+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Year 1844

Mayare

.

.

"Lumabas na ba sa kaniyang silid ang senyorita?"

"Pasensya na Mirasol ngunit hindi ko napansin kung nakalabas na ba ang Senyorita Lara sa kaniyang silid. "

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Tila may nag-uusap sa harap lamang ng pinto.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko. "Senyorita Lara? " saad pa nito.

Nagtaka naman ako sa narinig ko at naupo sa Kama na kinahihigaan ko.

Bahagya pa ako ng nag-unat unat at nag kusot ng mata. "Another morning, another sunshine! Hayy"

"Sino ka? "

Halos mapatalon naman ako sa kama ng may marinig akong boses ng babae sa likuran ko. At mas nanlaki naman ang mga mata ko at napaawang ang bibig ko dahil sa nakikita ko. It's just gosh!

Isang babaeng mestiza ang nasa harapan ko, may suot itong magarbong saya na kulay asul, nakatali rin ang buhok nito in a bun style. She's like just a girl, sa hapon ni Rizal! At ngayon ay nagtataka ang tingin niya sa akin. Yung tipong maging siya ay nagugulat pero kalmado pa rin.

"Inuulit ko. Sino ka? " tanong nito.

"Pamilyar ka. " pilit kong inaalala kung saan ko nga ba nakita ang mukha niya. Mestiza, singkit, makapal ang kilay at may mahahabang pilikmata. Mapula rin ang pisngi at kulay rosas naman ang mga labi nito.

'Tamaaa! '

"Ikaw! Kilala na kita. "

Tama! Siya yung babae na nasa sala. Kasama siya dun sa family painting. Mas naaaninag kasi ang mukha niya kesa sa ibang nasa family painting. Kaya siya ang unang makikita.

"Mabuti at kilala mo ako. Ngayon ay alam mo na ang mangyayari sa iyo oras na isumbong kita sa aking Ama. " seryosong sagot nito. Nanatili lang itong nakatayo sa harapan ko.

"Teka Teka... Wait lang ah! Nanaginip pa ba ako?! Gosh! Hindi ito magandang biro! Bakit nasa harapan kita? Eh nasa family painting ka doon ka dapat sa sala! Bakit... Bakit nasa harapan kita? "

Hindi ko maintindihan. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang mga nangyayari. Nasa harapan ko yung Lara na tinutukoy ni Lola Alita! Minumulto niya ba ako dahil natulog ako sa kwarto niya?

O gosh noooo! Nasaan na si Adrian? Gosh! I need him! I want to be awake na!!

"Teka lamang binibini. May sira ba ang iyong ulo? " tanong nito. Naupo siya sa kama dahilan para mapaatras ako. Pero huli na ng mapagtanto kong nasa dulo na pala ako ng kama. Dahilan para mahulog ako.

"Ayos ka lamang ba? " dali-dali itong lumapit sa akin pero kaagad kong tinakpan ang sarili ko ng kumot.

"Ano... Huwag kang lalapit sa akin!" Sigaw ko rito.

Naramdaman ko naman ang pagtigil niya at ang pag upo niya sa kama.

"Senyorita? Ayos lamang ba kayo? May kasama ho ba kayo riyan? " rinig kong sagot ng kung sino man ang nasa kabilang pinto.

Teka... Hindi kaya pinaglalaruan lang nila ako? Tini-trip lang ako ni Jol at ni Adrian? Tapos... Tapos kasabwat nilang dalawa yung lahat ng tao dito kasiii, kasi bahay nila ito eh! And he knew na walang stone of time, at ayaw niyang ipaalam sa akin yun. And for I to think that it was real, they are playing tricks on me For I to believe!

"Jolina itigil mo na yan! Promise hindi nakakatawa! " sigaw ko. Nilakasan ko talaga para marinig sa kabilang pinto.

"Senyorita? Senyorita Lara? Nariyan ba kayo? Senyorita?! Tatawagin ko na po ang inyong Ama! " muli kong narinig ang boses sa kabilang pinto at ang agad na pagbukas nito.

"Mirasol! Magtigil ka! " narinig ko ang boses nung Lara. Sumilip naman ako mula sa pwesto ko para makita kung ano na ang nangyayari.

"Senyorita!" Tuwang-tuwa naman ang babae na kausap ni Lara. Nakasuot ito ng saya ng unit hindi kasing garbo ng saya na suot ni Lara. Kung hindi ako magkakamali, ang babaeng kausap ngayon ni Lara ay ang personal niyang katulong.

"Maari bang iwan mo muna ako sandali? " tanong rito ni Lara.

Sa oras na ito ay nagawa kong mapagmasdan ng sobra ang kwarto. Ibang-iba na ito kaysa sa nakita ko bago ako matulog.

Wala na ang aircon, maging ang bookshelf na katabi ng malambot na kama. Hindi na rin moderno ang estilo ng kwarto. Wala na ang mga paintings na nakasabit sa ding ding. At mas maluwag na rin ang kwartong ito.

Kung isa itong prank, maaring pinalitan lang nila ang disenyo ng kwartong ito to look more ancient. Pero... Impossible. Kung tatanggalin nila ang bookshelf dapat ay naramdaman ko yun dahil magkatabi lang mismo ang kama at ang bookshelf. And a short period of time, hindi nila kakayaning matanggalan ang halos lahat na kagamitan sa kwartong ito, especially the aircon. For Pete's sake! Ano ba ang nangyayari!

"Ano ang pangalan mo? " tinignan ko si Lara, naupo siya sa kama at pinakatitigan ako.

Kamukha niya talaga yung nasa painting eh! Impossible na magaya nina Adrian completely yung Lara na nasa painting!

Hindi kaya...

Kagaya ng nabasa kong kwento...

I travel through time...

Unconsciously, I went to the ancient time...

"Nooo. This can't be happening! "

Agad akong tumayo at binuksan ang bintana ng kwarto. Nawindang na lang ako sa aking nakita.

Isang malawak na harden ng mirasol ang matatanaw mula sa pwesto ko. At hindi Kalayuan ay ang isang ilog.

If I'm not mistaken, there was a tree last night near my window. Pero ngayon ay wala at tanging mga sunflowers lang ang nakikita ko.

"Oh gosh! Did I travel back to the Spanish Era? " napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa inis. Inis dahil hindi ko man lang malaman ang sagot sa tanong ko.

"The stone? "

"Tama! Yung bato! "

I touched the stone last night. Maybe it was cursed! Maybe I am dead and that's the reason why I am seeing this lady in front of me, that was supposed to be in a painting already. A painting of the first family who live in this house!

"Bato? Ano ang bato na iyong tinutukoy? Ang batong iyun din ba ang nagdala sayo rito? " sunod-sunod nitong tanong sakin.

"Yung... Yung bato... Yung bato na may marka ng paru-paro sa loob nito, more like a fossil of a butterfly. I don't know. At... Siguro, siguro iyun nga ang rason kung bakit bumalik ako sa nakaraan." Naguguluhan kong sagot rito.

"Bato? Na mayroong hugis ng paru-paro? " paniniguro nito.

"Oo. " sagot ko rito.

'May alam ba siya sa stone of time? '

"Hindi kaya ang, Las piedras de las promesas inquebrantables". (English: The stones of the unbreakable promises.) Mahinang tanong nito sa kaniyang sarili.

" Las Piedras... "

Pamilyar sa akin ang salitang sinabi niya. Parang nakita ko na ang salitang yun.

"May nalalaman ka patungkol sa mahiwagang bato? " tanong nito sa akin.

'Ah! Tama! Yung sinabi niya kanina... Yun yung pamagat ng librong kinalalagyan ng mga bato.

"Wala. Wala akong alam sa bato. Pero yung tungkol sa sinabi mo. Ang alam ko lang ay nabasa ko yun sa isang libro kung saan nakatago ang bato. " sagot ko rito.

Namamangha siyang tumingin sa akin, "Nagtagumpay siya... " hindi makapaniwalang saad nito.

"Nagtagumpay? Nagtagumpay tungkol saan? Sino? " naguguluhan kong tanong rito.

Siya ba ang dahilan sa likod ng pagta- time travel ko?

"Ikaw si Elena! Ang maalamat na mahikera! "

*******

To be continue...

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height