C3 The promise

Ilang linggo na ang nakalilipas subalit hindi pa rin nagpapakita si Harry kay Amanda. She keep waiting for him to come back and do what he promised but it seems that she was waiting for a rain to come in a desert. Pinanghawakan niya lahat ng mga sinabi nito sa kaniya. Naniwala siya sa matatamis na mga salita mula sa bibig nito.

"I will build a palace for you my, princess. I will make you my queen once we have our prince and princess."

Sinasabi niya iyon habang nakahiga si Amanda sa balikat niya.

"On our wedding day, I will buy you a Bugatti La Voiture Noire. That will be your car. You want it?"

Tinitingnan lamang niya ito habang nagsasalita at masuyong sinusuklay ng kamay nito ang buhok niya. Ngumiti siya dito saka nagsalita.

"I would love it. But I love it most to be with you."

Saka niya ito hinalikan ng mabilis sa labi.

Sinabi pa nito na gusto nitong may alaga silang aso sa bahay, pet lover pala si Harry pareho silang dalawa. Isang mala-palasyong bahay na may malawak na hardin at play ground para sa mga magiging anak nila. Para silang magkasintahan na nagpaplano sa kanilang mga gagawin bago sila ikasal. Ang sarap namnamin ng mga sandaling iyon.

She was hurt by what Harry did to her. He gave her false hope. Tiniis niya lahat ng pang-mamaltrato sa kaniya ng ibang tao para lang kay Harry. Tiniis niyang manatili sa madilim na lugar na kaniyang kinalalagyan dahil dito. Dahil umaasa siyang dito siya muling babalikan ng binata.

Hinayaan niyang maliitin siya ng kung sinu-sinong lalaki para lang makatagal siya sa lugar na ito at magawa niyang manatili hanggang sa muli nilang pagkikita ng lalaking unti-unti ay nagbigay ng liwanag sa buhay niya.

Ngayon niya masasabing fairytale doesn't exist in real life. Masyado lang siyang umasa sa mga sinabi nito kaya heto at nasasaktan siya ngayon ng labis.

Naglaho bigla ang pag-asa niyang makatakas mula sa kamay ng mga sindikato. Pakiramdam niya pinaglaruan lamang ni Harry ang damdamin niya. Ibinigay niya lahat ng tiwala niya dito gaya ng walang atubiling pagbigay niya sa kaniyang sarili.

"Sir, most of our clients terminate their contract with us at balita ko lumipat sila sa Asia's best company. May ilang investors na rin tayo na lumipat na sa ibang kompanya. They want to have their share."

Marahan lamang ang pagkakawika ng kaniyang secretary.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin dahil sa biglang pagbagsak ng kanilang sales nitong mga nakalipas na linggo.

Isa ang New Horizon corporation sa mga sikat na internet provider sa buong bansa, subalit sa pagsulputan ng iba't-ibang internet provider sa bansa ay nauungusan ang kanilang kompanya.

Mas less kasi ang presyo ng iilan sa kanila, ngunit ang New Horizon Corporation lamang ang may sapat na kakayahang magbigay ng sapat na serbisyo sa kanilang mga consumer. Hindi iyon makita ng mga users dahil nabulag sila sa mga mumurahing presyo na inoofer ng ibang kompanya.

Kadalasan sa mga tao ngayon practical kaya kung saan 'yong sa tingin nila ay mapapagaan ang kanilang buhay ay iyon ang pipiliin nila.

Bumagal din ang sales ng kanilang house and lot sa Iilang villages. Seventy-five hectares ang lawak ng lupaing iyon at mayroong Sky ville village sa Cebu, Davao, Ilocos, at Palawan. Ngunit nitong mga nakaraang buwan bumaba din ang kanilang sales. Wala siyang ideya kung sino ang sumasabotahe sa kaniyang mga negosyo. Tanging ang Top line factory na lamang ang kaniyang inaasahan. They manufactured cultured milk from their live stock poultry sa Zambales. Umaabot iyon ng trenta na ektarya. Pati na rin ang kanilang mga air lines bumagsak din ang kita. Mayroon silang limang eroplano na bumabiyahe local at dalawa naman sa international. Magaling siya pagdating sa negosyo dahil bata pa lamang ay sinanay na siya ng husto ng kaniyang ama. Dahil siya lang ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kanilang mga negosyo.

Hindi alam ni Harry kung papaano maibangon ang iba niyang business na unti-unti ng nalulubog. Ayaw niyang basta-basta na lamang isara ang mga iyon dahil pinaghirapan iyon ng kaniyang parents. Responsibilidad niyang ayusin ang lahat ng gusot sa kanilang negosyo.

"Sir, mukhang kailangan niyo po ng mga bagong investors para 'wag maisara ang ibang negosyo ng New Horizon Corporation."

Patuloy na mungkahi nito.

"Just don't tell my parents about these matters. I will fix this mess on my own."

Seryoso niyang wika subalit hindi siya sigurado kung paano iyon sisimulan.

Ngayon lang siya nakaranas ng crisis sa business kaya bahagyang natotolero ang utak niya.

Ayaw niya mai-stress na naman ang mommy niya dahil sa nangyayari sa kompanya. May katandaan na ito at ayaw niyang baka magkasakit pa ito kapag nalaman nito ang katotohanan.

Alam niyang hindi siya naging pabaya bilang isang CEO ng kompanya lahat ginawa niya para dito subalit sadyang hindi maiiwasan ang mga kakompetensiya pagdating sa industriya ng business.

Kailangan niyang makaisip ng paraan upang maisalba ang kanilang ibang pinagkakakitaan hindi rin niya maaring galawin ang income ng ibang businesses nila just to save the other kasi baka ang mga ito na naman ang magsa-suffer kapag ginawa niya iyon. He needs to find a solution as soon as possible.

"Harry Sweety, I think your internet company is at its bottom now. I already know kahit di mo sabihin."

Si Dina ang bagong dating sa kaniyang opisina.

Naupo ito sa kaniyang shivel chair habang pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Isa sa malapit na kaibigan ng mga Anderson's ang pamilya ni Dina at simula noong magkakilala sila nito ay wala na itong ginawa kundi ang lumingkis sa kaniya na parang isang ahas. This woman is really in love with him at kahit anong tanggi niya dito ay hindi ito pananghihinaan ng loob na one day he will love her in return.

"It's none of your business any way. Are you here to insult me?"

Sa totoo lang she's getting into his nerves, naiirita siya sa pagiging maarte nito at pag-asta bilang isang perfect.

Maganda naman si Dina, mayaman, sophisticated, at magaling pagdating sa negosyo katulad niya. Kaya hindi maiiwasan na inirereto ito ng mommy niya sa kaniya dahil compatible daw silang dalawa. Hindi siya sang-ayon doon, ngunit ayaw din niyang masaktan ang ina sa mga sasabihin niya ukol dito kaya pinilit niyang magsalawang kibo na lamang pagdating sa usaping iyon.

Naiisip niya si Amanda. May ipinangako siya dito subalit paano niya iyon gagawin gayong napakaraming trabaho ang dapat niyang matapos. Magsisimula siyang maghanap ng baging investors. Kahit sa gabi nagtatrabaho siya ni'y umaabot na lamang sa apat na oras ang tulog niya sa dami ng kaniyang kailangang gawin. Naka-alalay naman sa kaniya ang kaibigang si Marco. Ngunit iba pa rin kapag siya ang gumagawa ng mga bagay-bagay. Balak niyang balikan si Amanda. Nakahanda na ang plano niya para sa gagawing pagtakas nito sa kamay ng mga sindikato.

Papalabas na siya ng kwarto when he sees Dina at the front door, wearing her seductive red sexy dress.

"I have a proposal for you, Harry. I want to invest in your company. But I have a condition. Both of us will benefit from these."

"I have no time to play with you Dina, just stop acting like you care. Stay away. I can manage everything."

Mariin niyang tanggi sa kung ano mang proposal na sinasabi nito.

Alam niyang ginagawa ito ni Dina para makuha nito ang matagal na nitong gusto, ang maging girlfriend niya ito o mas higit pa dito ang gusto nitong mangyari. Umismid lamang ito sa kaniya saka patuloy na bumuntot sa kaniya.

"You don't have to lie to me honey, I know you. Sa tingin mo ganoon kadali makahanap ng investors na aahon sa lumulubog mong business? Come on, I will help you Harry, just date with me."

Iniisip niya lahat ng sinasabi nito, tama nga ito mahihirapan siyang makahanap ng investor sa panahon ngayon.

Tinapos niya ang usapan nila at sinabing pag-iisipan niya iyon ngunit pinilit siya nitong sumama dito para daw ma-finalize lahat ng magiging plano nila. Tatanggi sana siya subalit iniisip niyang may point ito. Kapag di pa siya nakahanap ng investor sa lalong madaling panahon tuluyan ng magsasara ang internet company niya, at ayaw niyang mangyari iyon.

Madalas sumakit ang ulo ni Amanda. Para bang pagod ang buo niyang katawan. Hirap siyang gumising sa umaga subalit kailangan dahil may mga dapat siyang sundin na schedule. Nagi-ehersisyo silang lahat ng mga girls para daw mapanatili ang sexiness dahil iyon ang kanilang puhunan sa kanilang trabaho.

Mas lalo din bumaba ang timbang niya dahil nawawalan siya ng ganang kumain. Madalas siyang nasisita ni Mr. Aragon dahil sa kaniyang mabagal na pagkilos kaya kadalasan nakakatanggap siya ng pananakit mula dito. Gusto niya nang sumuko dahil tila kahit anong gawin niya wala iyong kwenta. Hindi siya makakalabas sa kulungang kinalalagyan niya.

"Amanda, try mo kayang mag-pregnancy test. You look really different girl, baka iba na iyan ha."

Kinabahan siya sa sinabi ni Gwen, hindi iyon maari. It's impossible for her to be pregnant because she take her birth control regularly.

Lumipas pa ang ilang araw at hindi na siya mapakali sa kaniyang nararamdaman, napapansin niya na rin ang unti-unti pagbabago ng hubog ng kaniyang balakang gayon na rin ang kaniyang dibdib. Kaya naisip niyang sundin ang payo ni Gwen. Doon niya nalamang she's really pregnant. There was life growing in her womb; it made her frightened and nervous.

She has to escape from this place or else Mr. Aragon will definitely kill her for not following his rules. She doesn't have to wait for her knight in shining armor to come and save her; she needs to take action to get away from the shackles made by the sindicate.

"Amanda, I have to tell you something very important. I already found a way out here. We have to make a plan secretly as soon as possible."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height