+ Add to Library
+ Add to Library

C2 Chapter 1

NAMSHEN

"Gosh.. why so handsome Mr. Mindal?" tanong ko habang nakapangalumbabang tinititigan ang long-time crush kong si Zildjian Kenjo Mindal na campus varsity player at campus heartthrob. May laban sila ngayon dahil naghamon yung kabilang university pero alam ko namang mananalo ang team namin dahil nandiyan siya. Gosh!

Siya ang Ideal boyfriend ko. Mabait, sikat, matalino, varsity player at may six pack abs na tinititigan ko ngayon kaya ilang beses akong napalunok kaso..

"Don't do that." tinabig nung katabi ko yung kamay ko dahilan para mawala yung pagpapantasya ko kay zild. Asungot!

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano bang pake mo? Huwag mo nga akong guluhin oyan." naiirita kong sabi saka pinagpantasyahan uli si zild.

Kung itatanong niyo kung bakit naging kami ni Oyan, napilitan lang po ako. Hindi ko alam pero may something sa kanya na nakakuha ng atensyon ko at sa isang taon niyang pagtitiis sa maldita kong ugali ay napilitan na akong sagutin siya.

Hindi naman ako nagsisisi.

Hindi ako nagsising naging boyfriend ko si Oyan dahil ideal guy naman siya. Top 1, matalino, mabait, sweet, masipag at hindi ako sigurado pero tingin ko ay may packs of abs din kaso.. may problema.

He's too innocent at all na kahit ang paghalik ay hindi niya alam and I'm too worried because of that dahil isa akong Pervert girl.

Namalayan ko na lang ang sarili kong nakatitig pa rin kay Zild na umiinom ng bottled water. Ilang beses akong napalunok habang pinapanood siya, is he a good kisser? Iyon agad ang pumasok sa isip ko. Ano ba naman iyan namshen pervert?

Nagulat ako ng tumingin siya sa side ko at ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako umiwas ng tingin. Bakit ako umiwas? Gosh.

Ang t*ng* mo Nam!

Wait, where's Oyan?

Hindi ko siya mahanap mula sa puwesto ko kaya naisipan kong bumaba at hanapin siya sa gilid ng court. Saan naman kaya napunta ang lalakeng iyon?

Naglalakad ako malapit sa bench at palinga-linga ng may matigas na bagay akong nabunggo dahilan para mapaupo ako.

Ouch! Ang sakit sa puwetan.

Hirap akong tumayo. Buti na lang at tinulungan ako nung nabunggo ko at..

'Shemay!'

Ilang segundo akong natulala bago ako umiwas ng tingin at binawi ang kamay ko kay Zild mindal. Bakit ang gwapo niya?

"Ahm.. sorry, hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." nahihiya kong sabi habang pinipilit na ngumiti.

Wag kang plastic Nam! Baka mahalata niya yung pagpipigil mo ng kilig.

"It's okay. Actually, I want to approach you dahil mukhang kanina ka pa may hinahanap. Gusto ko sanang tumulong if its okay to you." nakangiting saad niya na nagpapula ng pisnge ko. Gosh! I need air.

Hindi ako nakasagot dahil sa pagpipigil ko ng kilig. Nagulat ako ng ilahad niya ang kamay niya.

"By the way, I'm Zildjian Kenjo Mindal but you can call me Zild. 19 years old and a 3rd year marketing student." pagpapakilala niya. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagshake hands.

"Namshen Emerald Cristobal.17 and a 1st year marketing student too." pakilala ko.

"O, your a fresh men. Akala ko ay kasabayan ka lang namin." biro niya sakin.

"Haha. Hindi pala umubra yung pagiging baby face ko sa'yo." natatawang sabi ko na ikinatawa niya rin.

"What's with that hand?"

Nabigla ako ng biglang may umagaw ng kamay ko mula kay Zild. Si Oyan na wrong timing. Psh!

"O, Oyan! Nandiyan ka pala. Kanina pa kaya kita hinahanap." nagpipilit na ngiting sabi ko pero ang gusto ko talagang sabihin ay..

'Bakit dumating ka pa? Dapat nagtagal ka sa pinuntahan mo para mas matagal ko pang makausap si Zild mindal.'

"Talaga lang huh? Sa paghahanap mo sa akin mukhang iba ang nahanap mo." seryoso niyang sabi habang pinapasadahan ng taas kilay na tingin si zild.

"Nice to meet you mr. Salvador, the student council president." nakangiting saad ni zild pero hindi pinansin ni oyan at dali-dali akong hinila palabas ng basketball court.

Pagkalabas namin ay agad kong hinila ang kamay ko palayo sa kanya. Nakakainis.

"Ano bang problema mo huh?" naiinis kong tanong habang nakacross arm.

"I'm jealous." maikli niyang sagot na ikinairap ko sa kawalan.

"At bakit?" tanong ko.

"And why not? I'm your boyfriend ms. Cristobal, for your information." halata sa kanya yung pagkairita sa paraan niya ng pagsagot kaya hindi ko mapigilang mapangiti. He's really cute acting like that.

Mas lalong kumunot yung noo niya dahil sa inasta ko.

"Your so mean." saad niya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit?" maang-maangan kong tanong.

"Masyado mong tine-take advantage ang pagkahulog ko sayo para maghanap ng iba." seryoso niyang sabi na nagpanganga sa akin. Half truth yung sinabi niya. Yung take advantage lang ang tinama pero yung maghanap ng iba? He's too much for that.

"Enough. You're too much mr. President."

Nawala yung ngiti ko at sinabayan ang pagkunot ng noo niya. Pareho kaming nagsusukatan ng mga tingin pero agad akong umiwas. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Kahit kailan ay hindi ako nanalo dahil may something akong naaalala kaya napapaiwas ako.

"I have to go, may klase pa kami ni tintin." paalam ko saka iniwan siyang tulala.

I'm admiring zild mindal pero boyfriend ko na si Oyan.

At hindi ako playgirl para paglaruan ang feelings niya. I'm a pervert but I am not an idiot para paglaruan ang isang Rhoyanne prinz Salvador na walang ibang ginawa kundi magpaka-inosente at mahalin ako. Hindi ko siya mahal pero gusto ko siya hindi man kasing-laki ng pagkagusto ko kay zild pero mas masaya ako kapag kasama ko siya. I enjoy every moment that his with me, minsan naaagawan ng pagiging fangirl ko kay Zild pero I always assure that I have more time for my prince.

My Innocent prince. My Rhoyanne inosente.

**

"Bakla! Anong nangyari sayo? Bakit tulaley ka diyan?" si augustino este augustina castillo na bestfriend ko. He's a gay flirting the campus queen. Alam niya kasing patay na patay sa kanya kaya wala siyang magawa kundi makisabay.

"Wala 'to. Wag niyo na lang ako pansinin." saad ko habang nagsusulat ng notes dahil pasahan na namin ng lecture sa marketing. Tamad kasi ako.

"May problema kayo ni bebe oyan ano? Ayiee. Pabebe na naman si ateng." kiniliti naman ako ni Kristine Yu, bestfriend ko rin at isang blackbelter sa taekwondo.

Napatigil siya nang samaan ko siya ng tingin. Takot na lang ng nerd na ito sa akin.

"Hindi ka ba kakain? Breaktime na baka malipasan ka na naman ng gutom." nag-aalalang sabi ni augusto. Kahit bakla ito ay napaka-sweet nitong acting boyfriend sa campus queen namin.

"Ano ka ba! Hindi naman hahayaan ni bebe oyan na magutom ang mine niya." for the second time ay sinamaan ko na naman ng tingin si tintin.

Alam na alam kasi nila ang mga ginagawa ni oyan dahil sila ang katulong. Mga nasusuhulan.

"Sige nam, hayaan mo kapag dinalhan ako ni celine ng pagkain ay ibibigay ko na lang sayo." seryosong sabi ni augustino saka hinila si tintin palabas ng room na ikinailing ko.

Sigurado akong magsasabi na naman iyan kay oyan. Hayst.

AUGUSTINO

"Ayaw kumain ni namshen. Tinatamad siguro." kwento ko kay oyan habang nandito kami ni tintin sa student council office. Busy siya sa paggawa ng daily report ng mga aktibidad ng university wearing his eyeglasses that makes me turn on.

Bakla akong dyosa kaya wag na magtaka.

Pinasadahan ko ng tingin yung pawis niyang damit.

Gosh! Why so hot oppa? Ang swerte naman ni nam.

"What? Do I have a problem?" taas-kilay niyang tanong ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya. Agad akong umiling.

Hindi niya nga pala alam na bakla ako at walang may alam bukod kay tintin at nam.

Naglapag siya ng isang daan sa desk niya.

"Ibili niyo siya ng paborito niyang pagkain, and don't tell her na ako ang nagbigay." utos niya habang busy pa rin sa pagtitipa ng kung ano sa laptop.

Kinuha ko iyon at pinasadahan uli siya ng tingin. Ang perfect ng mukha, yung tangos ng ilong, yung pulang mga labi.

Argh! Kung babae lang ako, ako na manliligaw dito.

"August, tara na." pag-aya ni tintin bago ako sapilitang hinila palabas dahil ayaw kong maalis yung tingin kay fafa oyan.

"Paano yung sukli?" tanong ni tintin sabay pakita ng 60 pesos na sukli mula sa pagbili namin ng empanda at canned juice.

"Paghatian na lang, alam mo namang hindi kinukuha ni oyan yung mga sukli kapag inuutusan niya tayo." suhestiyon ko.

Pinaghatian namin yung pera saka bumalik ng room. Naabutan naming nagsusulat pa rin si nam pero may pagkain na siyang hawak kaya nagkatinginan kami ni tintin.

"Namshen, paano ka nagkaroon ng pagkain?" nagtatakang tanong ko habang tinuturo yung empanada at canned juice.

Ngumiti siya bago kumagat uli ng empanada.

"May nagpabigay lang sa akin pagkatapos niyong umalis, tingin ko nga ay si oyan dahil may sticky notes pa." nakangiting saad niya habang pinapakita yung sticky notes.

Kumunot yung noo ko.

"What the! Kakapunta nga-"

"Siguro nga si oyan iyan." putol ni tintin sa sasabihin ko kaya pinandilatan ko siya ng mata. Anong sinasabi nito?

Nagkibit-balikat siya at iniwas ang tingin sa akin.

"Kayo? Kumain na ba kayo? Mukhang badtrip ka augustino." natatawang saad ni nam na hindi ko na lang pinansin at umupo na sa block ko dahil hindi ko sila katabi.

Natural, pagkatapos naming mag-effort na pumunta kay fafa oyan para makakuha ng pagkain niya tapos biglang may ganito. Why so ganda namshen? Daming admirers.

NAMSHEN

Anong problema ni Augustina? Bakit nag-iba yung mood niya nung makita ang pagkain ko? What da! Wag niyo sabihing naiinggit siya dahil may oyan ako.

Geez. Pati ba naman si oyan? Pag-aawayan namin.

"Ano bang problema ni august?" tanong ko kay tintin na nagkibit-balikat lang. Maya-maya ay nagring yung phone niya kaya nagpaalam siyang lumabas sa prof. namin.

Bumalik siya ng nakangiti. Mukhang maganda yung pinag-usapan nila nung kausap niya.

"Nam, sabay tayong umuwi huh?" nakangiti pa rin siya. Tumango na lang ako dahil busy ako sa pagsusulat.

"Class dismiss." nagsilabasan na lahat ng classmate ko maliban sa aming tatlo nila augustina at tintin.

"Hindi ka ba susunduin ng girlfriend mo august?" natatawang saad ko dahil acting boyfriend-girlfriend sila ng campus queen na si Celine Goo.

Tinaasan niya ako ng kilay saka inirapan.

"Naiirita na nga ako sa babaeng iyon, ang sarap niyang-"

"Ano baby ko?" dahan-dahan niyang hinarap si celine na nakangiti sa kanya.

"Ahm. A-ang sarap mong halikan."

Hinarap niya kami ni tintin at umaktong nasusuka. Mukhang naniwala naman si celine dahil kinilig pa ang gaga.

Nagkatinginan kami ni tintin saka umiling-iling. Ang lakas ng karisma ng bakla.

"Sabay na tayong umuwi baby ko." malambing na sabi ni celine saka ikinulong sa kamay niya ang bisig ni august.

"Ah kasi, ihahatid ko pa yung mga kaibigan ko." palusot ni august saka binigyan kami ng makahulugang tingin. "Hindi ba? Walang maghahatid sa inyo." pinandilatan niya pa kami ni tintin.

Napairap ako sa kawalan saka hinawakan sa braso si tintin.

"Huwag ka nga augustino! Mas uunahin mo pa kami kaysa sa GIRLFRIEND mo. Parang hindi ka lalake a." nakangising saad ko na ikinaawang ng bibig niya.

"Huwag ka ng mag-aalala sa amin dahil susunduin naman si tintin ni ivan, sasabay na lang ako. Sige, Ingat kayo!" hinila ko na palayo si tintin dahil alam kong marami pang sasabihin si august.

Nang makarating kami sa may gate ay ilang beses akong napahinto dahil sa naamoy ko. Amoy strawberry kaya alam kong nandito siya.

Napatingin si tintin sa akin ng mapansin niya ang paghinto ko sa paglalakad.

"Bakit nam? May problema ba?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti ako ng pilit.

"Set up." bulong ko at maglalakad na palayo ng harangan ako ni tintin.

"Huwag kang umalis namshen, nakiusap lang naman sa akin si oyan na kung pwede kitang dalhin dito dahil alam niyang hindi mo siya sasabayan." paliwanag niya habang pinipigilan akong humakbang.

"Bakit mo naman sinunod? Alam mo namang may problema pa kami di ba?" naiinis kong tanong at hinawi siya para makalakad uli ako.

"Kaya nga, gusto ka niyang makausap para magkaayos kayo. Hindi niyo maaayos iyan kung ayaw mong makipag-usap." napahinto ako sa paglalakad saka siya hinarap.

"So sa tingin mo ay ako ang may problema?" seryosong tanong ko. Tumango siya na ikinairap ko sa kawalan.

Ilang minuto akong napaisip bago bumuntong-hininga.

"Sige, I'll talk to him." sumilay ang matamis na ngiti sa kanya saka ako hinila palapit sa gate kung nasaan si Oyan na may dalang bike.

Anong pakulo iyan?

"Mine." tawag niya sa akin pagkalapit ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi? Kanina pang 4 o'clock yung tapos ng klase niyo di ba? Pasado alas-siete na ng gabi." tanong ko kahit mukhang alam ko na ang dahilan.

"Hinintay kita. Hinintay ko ang pagtatapos ng klase niyo para maihatid kita." saad niya at pinakita yung dala niyang bike.

"Saan mo nakuha iyan? Junkshop?" sarcastic kong tanong.

Umiling siya at pinilit na ngumiti.

"Hindi, hiniram ko ito sa may-ari."

Napataas ang kaliwang kilay ko saka umirap sa kawalan. Ang galing.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng hablutin niya yung braso dahilan para lingunin ko siya.

"Galit ka pa." seryosong saad niya.

"Obvious ba? Ang galing mo naman manghula."

"Oo, pero hindi ako nanghula. Halata naman sa kinikilos mo."

"Alam mo naman pala, bakit tinatanong mo pa?" naiinis kong saad at lalagpasan sana siya kaya lang ay nahila niya uli ako.

"Hindi ko naman tinanong.. I'm just saying what I feel." bumaba siya ng bike saka hinawakan yung magkabilang balikat ko.

"Pati rin ba yung sinabi mo kanina, naramdaman mo rin ba iyon oyan?" seryoso kong tanong na ikinabuntong-hininga niya kaya napangisi ako.

"Tingin mo ba talaga na hahanap ako ng iba? Pakiramdam mo ba talaga na papalitan kita?" inalis ko yung hawak niya sa magkabilang balikat ko.

Tumango-tango ako saka pinilit ngumiti.

"Inaamin ko na gusto ko si zild mindal, he's my long time crush since high school pero hinahangaan ko lang siya. I'll just admiring him pero hindi ibig sabihin na papalitan kita. May mga bagay siya na nagustuhan ko pero may mga bagay sayo na minahal ko at patuloy kong mamahalin." hinawakan ko yung mga kamay niya saka pinisil iyon. "Sorry kung pakiramdam mo na binabalewala kita, pasensya ka na kung naipaparamdam ko sayong hindi ka mahalaga. Gusto kita oyan, hindi man katulad ng pagkagusto mo sa akin pero sinisigurado ko sayo na gusto kita." nakangiting sabi ko.

Binigyan niya ako ng matatamis na mga ngiti saka ako niyakap.

"Sorry mine, sorry kung nagdududa ako sayo." humihikbing saad niya.

Umiiyak na naman siya and this is the third time na umiyak siya sa harapan ko.

Una, ay yung binasted ko siya nung ikatlong buwan niya ng panliligaw sa akin. Ikalawa ay yung sinagot ko siya at ito yung ikatlo. Napaiyak ko na naman siya at ako na naman ang dahilan. Wala ng iba.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit at nararamdaman ko ang pagkabasa ng manggas ko.

"Sorry, sorry, sorry talaga mine." bulong niya habang hinahalikan yung buhok ko.

Sweet? Kadiri kaya. Hindi pa naman ako nagshapoo kanina dahil sa pagmamadali ko.

"Oyan, itigil mo nga iyan. Hindi ako nagshampoo." nahihiyang sabi ko habang pinipigilan siya.

Tumigil na siya sa paghalik sa buhok ko.

"Mahal kita namshen emerald cristobal, hindi na ako magdududa sayo." seryoso niyang sabi kaya napangiti ako.

"Asus! Siguraduhin mo lang rhoyanne prinz salvador, kundi maghahanap ako ng iba." biro ko saka kinuha yung bike.

"Tara na mine! Angkas kita." pag-aya ko saka sinimulang ipidal yung bike. Tumango lang siya at pinanood lang ako habang siya ay naglalakad.

End of this Chapter.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height