+ Add to Library
+ Add to Library

C1 Prologue

SIMULA

"Oyan.." paungol na tawag ko sa pangalan ng lalakeng nasa ilalim ko.

Suot ang makapal at kulay itim na salamin ngunit hindi maitatago nito ang kakisigan niyang taglay kapag tinapunan ng tingin ang mapula nitong labi at ang kumikislap nitong mga mata.

Para akong hinihila ng mga ito para mas palalimin pa ang aming ginagawa.

Bahagya akong itinulak ni Oyan na medyo ikinakunot ng aking noo.

"What?" I asked him in a lower voice.

"N-namshen, b-baka may makakita sa atin. Huwag dito." halata ang takot sa mukha at boses nito ngunit hindi ko iyon pinansin.

"E, ano naman? We're in a relationship at college na tayo. This thing is normal. It's just a kiss." medyo naiiritang tugon ko bago muling ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Nasa gitna kami ng paghahalikan pero tinulak niya ako ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sinubukan kong ituloy yung halikan namin kaya hinawakan ko yung batok niya para mas palalimin pa iyon. Mas idiniin ko siya sa kinauupuan niyang swivel chair at inayos ang aking pagkakapatong sa kaniya.

Akala ko ay wala ng magiging mali dahil sumusunod na siya sa ginagawa ko ngunit bigla niyang nakagat yung ibabang parte ng labi ko kaya ako naman ang tumulak sa kanya at hinatak ang kuwelyo ng suot niyang uniporme.

"Sinadya mo iyon!" buong lakas na sigaw ko habang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya at inambahan siya ng suntok. Umangat siya mula sa kinauupuan niya dahil sa lakas ng pagkakahila ko sa kaniyang kuwelyo.

Ramdam ko pa ang dugo mula sa nakagat niyang parte ng aking labi kaya kaagad kong pinunasan iyon.

"Sumagot ka! Sinadya mo iyon, Oyan?!" naiinis na tanong ko bago siya marahas na binitawan kaya pabagsak siyang bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair.

Hindi siya nakasagot at mabilis na umiwas ng tingin. Argh!

Limang buwan ko na siyang boyfriend pero kahit isang beses ay wala kaming maayos na paghahalikan. Hayst.

Ginulo ko ang aking buhok at umalis mula sa pagkakadagan sa kaniya. Mabilis ko na kinuha ang gamit ko sa sahig at nilingon siya upang irapan.

"Sorry Nam. I didn't mean to hurt you." may pag-aalala niyang sabi pero isang malakas na paghinga lang ang pinakawalan ko at agad na naglakad palabas ng opisina niya.

As always, palagi niyang hindi sinasadya. Whatever!

"Nam! Where are you going?" tawag niya mula sa loob ng kaniyang opisina at halatang balak pa akong sundan.

"Yung lugar na malayo sayo! Huwag mo akong lalapitan!" naiinis kong sigaw habang hawak yung labi kong dumudugo pa rin.

Naagaw namin ang atensyon ng iba pang estudyante na sakop ng Student Council kaya sinamaan ko ang mga ito ng tingin bago tuluyang lumabas ng opisina ng Student Council.

Narinig ko pa ang mga bulungan mula sa loob na pinapangunahan ng nakakatanda kong kapatid na si Nemo.

"Nako, mukhang lumabas ang kapatid ko na virgin pa rin ang Presidente natin. Hindi pa rin siya makaisa, nagdududa na tuloy ako kung kapatid ko ba talaga iyon? Galaw pagong e, mabagal." biro nito bago nabalot ng mga tawanan ang kwarto kaya mabilis ko na sinipa pabukas ang pinto na ikinagulat nila.

Bakas sa mukha ni Kuya Nemo na inaasahan niya ang gagawin ko dahil isang nakakalokong ngiti ang sinalubong niya sa akin.

Tumaas ang dalawang kilay ko bago kinuha ang isa kong notebook at sa sa isang iglap ay hinagis sa balikat ng nakakatanda kong kapatid.

"Hindi ka naging Vise para dumaldal, kaya mas sikat kang chismoso kaysa sa pagiging babaero dahil sa kadaldalan mo pakboy. Para kang tumatahol na unggoy." komento ko bago lumapit sa puwesto nila at tiningnan sila bawat isa.

Nagpipigil ng tawa ang mga nakapalibot kay Kuya Nemo kaya napanguso ito at kita ang pagpipigil na patulan ako.

Inilapag ko ang gamit ko sa mesa nito at saka pumameywang.

"So, anong nilabag kong batas niyo? Pwede niyo na bang idagdag sa listahan ko, malapit na rin kasi magsimula ang klase.." marahas kong binawi sa kamay ng nakakatanda kong kapatid ang notebook bago ngumisi, "Maghahanap pa ako ng bagong mapagtritripan." dugtong ko bago sila tinalikuran dahil walang balak na magsalita.

"Kita na lang tayo sa bahay, Kuya Nemo." paalam ko rito bago kinuha ang aking gamit at prenteng umalis ng opisina.

Marahil, nagtataka kayo kung sino ako para gawin iyon. Siguro sa puntong 'to, iniisip niyo na mayabang ako o kaya demonyo. Huwag kayong mag-alala, wala akong pake.

Mas inaalala ko pa kung sino ang pwede kong makaaway kaysa isipin ang mga taong galit o may hinanakit sa akin. Kapag galit, pikit. Wala naman silang mapapala kung hindi nila ako papatulan.

Inayos ko ang bangs ko bago taas-noo na naglakad sa hallway. Halos lahat ng estudyante ay nakuha ko ang atensyon. Sino ba namang hindi?

I'm Namshen Emerald Cristobal, a certified bad girl and the girlfriend of the 'innocent guy', mr. Rhoyanne Prinz Salvador.

And this is our story, behind his innocent mind. I don't have any idea what's behind that?

#BHI

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height