C6 Family outing

He's trying to get some sleep. It's almost three in the morning, and there he is, still thinking about what happened earlier at the airport. Amanda still looks beautiful and she still has those hypnotizing eyes. He wants to embrace her tightly and never let her go, but it's already too late. What hurts him the most is that the woman he loved already had a family, but the worst thing is that his best friend, Marco, is her husband. It's really clear that they are family. It's unbelievable, and he wishes he could be in Marco's position.

Ilang taon na rin noong huli silang magkasama ni Amanda, may mga pangako siya na hindi niya natupad. Marahil nasaktan si Amanda ng sobra, peru bumalik siya pagkatapos ng ilang araw, bumalik siya para tuparin lahat ng ipinangako niya ngunit hindi na siya nagawang hintayin nito. Wala naman siyang kilalang pamilya ni Amanda kaya hindi niya alam kung saan ito sisimulang hanapin. Nag-imbistiga pa siya ukol dito sa tulong ng kaniyang mga connections but he failed and failed again. Sa tingin niya ginusto ni Amanda ang nangyayari, iniisip niya na baka gusto lamang siya nitong gamitin upang makatakas sa mga sindikato noong gabing may nangyari sa kanila.

Pakiramdam niya niloko siya ng kaibigan niya, hindi niya alam kung papaano nito nakilala si Amanda, at hindi rin niya alam kung paano siya nito nagawang isahan. Damang-dama niya ang galit sa mga mata ni Amanda, tinitigan niya ito ng husto, ni'y hindi siya nito kina-usap man lang. Tila isa na muli siyang estranghero sa buhay nito. Si Marco kinamayan lang siya saka umalis na din, ang kapal ng mukha nitong ngumisi at makipagkamay sa kaniya matapos ang ginawa nitong pag-agaw sa babaeng mahal niya. Gustong-gusto niya itong sakalin kanina, kumukulo ang dugo niya sa tuwing naiisip ang ginawa nito sa kaniya.

"Dad, bakit magkakasama kayo ni Marco at Amanda?"

Kaagad niyang kompronta sa ama nang makauwi na ito ng bahay.

He's dad was staying in Korea for his flower farm, iyon nalang ang pinagkakaabalahan nito dahil iniwan na nitong lahat sa kaniya ang mga responsibilidad sa negosyo. Gusto lang daw nito ng mapaglilibangan dahil ayaw nitong mahiga na lamang sa kama ng buong maghapon. Mayroon silang bahay sa Korea kaya hinayaan niya na ito sa gusto nitong mangyari, matanda na ang daddy niya para ipagkait dito ang mga bagay na magpapasaya dito.

"Oh, you know her too? Amanda is such a perfect woman for Marco. They were working together in Korea."

Iyon lamang ang sinagot nito sa tanong niya. Umalis na ito patungong kwarto upang magpahinga.

Lalo siyang nasasaktan sa sinabi ng ama, totoo nga na mag-asawa na si Amanda at Marco. Pagkatapos ng halos isang dekadang pagtatrabaho ni Marco kasama siya sa kanilang kompanya ay bigla nalang itong nagpa-alam sa kaniya na umalis. Wala itong sinabing dahilan, hindi na rin naman siya nag-abala na tanungin ito dahil tila wala itong balak sabihin sa kaniya ang totoong dahilan nito.

Naging busy na din siya sa trabaho kaya di na siya nagka-oras na kamustahin ito. Bagama't minsan ay hinihiling niya na bisitahin siya nito isang araw, lalo na kapag sobrang stress na siya sa opisina.

Wala siyang naging balita dito, ni'y hindi niya alam na nagtayo ito ng sariling negosyo sa Korea. Hindi man lamang siya nito tinanong kung papaano ang mabilisang pagpapalago ng pera. Kasundo niya si Marco sa lahat ng bagay, pareho sila ng mga interest sa buhay. Ngunit hindi niya inakala na pareho din pala sila ng babaeng mamahalin.

"Mommy, who is he? The man at the airport, did you guys know him?"

Narinig niyang usisa ni Harold habang naga-almusal sila.

Parehong napatingin sa kaniya ang parents niya dahil sa hindi pagsagot sa tanong ng anak. Saka lamang siya natauhan, alam niyang hindi titigil si Harold sa pangungulit hangga't hindi nito nakukuha ang sagot sa mga tanong nito.

"Harold he was a stranger, and I want you to remember: don't talk to strangers. Some of them are bad people. Understand? "

Paalala niya kay Harold. Ibinaba pa ang kutsara at tinidor para makausap ng maayos ang anak.

Four years old palang si Harold but he was very smart boy, sa edad niya ay mabilis na siyang nakakaintindi ng instructiouns. Tumango lamang ito dahil sa kaniyang sinasabi ngunit muli itong nagsalita.

"How do you know if he was a bad person when you didn't know him yet?" Is it unfair to judge him without asking for his own story?"

Napakalalim ng sinabing iyon ng bata, hindi niya sukat-akalaing kay Harold niya maririnig ang mga salitang iyon.

Natamimi siya at hindi alam ang isasagot sa anak mabuti nalang at sumagot ang parents niya. Halos sabay pa ang mga ito sa pagsasalita kaya nabaling sa mga ito ang atensiyon ni Harold.

Hindi sila magkasama ni Marco, tumuloy ito sa dati nitong bahay medyu may kalayuan iyon sa kanila, gusto daw nitong ayusin ang iba nitong negosyo at magsimula ulit. Nagpasya na kasi itong manatili na sa Pilipinas for good, ang negosyo niya sa Korea ibinenta niya upang magamit sa bagong negosyo dito sa bansa.

Walang masyadong nagbago sa buhay ng pamilya niya, patuloy sa trabaho ang Daddy niya bilang isang professor sa isang kilalang unibersidad. Ang mommy niya naman patuloy din sa pagtuturo sa Elementarya, pareho silang busy. Kung sinu-sino na daw ang nilapitan ng buo niyang pamilya noong nawala nalang siyang bigla pagkatapos ng birthday niya. Pabalik-balik ang mga ito sa police station, nag-hire din ng private investigator ang dad niya para lang matukoy ang kinaroroonan niya. Subalit araw-araw silang bigo, halos mabaliw na ang mommy niya at dumating pa sa punto na nadepress ito at nagkasakit.

There were times that they wanted to give up looking for her, but they couldn't give up because she was their only child. No one can define how much a mother loves her child; they are both willing to surrender everything just to find her.

"I'm so sorry mom. I know it was my fault, kung hindi sana ako lumabas that night to have a party outside hindi sana ako na-kidnap. It was me who needed to be blamed for what happened."

Naluluha na naman si Amanda, ngayon niya nalaman kung gaano siya kamahal ng parents niya.

She realized how selfish she was four years ago, wala siyang inisip noon kundi her own happiness. Niyakap siya ng mommy niya, yakap na hinintay niyang maramdaman sa loob ng maraming taon, yakap na hinahanap-hanap niya sa mga panahong ubos na ubos siya. Nakakagaan ng kalooban, nakakahinga siya ng maluwag at napapawi ang mga sakit na kaniyang dinadala sa araw-araw.

"It's okay sweety, don't blame yourself kami ng daddy mo ang may kasalanan. Masyado kaming naging mahigpit saiyo. Kung hinayaan kalang sana namin na gawin ang mga bagay na gusto mo, maaring hindi ka tumakas noong gabing iyon. I didn't know na nasasakal kana pala."

Mas lalo niyang niyakap ang ina, nagpapasalamat siya dahil dumating pa ang pagkakataong ito, matagal niyang inantay na marinig ang mga salitang ito sa parents niya.

Nagplano ang buong pamilya na magbakasyon sa isang resort, pa-welcome daw iyon sa kanila ni Harold ayon sa daddy niya, isinama nila si Marco sa lakad dahil hindi na daw ito iba kay Harold at Amanda, at isa pa gustong magpasalamat ng parents niya dito dahil sa pagtulong nito kay Amanda noong nasa Korea ito.

Kahit na maraming gagawin noong araw na iyon si Marco ay pinili niyang sumama sa outing. Ilang araw na din niyang hindi nakikita si Amanda at naninibago siya, di tulad noong sa Korea sila na halos araw-araw niya itong nakakasama.

Noong nagtatrabaho si Amanda sa garden niya sa Korea ay naging malapit sila sa isa't-isa kahit na madalas silang nagbabangayan. Naging magkaibigan sila hanggang sa manganak si Amanda, siya ang kasama nito sa ospital inakala pa nga ng doctor na siya ang ama noong baby na isinilang nito. Nagkatinginan na lamang sila ni Amanda at sabay na napatawa.

Madalas silang napagkakamalang magkasintahan, sa tuwing nasa mall, restaurant, kahit nga sa bus. Gusto niyang totohanin lahat ng mga inaakala ng mga taong nakapaligid sa kanila. Gusto niyang sabihin kay Amanda na gusto niya ito noon pa man. Noong una niya itong makita, noon una sita nitong pagmumurahin. Subalit wala siyang lakas ng loob, hindi niya alam kung papaano sasabihin dito ang nararamdaman niya.He was a coward and he will admit it if there is a way that Amanda will stay beside him. Kaya niyang i-supress ang nararamdaman niya para dito.

"Look at them, mommy, they're so happy together.Look at their dad. He's really bad at swimming."

Nakangiti at tuwang-tuwang itinuturo ni Harold ang isang pamilya sa di kalayuan, kanina pa pala niya iyon pinagmamasdan.

Sa tingin niya nasa five years old 'yong batang babae, nagsi-swimming siya kasama ang parents niya, ang saya-saya nilang pagmasdan. Buo at masayang pamilya, bagay na alam niyang pangarap ni Harold. Bagay na kahit kailan ay hindi niya maibibigay sa anak, kinukurot ang puso niya. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"What's wrong, mom? Why are you crying?"

Siguro ay naramdaman nito ang bahagyang paghikbi niya.

"You want to meet your dad?"

Humihikbi niyang tanong sa anak habang hinahaplos ang likod nito.

"No, mommy."

Mahina nitong sinabi iyon, alam nitong hindi siya matutuwa kapag sinabi nitong gusto niyang makita ang daddy niya. Sa murang edad naiintindihan na ni Harold, na imposibleng makilala pa niya ang ama niya.

"I'm so sorry, Harold. I want you to know that mommy loves you so much. You always have me. You also have grandma and grandpa, and tito Marco."

Sinasabi niya iyon habang patuloy na hinahaplos ang likod ng anak.

Pilit niyang pinapasaya ang boses kahit na ang totoo labis-labis na nagdurugo ang kaniyang puso.

Gusto niyang sisihin ang sarili dahil sa pagiging madamot sa anak. Subalit mas mabuti na iyon kesa sa malaman nitong inabandona ito ng kaniyang ama hindi pa man ito nakakalabas sa sinapupunan niya. Balang araw mauunawaan din siya nito, at sana kapag dumating ang araw na malaman nito ang katotohanan, huwag sana siya nitong kapootan. Iyon ang bagay na kinatatakutan niya, ang itakwil siya ng sariling anak dahil sa paglihim ng buong katotohanan.

"Hey! Kanina ko pa kayo hinahanap. Mukhang may dramang nagaganap, are you guys okay?"

Lumapit si Marco sa mag-ina na ngayon ay nakaupo sa harap ng dalampasigan. Banayad ang karagatan at napakasariwa ng hangin na nagmumula rito. Naupo siya sa tabi ni Harold saka kinurot ang pisngi nito na bahagyang namumula dahil sa sikat ng araw. Palihim niyang tinitingnan si Amanda, malungkot ito alam niya.

"I think someone wants to eat strawberry ice cream," wika niya na ang tinutukoy ay si Amanda.

Favorite nito ang ice cream lalo na kapag strawberry flavor, madalas niya itong bilhan noon ng paborito nito, lalo na kapag napapansin niyang malungkot ito.

"Yeah, I think I need it. Bumili ka nga muna doon Sir Marco."

Maagap nitong sagot sa sinabi niya at nakuha pa siya nitong gawing utusan na kaagad din naman niyang sinunod.

Sa tagal nilang magkasama nito, hindi na nito kailangang magsalita pa para malaman niyang may dinaramdam ang kalooban nito. At alam niyang tungkol iyon sa ama ni Harold, gusto niya itong tulungan ngunit hindi niya alam kung papaano. Ang tanging magagawa niya nalang ay i-comfort ito.

Tatlong araw sila sa resort, napakabilis ng oras dahil kinabukasan ay babalik na naman sila sa kanilang normal na buhay. Nagkakape si Marco sa harap ng mala-paraisong asul na kulay ng dagat, nakakahalina ang taglay nitong kagandahan, mainam ito para sa mga taong stress katulad niya. Nitong mga nakaraang araw kasi nagiging abala siya sa pagpaplano sa kaniyang bar at resturant, nakabili na rin siya ng sariling sasakyan. Mula sa pinagbentahan ng kaniyang negisyo sa Korea,halos di na siya nakakapagpahinga ng walong oras sa gabi sa dami ng kaniyang ginagawa.

Lumabas mula sa kanilang cottage si Harold, naka-pajama pa ito na halatang kagigising lang. May dala itong yogurt drink at naupo sa tabi niya matapos niyang batiin. Malambing si Harold, makulit, ang hilig nitong magtanong kaya lumaki itong maraming alam. Ilang minuto pa silang nagko-question and answer nang lumabas si Amanda suot ang white bikini nito, sa ilang taon nilang magkasama sa Korea ay hindi niya ito nakita sa ganitong kasuotan. Hindi niya mapigilang humanga sa angkin nitong kagandahan and she's very sexy and seductive in her white bikini.

His eyes widened, and he was not aware that his mouth was open for a second.

"What's wrong with you, Tito? You drank all my yogurt drink."

Saka lamang siya natauhan nang marinig iyon, and when he look at the bottle in his hands saka niya lang na-realized na ubos na pala 'yong yogurt drink na Harold kaya pala nagtataka siya kung bakit malamig ang iniinom niya samantalang kape ang tinimola niya bago siya pumunta sa beach.

Kumurap-kurap siya saka nagsalita,

"Sorry, I thought it was my coffee. Don't worry, I'll get you another one."

Mabilis siyang tumayo at tinungo ang kanilang villa, mabuti na rin iyon para madistract ang isip niya. Natatawa siya sa nangyari, mabuti nalang at hindi napansin ni Harold ang pagkatolero niya. Hindi niya maintindihan ang sarili, gusto na niyang pagsasampalin ang sarili dahil sa mga kakaibang ikinikilos nito.

Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon dahil lang nakita niya si Amanda in her white bikini, lalaki siya normal lang naman siguro na humanga siya dito, dahil sa kasexyhan nitong taglay. Wala naman sigurong mali sa nararamdaman niya, pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na burahin sa isip ang kaniyang nakita, hindi na kasi siya nakakapag-isip ng maayos. Kaagad niyang tinungo ang refrigerator upang kumuha ng bagong yogurt drink ni Harold.

Akmang bubuksan niya na ang ref ng biglang sumulpot si Amanda.

"What are you doing here? I think I saw you at the beach," wika nito na bahagyang nagulat.

"Kukuha lang ako ng yugort ni Harold, he told me na ininom mo yong drinks niya at inubos mo pa. What's wrong with you? Allergic ka sa milk right?"

Patuloy nito na halatang nagtataka dahil sa nangyari.

Maging siya ay natataranta dahil hindi niya alam kung papaano sasagutin ang mga tanong nito. Naglaho lahat ng mga salitang dapat sana ay sabihin niya dito. Ngayon nga lang niya naalala na allergic siya sa gatas, hindi niya na talaga maintindihan ang sarili. Tila ba may malaking krimen siyang nagawa nang mga sandaling iyon...

At unti-unti na ngang namaga ang kaniyang mukha pati na rin ang iba pang parte ng kaniyang katawan.

Samantala biglang tumunog ang telepono ni Marco habang wala itong malay at kasalukuyang binibigyan ng gamot ng isang doktor. Hawak ni Amanda ang telepono nito, tiningnan niya iyon at may isang unregistered number na tumatawag. Kailangan niya iyong sagutin dahil baka isa iyong business matters, sasabihin niya nalang kay Marco kapag nagising na ito.

"Hey Marco, it's me Harry. It's been a long time bro! Can we meet and have some talk? I will text you the place."

Iyon lang ang sinabi at kaagad ng pinutol ang tawag. Her heart beats so fast, his voice is still the same, and it still makes her whole body tremble.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height