+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Chapter 3

NAMSHEN

"Bakit doon ka sa garden natulog Neil?" tanong ni papa kay kuya habang kumakain kami.

"Si Namshen kasi, sinaraduhan ako ng pinto. Tinapakan niya rin yung tuhod ko." sumbong niya saka ako sinamaan ng tingin. Inirapan ko lang siya.

Ako naman ang tiningnan ni papa.

"Kahit kailan talaga, napakasama ng ugali mo." seryoso niyang sabi saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Mukhang hindi naman sinasadya nung anak mo, huwag mo na siyang pagalitan." saway ni mama kay papa.

Yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ayokong makita nilang naiiyak ako.

OYAN

"Anong nangyari sayo? Bakit ganiyan ka maglakad?" tanong ko kay nemo na iika-ikang lumapit sa akin. "Ganiyan ba ang epekto sayo kapag natitigang ka?" biro ko kahit hindi ko alam yung salitang 'tigang'. I just heared it from namshen.

Inakbayan niya ako at sinuntok ng mahina sa braso.

"G*g*! Kasalanan ito ng demonyita mong girlfriend." naiinis niyang sabi na ikinakunot ng noo ko.

"Don't call her like that." pigil ko sa kanya.

"Tell me, what happened?" dagdag ko.

Kinuwento niya yung nangyari nung nakaraang gabi pagkatapos ko na umalis sa bahay nila. Napailing na lang ako na ikinagulat niya.

"What's with that reaction?" nagtatakang tanong niya.

"Parang hindi mo kilala ang kapatid mo, namshen is namshen. Hindi niya kailangang baguhin ang sarili niya para sa akin." seryosong sabi ko na ikinanganga niya.

"Bro, umayos ka nga. Kaibigan mo ako at ako ang naagrabyado dito. Bakit ba ganiyan na lang ang pagtrato mo sa demonyita kong kapatid? Alam nating dalawa, oh let me rephrase it. Natin lahat kung gaano kamaldita ang kapatid ko. Kahit mahal ko yung kapatid kong iyon, takot din naman akong mamatay kaya tingin ko ay kailangan mong hilingin na magbago siya para sayo." mahabang paliwanag niya na parang may ipinaglalaban. Natawa ako. Talagang dinamay pa ako.

"Nemo, alam mong hindi ko magagawa iyan. Tanggap ko naman kung gaano kamaldita ang kapatid mo at ayaw kong baguhin iyon." pagtanggi ko sa pinapagawa niya na ikinainis niya.

"Hindi mo kaya o alam mong hindi niya gagawin kahit ikaw ang nakiusap?" sarcastic niyang tanong na nagpatahimik sa akin.

I know. Alam kong hindi niya ako susundin dahil hindi naman niya ako mahal.

Napangisi si nemo at naglakad palayo kahit iika-ika siyang maglakad.

Pumunta ako sa Student Council Office at wala akong nadatnan sa pagpasok ko. Tanging mga papeles about sa mga daily activities, mga report at mga listahan ng mga pasaway na estudyante.

Kinuha ko yung mga listahan at hindi na ako nagtaka ng makita ko sa unahan ang pangalan ni nam. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nasakop na ng pangalan niya ang buong listahan dahil sa dami ng nakaaway at sinuway niya na mga batas ng unibersidad.

Pagpitas ng mga bulaklak, pagtulog sa damuhan, pag-cutting classes at pakikipag-away. Iilan pa lang iyan sa mga nilabag niya.

Pero ang hindi ko makakalimutan ay yung pagnanakaw..

Pagnanakaw niya ng puso ko. Namalayan ko na lang na natatawa ako.

Ang corny ko talaga.

Nakakabakla ka namshen.

Kinikilig ako.

Meron pa pala, yung pagtulak sa akin kaya nahulog ako sa kanya ng hindi ko inaasahan. Why so corny Rhoyanne prinz salvador?

Dahil sa sobrang kakiligan ko ay napangiti naman ako at naihampas yung listahan sa lamesa. I am deeply inlove to you ms. Bad girl.

"Mr. President, anong ginagawa mo?" napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ang boses ni Aira villanueva, the student council sargent at arams. Napalitan ng seryosong mukha yung itsura ko at hinarap siya na parang walang nangyari.

"M-may nakita kasi akong ipis sa desk ko kaya hinampas ko gamit itong listahan." palusot ko at pinilit ngumiti.

Tumango siya at umupo sa desk niya.

"Ganon? Sa pagkakaalam ko ay kakalagay lang ng insectiside dito kaya parang imposible naman yung sinasabi mo." halata sa mukha niyang hindi siya naniniwala kaya tumango na lang ako.

"Baka namalik-mata lang ako." saad ko at umupo na sa swivel chair. "Panira naman." bulong ko.

Hindi ko maiwasang tingnan yung listahan at mabasa ang pangalan ni nam kaya nagpipigil ako ng ngiti.

NAMSHEN

Naglalakad ako sa hallway papunta sa student council office ng may makakuha ng atensyon ko. Pumunta ako sa gilid at sinilip sila.

"Yung assignment ko? Nagawa mo na ba?" si ivhan reyes, boyfriend ni tintin.

Tumango si tintin at may kinuha sa sling bag niya. Isang binder sabay abot kay ivhan.

"Oo, tinapos ko kanina bago ako pumasok." nakangiting saad niya habang pumipikit at humihikab. "Hindi ako nakapag-breakfast dahil pinagmadali mo ako. Pwede mo ba akong sabayan kumain?" dagdag niya at pinakita ang lunch box.

Napakamot ng noo si ivhan na ikinakunot ng noo ko.

"Ah kasi.. may practice pa kami ngayon ng basketball kaya hindi muna kita masasamahan. Sa susunod na lang." pagtanggi ni ivhan na ikinalungkot ni tintin.

"Ayos lang, magkita na lang tayo mamayang uwian." pilit na ngiting sabi niya na ikinairap ko. Tss.

"Sige, i-try ko. Mauna na ako, Kris, magsisimula na yung practice namin." paalam niya. Magsasalita pa sana si tintin ng tumakbo na palayo si ivhan.

Napailing ako.

Kaya ayokong mainlove, e.

Ayokong magpakatanga dahil sa pagkalunod sa pagmamahal na iyan.

"Tsk. Bakit ang daming nagpapakatanga sa pag-ibig na iyan?" bulong ko habang pinapanood si tintin na pinipilit ngumiti habang tinitingnan yung dinaanan ni ivhan. Naisip niya rin siguro na hindi naman papunta sa basketball court yung dinaanan nung manloloko niyang boyfriend.

"Masasagot mo iyan kapag nagmahal ka na." nilingon ko si kuya nemo na nasa likod ko pala. Tinaasan ko siya ng kilay saka dinaanan na parang di kilala.

"Hey badgirl." napahinto ako sa paglalakad dahil sa pagtawag niya sa akin. Napakuyom ang mga kamao ko. I really hate the way they call me like that. Bakit ba nila pinapaalala? Alam ko naman kung sino ako.

"Hindi mo alam kung paano magpakatanga dahil hindi ka pa nagmamahal." naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. "Do you know, what does it mean? You don't love him and you'll never be inlove with him." dagdag niya na ikinainit ng ulo ko kaya hinarap ko siya.

"Ano ba talagang hinithit mo kagabi? Mukhang malakas ang tama mo sa utak f*ckboy." natatawang sabi ko na ikinailing niya.

"You changed the topic. Halata na totoo lahat ng sinabi ko." asar niya.

"No, hindi totoo iyon." pagtanggi ko.

"So, mahal mo siya?"

Natahimik ako at napaisip sa tanong niya. Argh! I hate this d*mn question.

Napangisi siya at ginulo yung buhok ko.

"You're not to good at lying lil'sis. Don't do anything na ikapapahamak mo dahil madadamay pati ang pangalan ni oyan." then he left me stiffened.

Pinanood ko lang yung paghakbang niya na iika-ika saka napabuntong-hininga.

"Im not too good at lying pero bakit ako hindi sumagot?" silence means yes.

Nanlaki ang mata ko at ipinilig ang ulo ko. No, im not inlove with him. Namshen emerald cristobal will never fall to anyone. A badgirl doesn't like to fall to others.

"Namshen." nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Hinarap ko siya at nginitian.

"Tintin, nandiyan ka pala." bati ko.

Ngumiti siya na alam kong peke.

"Nagkita kami ni ivhan."

"Ah okay. Malapit na magsimula yung first sub kaya pumasok ka na." maglalakad na sana ako palayo ng may maalala ako. "Tintin.." tawag ko.

"Bakit?"

"Hindi pa ako kumakain ng breakfast, pwede mo ba akong sabayan?" pag-aaya ko. Medyo nagulat siya dahil hindi naman ako mahilig magyaya. Tumango siya at nginitian ako.

"Sige, hindi rin kasi ako nakapag-breakfast." saad niya at hinawakan yung tiyan.

Ngumiti ako ng pilit at inunahan na siya sa paglakad. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya. Hayst. Paano ako kakain kung busog ako?

**

Umiling ako.

"Busog kasi ako dahil kumain ako sa bahay." medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Busog ka na pala. Kung ganoon, bakit mo ako niyayang kumain?" nakangiting tanong niya.

"Wala, trip ko lang pumunta sa cafeteria." palusot ko. Ayaw kong isipin niya na nakita ko sila nung ivhan na iyon.

"Ikaw talaga nam, hindi ka magaling magsinungaling." saad niya.

Kahit hindi ko naintindihan ang sinasabi niya ay tumango na lang ako at kumagat ng empanada.

"Ang sarap naman niyan." puna ko sa pagkain niya. Tempura.

"Niluto namin ni mama para hindi masayang yung hipon na inuwi ni papa." paliwanag niya at inalok ako pero tinanggihan ko.

"Sira ka ba? Nakalimutan mo na bang allergy ako sa hipon?" hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatawa niya.

"Sorry, nakalimutan ko." nahihiyang sabi niya na ikinatawa ko.

"Apat na taon na tayong magkaibigan pero kinalimutan mo kung saan ako allergy." napanguso ako.

"Hindi ko naman sinasadya, nawala lang sa isip ko." paliwanag niya at kumain na ng tempura. Kumain na din ako kahit hindi ako gutom.

"Look who's here?" napatigil kami sa pagkain ng marinig ang boses niya. The campus brat, sydney esguerra together with her alipores.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Ang campus badgirl namshen emerald LEECH cristobal." napakagat ako ng labi ng marinig kong binago niya yung middle initial ko. Its LLYICH. not leech.

Strike 1

Kinuha niya yung pagkain ni tintin at tinapon iyon.

"Oh sorry, I didn't mean it." napakuyom yung kamao ko pero pinigilan ako ni tintin.

Strike 2

Hahayaan ko na sana pero kinuha niya yung juice ko at tinapon kay Tintin.

STRIKE 3

This is it!

"Hindi talaga ako naniniwala sa kasabihang walang taong b*b*, t*ng* lang." tumayo ako at hinarap siya. "Mula nung makilala kita. Ang pinakabobo kong nakilala, ms. Sydney IDIOT Esguerra." dagdag ko. Sinadya kong idiot iyon dahil katunog ng surname niya na 'elliot'.

Halata sa mukha niya yung inis. Mas masakit naman masabihan na walang utak kaysa linta.

"How dare you to change my middle name? Hindi mo ba alam na pangalan ng may-ari ng university ang sinisira mo?!" naiinis niyang sigaw sa akin. Medyo nilayo ko naman yung mukha ko at winagayway yung kamay ko na parang ayaw makaamoy ng mabaho.

"O, nakalimutan ko. Ikaw nga pala ang apo ng may-ari ng University na 'to. Si mr. Anastacio Elliot. Tama ba ako?" sambit ko at napairap sa kawalan.

"Buti naman at alam mo dahil kapag inulit mo iyan ay--Ahh! Yuck!" napapikit siya dahil ikiniskis ko sa mukha niya yung kinakain kong empanada. Mandiri ka spoiled brat.

Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya ay kinuha ko si tintin na basang-basa at hinila palabas pero hinila ako nung isa sa mga alipores ni sydney at hinawakan ako sa magkabilang braso. Nilapitan niya ako habang pinupunasan yung madumi niyang mukha.

"Akala mo ba ay papalampasin ko na lang yung ginawa mo? Hindi porket girlfriend ka ng student council president ay hahayaan na kita." halata sa mukha niya yung galit. "Malandi kang higad ka! Bakit ikaw pa ang nagustuhan ni rhoyanne? Hindi ka naman maganda." dagdag niya habang umiikot sa harapan ko.

Yung mga tao naman sa cafeteria ay nanonood lang dahil wala silang magagawa. Hindi nila kayang kalabanin ang apo ng may-ari.

"May utak kasi akong gumagana. Hindi katulad mo." nakangising sagot ko. Nainis siya kaya sinampal niya ako na nagpagising sa buong sistema ko.

"May utak? Wag ka nga magpatawa." hinawakan niya yung baba ko. "Bumagsak ka sa major sub at special project lang ang dahilan kaya ka pumasa and then you're talking about using your brain? Are you kidding me?" dagdag niya kaya napangisi ako.

"For your information, cutting classes lang at mga hindi nagawang activities ang dahilan ng pagkabagsak ko. Check my exam baka hangaan mo pa ako." proud kong sabi. "Grade is just a number, but your knowledge is your treasure at alam kong wala kang knowledge puro matataas na grade lang ang ipagmamayabang mo." dagdag ko na ikinainis uli niya at sinampal na naman ako but this time ay namanhid yung pisnge ko. Mukhang namula. Hayst.

"Subukan mong ulitin yung ginawa mo, sisiguraduhin kong tatakbo ka sa lolo mo." nakangising sabi ko. Hindi siya nagdalawang-isip na sampalin ako.

"Ano? Paano mo ako magagantihan?" natatawang saad niya.

Dahil sa sobrang inis ko ay tinapakan ko yung mga paa nung mga nakahawak sa akin kaya nabitawan nila ako. Gulat na gulat si sydney kaya napaatras siya at tumakbo na palayo.

Sinundan ko siya hanggang sa makapasok siya sa dean's office. Pinasok ko iyon at nadatnan si sydney na kinakausap yung dean. Mukhang nagsusumbong.

"Iyan lolo! That girl ruined my middle name, your surname lolo. Dapat parusahan mo siya." sumbong ni sydney habang tinuturo ako. Tumingin sa akin yung dean at pinaupo ako pero tumanggi ako.

"Papakinggan ko ang explanation mo Miss Cristobal." saad nung dean.

Ngumiti ako at umiling-iling.

"Hindi ko na kailangan sir dean, alam ko namang ako pa rin ang mapapasama at dahil mapaparusahan din naman ako ay gusto kong lubos-lubusin na." nakangising sabi ko at hinila si sydney sabay sampal at sabunot sa kanya.

"Ang kapal ng mukha mong bratinelang hilaw ka! Hindi ako papayag na maparusahan ako ng hindi kita nababawian." gigil kong sabi habang sinasampal siya ng kabilaan. Triggered ako ngayon.

Hindi siya makalaban dahil napahiga ko siya at pumatong ako saka siya pinagsasampal. Walang magawa yung dean kundi panoorin na lang kami. Wala siyang magagawa para mapatigil ako.

"Namshen." napahinto ako sa pagsampal ng marinig ko ang boses ni oyan. Napapikit ako at dahan-dahan siyang nilingon.

"Oyan." nakangiwi kong tawag sa kanya.

Lumapit siya at hinila ako patayo. Tumingin siya sa dean at yumuko.

"Sorry mr. Elliot, ako na po ang humihingi ng dispensa sa ginawa ng girlfriend ko sa apo niyo." paghingi niya ng tawad. Nakatitig lang ako sa kanya habang paulit-ulit siyang yumuyuko.

Anong ginagawa niya?

Tumayo yung dean at tinulungan si sydney na makatayo. Nakahawak siya sa magkabilang pisnge niya na parehong namumula.

Tss. Serves you right idiot.

"I understand mr. Salvador, alam ko na si sydney ang nauna kaya tanggap ko ang paghingi mo ng tawad." bumuntong hininga siya at pinasadahan ako ng tingin. "Pero hindi ko mapapalagpas ang ginawa niyang eskandalo sa office ko. You should give her a punishment for what she did." dagdag niya na ikinangiting malademonyo nung bratinela niyang apo.

Hindi sumagot si oyan at hinila na ako palabas ng dean's office.

Nahiya ako for the first time.

Nang makalayo kami ay humarap siya sa akin at nagcross arm. Ito yung ayokong itsura niya dahil acting president na naman siya.

Tinitigan niya lang ako habang ako ay umiiwas ng tingin.

"Don't stare me like that. Mukha akong may malaking kasalanan." naiilang na sabi ko. "Bakit mo ginawa iyon? Bakit ka humingi ng tawad sa mag-apong hilaw?" dagdag ko.

"Para hindi ka niya parusahan, alam kong hindi niya hahayaan na matahimik ang buhay mo kapag hindi ko ginawa iyon." sagot niya. Natawa ako ng pilit.

"Wala ka naman napala di ba? Paparusahan pa rin naman ako kahit gawin mo iyon kaya dapat hindi mo na ginawa." naiiyak kong sabi.

Hindi ako umiiyak dahil mapaparusahan ako, naiiyak ako dahil napahiya ako. First time na may nag-sorry na iba para sa akin at hindi iyon matanggap ng pride ko dahil hindi naman ako nagso-sorry.

"Huwag mo muna akong kausapin oyan, pakisabi na lang kapag naisip mo na yung ipaparusa mo." naiiyak pa rin sabi ko at naglakad na palayo. Ayokong makita ng kahit na sino na umiiyak ako.

#BHI

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height