola mo. Oh c'mon! " pag-mamatigas ko.

"Ohh so you two are dealing if the stone is real or fake? " tanong ni Jolina sa aming dalawa.

"Yes! " sabay naming pagsang-ayon ni Adrian.

"Ohh pwede bang ako ang pumili ng punishment for the losing team? " muling tanong ni Jolina.

"No! "

"Yes!"

Agad kong tinignan ng masamang tingin si Adrian dahil sa pagsang-ayon nito kay Jolina. She's the worst in giving punishments!

"Ohh she's afraid that she'll lose! " pang-aasar muli ni Adrian.

Aaminin ko na there's a part of me saying that he's saying the truth. Pero... " Fine! " wika ko.

"Ohh sige, if ikaw ang matatalo... " itinuro niya si Adrian na nakachin-up pa sa kaniya. Pshhh! As if he'll win "...sasali ka sa quizbee this intrams! At dapat manalo ka as champion!" naeexcite na wika ni Jolina.

"Ha? Sige Sige. I know I'll win. " pagsang-ayon ni Adrian sa baliw naming kaibigan.

"At ikaw, Yare! If Matatalo ka... " kinakabahan talaga ako sa babaeng toh, plus pa na pinuputol niya yung sasabihin niya for suspense na mas ikina-eexcite niya. "Aamin ka kay XP about your feelings for him! "

"D*MN! NO!! " Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa sinabi niya. That's why I hate this girl! I really hate her!

"Ohhh yessss! You agreed remember! " natatawang wika nito dahil alam niyang naaasar ako.

"I hate you" halos pabulong kong wika rito. Nakakainis! Nalaman pa tuloy ni Adrian kung sino ang gusto ko sa room!

"Ayy! Oo nga pala Adrian, may party daw tomorrow night kila Ivy. Sumama ka! " pag-iiba ko ng usapan.

"Ba—"

Hindi na natapos ni Adrian ang sasabihin niya dahil sa biglaang pag-ring ng bell which means start na ng klase. And we are so far from our building.

"Takbo!!! " sigaw ko sa dalawa.

"Sh*t! Sh*t late tayo! " sigaw ni Jolina na nangunguna sa pagtakbo. Palibhasa ay mas mahaba ang mga paa nito.

Ngayon ang exam namin kay Ms. Ariola which is a strict teacher at ayaw niyang may nale-late sa klase niya! And we are so screwed this time dahil may exam din kami sa kaniya. At kahit parati akong late for the class, never naman akong nalate tuwing may exam at sa class pa ni Ms. Ariola.

Malapit na! Kunti na lang!

"Paakyat na si Miss! " sigaw ni Jolina at mula sa left side ng building ay nakita ko ang pag-akyat ng teacher namin patungo sa second floor—sa room namin!

At dahil mas malapit kami sa right side ng building which is may isa pang staircase ay agad naming inakyat ang hagdan patungo sa second floor. Lipad!! Papuntang room.

"Ohhh, right on time ang mga ferson. " bungad sa amin ni Ivy nang maka-upo kaming tatlo.

"Susmaryusep! Muntik na tayo! " Pabulong na sigaw ni Jolina.

"GOOD Morning Class. " kasabay ng matinis na boses ay ang pagpasok ng isang mid 20's na babae na nakaunipormeng pang-guro. Mahaba ang kulay itim na buhok, at kung susumahin ay nasa 5'7 ang tangkad. Maganda at simple kung manamit. Dala-dala ang nag-iisang notebook na hawak ay pumunta ito sa harapan ng klase. Sa tindig pa lang nito ay makikita na ang pagiging istrikto.

"Get your sheet pad of paper. And let us begin with our activity for today. "

"Number One... " with that our deadly exam begin...

***

"GOSHHH! Ang hirap ng exam ni Miss!" Reklamo ni Ivy nang maka alis ang teacher namin.

"Ohhh game kayo for tomorrow night ah. " anito sa aming tatlo.

"Sureeee." Tugon ni Jolina.

Tumango na lamang din ako habang si Adrian naman ay nag-thumbs up lang bilang tugon kay Ivy.

"At six! Sharp! " paniniguro pa nito. Muli na lang rin kaming tumango sa kaniya.

"Mamaya ah" paalala naman ni Jolina.

Nakangiting tumango si Adrian. "Mananalo ako. Nakikita ko na ang mangyayari. " pagmamayabang nito.

Inirapan ko na lamang siya, "Huwag kang papasiguro, sinasabi ko sayo. Fake yun."

" Hindi nga yun Fake!" Dipensa niya. I just make faces to annoy him more. Ang cute lang ni Adrian sa tuwing naaasar ito. Namumula kasi siya! As in super pula! HAHAHA

Umawat na saamin si Jolina at dahil ako ang nasa gitna ay umupo ito sa armchair ko para patahimikin kaming dalawa. "HEP! HEP! HEP! "

"Hooraaaayyy!! " natawa na lang ako ng biglang dumaan ang isa naming kaklase at pumwesto pa ng kagaya roon sa isang game show sa T. V.

"Hoy! Dun ka! Epal toh. " pagtataboy rito ni Jolina.

"So... Ayun na nga huwag kayong magtalo. Mamaya natin malalaman kung sino ang tama. Stop na kayo sa away niyo. Masyado kayong maingay eh. " anito sa amin. Bumalik naman si Jolina sa upuan niya at nagsimulang magbasa ng libro.

Pareho naman kaming natahimik ni Adrian, maya maya pa ay dumating na ang teacher namin for the next subject.

***

"Malayo pa ba Adrian? " tanong ko rito.

Ilang oras na kaming naglalakad ngayon patungo sa bahay ng Lola niya. After class ay dumiretso na kami sa bayan. One ride lang papunta sa barangay ng Lola niya. But then he said, na ilang minutong paglalakad lang ang gagawin namin patungo sa bahay ng Lola niya. Kaso! Sa tansya ko ay mag-dadalawang oras na kaming naglalakad. Palubog na rin ang araw at padilim na rin ang nilalakaran namin.

"Malapit na. See that Acacia tree. That's the sign na nasa baryo na tayo. " sagot nito.

"Malapit dun ang bahay ng Lola mo? " tanong naman ni Jolina. Halos sabay lang kaming naglalakad ni Jolina at nangunguna naman sa paglalakad si Adrian.

Tamad akong tao, at pinaka ayoko ang maglakad ng ilang oras! Masakit na ang mga binti ko dahil sa paglalakad na ginagawa namin plus pa na wala kaming tigil, dire-diretso lang kami sa paglalakad!

"Uhmm... Medyo." Nagtama ang tingin namin ni Jolina at sabay kaming napairap dahil sa tugon ni Adrian. I won't assume na malapit na ang bahay ng Lola niya, if I'm not mistaken makakarating kami doon ng Gabi na.

"Hoy! Bilisan niyo kasing maglakad! Mas nakakapagod kung babagalan niyo. " dagdag pa nito. At gaya ng sinabi ni Adrian binilisan na lang namin ni Jolina ang paglalakad para makasabay sa kaniya.

It was a usual Barrio. Simple lang ang lugar kung saan nakatira ang Lola ni Adrian. Malayo ito sa kabihasnan kaya mas marami ang tao sa labas ng kanilang mga tahanan at nagkukwentuhan. Marami ring mga bata ang naglalaro sa kalsada hindi alintana ang papalubog nang araw. Malayong malayo ang klase ng lugar na ito kesa sa mga sibilisadong mga bayan na kung saan ay normal na ang mga maiingay na sasakyan sa mga kalsada. Kaysa mga taong tumatambay O di kaya ay mga batang naglalaro.

Napatingin naman ako kay Adrian na huminto at tumingin sa amin. "Ohhh, malapit na tayo." Anito na may malawak na ngiti.

"Nasaan ang bahay ng Lola mo? " tanong naman ni Jolina.

Ngumiti naman si Adrian at may itinuro. "Sa tuktok ng maliit na burol na yun, nandun nakatayo ang bahay na pinagmulan ng buong angkan ko." anito at muling nagsimulang maglakad.

"Ayyy bet ko ang bahay nila." Paghanga ni Jolina sa nakita. Napahawak pa ito ng mahigpit sa braso ko saka sumunod kay Adrian na nagsimula na lang tahakin ang daan patungo sa burol.

Tiyempo din ang pagdating namin sa lugar nila dahil palubog na ang araw at naghahalo halo na ang matitingkad na kulay sa kalangitan na siya namang tila ay naging background ng bahay na nakatayo sa tuktok ng burol. Idagdag pa na makaluma ang estilo ng dalawang palapag na bahay. Ang ganda...

"Yare! Tara na! " nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag ni Jolina. Agad naman akong sumunod sa kanilang dalawa. Maging ang burol mismo ay maganda, puno ito ng iba't ibang klase ng wild plants and flowers, ang ibang halaman naman ay sa tingin ko ay talagang itinanim sa lugar na iyun. Parang isang garden ang buong paligid ng burol at sa gitna niyon ay ang paikot na hagdan. Para akong nasa isang fantasy movie at paakyat ako sa palasyo ng isang fairy HAHAHA. I didn't know that a place like this can exist. Ang ganda sobraaaa.....

"Lola! "

"Lola!! "

Malayo pa man kami sa mismong entrada ng bahay ay tinatawag na ni Adrian ang Lola niya. Patakbo rin ang pag-akyat nito sa mga huling baitang ng hagdan.

"Ano to? Gumamela? " tanong sa akin ni Jolina sa halamang hugis arko na bubungad sa iyo bago makapasok sa bahay.

"Oo." Sagot ko rito. Nakita ko na ang ganitong klase ng entrada mayroon rin kasi nito sa bahay ng Lola ko. Pero mas matitingkad ang kulay ng mga bulaklak dito. Pinaghalo-halong kulay ng puti, pula at kulay rosa ang bulaklak ng gumamela rito.

"Teodoro! "

Nagtama ang paningin namin ni Jolina at agad kaming napabungisngis dahil sa narinig.

Adrian Teodoro McKinley, 'yan ang buong pangalan ni Adrian. Madalas siyang tuksuin dati dahil sa second name niya, masyado raw kasing oldie at hindi bagay sa itsura niya idagdag pa na half American siya.

"Lola!! " napalingon naman ako kaagad kay Adrian na tumakbo upang salubungin ang Lola niya mula sa isang sulok ng kabahayan. Hindi ko napansin kung saan nanggaling ang Lola niya. Pero ang mas ipinagtaka ko ay ni Hindi umangal si Adrian nang tawagin siya ng kaniyang Lola sa second name niya. Madalas kasi ay inaaway niya ang mga tumutukso sa kaniya dahil sa second name niya. At sinabi pa niya noon na huwag siyang tatawagin gamit ang second name dahil ayaw niyang marinig.

At dahil sa nakita namin ay muli na lamang nagtama ang paningin namin ni Jolina. Pareho kaming nagtataka.

"Ah! Lola, may mga kasama ako. " Agad naman kaming tumayo ng maayos ni Jolina dahil sa narinig. Lumapit kami sa pwesto nila at nagmano sa Lola ni Adrian.

Itinuro ni Adrian si Jolina at ipinakilala sa Lola niya, "Siya po si Jolina yung nakukwento ko ho sainyong babaeng may sayad. " Saad nito. Agad namang nag react si Jolina at kinurot ang tagiliran ni Adrian na Hindi man lang nakaiwas . "Anong Sabi mo? " madiin nitong tanong. And if I know mas madiin pa rin yung kurot kesa sa tono ng boses niya.

"Lola, hindi ho yun totoo. Wala po akong sayad. Normal po akong inilabas ng nanay ko sa mundong ito. Normal rin ho akong lumaki at nagdalaga. Huwag ho kayong maniwala sa apo niyo. Kahit.... Apo niyo siya. " mabilis na dipensa ni Jolina sa sarili. Natawa na lang kaming tatlo dahil sa sinabi niya.

"Naniniwala ako saiyo, Iha. Huwag kang mag-alala. " natatawang saad ng matanda. Kahit pa marami nang kulubot sa mukha niya ay mapapansin mo pa rin ang angkin nitong ganda. Tila naman ay nagtatago ang mga kulay tsokolate niyang mata sa tuwing ngingiti siya. Halos kulay puti na rin ang buhok nito at medyo kumuba na rin. Pero mababatid pa rin na malakas ito dahil sa tono ng boses niya. "Ganito talaga ito sa mga babaeng natitipuhan niya. " Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig. Does she mean---

"May dinala na ho siyang babae rito? " agad kong tanong sa Lola ni Adrian. Agad ko namang nakuha ang atensyon niya kaya kaagad naman siyang tumango at ngumiti.

"Tama ka. Kung hindi ako nagkakamali iyun ay noong.... " Hindi na natapos ni Lola ang sasabihin niya dahil agad nang nagsalita si Adrian.

"Ah, Lola siya nga ho pala si Mayare. Kaibigan ko rin." Pagpapakilala sa akin ni Adrian. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti na lang rin ako bilang tugon.

"Palubog na ang araw, pumasok na muna kayo. Dito na rin kayo matulog, maraming kwarto rito na tiyak ay magugustuhan niyo." Ani ni Lola at nauna ng pumasok sa kabahayan.

"Kung hindi niyo pa alam, siya ang Lola ko. Si Lola Alita. Tatlo lang sila rito kaya madalas kapag weekends ay nagpupunta ako rito. " ani ni Adrian ng hindi tumitingin sa amin. Naglalakbay lang ang paningin niya sa buong paligid.

"Sinong babae na ang dinala mo rito? Ikaw ah! Nakuuuu. " natawa na lang ako sa ginagawang pang-aasar ni Jolina kay Adrian.

"Oh eh ano naman? Gwapo ako eh. Ma-appeal pa kaya syempre lapitin. " pag-mamayabang naman ni Adrian.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si Jolina nauna na ako sa kanilang pumasok sa kabahayan. Bukod sa pagod na ako at gutom na rin. Natunaw na lahat ng kinain kong kikiam at kwek-kwek kanina after class, kailangan ko ng mag-recharge! I need food!

Naabutan ko si Lola Alita na nag-aayos sa dining katulong niya ang isang babae na medyo may kaedaran na rin. "Mayare? Tama? " tanong nito nang mapansin niya ako. " Opo." Tugon ko. Lumapit ako sa kanila at tumulong sa pag-aayos ng hapag-kainan.

"Ella, pakilabas naman yung mga ulam at patawag sina Teodoro, sa tingin ko ay nasa labas pa sila." Utos ni Lola Alita sa kasama nito. Siguro ay kasambahay niya na agad namang tumango.

"Madalas bang halos mag-ubusan ng boses ang dalawang iyun?" Tanong ni Lola Alita, naupo siya sa isang silya na nasa harapan ko lang.

Natawa na lang ako sa sinabi niya at tumango. " Opo, kung alam niyo lang. Walang araw na hindi nila kinokontra ang bawat isa. " natatawa kong sagot.

"Sa tingin mo ba, pag-kakaibigan lang ang turingan nila sa isa't isa?" Natahimik naman ako sa tanong ni Lola Alita. Napaisip ngunit agad ring napangiti.

"Opo. Magkaibigan lang sila. May sinabi ho noon sa akin si Jolina patungkol sa lalaking gusto niya. Which is, baliktad po sa kung sino si Adrian. At sa pagkaka-alam ko rin po, may babaeng nagugustuhan si Adrian. Sinabi ho niya sa akin noon na, gustong-gusto niya yung babae bago pa man niya ho kami nakilala ni Jolina. Kaya, alam ko pong walang espesyal na damdamin ang dalawa para sa isa't isa. Hihi." Sagot ko rito. Napangiti naman sa akin si Lola Alita. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Sa usaping pagmamahal, kailanman ang puso ay hindi mo madidiktahan. Kung minsan ang totoong nararamdaman ay dapat itago upang hindi makaapekto sa iba. " anito at naglakad patungo sa sentro ng kabahayan. Napaisip naman ako sa sinabi niya at inisip ang dalawa kong kaibigan, maari pero..... Hindi eh, sobrang imposible na may special feelings sila para sa isa't isa.

"Mayare, Tara. " agad akong napalingon kay Lola Alita, malapit ito sa hagdan na gawa sa kahoy at hinihintay akong makalapit sa kaniya. Agad akong sumunod kay Lola Alita at tinungo namin ang ikalawang palapag ng bahay.

Kung makaluma ang disenyo sa labas ng bahay ay ganoon rin sa loob nito. Gawa sa kahoy at bato ang pundasyon ng kabahayan ngunit moderno ang bawat gamit rito. Maluwag ang ikalawang palapag, mayroon ring sala kung saan malapit ang hagdan at ang mga bookshelves na puno ng mga libro. At sa harap ng sala ay ang isang malaking Terasa kung saan tanaw mula rito ang nag-aagaw na kulay ng itim at pula sa kalangitan.

"Mas matatanaw mo ang buwan sa kwarto mo. " nakangiti nitong saad.

"Sa gawing kaliwa ang kwarto mo. At sa harap ng kwarto mo ay ang kwarto ng kaibigan mo. Katabi mo naman ang kwarto ko. Sa kanang bahagi ng palapag na ito ang kwarto ni Adrian. " dagdag pa ni Lola Alita.

"Lola Alita, ilang taon na po itong bahay? " dahil gawa sa kahoy ang sahig ng ikalawang palapag ay parang naging creepy na ito at the same time scary dahil sa nagagawa nitong tunog.

"Ilang henerasyon na rin ang nagdaan, panahon pa ng mga kastilya ay naitayo na itong aming mumunting tahanan. Taong 1814 nang maitayo ang bahay na ito. Halos dalawang daang taon na rin ang tanda nito. " sagot niya na siyang ikinahanga ko. I expected it to be much younger than what she had said. Yung tipong nasa hundred years old pa lang yung bahay ganun.

"Ano ho bang sekreto ng bahay na ito at umabot po ito ng ganoon katagal? Habang yung kapelya sa may amin ho ay sampung taon na mula ng maitayo pero nung lumindol ho dito sa atin ay natinag ang pundasyon at nasira ang buong kapelya. " tanong ko dito. Kung tutuusin ay pati yung bahay namin ay nagkaroon ng mga bitak sa ding ding dahil sa magnitude five na lindol.

"Iyan rin ang nais kong malaman, kung alam mo lang, marami ng inhenyero ang tumungo dito upang tignan kung bakit sobrang tibay ng aking tahanan. Ngunit hindi nila matukoy kung bakit..." Anito, naglakad siya papalapit sa pinto ng magiging kwarto ko at sumunod naman ako.

"Parati lang nilang sinasabi na, maaring swerte lamang ang tahanan ko upang tumagal ng daang-taon. Ngunit para sa akin, ang pondasyon ng tahanang ito ay hindi lamang ang mga kahoy at bato ngunit pighati, pagmamahal, at kasakiman ng mga naunang nanirahan rito." Ilang beses na lang akong tumango sa mga sinabi niya, wala akong masyadong maintindihan sa sinasabi niya pero alam ko na kung saan kami patutungo.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto at inanyayahan akong pumasok. "Maganda ang kwento ng tahanang ito, lalo na noon. " dagdag pa nito. Naupo siya sa kama habang ako naman ay naglilibot sa kwarto.

Kumpara sa labas ay masasabing mas moderno ang kwartong ito, airconed at may malaking kama katabi ng bintana. Habang ang mga cabinets naman ay in a modern style, yun bang nakadikit sa mga ding ding. May malaki ring bookshelf na puno ng mga libro na nagsisilbing divider mula sa pinto at sa higaan. The room was painted caramel which is relaxing para sa matutulog rito.... At dahil ako ang matutulog rito I'll be relaxed later....

"Halika rito. " narinig kong tawag sa akin ni Lola Alita, agad akong pumunta sa pwesto niya at Doon ko nakita na may hawak siyang isang libro or rather a photo album.

Marahan niyang binuklat ang libro at nagulat ako sa tumambad sa akin. "Ang ganda ng bato hindi ba? " gulat akong tumingin kay Lola Alita, I never expected that.... That she will show me the stone—the reason of our visit here.

"Alam mo bang may marka ang batong ito. " aniya. Mas naintriga naman ako dahil sa sinabi niya.

"Kita mo'to? A butterfly. " pinakatitigan ko naman ng husto ang sinasabi niyang marka sa bato at muli ko na lamang natagpuan ang sarili kong bibig na bahagyang naka buka dahil sa paghanga at gulat.

"A-Ano ho bang ibig sabihin nito? " tanong ko sa kaniya. Masyadong nakakaintriga ang matandang ito, hindi ko alam if alam ba niya ang pakay namin dito.

"Hindi ko alam... " tanging sagot niya.

"Ohh." Nakita kong nahulog ang isang piraso ng papel mula sa aklat na hawak ni Lola Alita kung saan sa gitna niyon ay ang bato.

"... Pero sa tingin ko ay konektado sayo. " agad akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Hindi kaya nabibingi na ako? Konektado sa akin?

"Ano hong ibig niyong sabihin? " takhang tanong ko kay Lola Alita, ibinigay ko naman sa kaniya ang papel na pinulot ko.

"Wala akong sinasabi Iha. " aniya na ikinakunot naman ng noo ko. Alam kong narinig ko talaga siya eh... Pero baka gutom lang ako kaya kung ano-ano ang naririnig ko plus pa dahil sa mga sinabi niya.

"Maganda ang kwarto ni Lola Lara, siya ang pinaka-orihinal na may-ari ng silid na ito. Ngunit pinabago ito ng anak kong babae dahil ang sabi niya importanteng makasabay ang kwarto niya sa uso. " natatawa niyang saad. Ngumiti na lang ako sa kaniya para damayan siya sa nararamdaman niya.

"Tara na sa baba, baka nandun na ang mga kaibigan mo, at para na rin makakain na tayo. " anito, nauna siyang lumabas ng kwarto dala ang libro kung saan nilalaman nito ang bato.

"Mauna kana pala, may kukunin lang ako sa kwarto ko. " aniya, tumango na lamang ako at naunang bumaba ng hagdan.

********

To be continued...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height