C5 The new start

Sa isang village sila sa Gyeonggi Province tumira dahil malapit silang parehu sa nature ni Gwen. Hiniling niya na sana ito na ang kanilang magiging bagong simula.

Binili nila ang iaang house and lot na nasa mataas na lugar at mula rito ay matatanaw ang paglubog ng araw, na mas lalo niyang nagustuhan sa lugar. Mayroong din itong maliit na garden na pwede niyang pagka-abalahan sa araw-araw.

Simple lang lang bahay, mayroon itong tatlong bedroom sa second floor, sa baba naman matatagpuan ang modern designed na sala tapos ang kanilang mini kitchen, mayroon di itong mini-library.

Bumili si Gwen ng isang sasakyan sa tulong ng kanilang neighbour na si Mr. Antonio, hindi ito Koreano ngunit citizen na siya ng bansang Korea. Nagustuhan daw nito ang lugar dahil sa angkin nitong kalinisan at ang labis na ikinagulat niya ito pala ang nagmamay-ari ng buong village.

Mabait si Mr. Antonio at kahit mayaman ito, hindi ito mata-pobre madalas pa sila nitong dalahan ng ulam lalo na kapag weekend dahil nasa bahay lang ito maghapon. Kaya lang madalas itong umuwi ng Pilipinas dahil nandoon ang buo nitong pamilya, naging malapit siya sa bagong kapitbahay madalas niya itong kakwentuhan kapag wala si Gwen sa bahay.

Nagrenta kasi ito ng maliit na space sa city at ginawa niya iyong coffee shop para daw kahit papaano may pagkakakitaan sila lalo na at ilang buwan nalang ay manganganak na siya.

"I have a son, and I want him to find a girl like you Amanda. I already informed my friend about doon sa trabahong inaalok ko saiyo," anito.

"Salamat po ng marami sa tulong niyo Mr. Antonio. At sa anak niyo naman po alam kong makakatagpo siya ng babae na para sa kaniya."

Nakangiti niyang sagot sa sinabi nito, nagkakape sila ngayon sa terrace ni Mr. Antonio ngunit dahil bawal sa buntis ang caffaine at tsaa ang kaniyang iniinom. Kung minsan ay tumutulong siya kay Gwen sa coffee ahop nito ngunit inaawat siya nito dahil baka daw mahirapan siya dahil sa kaniyang kalagayan.

Sa isang garden ang trabahong sinasabi ni Mr. Antonio, hindi naman daw siya mahihirapan dahil kinausap niya na ang kaibigan niyang nagmamay-ari ng garden at sinabing kung pwede daw ay sa office siya ilagay dahil nga buntis siya, labis niyang ikinatuwa ang pagpayag nito. Hinihintay niya na lamang ang tawag mula rito upang makapagsimula na siya sa trabaho.

Kung tutuusin ay hindi niya naman kailangan magtrabaho pa, may naitabi pa naman siyang pera mula kay Mr. Aragon subalit naisip niyang mauubos ang perang iyon sa pang-araw-araw niyang mga gastusin lalo na kapag nanganak na siya. Kaya kahit nahihirapan minabuti niyang magtrabaho na muna at para na din mapalayo sa ano mang mga isipin, lalo na tungkol sa duwag at sinungaling na si Harry.

The Garden of Morning Calm, located in Gyeonggi-do. A perfect place to relax and get away from toxic world, tinungo niya ang lugar na ito dahil dito siya magtatrabaho ayon kay Mr. Antonio, hindi siya nag-aalalang maliligaw dahil kasama niya naman ito.

Nagpapa-alam lang ito saglit dahil may bibilhin ito kaya naiwan siyang nag-iisa. Inaaliw niya na lamang ang mga mata sa ganda ng mga halaman na matatagpuan sa lugar, hinangaan niya ng husto ang garden na ito dahil sa natural nitong ganda na nagmumula sa kalikasan.

Magaganda ang mga landscapes na makikita dito, marami ang namamasyal sa lugar. Mayroong magkasintahan, makakaibigan, isang buong pamilya apt mapyroon din namang mga napgsosolo lamang.

Balak niyang dahil sa lugar si Gwen, sigurado siyang matutuwa ito dito at marerelaks. Ilang minuto na siyang naglalakad-lakad ay hindi pa rin bumabalik si Mr. Antonio, ilang tao na rin ang nagpalitrato sa kaniya, bahagya na siyang naiinip.

"Gago kaba? Ang lawak-lawak ng kalsada balak mo pa akong sagasaan!"

Buwelta niya sa driver na bigla na lang sumulpot at muntik pa siyang masagasaan.

Namutla siya bigla dahil sa nangyari, naglalakad-lakad kasi siya at nagbabakasakaling matagpuan ang hinahanap.

"Oh ano? Hindi ka man lang hihingi ng sorry? Eh kung kasuhan kaya kita. Ang yabang palibhasa mayaman hindi naman kagandahan itong sasakyan mo."

Pinanlalakihan pa niya ng mata ang pinto nito nang bigla itong bumukas na ikinagulat niya. Nagtanggal ng sunglasses ang lalaki saka tumingin ng deritso sa kaniya.

"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Paano kung nasagasaan mo ako? Buntis ako, hindi mo ba nakikita?"

Patuloy siya sa pagsasalita, hindi naman nito maiintindihan lahat ng sinasabi niya kaya ganoon na lang ang lakas ng loob niyang murahin ito.

"Ano ka ba, hindi ko naman intensiyong sagasaan ka miss, kumalma ka muna pwede ba?"

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig itong magsalita, nagtatagalog ito at naintindihan nito lahat ng sinasabi niya. Ang buong akala niya ay isa itong koreano, nakaramdam siya ng pagpapahiya sa sarili. Sinipa niya pa naman ng bahagya ang kotse nito na mas lalo niyang ikinahiya. Umakyat na yata kasi lahat ng dugo niya sa ulo niya, naiirita siya sa paghahanap kay Mr. Antonio, tapos heto biglang pa siyang masagasaan ng sasakyan.

Bumuntong hininga na lamang siya saka pinakalma ang sarili, ngayong buntis siya ay napakabilis uminit ng ulo niya. Kung minsan kahit siya mismo ay nahihirapang intindihin ang sarili, pabago-bago din ang mood niya. Wala naman siyang pili sa pagkain, ang pinaka-ayaw niya lang ay ang perfume ni Gwen, kaya kapag umaalis ito ng bahay para pumapsok sa trabaho ay iniiwasan nitong mag-spray ng pabango dahil tiyak na magbabangayan na naman silang dalawa.

"Nagmamadali lang kasi, inaantay ako ng kaibigan at late na ako ng halos sampung minuto. Sakto namang pagsulpot mo bigla sa daan."

Paliwanag nito nang makababa na ng sasakyan, nagtataka na lamang siya dahil lahat ng staff ng garden ay bumabati dito sa tuwing nakakasalubong sila.

Inaya siya nito sa isang kainan sa loob lang din ng garden, Filipino foods ang menu kaya tuwang-tuwa siya. Ikinuwento nito na hindi siya totoong koreano, sadyang singkit lang daw ang mga mata nito na masasang-ayunan niya naman. Hindi ito ubod ng gwapo ngunit kaaya-aya itong titigan kahit na hindi maganda ang kanilang unang pagkikita. Umorder siya ng beef kare-kare at inihaw na bangus, ilang buwan palang siya sa Korea ngunit namimiss na niya ang mga lutong Pinoy. Sakto naman ang pagkaing inorder niya dahil kanina pa siya nagugutom.

"I'm Marco Montefalco, nice to meet you—"

"Amanda Tennison"

Putol niya dito, saka kinamayan ang kausap.

"Well ikaw pala 'yong sinasabi ni Mr. Antonio na mag-aapply here sa garden."

Nakangiti ito at mas lalong sumingkit ang mga mata, halos hindi na nga ito makita.

"So you're the owner of this garden?"

Natutop niya ang bibig dahil sa nalaman, ang lalaking minura niya pala ang magiging boss niya.

Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya dahil sa inasal kani-kanina lang. Siya namang biglang pagtunog ng telepono ng kausap, agad niyang sinagot ang tawag at mukhang importante dahil umalis pa ito mula sa kanilang table.

Matangkad si Marco, mas matangkad lang ng kaunti si Harry. Maganda ang hubog ng katawan nito na hakatang alaga sa gym. Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na ito at sinabing si Mr. Antonio ang tumawag, hinahanap daw sila pareho kaya pagkatapos kumain ay tinungo nila ang kinaroroonan ng ginoo.Kaagad pa nagyakapan ang dalawa na kung titingnan mo parang magkapamilya. Nagkwentuhan sila habang nakikinig lamang si Amanda, ayaw niyang sumabat sa pag-uusap ng mga ito dahil di naman siya nakakarelate sa mga pinag-uusapan.

Mabilis na lumipas ang araw para kay Amanda, abala siya sa kaniyang bagong trabaho. At dahil nga buntis siya ay sa opisina siya inilagay ni Marco. Parang assistant siya nito dahil isang office lamang sila, kung minsan ay nababagot siya dahil wala siyang masyadong ginagawa kaya lumalabas siya ng office at nagtatrabaho sa garden na madalas naman nilang pagtalunan ni Marco.

"I told you stop doing gardening Amanda, isang instructions lang hindi mo pa maintindihan. Alam mo you're getting into my nerves, mas lalo akong nahihirapan na nandito ka sakin nagtatrabaho."

Deri-deritso niya iyong sinabi at hindi niya napansin na nasasaktan niya na pala si Amanda.

She's four months on her pregnancy kaya alam niyang medyu sensitive ito emotionally.

"Kung stress lang din naman pala ang naibibigay ko saiyo Sir, eh mas mabuti pa siguro na umalis nalang ako sa trabahong ito. Wala naman akong ginagawang masama, nagtatrabaho lang ako."

Umiinit na naman ang ulo ni Amanda dahil sa ginawang pagpuna sa kaniya ni Marco.

Kaagad itong humakbang palayo subalit maagap niyang hinawakan ang kamay nito.

"I'm sorrry, you don't have to do this. Ang sinasabi ko lang kasi gawin mo lang ang trabaho na para saiyo. Hindi mo na dapat ginagawa ang trabaho ng mga gardener, dahil baka mapagod ka ng husto Amanda."

Marahan na itong nagsasalita at sa tuwing ginagawa niya iyon ay napapakalma si Amanda, bahagya niyang pinisil ang kamay nito na tila sinasabing tama ang mga sinabi nito para sa kaniya.

Madalas silang magtalo ni Amanda, noong nakaraang araw lang ay nagbangayan na naman sila at ang dahilan ay ang basuruhan na inilagay ni Amanda sa loob ng opisina. Ayaw niya kasi ng mayroong basurahan na nakikita kaya sinabi niyang ilipat iyong ng puwesto na siya namang ikina-inis ni Amanda. Sinabi pa nito na gusto lamang niyang nahihirapan siya kakatayo sa tuwing may mga itatapon sa basurahan, inilagay kasi nito iyon sa may tabi ng table na nito para daw mabilis ang oagtapos niya ng mga papers na basura na. Ngunit ang basurahang iyon ang

bubungad kay Marco sa papasok sa opisina at hindi iyon kaaya-aya sa kaniyang paningin.

"We're already engaged and we are planning to get marry soon."

Nakangiting abot tainga iyong sinabi ni Dina sa reporter na nagi-interview sa kanila ni Harry, umattend sila sa isang event kasama ang mayayamang businessman.

Binati naman sila ng reporter at kinamayan sila pareho, pinuri pa nitong bagay na bagay nga silang dalawa dahil pareho sila ng estado sa buhay.

Gustong mapangiwi ni Harry dahil sa kasinungalingan ni Dina, akam niyang ginagawa iyon ng dalaga upang mapressure siya dahil sa totoo lang never siyang nag-proposed dito.

Nakita iyon ni Amanda at Gwen na pareho pang nagulat ng bahagya, ilang laway ang ginawa niyang lunukin para lang mapigil ang pagluha. Sa tuwing nakikita niya si Harry naiisip niya ang kaniyang magiging anak, wala itong kamalay-malay na inabandona na siya ng kaniyang ama hindi pa man niya nasisilayan ang mundo.

Mabilis na lumipas ang panahon, nasa international airport siya kasama si Harold, nagpasya silang umuwi ng Pilipinas matapos kumbinsihin ng parents niya na na umuwi na sila.

"I'm sorry miss, nagmamadali kasi ako. Pasensiya na."

Sa pagtaas niya ng tingin mula sa pagkakaupo upang pulutin ang wallet na dala-dala ay nakita niya si Harry, ang taong nagbigay sa kaniya ng matinding pasakit.

"Nandito ka lang pala Amanda, kanina pa kita hinahanap. Bumili lang kami ni Harold ng brownies."

Mas lalong naguluhan si Harry sa nakita, napako ang tingin niya sa batang kasama ni Marco.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height