+ Add to Library
+ Add to Library

C3 Chapter 2

NAMSHEN

"We're here." masigla kong sabi habang nasa tapat ng bahay namin. Agad siyang tumakbo at hinihingal na lumapit sa akin. Ayaw niya kasi magbike at sinabayan na lang ako habang tumatakbo.

Kinuha niya na yung bike at hinalikan yung noo ko.

"Goodnight mine, take care as always. I love you." pagpapaalam niya at aalis na ng pigilan ko siya.

"G-gusto mo bang sabayan kami sa dinner? Magagalit si kuya sa akin kapag hindi kita niyaya." nagkakamot-ulong saad ko na ikinailing niya.

"Kung niyaya mo lang ako dahil inutos ni nemo at hindi mo gusto, salamat na lang." pagtanggi niya at magpipidal na ng bike ng pigilan ko uli siya.

"H-hindi kita niyaya dahil inutos niya, niyaya kita dahil gusto ko rin. Please." nagpuppy-eyes pa ako para mapilit siya.

Ilang segundo niya akong tiningnan bago tumango kaya nagtatalon ako sa tuwa. Hindi ako pagsasabihan ni kuya dahil nayaya ko siya mag-dinner.

Kuya nemo and Oyan are bestfriends and classmates. Pero ibang-iba si oyan kay kuya.

Paano ko nasabi? Masasagot kapag nakilala mo ang kuya ko.

Ipinasok niya yung bike at sinarado ko yung gate. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya papasok ng bahay.

"Ma? Pa? Kuya nemo? Nasan kayo?" tawag ko sa kanila dahil tahimik yung buong bahay. Kahit mga katulong namin ay wala.

"Mukhang wala sila dito." narinig kong sabi ni oyan na nakasunod sa akin.

"Hindi, imposible na walang tao dito dahil nakabukas yung television." tiningnan namin yung T.V na nakabukas at may mga popcorn sa lamesa.

Tsk! Mukhang ayoko ng alamin kung anong nangyayari.

"Ah oyan, mukhang wala sila mama dito kaya walang nagluto. Pwede mo ba akong ipagluto ng pagkain? Nagugutom na kasi ako." naka-pout kong sabi. Tumango siya at agad na tinungo yung kusina.

Kasalukuyan siyang naghihiwa ng gulay dahil magluluto siya ng chopsuey ng makarinig kami ng mga ungol.

Gosh! Sabi ko na nga ba.

"Ano iyon? Parang may umuungol?" saad niya habang hinahanap yung ingay.

Tumayo ako at pinigilan siya.

"Ipagpatuloy mo na lang yung niluluto mo."

Hindi niya ako pinakinggan at hinawakan ng mahigpit yung kutsilyo.

Hala!

Wala akong nagawa kundi sundan siya habang paakyat ng hagdan papunta sa second floor. Habang paakyat kami ay mas lalong lumalakas yung mga ungol.

Nakarating kami sa tapat ng kwarto ni kuya nemo na may signage na 'don't disturb, we are just working.' kaya napapikit ako at ilang beses napamura.

Punyet* ka kuya nemo!

Dahan-dahan niyang binuksan yung pintuan kung saan nanggagaling yung mga ungol at hindi na ako nagulat ng makita si kuya nemo na may kasiping na babae. Hayst.

Puro ungol ang maririnig sa buong kwarto na mukhang sarap na sarap. Nakaramdam ako ng pag-iinit sa katawan habang pinapanood sila kaya napatingin ako kay oyan na walang reaksyon at mukhang walang alam sa mga nangyayari. Seryoso? Ni pagpawisan ay hindi ko nakita sa kanya. Hindi kagaya ko na kanina pa nagpupunas dahil pinagpapawisan na kahit mga kamay ko.

Napapitlag ako ng mahulog ni oyan yung hawak niyang kutsilyo dahilan para matigil yung dalawa sa ginagawa nila.

"F*ck!" gulat na mura ni kuya nemo kaya naitulak niya ng malakas yung babae. Nahulog tuloy sa sahig.

"Ano bang problema nemo? Im not yet c*mming." malanding saad nung babae habang yakap yung braso ni kuya. Parang hindi kami napansin. Tsk!

"I don't care. Change your clothes and then leave." malamig na tugon ni kuya. Wow.

"But hindi pa ako nilalabasan, nage-enjoy pa nga lang ako." malandi pa ring saad nito kaya napataas ang kilay ko.

"I don't really care. Just leave b*tch." malamig na tugon ni kuya kaya mabilis na nagbihis sa harapan namin yung babae. Agad kong tinalikod si oyan na tulala pa rin.

Pagkatapos niyang magbihis ay padabog siyang lumabas ng kwarto.

"O, Oyan my friend! Nandito ka pala." akmang lalapitan niya si oyan ng pulutin ko yung kutsilyo at itutok iyon sa kanya.

"Don't you dare to touch him f*ckboy." naiinis kong sabi. Nawala yung ngiti niya sa mukha at napalitan ng pagiging seryoso.

"Wag mo ngang itutok sa akin perv-ayy! wag mo sabing itutok!" natatakot niyang sabi. Itutuloy mo pa.

"Hindi ba sabi nila mama at papa, huwag daw gawing motel itong bahay!" naiinis ko pa ring saad habang palapit ng palapit sa kanya. "Hindi nga kita sinusumbong kahit inaaraw-araw mo na yung pagdadala ng kinakama mo dito pero sobra ka na."

Paatras siya ng paatras habang palapit ako.

"Sa kwarto ko lang naman sila dinadala lil'sis, ibaba mo na iyan." pilit na ngiti pero halatang takot pa rin siya.

"Kwarto? Wow. Say hi sa popcorn sa sala at sa t.v na nakabukas." sarcastic kong sabi. May sinesenyas si kuya sa likuran ko.

"Mine.." nilingon ko si oyan na nasa likod ko. Napanganga ako ng biglang tumakbo si kuya papasok ng comfort room sa kwarto niya. Argh!

Pinilit kong buksan yung doorknob at sipain yung pinto pero ako lang ang nasaktan sa ginawa ko. Hayst. Punyet*ng nemo!

"Neil morisson llyich cristobal! Open the door!" sigaw ko habang kinakatok yung pintuan pero hindi siya nagresponse.

"Argh! Humanda ka kapag nabuksan ko ito, puputulan talaga kita!" sigaw ko.

Napatigil ako ng marinig ang pagtawa ni oyan.

Tinaasan ko siya ng kilay at napacross arm kaya napatigil siya.

"Ikaw, ikaw ang dahilan kung bakit nakatakas si kuya." nakangising sabi ko habang dahan-dahan siyang nilalapitan. May naisip akong kalibugan sa utak ko.

Ilang beses siyang napalunok.

"Hindi ko naman alam na tatakas siya." paliwanag niya.

"Pero pinatakas mo pa rin." bulong ko sa kanya. "Alam mo bang pinaparusahan ko ang gumugulo sa ginagawa ko."

Bago pa siya makapagsalita ay itinulak ko na siya sa kama at agad na dumagan sa kanya.

"A-anong gagawin mo?" kalmado pero halatang kinakabahan siya.

Inihagis ko palayo yung kutsilyo.

"Maglalaro tayo. Yung mage-enjoy tayong dalawa." nakangising sabi ko.

Bago pa siya magsalita ay hinalikan ko na siya. Tulad ng inaasahan ay hindi siya sumusunod.

Tumigil ako at tinitigan siya na nakatingin lang sa akin.

"Sumunod ka naman mine, please." nagpuppy eyes na naman ako para umubra.

Ilang segundo siyang natahimik bago tumango.

"Susubukan ko."

Ginanahan naman ako sa sinabi niya kaya hahalikan ko uli siya.

"Huwag daw gawing MOTEL yung bahay. Look who's talking?" sarcastic niyang sabi kaya agad ko siyang nilingon.

Hawak niya yung cellphone niya at mukhang kinuhaan kami ng litrato. Shit!

Agad akong umalis sa pagkakapatong ko kay oyan at hinabol si kuya na tumakbo pababa ng first floor.

"Burahin mo iyan Neil morisson cristobal!!" sigaw ko habang hinahabol siya. Akmang hahagisan ko siya ng flower vase.

"Itigil mo iyan namshen emerald cristobal!!" napahinto ako dahil sa narinig kong boses ni papa kasama si mama.

Napairap ako sa kawalan nang makita ang nakangising mukha ni kuya nemo.

***

"Ma, asan si oyan?" tanong ko kay mama na nakaupo sa kama ko. Si kuya naman ay nakasandal sa may pinto at mukhang inaabangan na pagalitan ako.

Kanina pa ako hindi mapakali kaya paikot-ikot ako habang kagat yung kuko ko.

"Nasa mini library sila anak, kausap ng papa mo." sagot ni mama habang sinusundan ang kilos ko.

"Lagot. Mukhang hindi makakalabas ng buhay si oyan." biro ni kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nemo epal.

Hindi siya natinag at nag-f*ck you sign pa kaya susugurin ko dapat siya ng hilahin ako ni mama at iharap sa kanya.

"Bakit mo ba ginawa sa kwarto ng kuya mo iyon namshen?!" galit niyang sigaw sa akin kaya napatingin ako kay kuya na nagpipigil ng tawa.

"Ah kasi ma.." hindi ko alam ang sasabihin. Wala akong maisip na isasagot. Narinig ko ang mga hakbang ni kuya paalis ng kwarto ko.

Nagulat ako ng ngumiti si mama at kinurot ako sa tagiliran.

"Pwede namang sa kwarto mo di ba?" nakangiting bulong niya sa akin na ikinangiti ko.

"Mama." tawag ko habang nakanguso. Supportive na nanay.

Hinila niya ako paupo sa kama at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Hindi naman masama kung ibibigay mo ang sarili mo sa isang tao, ang masama ay yung hindi mo siya mahal at alam mong hindi rin pagmamahal ang nararamdaman niya sayo. Kahit dalaga ka na ay matuto ka pa rin sumunod sa mga gusto namin ng papa mo lalo na't para sa kapakanan mo rin iyon." pangaral ni mama kaya naiyak ako at niyakap siya.

Ang bait talaga ng mama ko.

Pababa na ako ng hagdan para puntahan si oyan sa mini library ng makarinig ako ng ingay galing doon. Dali-dali akong tumakbo pababa at pagbukas ko ng pintuan sa mini library ay nadatnan ko si oyan na nakahiga habang hawak yung noo niyang dumudugo samantalang si papa ay nakatayo at nakatingin lang sa kanya.

"Gosh, oyan!" agad ko siyang nilapitan at tiningnan ang kalagayan niya. "Mine, ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

Tumango siya pero halata sa kanya ang pagkahilo habang itinatayo ko siya. Lalapit sana si papa sa amin ng magsalita ako.

"Alam kong ikaw ang may kasalanan nito pero huwag mo ng aminin dahil alam ko naman na babaliktarin mo yung pangyayari." seryoso kong sabi at tinulungan makalabas si oyan.

Hindi na kailangang sabihin. Halata naman na hindi kami close ni papa dahil ang paborito niyang anak ay si kuya. Matagal ng malayo ang loob ko sa papa ko dahil ayaw niyang magkaanak na babae at tingin niya sa akin ay malaking problema. Lagi niya akong pinapahiya sa lahat kahit nung bata pa ako.

"Aray!" daing niya habang inilalayo yung ulo sa akin. Ginagamot ko kasi yung sugat niya.

"Sorry. Hayaan mo, hihipan ko na lang kapag pinunasan ko uli." hinawakan ko yung ulo niya habang pinupunasan ng bulak na may alcohol. Napapikit siya dahil sa hapdi pero nawala iyon ng simulan kong hipan yung sugat niya. Ramdam ko yung pagtitig niya sa akin pero pinilit kong kumalma at hindi pansinin.

"Masakit pa ba?" tanong ko pero hindi siya sumagot. "Sabihin mo lang kapag masakit pa." dagdag ko.

Ilang minuto ko siyang ginamot hanggang sa matapos ako.

"Ayan, tapos na." nakangiting sabi ko ng malagyan ng band aid yung sugat niya sa noo. "Diyan ka lang, ibabalik ko lang yung first aid kit."

Aalis na sana ako ng hawakan niya yung mga kamay ko kaya napaupo uli ako.

"Bakit? May masakit pa ba?" nakangiting tanong ko.

"Say sorry." saad niya.

"Huh? Say sorry kanino?" nagtatakang tanong ko.

"To your dad, its not his fault kung bakit ako nagkaganito." napailing ako.

"No, alam kong pinagtatanggol mo lang siya." ani ko.

"Mine, hindi ko siya pinagtatanggol. Ako talaga yung may kasalanan, nahilo ako kaya natalisod ako sa lamesa." seryoso niyang sabi. Napailing uli ako.

"No. Ayoko. Niloloko mo lang ako." matigas kong sabi.

Hinawakan niya ng mahigpit yung mga kamay ko at mataman akong tiningnan.

"Ayaw mo o hindi mo kaya?" napaisip ako sa tanong niya saka umiwas ng tingin. Tumayo ako at kinuha yung first aid kit.

"Basta, ayaw ko." maikli kong tugon at aalis na ng hawakan niya yung braso ko.

"Mine please.. Say sorry to your dad." malambing niyang sabi. Napapikit ako saka umupo uli. Tiningnan ko siya.

"Hindi ko kaya, huwag mo akong pilitin oyan." seryoso kong sabi. Hinawakan niya yung kamay ko saka ngumiti.

"Alam ko pero dapat kayanin mo para sa akin." saad niya. Napakagat-labi ako at tumango.

"I'll try." saad ko. Nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Thank you." malambing niyang sabi na nagpangiti sa akin.

How supportive boyfriend?

"Oyan." tawag ko sa kanya. Lumuwag yung yakap niya sa akin at tinitigan ako.

"Why mine?"

Napangiti ako at hinawakan yung magkabilang pisnge niya.

"Bakit mo ba ako nagustuhan? Ang dami namang babae na mas maganda,mas mabait at higit na mas maipagmamalaki kaysa sa akin. Bakit ako oyan?" hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon. Curiousity kills me.

Magkatitigan kami pero as usual, umiiwas pa rin ako at siya ang naghahabol ng tingin.

"Sa totoo lang, hindi ko alam."

Kumunot yung noo ko sa isinagot niya.

"H-hindi mo alam? Ano ito lokohan?" medyo naguguluhan kong tanong. Ginagago yata ako nito.

Medyo natawa pa siya na nagpainit ng ulo ko.

"Hindi kita niloloko, hindi ko talaga alam." hinawakan niya yung mga kamay ko na nakahawak sa pisnge niya. "Basta bigla ko na lang naramdaman na magiging masaya ako kapag nakasama ko ang babaeng kaharap ko ngayon. Kahit simpleng ngiti mo, parang kumpleto na yung araw ko. Sa paghawak ko sayo, parang natatanggal lahat ng pagod at nawawala yung mga problema ko. I just feel contented sa mga bagay na meron ako kahit ikaw na lang iyon." nawala yung init ng ulo ko.

Bakit ganito? Bakit ganito siya? Bakit pinaparamdam niya sa akin na dapat ko siyang mahalin? Bakit pinapahirapan mo ako oyan?

Namalayan ko na lang na naluluha ako kaya niyakap ko na lang siya.

"Thank you, thank you for being my innocent boyfriend." naluluha kong sabi.

Naramdaman ko ang paghagod niya ng likod ko. Bakit ganito ako kadrama? Naiinis ako sa sarili ko sa totoo lang.

Unti-unting nawawala yung namshen emerald cristobal na badgirl at pervert dahil sa lalakeng kayakap ko ngayon. Ayoko ng feeling na ito. Ayoko.

"No PDA." napaluwag yung yakap ko kay oyan ng marinig ko ang boses ni papa. Tiningnan namin siya ni oyan. Kasama niya pala yung kuya kong fuckboy.

"No PDA daw namshen sabi ni papa." nilapitan kami ni kuya nemo at inakbayan si oyan. "Kaya layuan mo ang bestfriend ko." saad niya sa akin at inilayo si oyan. Siraulo.

"Tsk. Wag ka nga f*ckboy! Ikaw ang dapat na lumayo sa kanya INNOS*X." naiinis kong sabi at hahawakan sana si oyan pero inilayo siya ni kuya at umupo sa tabi ko. Tsk! Kaasar!

"Wow! Look who's talking per--" hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil pinasakan ko ng bulak yung bibig niya. Hakhak.

"Gutom lang iyan f*ckboy." kinuha ko si oyan at hinila papunta sa kusina. "Ikain mo na lang iyan pagiging tigang mo." dagdag ko.

**

"Sino nagluto ng chopsuey?" interesadong tanong ni mama. Napatigil ako sa pagkain at tiningnan si oyan.

"Si oyan po ma, bakit? Hindi ba masarap?" nagtataka kong tanong at ipinagpatuloy ang pagkain.

Umiling si mama at ngumiti saka tiningnan si oyan.

"Ang sarap mong magluto hijo, pwede ka ng mag-asawa." biro ni mama kaya nabulunan ako.

Inabutan ako ni oyan ng tubig at nilagok ko iyon ng mabilis. Napansin kong napatingin sila sa akin.

"Bakit? May problema ba?"

Natawa si kuya.

"Ang ganda ng biro ni mama, natamaan ka."

Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Masyado kasing mabilis yung sinasabi ni mama, 3rd year college pa lang si oyan tapos magsasalita kayo ng ganiyan." pagtatanggol ko sa sarili ko este kay oyan.

"Biro lang naman iyon namshen."

"Tsk. Hindi nakakatuwa yung biro niyo mama." nakanguso kong sabi at pinagpatuloy na yung pagkain.

"Asawa. Asawa. Hindi pa nga nakakapagtapos ng pag-aaral." bulong ko habang kumakain.

**

"Paano yung bike?" tanong ko kay oyan habang palabas kami ng gate. "Hindi mo dadalhin?" dagdag ko.

Ngumiti siya saka umiling.

"Hindi ko madadala iyan."

"Bakit?"

"Hindi ako marunong mag-bike." napanganga ako sa sinabi niya.

"Weh? Hindi nga?"

Tumango siya at nilapitan ako.

"Oo, hindi talaga ako marunong."

"Paano mo ito nadala sa university?"

"Binitbit ko lang."

Natawa ako saka umiling-iling.

"Sira ka! Nagpakahirap ka pang dalhin ito."

"Ayos lang, alam ko naman na paborito mo iyan." hinawakan niya yung kamay ko saka ngumiti. "Mahal kita."

"Alam ko." niyakap ko yung mga braso ko sa leeg niya saka hinalikan ang matangos niyang ilong. "Umuwi ka na nga baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo."

Ngumiti siya at tumango.

"Mahal kita. Good night and sweet dreams." then he kissed my forehead saka umalis at iniwan akong tulala.

Hinintay ko siyang makaalis bago ko isara yung gate.

Papasok na ako ng pintuan ng mapaatras ako dahil sa gulat. May nakaharang na epal.

"Anong trip mo at naisipan mong humarang diyan?" maldita kong tanong sa kanya.

"Nagpapahangin. Pakielam mo ba?" napairap ako at naglakad na papasok ng iharang niya yung paa niya.

Mataray ko siyang tiningnan.

"Tabi." utos ko pero ngumisi lang siya.

"Ayoko nga." walang gana niyang sabi.

Napatingin ako sa ibang lugar saka napakagat ng ibabang labi.

"Ano bang trip mo? Umalis ka nga diyan f*ckboy!" naiirita kong sigaw pero tinawanan niya lang ako. Punyet*.

"Sinusubukan mo ba ako huh?" matapang kong tanong. Hindi siya sumagot at dahil sa sobrang inis ko ay tinapakan ko yung tuhod niya at tinalon yung isang paa ko.

Napadaing siya dahil sa sakit pero tinawanan ko lang siya.

"Huwag mo akong pagtritripan f*ckboy." nakangising saad ko at tinulak siya palabas sabay lock ng pinto.

"Buksan mo ito namshen!" kumakatok niyang sabi pero hinayaan ko na lang siya. Bahala ka diyan!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height