C7 Cotton candy
He was very disappointed with how Marco ignored his invitation. Maybe things are different now between the two of them. He's not the best friend he's known for a long time. He's not the same person he was with years ago. It broke his heart that he had assumed that they would be friends forever. Amanda could be the catalyst for all of this.Marco loved her so much, he knew it. The way he looked at her eyes.
It's really frustrating that the woman you wanted to be yours will not end up with you, and it will never be yours because she was already owned by your best friend.
Harry wanted to regret that he never returned to Amanda's place on those days that he had to. He became selfish for taking Amanda's wish for granted the night that she whispered to him that she wanted to be free from her cage. Harry still remembers her soft voice; it was like a lullaby.
He missed her so bad, but what was he going to do now?
Now that Amanda is back but not in his arms,
"My God, Harry! I've been looking for you all over your building. What are you doing here at the children's park?"
Si Dina Ang nagsasalita, nakakairita ang kaartehan into.
Hindi niya ito pinansin, ang totoo gusto niyang mapag-isa kahit ngayon lang. Gusto niya munang lumayo sa mga problema na ibibigay ng kaniyang secretary. Bagong hired ito dahil nag-resign Ang kaniyang dating secretary dahil hirap ito sa paglilihi. Nai-stress siya sa bagong ipinalit dito, bukod na sa Marami itong nakakaligtaang gawain masyado pa itong nagpapa-cute sa kaniya. Ngayon palang gusto niya na agad itong tanggalin sa trabaho nito.
"What? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nandito?"
Pukaw ulit nito sa kaniyang katahimikan.
"I know, Dina, you want me to go out with you and pretend to be your boyfriend. You know it will never happen, kahit na you help me with the mess in my company."
Deri-deritso niya iyong sinabi sa dalaga.
Ang pamilya Monteverde kasi ang tumulong sa mga gusot sa kaniyang negosyo. Kahit papaano ay nakakabangon na ang kanilang negosyo dahil sa tulong ng mga ito. Ngunit hindi niya maibibigay sa mga ito ang hinihinging kapalit ng pag-tulong ng mga ito sa kaniya.
"Don't be too harsh on me, Harry. I'm here because Dad wants to introduce you to his friends. They are from Canada, and I think it will help you if you are linked with them," sabi nito at kinuha ang telepono sa kaniyang bag.
"Hello dad, yeah Harry is coming with me."
Nagulat siya sa sinabi nito, ni'y hindi pa siya nakakapag-decide.
Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa mga Monteverde dahil alam niyang maniningil ang mga ito sa lahat ng mga naging tulong ng mga ito sa kaniya pagdating ng araw. Kahit na malapit ang ama ni Dina sa Daddy niya ay hindi pa rin siya kumbinsido na totoong mabubuting tao ang mga ito lalo na pagdating sa pera.
Pagkatapos siyang ipakilala ni Dina sa mga friends ng Daddy nito ay masaya na ang mga itong nagkwentuhan tungkol sa kanilang mga negosyo, nag-alok pa ang isa sa mga ito na magi-invest ng malaking halaga sa New horizon. Naikwento kasi ng Daddy ni Dina ang tungkol sa kaniyang mga negosyo kaya nagka-interes itong magi-invest. Puro magagandang salita tungkol sa kaniya ang naririnig niyang sinasabi ng Daddy ni Dina. Alam niyang pinapabango nito ang pangalan niya sa mga kaibigan nito. At alam din niya kung ano pa ang mga susunod na sasabihin nito.
"If Dina and Harry are getting married soon, you are all invited to the wedding. I won't accept excuses," anito saka tumingin ng bahagya kay Harry na para bang sinasabi nitong sumang-ayon sa kaniyang sinabi
"Yes we will married soon. Right, Harry?"
Si Dina ang sumalo, at mabuti na rin iyon dahil baka mapansin ng mga ito na nagsisinungaling ang Daddy ni Dina.
Tumango na lamang siya saka bumulong kay Dina, "Ano ba naman Dina, pati ba naman sa mga kaibigan ng Daddy mo magsisinungaling tayo?"
Tumikhim si Dina at tumayo na sa kinauupuan.
"We really want to have a long talk with you guys, but Harry and I have a date today." Is it okay if we go ahead? "wika nito habang hawak sa kamay si Harry.
Sabay-sabay namang tumango ang mga ito.
Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Dina mula sa pagkakahawak ng kamay niya. Mabilis din siyang naglakad na may mabigat na mga hakbang.
"Mommy, can we go to the park later? It's been a while na kasi na di ako nakakapag-play kasama ka."
May pa-puppy eyes pa ito para lang pumayag siya. Naging busy siya nitong mga nakaraang araw dahil masyado siyang hands on sa kaniyang negosyo. Gusto niya kasing nasusubaybayan kung paano lumago ang kaniyang pera.
"Okay fine, alam mo namang hindi kita matatanggihan kapag ganyan ka ka-cute eh," wika niya habang hawak ang magkabilang pisngi ng anak.
Si Harold ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya, ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas upang magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga pait at hirap na dinanas niya.
"What time do we go there, mommy?"
Tinitingnan nito ang wall clock sa kaniyang opisina.
Napansin niyang ilang minuto nalang at mawawala na ang sikat ng araw, kaya mabilis siyang nagligpit ng mga gamit. Iniwan niya nalang sa isa sa kaniyang mga staff kung ano pa ang dapat niyang Gawin, tulad ng paglilinis ng kaniyang office na kadalasang siya ang gumagawa.
Iilan nalang ang mga bata sa park dahil alanganing oras na, ngunit masaya pa rin si Harold. Nakikita niya iyon sa mga mata nito, noong nasa Korea sila madalas silang pumunta sa mga children's park, iyon ang kanilang bonding ni Harold. Madalas silang maglaro ng habol-habulan paborito din nitong sumakay sa swing at mag-slide. Ginagawa niyang lahat ng mga bagay na magpapasaya sa anak dahil ayaw niyang maramdaman nito na mayroong kulang sa buhay nito.
"You can start playing what you want, honey. I will buy you some cotton candy. I will be quick."
Bahagya niyang tinapik ang balikat ng anak saka umalis.
Ayaw niyang kumakain ng sweets si Harold dahil sigurado siyang sa dentist na naman ang bagsak nila. Subalit naisip niya na minsan lang sila nagkakabonding ng anak, magiging konsentidorang ina muna siya this time. Paboritong-paborito kasi ng anak niya ang cotton candy simula noong matikman niya ito noong last na lumabas sila para mamasyal.
Malayo na ang kaniyang narating ngunit wala pa rin siyang makitang nagtitinda ng cotton candy. Imposibleng mangyari iyon dahil madalas sa mga children's park matatagpuan ang mga nagtitinda nito. Siguro wala ito dahil malapit ng gumabi.
Nalungkot siya, tiyak na hahanapan siya ni Harold ng cotton candy, nangako kasi siya sa anak na ibibili niya ito kapag nakarating na sila ng park. Pang-bawi niya iyon dahil late na silang nakaalis mula sa kaniyang opisina.
"Ale, saan po dito makakabili ng cotton candy?"
Tanong niya sa isang babae na sa tingin niya ay sweeper sa lugar na iyon.
Nagmamadali siyang tinungo ang sinabi nitong lugar, umabot ng apat na minuto ang kaniyang paglalakad bago natanaw ang mamang nagtitinda ng cotton candy. Kaagad na siyang bumili pagkarating dito. Baka hinahanap na siya ni Harold. Kampante siyang iwan ito kanina dahil may ilan namang mga nakatatandang nasa park. Ibinilin pa niya ito sa isang mommy malapit sa kinaroroonan nila ng anak.
Color blue ang pinili niyang kulay ng cotton candy para sa anak, nakikini-kinita na niya ang itsura nito habang ninanamnam ang sweetness ng cotton candy. Tuwang-tuwa ito kapag nararamdaman nito ang pag pop ng maliliit na animo'y mga bula sa big nito. 'Di na niya kinuha pa ang sukli dahil sa pagmamadali, at tulong na rin iyon sa mamang tindero.
"Come on, Harold, try to catch me, dude!"
Tumatakbong sigaw ni Harry sa batang nakadampot ng hawak niyang bola. Kanina pa siya nakatambay sa park at noong makita niya ang isang aleng nagtitinda ng mga laruan pangbata ay naisip niyang bumili ng isang bola.
Sitting at the park bench becomes his hobby, especially when he was exhausted from all the things in his work. He loves watching children, their smiles and giggles light up his bad day. Naisip niya tuloy ang sarili, ilang buwan nalang madagdagan na naman ang edad niya. And there he was, still single.
"You better get ready, Harry, because I'm coming. My mother taught me how to run faster than ever!"
Sagot nito sa kaniyang panghahamon habang tumatakbo ng mabilis.
He's really cute, he looks like his mom. Sana siya nalang ang Daddy nito, subalit alam niyang hindi na iyon mangyayari. Totoo ngang madaya ang Tadhana, naniniwala siya dahil isa siya sa pinaglaruan nito.
Nakita niyang papalapit na si Harold kaya muli siyang tumakbo ng mabagal. Ayaw niyang mapagod ang bata dahil baka pawisan ito ng husto at magka-ubo.
Inabutan siya nito at kaagad nitong niyakad ang kaniyang dalawang binti, paraan ito para di na siya makalayo pa.
"See, I told you. I can catch you."
Masaya ngunit hapo itong nagsasalita.
Kaagad niya itong binuhat at tinungo ang bakanteng bench upang makapagpahinga si Harold. Gusto niya itong tanungin tungkol kay Amanda at Marco ngunit nag-aalangan siya dahil baka kung ano pang isipin ng bata.
"Napagod ka ba? Here, uminom ka ng tubig."
Nakangiti niyang alok sa bata. Kagagaling niya lang ng gym, at nakaugalian na niyang magdala ng sarili niyang tubig. Kaagad naman 'yong tinanggap ni Harold saka uminom ng tuloy-tuloy. Halatang napagod ito sa kakatakbo.
"I really had fun today. Thank you for coming here. Can we play again next time?"
Hirit pa nito matapos uminom.
Kinuha niya ang towel sa kaniyang gym bag at pinunasan ang likod at buong mukha ni Harold. Dalawang towel ang lagi niyang dala, mabuti na lamang dahil nagamit niya iyon sa batang unti-unti ay napapalapit na sa kaniya.
"Let's see, you can visit me at my house or at my office. I really hope to see you again, Harold, " aniya saka kinuha sa wallet ang kaniyang calling card, isinulat niya rin ang address ng bahay at opisina niya.
"Yeah, I really want to see you too. Maybe I can stay at your place. Mom is not home always, by the way."
Seryoso ito habang nagsasalita. Mukhang nagsasabi ng totoo si Harold dahil kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.
May nararamdaman siyang kung ano na hindi niya maipaliwanag, he really had fun being with Harold. Parang gumaan 'yong pakiramdam niya na ngayon niya lang naramdaman. O baka dahil first time niyang nakipaglaro sa isang bata.
"Take this ball, it's all yours. I have to go because I'm a busy man. Everybody needs me at the office," aniya nang mabasa sa kaniyang cellphone ang text message ng kaniyang secretary.
Hindi natatapos ang trabaho niya, kung minsan gusto niyang magpahinga ngunit hindi niya iyon magawa. Ni'y tulog niya sa gabi iilang oras nalang din dahil kailangan niyang bumangon para sa mga kailangang gawin. Nasa trabaho na yata umiikot ang mundo niya.
Halos hindi makapaniwala si Harold, muli pa nitong tinanong si Harry kung totoo ba ang sinasabi nito. Tila hindi sanay ang bata na tumanggap ng anumang bagay mula sa ibang tao.
"Are you sure you will be okay here? I can help you to find your mom first before I go."
Nag-aalala siyang iwan ito dahil nag-iisa lang ito. Sumang-ayon naman ito sa kaniyang mungkahi.
Akmang tatayo na sila para hanapin si Amanda ay siya namang pagsulpot nito mula sa kanilang likuran.
"I told you Harold, don't talk to stranger. We're not sure if what they're motif for us. Especially to you."
Bigla nitong hinawakan sa kamay si Harold saka mabilis na inilayo sa kaniya. Kitang-kita niya ang galit sa pagmumukha nito. Hindi niya maintindihan kung saan nagmumula ang galit nito sa kaniya. Wala naman siyang naaalalang ginawa na masama dito.
Nanginginig ang buong katawan ni Amanda nang makita si Harold na kasama si Harry.
Sa totoo lang hindi niya alam kung anong sasabihin sa lalaking nagpa-asa sa kaniya na totoo ang fairytale, lalaking pinagkatiwalaan niya ng buong pagkatao niya. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Natatakot siya na baka malaman ni Harry ang lihim na iniingatan niya ng husto. Ilang beses niyang hiniling na sana ay hindi na muli pang magtatagpo ang landas nilang dalawa ng lalaking ito, subalit bigo siya sa kahilingang iyon.
"Mommy, he's not a bad person. He's my friend, and I know he has a pure heart like yours. "
Natamimi siya ng ilang segundo dahil sa sinabi ng anak.
Luminga-linga siya sa paligid, ayaw niyang matuon ang kaniyang mga mata kay Harry.
"Enough, Harold. Let's go home. How could you disobey my rules?"
Gusto niyang umiyak, ayaw niyang masaktan ang anak sa mga salitang sa bibig niya nagmula.
"I'm sorry, Amanda. Don't be mad at your child just because he talked to a stranger, " wika nito na alam niyang nakatitig sa kaniya ang dalawang mata nito.
"And really? Am I a stranger to yours now? " It's unbelievable, Amanda."
Narinig niyang muli ay sinabi nito saka bahagyang tumawa.
"Don't you go near my son again? Or else I will report you to the authorities. "
Nakatiim ang kaniyang bagang habang nagsasalita. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pagkatapos siya nitong talikuran at iwan na parang basahan.
"What? Seriously, though, what are you going to accuse me of? Kidnapping?"
Muli nitong sagot sa kaniya. Mas lalo siyang nainis dahil sa sinabi nito.
Kung wala lang si Harold sa mga sandaling iyon ay pinagsasampal niya na ito ng kaniyang high heels. Nagtitimpi lamang siya dahil ayaw niyang marinig ng anak ang kanilang pinag-uusapan ni Harry. Matalinong bata ang anak niya kaya sigurado siyang magtatanong ito saw kaniya kapag naka-uwi na sila ng bahay. Kailangan niyang mag-isip ng mga isasagot sa posibleng tanong nito.
Mabilis niyang hinila si Harry at dinala palayo ng bahagya kay Harold, sinenyasan niya naman ang anak na kakausapin niya lang si Harry. Tumango lang ang bata at ngumiti ng bahagya.
"Why are you so mad at me, Amanda?"
Si Harry ang unang nagsalita.
Sa paglipas ng ilang taon hindi nagbago ang buong itsura nito. Gaya ng dati he still looks handsome, and sexy at the same time. Base sa kaniyang suot nitong white shirt na medyu fitted, alaga sa gym ang katawan nito. Nagkaroon lang ito ng balbas ngunit hindi naman gaanong mahahaba. Mas lalo lang itong naging gwapo sa beard nito. Kumurap-kurao siya at gustong pagalitan ang sarili dahil sa iniisip niya.
"Dahil ayaw kong mapalapit siya sa mga taong di namin Kilala. Baka mamaya kung ano pang mangyari sa kaniya."
"So, do you think I was that kind of person? Amanda, maybe you don't know me well but Hindi ako katulad ng mga taong iniisip mo."
Hinawakan pa siya nito sa kamay na kaagad niya namang inalis.
"Oh really? I'm just protecting my son, Harry Anderson. Stay away from him."
Mabilis siyang umalis pagkatapos sabihin iyon. Tumakbo pa siya ng bahagya pabalik kay Harold. Kaagad niyang inaya pauwi ang anak at sinabing naayos niya na ang problema tungkol sa kanilang dalawa ni Harry.
"Did you know him, mom? "Did you deceive me by telling me he's a stranger?"
Sunod-sunod ang naging pag-uusisa ng bata. Narinig kasi nito ang ibang naging pag-uusap nila ni Harry.
"He told me, you guys knew each other many years ago."
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ng anak. Pakiramdam niya unti-unti ng nabubuko ang matagal na niyang lihim. Kailangang gumawa siya ng paraan upang di na muli pang magkita si Harry at ang kaniyang anak. From now on, babantayan niya na ng maigi ang anak, at sisiguraduhin niyang di na makakalapit pa dito si Harry.