+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Chapter 4

AUGUST

"Ayos lang kayo? Wala bang masakit sa inyo?" tanong ko sa dalawang bestfriend ko.

Basang-basa si tintin at namumula naman ang pisnge ni nam tapos gusot pa yung uniform. Gosh! Anong nangyari sa kanila?

Tumango si tintin.

"Ayos lang ako, sanay naman akong binu-bully nila sydney." tumingin siya kay nam na tulala. "Ang inaalala ko ay si nam na pinagtulungan nila." dagdag niya.

Nilapitan ko si nam at hinawakan sa balikat. Tiningnan niya ako ng walang emosyon pero nginitian ko siya.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" tanong ko pero umiling siya at tumulala uli.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero bigla ko na lang hinawakan yung baba niya at itiningala paharap sa akin. Pareho kaming nagulat sa ginawa ko pero sinuri ko lang naman yung namamaga niyang pisnge.

"Tss. Nakita mo na ba ang mukha mo sa salamin? Para kang nagblush on na para sa isang taon mong pamumuhay." biro ko kaya napanguso siya at hinampas ako ng mahina sa kamay na pinanghawak ko sa baba niya.

How cute? No, how pretty she is.

"Mabuti nga iyan, para mukhang natural yung ganda ko na totoo naman." napailing na lang ako at medyo natawa dahil sa sinabi niya. Wow, ang lakas!

Iba talaga kapal ng mukha nito.

Aalisin ko na sana yung hawak ko sa baba niya ng bigla niyang hawakan yung kamay ko para pigilan.

"Sige, tingnan mo lang kung may problema pa sa mukha ko." saad niya kaya hindi ko tinanggal ang kamay ko.

May sinisilip siya sa likod ko kaya nilingon ko iyon at nakita si oyan na masama ang titig sa akin habang may hawak na libro. Gosh! Si fafa oyan.

Agad akong umiwas ng tingin at binalikan si namshen na nakangisi.

"Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo augustina." saad niya na sinunod ko pero medyo naiilang ako. Alam ko kasing anumang oras ay may susugod sa akin at jujumbagin ako.

Nagulat ako ng hilahin ako ni nam palapit at binulungan ako.

"Maging sweet ka sa akin."

"Huh? Ayoko nga. Ayokong mabugbog ni fafa oyan." pagtanggi ko pero sinamaan niya ako ng tingin kaya napalunok ako.

"Sa akin? Hindi ka natatakot?" tanong niya na ikinangiwi.

"Natatakot pero kasi.."

Hayst. Bahala na nga.

Hinawakan ko yung pisnge ni nam at pinisil iyon.

"Ang cute mo talaga namshen, ang sarap mong sampalin." binulong ko yung huling part kaya pinandilatan niya ako.

"Palagi mo naman sinasabi iyan kahit sinasabi kong maganda ako." naiinis na sabi niya pero pinipilit niyang ngumiti.

"Ah ganon ba?" mas pinisil ko yung pisnge niya. "Alam ko naman kasi na cute ka lang, mukha kang aso." dagdag ko.

Hinawakan niya yung mukha ko at inilapit sa akin na halos two inches na lang ang layo. Ramdam ko yung bawat paghinga niya kaya napalunok ako ng ilang beses.

"Subukan mong tawagin akong cute, hahalikan kita." nakangising saad niya na ikinagulat ko.

"N-namshen.." mas inilapit niya yung mukha niya kaya nanlaki yung mata ko.

"Ehem." napatigil siya sa paglapit sa mukha ko at tiningnan yung umubo. Ako rin ay napatingin. Si fafa oyan. Gosh!

"PDA is not allowed in any place inside the university." seryosong sabi niya at nilapitan kami. "Lalo na kung may karelasyon na yung nilalandi mo." dagdag niya.

Napaawang ang bibig ko dahil sa takot kay oyan.

"Ah oyan, hindi mo naiintindihan. Ahm kasi.."

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigyan niya ako ng green card. Ghad!

"Do you know what does it mean? Magiging garbage collector ka sa lahat ng room dito sa university for ONE WEEK." paliwanag niya at nilagay sa kamay ko yung green card.

Tumayo si nam at pumunta sa harapan ko.

"Tss. Bakit mo siya paparusahan? Ako naman ang lumandi sa kanya." pagtatanggol ni nam na ikinakunot ng noo ni oyan.

"Hindi ako bulag ms. Cristobal. Nakita ko ang lahat ng nangyari." natatawang sabi niya na ikinataas ng kilay ni nam. Mukhang magkaka-away pa.

"Talaga? Pati ba yung away kanina sa cafe ay nakita mo? Kung paano ako pinagtulungan nung bratinelang hilaw na iyon?" naiiritang tanong ni nam. Anong away ito? Away ng mag-jowa.

Nakita ko ang mga nakapaligid na tao sa amin na nagbubulungan kaya napabuntong hininga ako. Ayoko na magmukhang panggulo sa lovelife nitong dalawa.

"Itigil niyo ngang dalawa iyan." pigil ko sa kanila.

Hindi nila ako pinakinggan at nagpatuloy lang sa pag-aaway.

"Hindi, pero may nakapagkwento sa akin buong pangyayari." sagot ni oyan na ikinangiting pilit ni nam.

"Wow. Sa tingin mo detalyado yung kwento niya sayo? Naikwento niya bang nasampal ako ng dalawang beses? Naikuwento niya rin ba na nakipag-away ako hindi lang para sa sarili ko?" seryosong tanong ni nam na ikinatango ni oyan. "Talaga? Naikuwento niya rin ba na naiinis ako sa ginawa mo kanina at ayaw kong makita ang mukha mo?" dagdag niya na ikinatahimik ni oyan. Yayks. Lover's Quarrel nga.

Ilang segundong natahimik si oyan na ikinagulat namin. Never ko na nakita ang Student Council President na natahimik sa babae sa isang away o kaya naman ay debate. Kailangan palakpakan si nam para diyan.

Ngumiti ng pilit si nam.

"Hindi ba? Hindi niya naikuwento sayo iyon." napacross arm siya. "Sino ba yung nagkwento sayo?"

Dahan-dahan lumapit ang basang-basa na si tintin.

"So-sorry nam, hindi ko alam na may problema kayo ni oyan." nakayukong sabi niya.

Napataas ang kilay ni nam saka napangisi.

"Nice. Siya na pala ang bestfriend mo ngayon." then she walked away.

Hahabulin sana siya ni tintin ng pigilan ko siya at hinarap si oyan.

"Mr. President, una sa lahat. Hindi kami naglalandian ng girlfriend mo dahil bestfriend ko siya at natural na sa amin yung ginagawa namin BAGO pa maging kayo kaya wala akong kasalanan kung creative sa paggawa ng imahinasyon ang utak mo." paliwanag ko at pinakita ang green card. "Pero hindi ko sinabi ito para bawiin mo yung parusa, sinabi ko iyon para linisin ang pangalan namin ng bestfriend ko." dagdag ko at hinila na si tintin paalis sa mataong lugar na iyon.

Napatigil ako dahil sa nakaharang na babae sa harapan ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Hindi pala, sa nakahawak kong kamay kay tintin. Ghad!

"Hindi mo pa talaga siya bibitawan?" mataray niyang tanong kay tintin kahit ako yung nakahawak sa kamay.

Napayuko si tintin at hinila yung kamay niya pero hindi ko binitawan.

"August.. Bitawan mo na ako." bulong niya sa akin.

Hindi ko pa rin binigay yung kamay niya at tiningnan si celine na masama ang tingin sa akin.

"Huwag mo sabihin na pati bestfriend ko ay pagseselosan mo." seryoso kong tanong at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Hinila ko na si tintin papunta sa locker room ko at kinuha ng damit.

"Mag-shower ka pagkatapos mo ay suotin mo ito." utos ko at inabot ang P.E uniform.

"S-salamat" nakayukong sabi niya at pumasok na ng shower room.

Napasapo ako sa noo ko at pumikit.

Ano bang nangyayari sa aming tatlo?

Tahimik naman ang buhay namin nung high school days maliban sa mga kalibugan ni nam dahil hindi naman siya palaaway dati, bakit nagkaganito kung kailan college na kami?

"Augustino.." tiningnan ko yung tumawag sa akin. It's celine, my girlfriend.

Sumandal ako sa locker room at napamulsa saka siya tiningnan. Nilapitan niya ako na parang nahihiya. Anong problema ng babaeng ito?

"S-sorry, hindi ko sinasadyang magtaray sa kaibigan mo." nahihiyang sabi niya. Sinundan ko ng tingin yung mata niya na pilit umiiwas.

Kinuha niya yung green card na hawak ko.

"Gusto mo ba pakiusapan ko si Oyan na bawiin yung parusa sa iyo?"

Umiling ako at inagaw yung green card.

"Hindi na kailangan, madali lang naman para sa akin ang pinarusa niya." pagtanggi ko kahit sa totoo lang ay hindi ko kayang mangolekta ng basura.

Ngumuso siya at hinawakan yung kamay ko.

"Sigurado ka?"

Tumango ako at ngumiti ng pilit. Nagulat ako ng yakapin niya uli ako. Ano bang problema ng babaeng ito? Masyadong madikit, parang higad lang.

"Mahal kita august. Mahal na mahal." bulong niya at hinawakan yung magkabilang pisnge ko. Wait! Anong gagawin niya?

Kinabahan ako ng inilapit niya yung mukha niya sa akin hanggang sa..

"August!" napahinto siya sa gagawin niya nang tawagin ako ni tintin na kakatapos lang magshower at magpalit ng damit.

"Bakit? May problema ba?" nilapitan ko siya na ikinanguso ni celine.

"Ano ba iyan? Asungot." bulong ni celine na ikinatawa ko.

"Ayos lang ba?" pagtutukoy niya sa suot niyang P.E uniform na malaki at mahaba sa kanya.

"Ayos lang naman, mukha kang minions." biro ko at tumawa kaya natawa rin si tintin.

"Di wow." pambabara niya.

Nagtawanan kami pero napatigil ako ng makita si Celine na seryosong nakatingin sa amin. Ngumiti ako at nilapitan siya.

"Tara na, ihahatid na kita sa room niyo." aya ko sa kanya.

"Paano yung kaibigan mo?" tanong niya at nilingon si tintin.

"Ayos lang, black belter ng taekwondo iyan." natatawang sabi ko at hinila na siya palayo.

TINTIN

Hayst. Kaasar si august. Ang laki ng damit na pinahiram sa akin.

Nakayuko akong naglalakad sa hallway patungo sa room namin dahil alam kong marami na namang masasabi ang ibang estudyante sa akin.

"Damit ni augustino iyan di ba? Bakit suot niya?"

"Akala ko ba si celine ang girlfriend ni august, bakit kay manang niya pinahiram yung damit niya?"

Kitams? Marami silang nasabi dahil lang sa pagsuot ko ng damit ni august. Mga tao nga naman, judgemental.

Nasa isang way ako na wala masyadong tao ng may humarang na paa sa dadaanan ko kaya tiningnan ko ito. Napairap ako sa kawalan ng makita siya. Si nemo, the f*ckboy vice president.

"Makikiraan po." saad ko sa kanya.

Hindi niya inalis yung paa niya kaya napabuntong-hininga ako sa kawalan.

"Okay, pwede naman akong maglong cut e." bulong ko at tatalikod na ng hawakan niya yung braso ko. Anong trip nito?

"Hindi pwedeng ganito na lang tayo." napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Anong trip mo neil?

Ayaw ko ng magtagal yung pag-uusap na ito kaya pilit kong hinila yung braso ko na mahigpit niyang hinahawakan.

"Ayokong matapos na lang ng ganon tayo." sabi niya uli kaya nilingon ko na sya.

"Excuse me? Tayo? Wala ng tayo simula nung ako na lang ay lumalaban mr. Vice president." nakangiti kong sabi.

Tama kayo ng iniisip, he's my 2 months ex boyfriend. Si ivhan ay 2 weeks ko pa lang karelasyon.

Napatiim bagang siya saka ako matalim na tinitigan.

"Lumaban ka pala kaya hindi mo ako binalikan." saad niya.

'Bakit kita babalikan? Kung alam ko na masaya ka na sa piling ng mga babae mo. F*ckboy kang letche ka!'

Gustong-gusto ko siyang sigawan para tigilan niya na ako pero hindi ko kaya dahil ayaw kong umiyak sa harapan niya.

"Please nemo.. bitawan mo ako!" humihigpit yung hawak niya kaya ramdam ko yung sakit.

"Ayoko. Ayokong bitiwan ka lalo na kung sa siraulong ivhan na iyon ka lang mapupunta." seryoso niyang sabi. "Hindi ako naging ganito dahil ginusto ko. Ikaw, ikaw ang rason ng lahat." naramdaman ko ang pagkawala niya sa braso ko na namumula at saka naglakad palayo.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit hindi niya maipaliwanag?

NAMSHEN

Nakatambay ako dito sa garden kung saan tumatambay si Oyan dahil siya ang nag-aalaga ng mga bulaklak dito. Pero hindi ako tumambay dito para makita siya, nandito ako para magpahinga. Hindi ako pumasok sa mga sumunod kong klase dahil wala akong gana. Ayaw ng katawan kong kumilos dahil sa panghihina ko mula sa nangyari kanina.

Hindi.

Hindi ko matanggap ang ginawa ni Oyan na paghingi ng dispensa para lang sa akin.

Hindi matanggap ng konsensya ko na may gagawa ng ganoong bagay para sa akin. Kung ang pamilya ko nga ay sanay na sa ginagawa ko kaya hindi na nila ako pinapakielaman.

Pero bakit siya? Bakit siya pa ang humingi ng dispensa para sa akin? Hindi ko talaga matanggap.

"In deep thought?" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa ilalim ng puno ng narra dahil sa narinig kong boses.

"Z-zild.." bulong ko at inayos ang sarili. Nakakahiya naman na makita niya akong puro damo ang buhok.

Ngumiti siya at nilapitan ako.

"Napadaan lang ako dito, napansin kong may tao kaya tiningnan ko kung sino. Hindi ko inaasahang dito nagpapahinga ang isang namshen emerald cristobal." paliwanag niya na nagpakunot ng noo ko.

"Bakit? Anong masama kung dito ako tumambay? It's my boyfriend place kaya nakasanayan ko na." napatango siya saka nilibot ang tingin.

"So, mahilig pala ang SC President sa bulaklak? Kakaiba.." natutuwang sabi niya na ikinangiti ko.

"Yeah, mahilig siya sa bulaklak lalo na sa rosas na pink." tinuro ko yung isang part na puno ng pink roses. Oyan really likes the color pink dahil sa strawberry na sa totoo lang ay kulay red. Ang weird.

"Woah, kakaiba siyang lalake." bulong ni zild.

"Yeah, he's totally weird.." bulong ko. Saan ka nakakita ng lalakeng inosente?

"Pero I think.. dahil sa pagiging iba niya kaya mo siya nagustuhan." nagkatinginan kami at natahimik ako sa sinabi niya. Parang kakaiba yung pagkakasabi niya no'n.

Pinilit ko na lang ngumiti at tumango.

"S-siguro nga. Iyon nga siguro ang dahilan." saad ko.

"Ilang buwan na kayo?" pag-iiba ni zild ng usapan.

"5 months, mag-6 sa 27." maikling tugon ko.

"Woah, isang linggo na lang pala.. congrats! Sana magtagal kayo." bati niya na ikinangiti ko. Ang sakit pala kapag yung lalakeng gusto mo ang bumabati sayo, ano?

"S-salamat.." nahihiyang saad ko. "Ahm.. zild, may itatanong lang ako sayo kung ayos lang?" tumango siya kaya tumango din ako.

"Bakit wala ka pang girlfriend? You're a famous basketball player pero never akong nakarinig ng babaeng nali-link sayo." natawa siya sa tanong ko.

"It is because I am waiting for someone.." nanatiling nagkatitigan ang mga mata namin pero napaiwas ako.

"Oh, I see. I need to go." saad ko at nagmadali ng umalis.

May iba akong pakiramdam habang sinasabi niya iyon.

Hindi ko maintindihan.

#BHI

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height