+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Freedom

"Kamusta kana diyan nak?" I smiled when I heared his voice, my Papa.

"Maayos naman ako Pa. Ikaw ang kamusta na? Buti naman at natawagan mo ako ngayon. " Saad ko. Naupo ako sa isang silya sa veranda nitong kwartong inuukupa ko.

Nakatingin lang ako sa bilog at malaking buwan habang kausap sa telepono ang Papa ko. Nasa America siya ngayon kasama ang asawa't anak niya.

Yeah, I have a complicated life. My Mama passed away when I was six and... five years after, Papa meet a new lady wich have already a daughter from it's first lover which he married after. At sa oras na yun nagsimula ang mala-cinderella kong buhay. Kaedad ko lang ang anak ng stepmom ko at never kaming nagkasundo. Parati kaming nag-aaway. I am the biological daughter of my dad. The first daughter he had...but he loved her more—more than his own daughter. To make the story short, I lived on my own. I wanted it. I don't want to live in a hell where I want to stay but every body wants me to be away. So why would I stay, there were no more reason to stay. Hindi ako galit sa dad ko, I saw all of his sufferings when Mama passed away and I can't get angry of him because of that. He just want to be old with someone together. So, I just wished that someday—someday he will choose me and stay by my side just like what he promised to Mama. And I wish he can see that I can also be that one person to stay by his side everyday because that's what families do. Staying together no matter what.

"Mabuti naman kung ganun, maayos naman kami rito ng Tita Greza mo. Nak, kung nandito ka lang sana. Edi sana nararamdaman mo rin yung lamig sa lugar na toh. Marami ang snow dito, nak. " I smiled bitterly. That was our dream, to travel to America or Japan to experience the snow. To be cold and warmed together. His relieving our dreams, based on his voice he's happy—very happy.

"Ayos lang yan, Pa. Next time pupunta ulit tayo diyan. " Saad ko.

"Nak, ikaw na ang pupunta sa amin. Hahaha napag-usapan kasi namin ng Tita Greza mo na mag-stay na dito for good... " I can feel happiness in his voice. So much happiness, I wish I am the real reason for that joy he feel. But... I was stunned from what I just heard.

"Dito na kasi mag-aaral ang kapatid mo. Gusto niyang mag-aral sa New York. Kaya by next week lilipat na kami sa New York. I'm so happy anak!. " I senselessly touched my checks as I felt a cold water flowing in it. Am I crying? Hahahaha I am crying. Gosh... He will stay there for good.

"Ohh? Talaga Pa? Ayos yan. " I don't know why I need to say that! And I am smiling while crying! Mukha na akong baliw rito and I hate it!

"Sobrang ayos nak. " I smiled again and nod for several times as a response from what he said even though I know he can't see it.

"Pa, alam mo ba nandito ako sa bahay ng kaibigan ko and I feel like---"

"Nak, sige na muna ha. Tatawagan na lang kita sa susunod. Hinahanap ako ng Tita mo eh. Bye nak, Mag-iingat ka diyan. " with no words from me, he hanged up the phone. He forget the word we usually said before goodbyes.

"I love you dad. " Hindi ko na napigilan at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko sa mata. I was angry! Lonely! I feel empty! I hate him! I hate them!

"Woah! That's a strong gust of wind. "

Agad kong pinunasan ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni Jolina. Pinakalma ko rin ang sarili ko para hindi siya makahalata.

"Kanina pa kami nasa labas pero iba yung ihip ng hangin dito, mas malamig. Feeling ko tuloy nasa Baguio ako hahaha. " Aniya. Nang kumalma ako ay humarap ako sa kaniya.

"Nasa second floor ka kasi ng isang ancient house girl. " pagbibiro ko rito.

"You okay?"

I blinked twice because of what she said. Am I?

I am not. I will never be... Pero Maka-ilang beses akong tumango sa kaniya.

"Yeah, I'm fine. " pagsisinungaling ko Tito.

Sometimes saying this line will end the curiosity of the person you were talking to. Once you say you're okay, they'll stop asking and will leave you alone. And that's what I want just for now. I need to think. It feels like everything is not aligned—feels like something is missing.

"Nahhh. Huwag kang magsinungaling sa akin. Kitang-kita ko yang red eyes mo. " aniya. Umupo naman siya sa kaharap kong silya at hinawakan ako.

I also forgot she was not just a person, she is my best friend. She knows me more than I know myself.

"Tumawag si Papa. " panimula ko.

"Sabi ko naman kasi sayo. You have a choice to choose— to go to him and stay beside him. Or just let them be, and be miserable." Aniya. Kinuha niya ang upuan at tumabi sa akin. Bahagya niya rin akong niyakap upang pakalmahin.

"It'll just break me even more. Hindi sa ayaw kong sumama siya kina Tita Greza but I just need a time and even a small attention from him. When he calls me I feel so happy na naalala niya pa ako. But scares me at the same time that someday he will forget me. Na... Yun na yung magiging last conversation namin. After they moved in that country, I never had the chance to see his face again. Gusto ko, gustong gusto kong sumama sa kanila noong umalis sila ng bansa. Pero anong magagawa ko? He already left me in my uncle's house. Saying that he'll be back days after... but years had passed he never did. I want to go to him. Pero kapag sinasabi ko yun binababaan niya ako ng telepono. I don't know what to do, Jol. " I cried out loud before saying those words. It's hard for me to open up myself. It's hard for me to talk about my unresolved problems.

"Shhh you'll be okay. Everything will be okay. " pag-alo niya sa akin. Niyakap niya lang ako hanggang sa tumahan ako.

We stayed like that for a couple of minutes. I'm still grateful that even I don't have my dad with me today, but still I have a very caring best friend to hear out all my rants in life.

"You okay na? " tumango ako bilang tugon sa kaniya. Ako na rin ang humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin.

"Magaan na rin yung pakiramdam ko. " sagot ko rito. Isang matamis na ngiti naman ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Mabuti naman. Kung ayos kana, bumaba na tayo. Naglapag ng picnic si Adrian at Lola Alita sa bakuran. " aniya. Tumango naman ako at nauna ng tumayo sa kaniya.

Yeah, speaking of Lola Alita. Dapat ko bang sabihin sa kanila na ipinakita sa akin ni Lola Alita yung bato? Hmm siguro mamaya na lang, I'll let Adrian to speak to her Lola.

"Hmm... This girl... " napalingon naman ako sa likod ko at tinignan ang malaking larawan na nakasabit sa dingding.

"Siya yung nasa family painting sa sala. " dagdag pa ni Jol.

Tinignan ko naman ang picture na tinitignan niya and I remember what Lola Alita have said, "𝙼𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚠𝚊𝚛𝚝𝚘 𝚗𝚒 𝙻𝚘𝚕𝚊 𝙻𝚊𝚛𝚊, 𝚜𝚒𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚔𝚊-𝚘𝚛𝚒𝚑𝚒𝚗𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚢-𝚊𝚛𝚒 𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚕𝚒𝚍 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘. 𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚋𝚊𝚐𝚘 𝚒𝚝𝚘 𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚔𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚋𝚊𝚎 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚋𝚒 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚒𝚖𝚙𝚘𝚛𝚝𝚊𝚗𝚝𝚎𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚋𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚠𝚊𝚛𝚝𝚘 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚜𝚊 𝚞𝚜𝚘."

"Yeah, she was. If I'm not mistaken, her name is Lara. Ang sabi ni Lola Alita kanina, ang kaniyang great great great grandmother na si Lara ang may-ari ng kwartong ito." Sagot ko kay Jol.

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko at tinignang muli ang larawan. " Close na kayo ni Lola Alita ahh, dami mo nang alam." Anito na tinapik tapik pa ang braso ko.

"If you only knew... " sagot ko. Nauna na akong lumabas sa kwarto habang siya naman ay nakasunod sa akin.

Pagbaba namin sa hagdan ay nadatnan namin si Lola Alita, Adrian at ate Ella na ibinabalik ang mga pagkain mula sa labas ng bahay papasok ng kabahayan.

"Bakit niyo po binabalik yung mga pagkain? Akala ko po mag-pipicnic tayo? " takhang tanong ni Jol sa tatlo.

"Oo nga sana, kaso biglang umihip ng sobrang lakas yung hangin kanina ang akala namin ay may bagyo na. Kita mo tong pie biglang lumipad eh, ayaw ata magpakain. " sagot ni Adrian. Ipinakita naman nito ang sira nang blue Berry pie.

"Ganun? Oh sige tulungan ko na kayo. " Saad ni Jol.

"Hindi na, tapos naman na namin lahat eh, late kana. " pang-aasar pa ni Adrian Kay Jol na agad rin namang binatukan ni Jol.

"Bibirit ka pa ah. " anito.

Imbes na pansinin pa ang dalawa ay lumapit na ako kay Lola Alita upang tulungan ito sa buhat niyang isang Tupperware ng tinapay. "La, ako na po magdadala. " hindi naman na umangal sa akin si Lola Alita at ibinigay na sa akin ang Tupperware na naglalaman ng mga sliced bread.

"Mayare! "

Agad naman akong napalingon kay Adrian nang tawagin ako nito. "Oh? "

"Iba yata ang mata mo ngayon ah. Mas matingkad ang kulay kesa dati." Anito na ikinakunot ng noo ko.

"Ha? Anong mas matingkad? " takhang tanong ko rito. Inilagay ko muna sa lamesa ang Tupperware at pumunta sa salamin na malapit sa kusina.

"Mas halata yung kulay asul mong mga mata ngayon eh." Aniya.

Agad akong tumingin sa salamin dahil sa curiosity. And he was right. Darker ang kulay blue kong mga mata. Usually kasi is super light colored blue lang siya but this time it is really blue. I wonder why.

"Bakit kaya? " tanong ko sa sarili ko. I examined my eyes but I don't see something wrong with it. My visions were not blurry though medyo masakit nga lang talaga ang mga mata ko.

Nagtama ang tingin namin ni Jol at itinaas niya ang kilay niya like she's giving me a you-know-why look. And I got her point. Dahil siguro sa pag-iyak ko kanina kaya naging ganito ang mga mata ko.

"Sigurado kang wala kang lahing Amerikano, Mayare? Eh ako nga itong kalahating kano eh kulay itim ang mga mata. Tapos ikaw asul... Hindi patas ang mundo... " umiling-iling na lang si Adrian at bumalik sa ginagawa nito.

Naglalatag ito ng carpet sa gitna ng sala. Naialis na rin niya ang mga gamit sa sala kaya mas maluwag na ito. At Doon niya nilalagay ang mga pagkain.

"At dahil parang masama ang panahon at para hindi naman masira itong mga ginawa natin. Dito na lang tayo mag picnic. "Dagdag pa nito.

Nang matapos kami ay agad kaming naupo sa sala. Bale kaming tatlo na lang din ang nandito dahil nagpaalam na si Lola Alita na magpapahinga na at gayudin si ate Ella.

"Ano? Movie marathon? " tanong sa amin ni Adrian. Kaagad naman akong tumango rito.

"Hindii!" Agad akong napalingon kay Jol dahil sa sigaw nito. At sa tingin ko ay alam ko na ang sasabihin nito.

"Nawawala yung sense ng pagpunta natin kasi dito eh! Ni Hindi ko pa nakikita yung stone na pinag-aawayan niyo kanina. And besides, may pasok pa tayo by 10 am tomorrow. Soooo, no movie marathons kung ayaw niyong maging floating yang mga brains niyo." Ani Jol.

And I am correct. As she knew me more than myself, I also know Jolina before she even utter a word.

"Nakausap ko na si Lola tungkol diyan." Panimula naman ni Adrian. Sabik naman kaming nakikinig ni Jol sa kanya.

"At ang sabi niya... " tumingin sa akin si Adrian at itinuro ako. " ... Ikaw daw ang may alam kung nasaan ang stone of time. " dagdag pa niya.

Kumunot na lang ang noo ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean? Ehh siya yung may hawak nung libro kanina tapos Hindi ko alam kung saan niya nilagay kasi nauna na akong lumabas sa kwarto. " pag-amin ko sa dalawa.

"You mean, nagkausap kayo kanina? " gulat na tanong ni Jolina.

"Yeah, I did. Ipinakita niya sa akin yung bato. Pero, siya yung nagtago nun tapos ni hindi ko din naman nahawakan yung bato. " pag-amin ko sa dalawa.

"Saan ba nakalagay yung bato? " tanong naman ni Adrian.

As long as possible we were lowering our voices. Ayaw na naming maka istorbo sa mga namamahinga.

"It was inside a book. Alam mo yun... Yung kagaya sa mga spy films. Yung mga nagtatago ng baril sa loob ng libro. Ayyy basta ganun! " pinilit kong ipaliwanag sa dalawa kung saan nakalagay yung bato.

"It was inside a book? " muling tanong ni Adrian.

"Yeah... An ancient like book. " sagot ko rito.

"Edi nasa library yun!" Nagtama ang mga tingin namin ni Jol at kapwa kami sumang-ayon sa kaniya.

"Nasaan yung library niyo? " tanong naman ni Jol kay Adrian.

Isang pilyong ngiti naman ang pinakawalan ni Adrian bago sagutin ang tanong ni Jol. " Sa basement. " simpleng sagot nito.

Tumayo na si Adrian at sumunod naman ako.

"T-Teka teka... Basement ba kamo? Ano... Mag-hihintay na lang ako dito. Total kayo naman yung may deal. " ani ni Jol. Kinuha niya ang isang Tupperware ng tinapay at binuksan iyun.

"Hoy... Kapag hindi ka sumama mamimiss mo yung exciting part. " ani ko rito.

"Oo nga naman. Kapag hindi ka sumama, hindi mo mararamdaman yung lamig ng hangin sa basement. Yung tipong may yumayakap sayo na hindi mo nakikita. " panakot ni Adrian rito. Na nagbigay Takot naman kay Jol.

"Hoy Teodoro! Tigil-tigilan mo ko sa pananakot mo... Walang effect sakin yan! Ghost aren't real you nerd."

"If ghost aren't real. Then come on... Wala akong makitang reason para magpa iwan ka rito. " ani ni Adrian.

"I have! Walang bantay ang foods dito! " pag-mamatigas ni Jol.

"Ohhh come on! Don't you ruined the fun! " ani ko rito. Hinatak ko na si Jol patayo. Nanguna namang naglakad si Adrian patungo sa kaliwang bahagi ng hagdan kung nasaan ang daan pababa ng basement.

"Saan kayo pupunta? "

Agad kaming napalingon sa nag-mamay ari ng boses. Which is Lola Alita. Nasa ikalawang palapag siya at malapit sa hagdan. Gulo-gulo ang buhok niya at halatang naantala sa tulog.

"Bakit po Lola? " kaagad na tanong ni Adrian.

I don't know why I have this nervous feeling. Though alam naman ni Lola Alita na hinahanap namin yung stone of time. But when she appeared my heart run wild and it feels like it will pop out my chest.

"May cellphone kasi na tumutunog sa kwarto ni Mayare. Kanina pa kasi yun. Baka may tumatawag kasi eh. " anito.

Napatingin naman sa akin ang dalawa at nagtataka.

"Sige po Lola, susunod na po ako. Salamat." Wika ko sa matanda. Agad namang bumalik si Lola Alita sa kwarto niya.

"Baka si dad lang yun. Mauna na kayong bumaba, susunod ako. " wika ko. Hindi ko na hinintay pa ang response nilang dalawa at tinakbo ko na ang hagdan patungo sa kwarto ko.

Naabutan ko ang patuloy na pag ring pa rin ng phone ko. Nasa ibabaw lang kasi ito ng side table near the door. Kaya siguro narinig kaagad ni Lola Alita. And it feels like naistorbo ko pa ang pag tulog niya dahil sa phone ko.

A familiar name appeared on the screen as I answer the call. "Da---" hindi ko pa man nabibigkas ang una kong salita ay namatay na ang phone.

It's like he just wanted to hear my voice. Geez.. Naupo muna ako sa kama habang hinihintay na tumawag ulit ang tatay ko. Pero, something caught my attention. Between the volumes of the book. I saw this familiar book, ang libro na naglalaman ng stone of time. As I saw it before, I already know what it looks like.

Kinuha ko ito mula sa bookshelf at muling naupo sa kama. "Las piedras de las promesas inquebrantables". (English: The stones of the unbreakable promises.) Pagbasa ko sa pamagat na nakaukit sa lumang libro.

"Anong ibig sabihin nito? Ito ba yung talagang tawag sa bato na to? O pamagat lang ng librong ginawang taguan ng bato? Ehh... Masyadong intriguing naman. " takhang tanong ko sa aking sarili.

Hindi ko mawari kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa librong ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Binuklat ko ang libro at hindi nga ako nagkakamali, sa loob ng libro ay ang isang kulay Pula at asul na bato. Parehong may marka sa loob nito, isang hugis paru-paro, magkaiba ang disenyo nito, mas hugis bilog ang paru-parong nakaukit sa asul na bato. Habang mas maihahalintulad ko naman sa pakpak ng tutubi ang hugis ng pakpak ng paru-paro na nasa pulang bato.

Hindi ko mawari kung bakit nahahalina ako sa nakikita ko. Wala sa sariling kinuha ko ang dalawang bato at pinag-isa ito.

Sa isang iglap isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong kwarto. Nang magawang maka adjust ng mga mata ko mula sa pagkasilaw sa liwanag ay agad tumambad sa harapan ko ang isang lampara.... Ngunit.... Hindi maari...

Ang lampara na nasa aking panaginip ay nasa aking harapan. At naroong muli ang nakakahalinang sayaw ng apoy nito. Tiyak naman akong hindi panaginip ito.

Kasabay pa nito ang isang malumanay na tugtugin na tila ba ay sumasabay sa bawat galaw ng apoy. Tunay na nakaka-akit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na ako papalit dito. Ngunit, sa hindi inaasahan ay nag-anyong tao ang apoy...

Isang tao na nakasuot ng isang magarbong camiso de chino. Nakatalikod ito sa akin, ngunit naroon ang aking pakiramdam. Pakiramdam na sa wakas ay nahanap ko na ang nawawalang piraso ng mundo ko.

*******

Third person's P. O. V.

Madilim ang lugar, at tanging ang mga ilaw mula sa ilang mga sulo ang nagsisilbing ilaw ng lahat sa loob ng yungib.

"Panginoon, nanghihina na po ang ating mga salamangkero. Kanila pong ninanais na maka pagpahinga kahit ilang minuto. "

Sa gitna ng kweba ay mayroong isang maliit na trono na gawa sa mismong mga bato sa loob ng kweba. At naka-upo rito ang isang lalaking may takip na itim na tela ang mukha habang tahimik na pinapanood ang ginagawa ng mga salamangkero sa isang babaeng nakalutang sa ere. Napapalibutan ito ng iba't ibang kulay ng liwanag mula sa mga kamay ng iba't ibang salamangkero.

Walang imik na bumaba sa kaniyang trono ang kaniyang panginoon at tumungo sa mga salamangkerong ilang taon nang nagtatrabaho para sa kaniya— Para sa kaniyang mga hinahangad na mahika.

"Nais niyo bang magpahinga? " kalmado man ang boses nito ngunit nakakatakot. Dahil tila galing sa kailaliman ng lupa ang boses nito. Malalim, madilim, malamig.

Lahat ay tahimik, walang nagnanais umimik. Tanging ang galaw lamang ng mga salamangkero ang maririnig.

Mabagal itong naglalakad sa likod ng mga salamangkero na tila ay na nakaupo sa isang bilog na sahig kung saan ayos maraming nakaukit na simbolo. At sa gitna ng bilog ay ang babaeng nakalutang sa ere. At kapansin pansin ang kulay asul na liwanag na lumalabas mula sa katawan nito.

"Panginoon... " isang salamangkero ang naglakas loob na tumayo, may balabal itong kulay pula—natatakpan ang kaniyang mukha, at tanging mga mata lamang ang makikita.

"Kung... Inyo sanang mamarapatin. Aming Hinihiling na magpahinga kahit sandali. Sapagkat ang aming lakas ay unti-unti nang humihina. " dagdag pa nito. Bahagya itong nakayuko at tila ang buong atensyon ay malayo sa taong kausap.

"Paano, kung aking nanaising bigyan ka ng pahinga? Isang pahinga na kung saan ay mabilis mong mararanasan? Nanaisin mo ba ito? " muli nitong tanong.

Tumayo ng maayos ang salamangkero at tumingin sa mismong mata ng kaniyang panginoon. "Oo panginoon, nais ko pong magpah-... "

Hindi na natapos pa ng salamangkero ang sinasabi nito dahil bigla na lamang itong bumagsak sa lupa at naging abo. Sa isang kurap ng mata ay nakamtan ng salamangkero ang ninanais niyang pahinga.

"May nagnanais pa bang huminto at magpahinga?" Malumanay nitong tanong sa mga salamangkero.

Muling natahimik ang yungib at walang nagnanais umimik.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari. Isang nakakasilaw na liwanag mula sa sentro ng bilog ang nagbigay kulay sa madilim na kweba.

Sa isang kurap ng mata, nawala ang babaeng nakalutang sa ere at tanging natira lamang sa ere ay ang mahinang liwanag na kulay asul. Na kasing bilis ng bola na nawala sa ere. At sa pinaka sentro ng bilog ay ang kulay asul na bato, na mayroong marka ng paru-paro.

"HANAPIN NIYO ANG PRNSESA! "

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height