C4 The escape

Maga-alas siyete na ng gabi nakaupo si Amanda sa kama habang hinihintay na sumapit ang oras na pinakahihintay niya. Mayroong gaganaping malaking pagpupulong sina Mr. Aragon kasama ang mga business partners nito sa iba't-ibang lugar.

Pinagplanuhan nila ng maayos ni Gwen ang gagawing pagtakas upang hindi sila mahuli ng mga sindikatong nagbabantay sa kanila. May ilang mga lalaki ang naglalakad-lakad sa labas ng kaniyang kwarto sinilip siya ng bahagya saka muling bumalik sa kaniyang kama.

May isang lalaki namang pumasok sa loob ng kaniyang kwarto at sinabi nitong babantayan siya sa buong magdamag dahil iyon ang bilin ni Mr. Aragon.

"Please join me here, wala naman si Mr. Aragon. Mag-relax ka naman minsan. Don't worry I can keep secret."

Pamimilit niya dito. Kailangang galingan niya pa ang pagkumbinsi dito dahil nakikita niyang mukhang wala itong planong sundin siya sa kaniyang kagustuhan.

Pinili niyang isuot nang gabing iyon ang isa sa pinaka-seductive na dress niya upang maakit ang sino mang bantay niya at mahulog sa kaniyang patibong. Lumapit siya sa lalaki na ngayon ay di halos makatingin sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang mga kamay nito at bininaba ang hawak nitong baril.

"Sasayangin mo pa ba ang pagkakataong ito? Alam ko namang pangarap mo rin ang makasama ako sa kuwartong ito. Hindi ba?"

Pabulong niyang sinabi iyon sa lalaki at saka hinila na ito ng tuluyan patungong kama.

Saka binuksan ang isang bote ng red wine na binigay na Gwen sa kaniya kani-kanina lang. Isinalin ang laman sa dalawang baso at saka palihim na kinuha mula sa kaniyang bra ang sleeping drugs na ibinigay din ni Gwen kasama na iyon sa kanilang plano.

Dala ang isang baso ng wine ay bumalik siya sa kama at naupo sa tabi ng lalaki saka ibinigay dito ang wine na may halong pampatulog. Di niya binubura ang ngiti sa mga labi. Hindi siya pwedeng mabigo sa panahong ito. Dahil kapag nangyari iyon sigurado siyang iyon na kaniyang magiging katapusan. Hindi madali ang gagawin niya subalit kailangan niyang maging matatag para sa isang buhay na unti-unting umuusbong sa kaniyang sinapupunan.

Lahat gagawin niya para sa kaniyang anak kaya niyang sumugal kahit na maari siyang mapahamak sa kaniyang gagawin. Sinimulan na nilang inumin ang kanilang alak, panay ang ngisi sa kaniya ng lalaki at maya-maya pa ay hinihimas na nito ang kaniyang braso hanggang sa kaniyang likod.

Pilit siyang ngumingiti kahit na sa totoo ay gusto niya na itong sipain palabas ng kwarto. Kinikilabutan siya sa ginagawa nito at gayon sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Wala siyang magagawa kailangan niyang magpatianod muna sa agos ng ilog kung ayaw niyang mabisto nito ang kanilang plano ni Gwen. Hinayaan niya ito sa ginagawa nito habang abala ang kaniyang isipan sa pag-iisip kung saan pupunta pagkatapos ng pagtakas sa kamay ng mga mapagsamantalang sindikato.

Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto, kasabay ng pagbagsak ng katawan ng lalaki sa kama ni Amanda.

"Let's go, Amanda. Kailangan nating makalayo sa lugar na ito bago pa dumating ang ibang bantay."

Humahangos si Gwen saka hinila siya sa kama mula sa pagkaka-upo.

Mabilis silang umalis ng kwartong nagsilbing kulungan niya sa loob ng ilang linggo. Inihagis ni Gwen ang dala niyang backpack sa labas ng mataas na pader. Sa likod ng building sila dumaan. Nagsuot pa sila ng wig para lang hindi makilala kung sakali mang may makakasalubong sila sa daan. Kasunod ay mabilis umakyat si Amanda sa isang hagdan na pinlano na nilang ilagay doon bago pa ang araw na ito.

"Bilisan mo, Gwen. Baka abutan nila tayo. Delikado na tayo sa lugar na ito," aniya habang hinihintay na makalabas ng pader si Gwen.

Mabilis silang humakbang papalayo sa lugar. Tahimik ang kanilang naging pagkilos punong-puno ng pag-iingat ang kanilang ginawang pagtakas. Hindi pa sila nakakalayo sa lugar ay may biglang dumating na isang van. Kasunod ang pagsilabasan ng limang lalaki na alam niyang mga tauhan ni Mr. Aragon.

Natigil sila sa paglalakad at saglit na nagkubli sa isang madilim na lugar. Mabuti at mayroong sasakyan na nakaparada doon kaya nagkaroon sila ng pagtataguan.

Habang humahakbang ang paa ni Amanda paatras ay bigla na lamang may kamay sa humawak sa kaniyang balikat.

"Kung sa tingin niyo ay matatakasan niyo kami, nagkakamali kayo."

Parang naging istatwa ang kaniyang buong katawan dahil sa narinig. Hindi sila pwedeng mahuli ng mga ito. Kung manlalaban siya dito tiyak na makakalikha sila ng ingay at iyon ang magiging daan upang tuluyan na silang mahuli.

Minabuti niyang huwag manlaban dito. Sa halip at humarap siya dito saka hinalikan ito sa labi ng walang alinlangan. Nagkaroon siya ng pagkakataon upang sipain ang hinaharap nito gamit ang kaniyang tuhod. Buong pwersa niya ata ay ibinigay niya sa pag-atakeng iyon kaya alam niyang nasaktan ng husto ang lalaki. Kaagad bumukas ang pinto ng sasakyan.

Nagulat siya nang makita sa loob si Gwen. Mabilis siyang pumasok sa loob at agad pinaharurot ang sasakyan na para bang wala ng bukas. Ngayon lamang siya nakapag-drive ngunit tila kabisado niya na ang ginagawa. Nakikihiram lang siya noon sa mga kaibigan niyang may sasakyan. Inaral niya ang pagmamaneho subalit hindi niya iyon natutunan kaya ngayon nagugulat siya sa nangyayari sa sarili. Siguro ganoon talaga kapag dahil nasa bingit na siya halos ng kamatayan. Wala siyang choice kundi ang labanan lahat ng takot niya.

Mas lalo pa niyang binilisan ang pagmamaneho nang mapansing may sasakyan na nakasunod sa kanila mapalad pa rin siya nang mga sandaling iyon dahil iilan nalang ang mga sasakyang dumaraan sa kalye. Natatakot kasi siya na baka makabangga siya ng ibang sasakyan at magiging mitsa pa iyon upang mahuli sila ng mga lalaking humahabol sa kanila.

Ilang oras na silang naghahabulan sa kalye natatakot siya na baka abutan na sila kaya pagdating nila sa mataong lugar ay naisip niyang bumaba sila ng sasskyan ni Gwen. Kailangang maisahan nila ang mga ito.

Mabilis silang pumasok sa isang Casino, nasa city na pala sila. Hindi sila maaring magtago sa comfort room ng building dahil tiyak niyang doon sila unang hahanapin ng mga ito. Umakyat sila sa third floor at napansin ang mga VIP room kaya kaagad silang pumasok doon.

Gulat na gulat pa ang isang babae at lalaki na parehong walang saplot nang kanilang abutan.

Nagpaliwanag sila at sinabing nagkamali lamang sila ng room na napuntahan at nagkunwaring lasing. Naki-usap sila kung pwede bang manatili pa sila sa lugar na iyon ng ilang minuto dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Gwen na siya namang pinangatawanan nito.

Pagkatapos ng halos thirty minutes ay lumabas na sila sa kwartong iyon at tinungo ang fire exit ng building upang matakasan na ng tuluyan ang mga sindikato.

"Magpahinga na muna siguro tayo ng kahit ilang oras lang Gwen. Apat na oras na akong nagmamaneho ng deri-deritso. Bigla din sumakit ang ulo ko sa pagod."

Kanina pa siya medyu nahihilo marahil dahil iyon sa pinagsamang pagod at nerbiyos. Nagugutom na rin siya at di niya na kakayanin pa ang magmaneho pa ng matagal. Sumang-ayon naman si Gwen sa kaniya at halata ang pag-aalala nito.

Sa isang maliit na lodging house sila tumigil. Wala na siyang pakialam kung ano ang iisipin ng mga taong makakakita sa kanila sa loob. Pagod na pagod ang katawan niya at kailangan niya ng pahinga. Mayroong room service sa lodging house na iyon kaya umorder nalang sila ng makakain ni Gwen saka magpapahinga pagkatapos at muling sasabak sa mahabang byahe hanggang sa makalayo sila ng tuluyan sa lugar na ito.

Sa isang condominium nila naisip manatili ng kahit ilang araw safe kasi ang lugar na iyon para sa katulad nila ni Gwen. Hindi kasi basta-basta na lamang sila matutonton ng mga tauhan ni Mr. Aragon dito kaya kahit na may kamahalan ang renta ay pinili na nilang dumito na lamang muna.

May cash na dala si Gwen galing kay Mr. Aragon subalit hindi iyon magiging pangmatagalan. Kailangan nilang makahanap ng trabaho upang may ipanustos sa kanilang pangangailangan. Lalong-lalo na siya na magiging ina na pagkatapos ng ilang buwan na lamang.

Gusto niya sanang bumalik sa kaniyang pamilya ngunit natatakot siya na baka maging tampulan lamang sila ng kahihiyan. Ayaw iyon ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang daddy na kilala bilang isang magaling na professor.

Ayaw niya namang ipa-abort ang kaniyang dinadalang sanggol sa sinapupunan para lang mapanatiling malinis ang kanilang pangalan ng buo niyang pamilya. Tanging ang kaniyang sarili na lamang ang kaniyang kakampi sa mga sandaling ito ng buhay nya, kaya hindi siya dapat panghinaan ng loob.

Maga-alas-onse na noon ng gabi, she was watching a news from the television while eating her favorite strawberry ice cream when she notice a very familiar face. Napatayo siya sa kaniyang pagkaka-upo at tinitigang mabuti ang itsura ng lalaking nasa isang interview.

Hindi siya nagkakamali, it was Harry Anderson. May kasama itong magandang babae na kung ikukumpara niya ang kaniyang sarili ay hanggang kalingkingan lamang siya nito. Base sa pananamit nito at pagsasalita sigurado siyang mayaman ang babae bukod pa sa napakaganda nitong mukha at kutis porcelana.

"Of course, there's a very big possibility that we will marry one day, I can sense it."

Maagap ang naging tugon ng babae sa reporter matapos nitong tanungin kung darating ba ang araw na magpapakasal sila ni Harry.

Pareho daw kasi silang kilala sa industriya ng negosyo kaya di malayong magiging sila.sa dulo. Nakahawak kay Harry ang babae na para bang ayaw nitong mapunta sa kahit kanino ang atensiyon ng binata. Nakita niya rin ang bahagyang pag-ngiti ni Harry matapos magsalita sa Dina Monteverde. Hindi maipaliwanag ni Amanda ang nararamdaman nang mga oras na iyon, tila may kung anong patalim na tumusok sa kaniyang puso.

Nasasaktan siya sa nakita ng kaniyang dalawang mata. Kaya pala hindi na bumalik sa kaniya si Harry pagkatapos ng mga ipinangako nito sa kaniya noong gabing magkasama sila. Ngayon niya naisip na nagpakatanga siya sa isang taong hindi naman pala siya ang tinitibok ng puso. At isa pa hindi sila magiging bagay ni Harry.

Magkaibang-magkaiba ang kanilang mundo lalo siyang nasasaktan sa tuwing maaalala lahat mg mga salitang pinakawalan ni Harry noong magkasama sila. Ibig sabaihin lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang.

Unti-unting tumulo ang kaniyang mga luha habang hawak ang kaniyag tiyan na ngayon ay bumabakas na ang sanggol na nasa sinapupunan. Naawa siya sa magiging anak niya, isisilang niya ito sa mundo na walang kikilalaning ama.

Mas lalong lumakas ang kaniyang paghikbi dahilan upang marinig siya ni Gwen, mabilis siya nitong dinaluhan ng mapansing nahihirapan na siya sa paghinga.

"Hindi pa katapusan ng mundo, Amanda. Hindi ka dapat pinanghihinaan ng loob ng dahil lang sa walang kwentang lalaking iyon."

Si Gwen na pinangagaralan siya nang magising siya kinaumagahan sa isang hospital. Nawalan siya ng malay noong nakalipas na gabi dahil sa tindi ng sama ng loob.

Isang araw ay may planong inialok si Gwen sa kaniya. Kailangan nilang makakuha ng malaking halaga ng pera mula kay Mr. Aragon upang magamit sa kanilang pag-migrate sa ibang bansa. Maraming alam si Gwen sa loob ng ilang taon nito kay Mr. Aragon ay marami itong natutunan, lalong-lalo na sa mga kayamanan nito.

Mabilis nilang naisagawa ang plano nag-hire ng isang Negirian citizen na nakabased sa Pilipinas si Gwen. Kilala ang taong ito na magaling pagdating sa hacking. Ang lalaking ito ang kanilang ginamit upang ma-access lahat ng bank account ni Mr. Aragon at halos lumuwa ang kanilang mga mata sa nalaman.

Halos umaabot ng limang bilyon ang kinikita ni Mr. Aragon sa loob ng isang buwan, pera na nagmula sa mga babaeng alipin nito katulad nila.

Sa tulong ng teknolohiya nakakuha sila ng malaking halaga ng pera halos dalawang bilyon ang kinuha ng bawat isa sa kanila. Matapos ang lahat ng transactions ay kaagad na silang nagplano para sa kanilang paglipat sa ibang bansa. Sa Korea nila balak manirahan kaya pagkatapos bayaran lahat ng kanilang mga requirements papuntang Korea ay hindi na sila nagsayang pa ng panahon. Kaagad silang lumipad patungo sa lugar na inaasahan nilang kanilang magiging bagong simula.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height