+ Add to Library
+ Add to Library

C8 A birthday party

She's wearing her sexy black dress, above the knee ang taas nito at medyu fitted sa balingkinitan niyang katawan. Kita rin ng bahagya ang kaniyang likod dahil may portion doon na open ng bahagya, hindi siya mahilig maglagay ng kung anu-ano sa mukha niya kaya she only put light make up.Wearing her favorite red lipstick, she gets out of her room.

It's Mr. Antonio's birthday, ayaw niya na sanang umattend subalit humiling sa kaniya si Mr. Antonio na dumalo siya 66th birthday nito. Hindi niya magawang tumanggi dahil para niya na itong ama, malaki rin ang utang na loob niya dito. Isa pa kabilang na si Mr. Antonio sa mga mahahalagang tao sa buhay niya.

"Hi, can you please open your gate?" wika ng tinig ni Marco na masyadong binigyan ng effort para lang maging masarap ito sa pandinig ni Amanda.

Napatawa siya sa kabilang linya ng telepono, sabay silang pupunta ng party ni Marco. Mabuti nalang at narito ito dahil kung wala, wala siyang magiging escort.

Bumungad sa kaniya ang lalaking nakasuot ng dark blue suit. Gwapo itong tingnan sa suot nito, dagdagan pa ng body spray nitong ang sarap samyuin. Lumapit siya ng bahagya sa lalaki saka inamoy-amoy ito.

"Look who's not ready for the party," sabi niya na natatawa.

Naalala niya kasing sinabi nito sa kaniya na di daw ito prepared para sa birthday party ni Mr. Antonio. Bigla siya nitong niyapos ng mahigpit kaya kaagad siyang kumawala dito.

"Mabango 'di ba? You look fantastic Amanda, gorgeous as always."

Nakatitig ito sa kaniya habang nagsasalita.

Nakaramdam siya ng kaunting pagkailang sa tagpong iyon nila ni Marco. Kahit madalas silang magkasama noon sa Korea ay hindi siya nito binigyan ng anumang compliment tungkol. Madalas pa nga panglalait nito sa kaniya, mas madalas nitong mapuna ang mga hindi magagandang bagay tungkol sa kaniya.

"Thank you, ikaw din hindi ko inakala na mas magmumukha kang tao with your outfit today."

Ayaw niyang bigyan nito nge malisya ang gagawin niyang pamumuri dito kaya minabuti niyang idaan iyon sa pagpapatawa.

Hinapit siya nito sa beywang na ikinagulat niya ng husto. Hindi niya magawang tumingin dito ng deritso, parang ayaw gumana lahat ng nerves niya sa katawan.

"See? We're really perfect," sabi nito habang pinagmamasdan ang kanilang reflection sa side mirror ng sasakyan.

"Ano ba Marco! Kung anu-ano iyang mg sinasabi mo. Alam mo, umalis na tayo at baka wala na tayong parteng aabutan."

Pinandilatan niya ito ng mata.

Napansin niyang mas lalo itong ngumiti dahil sa sinabi niya. Mahilig magbiro si Marco kaya di na siya masyadong naiinis dito. Sanay na sanay na siya sa mga kalokohan nito.

"Ano ba kasing iniisip mo sa sinabi ko?"

"Nothing, ano da dapat isipin ko?"

Binalik niya ang tanong nito sa kaniya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat na isagot.

Nahihiya siyang sabihin dito ang mga salitang tumatakbo sa kaniyang isipan.

Mabilis ang kanilang naging biyahe ilang oras lang ay nasa mansiyon na sila ni Mr. Antonio. Napa-awang ng kaunti ang bibig ni Amanda sa laki ng bahay ng kaniyang itinuring na 'ding kaibigan.

Kinuha ni Marco ang kaniyang kamay at inilagay iyon sa braso nito saka naglakad papasok ng mansiyon. Tiningnan niya ito sa mga mata na tila nagtataka saw ginagawa nito.

"I'm just giving you a favor. Look at them. This is how a man takes care of his lady," anito at itinuro pa ang mga mag-partners na umattend ng party.

Tama nga naman si Marco most of them are holding hands each other. Siguro iniisip lang nito na gawin iyon kay Amanda ay dahil gusto nitong ipakita sa mga tao na gentleman ito.

Nasa garden ang ginawang party, may mga tao din naman sa loob ng bahay. Ang ilan ay abala sa pakikipag-kwentuhan. Karamihan sa mga naroroon ay mga kakilala ni Mr. Antonio sa negosyo. Napakalawak ng garden siguro pwede na itong palagyan ng theme park.

"Marco, dear! Mabuti at nakarating ka."

Bungad ng isang may edad ng babae.

Ngunit sa edad nito ay napaka-sophisticated nitong tingnan. Maganda ito at makinis, suot nito ang silver dress na hanggang tuhod ang haba. Lumapit pa ito kay Marco saka humalik sa pisngi nito.

"Tito invited me here. You know, I can't refuse him."

"So, it's her?"

Muli ay tanong nito.

Naguguluhan si Amanda kung sino ang pinag-uusapan ng mga ito.

"She's a friend, Tita. I met here at Korea."

"Amanda Tennison."

Pagpapakilala niya sa sarili nang matukoy na siya ang pinag-uusapan.

"Rachelle Anderson. Thank you for coming sweety," wika nito.

"I'm going to tell Antonio that you two are already here. The food is there," sabi nito at itinuro pa kung nasaan ang kinaroroonan ng mga caterers.

Naiwang nag-iisip si Amanda. Hindi nabanggit sa kaniya ni Mr. Antonio na Rachelle pala ang pangalan ng asawa nito. Mukha naman itong mabait, iyon ang kaniyang first impression sa ginang. May ilang tao roon na bumabati kay Marco, ang iba naman ay nakikipag-kamay. Parang kilalang-kilala siya ng mga kaibigan ni Mr. Antonio.

Kumuha ito ng wine na bit-bit ng isang caterer. Ibinigay nito ang isa sa kaniya. Hindi siya sanay uminom ng mga mamahaling inumin, ngunit dahil nasa party siya kailangan niyang gawin iyon.

"What do you want to eat, Amanda?"

Napakaraming pagkain ang nakahain, hindi niya tuloy alam kung ano ang kakainin. Nagugutom na rin siya ng bahagya. Namimiss niya ang ibang pagkain sa Korea. Tuwang-tuwa siya nang makita na mayroong iilang korean foods. Samgyeopsal, Japchae, Ddukbokki, Bulgogi, at siyempre 'di mawawala ang Kimchi. May iilan kasing bisita si Mr. Antonio na nagmula pa sa Korea, at siguro gusto din nito ang mga Korean foods dahil mahabang panahon na rin itong nanatili sa Korea.

"I really love Bulgogi. I miss to eating it," wika niya kay Marco.

Kitang-kita sa mukha niya ang tuwa.

Kinunan naman siya nito ng gusto niyang pagkain. Di na bago sa kaniya na pinagsisilbihan siya ni Marco. Sanay na siya na ginagawa nito ang mga iyon sa kaniya simula pa noong manganak siya kay Harold. Ito ang gumagawa ng lahat ng ginagawa dapat ng isang lalaki sa kaniyang asawa. Maalaga si Marco, at kahit kailan 'di siya nito pinabayaan.

"Kumain ng ayon sa laki ng imbakan ng iyong tiyan," sabi nito.

Tiningnan niya ito ng masama.

"Nagugutom ako Marco, I just prepared my stomach to be empty bago pumunta dito."

Pina-ikot niya pa ang mga mata.

"Amanda, you're finally here."

Sabay silang napalingon sa boses na nagmumula sa kanilang likuran.

Tumayo pa si Amanda mula sa pagkaka-upo upang salubungin si Mr. Antonio. Katulad ng dati, masayahin pa rin ito at masigla.

Lumapit si Amanda dito at niyakap ito ng mahigpit.

"Happy birthday, Mr. Antonio. I'm so glad to see you again. It's been a long time."

"Naging busy ako sa Korea kaya matagal bago ako nakabalik dito. Kamusta ka na?"

"I'm doing well," wika niya habang bumabalik sa kanilang table ni Marco.

"Thank you for coming, Marco, and thank you for bringing Amanda here. I prepared her favorite Korean food. So, she can enjoy the party."

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, sobrang mahalaga pala siya kay Mr. Antonio dahil inihanda pa nito ang mga pagkaing paborito niya. Wala siyang ideya kung bakit ganoon siya kalapit sa ginoo. Ayaw niyaw naman itong tanungin dahil nahihiya siya.

"Thank you, Tito. I'm happy to be with you on your special day."

Nakikinig lamang si Amanda sa pag-uusap ng dalawa. They're talking about the new business of Marco, narinig pa niyang nag-offer ito nang tulong kung sakali daw na kailanganin iyon ni Marco. Habang nagku-kwentuhan ang dalawa ay biglang tumunog ang cellphone ni Amanda.

Si Gwen ang tumatawag kaya nagpa-alam muna siya sa dalawa na aalis muna sa table.

"Gwen, kamusta? Napatawag ka?"

Kaagad ay bungad niya sa kaibigan.

"Is it bad to call my best friend?"

Tila may kakaiba sa boses nito. Nararamdaman niyang may nangyaring hindi maganda dito. 'Di niya mapigilang 'wag mag-alala kay Gwen. Lalo na ngayong nag-iisa lamang ito sa Korea.

"Hey! What's wrong, Gwen? May problema ba?"

"Amanda, nabalitaan ko na naaksidente ang tatay," wika nito.

Naririnig niya ang bahagyang paghikbi nito.

"Can you please help me? Kailangan nila ng pera ngayon para makalabas ng ospital."

"Ibigay mo ang address ng ospital at pupuntahan ko. Teka, kanino mo nabalitaan ang news?"

Hindi nito sinagot ang tanong niya tanging paghikbi lamang nito ang kaniyang naririnig sa kabilang linya ng telepono.

Wala naman kasing nabanggit sa kaniya si Gwen na may contact na pala ito sa mgae kamag-anak nito dito sa Pilipinas. Ang tanging alam niya lang, ayaw ng magpakita pa ng kaibigan sa mga ito. Matagal na siyang patay para sa kaniyang pamilya dahil iyon ang sinabi ng mga tauhan ni Mr. Aragon noong kinidnap siya ng mga ito.

"I will send you the money before you can visit them. And please don't mention my name to them."

Paki-usap nito sa kaniya.

Gusto niyang suwayin ang gusto nitong mangyari, kailangang malaman ng buong pamilya nito na she was still alive. Subalit'di niya naman kayang magsinungaling kay Gwen. Marami na silang pinagsamahan at hindi na biro ang mga iyon. Hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira ng kanilang friendship. Pagkatapos niyang mangako sa kaibigan ay muli na siyang bumalik sa kanilang table ni Marco.

Nang bigla siyang mabangga ng isang babae.

"What the hell are you!"

Bulyaw nito sa kaniya nang aksidenteng matapunan ng wine ang dress nito. Dinala niya kasi ang iniinom niyang wine noong sagutin ang tawag ni Gwen.

"Sorry, I didn't mean it. Bigla ka nalang sumulpot kaya mabangga mo ako," wika niya nang makabawi mula sa pagkabigla.

"So, are you telling na kasalanan ko pa ang nangyari?"

Mataray nitong sagot sa sinabi niya.

Mukha itong mayaman, kitang-kita ang kaseksihan nito sa suot nitong red dress. Siguro isa ito sa mga investors ni Mr. Antonio.

Ilang saglit siyang natigilan dahil tila pamilyar sa kaniya ang babaeng ito. Saka niya lang naalala na ito pala ang fiance ni Harry.

"For your information, ikaw ba ang nagmamadali sa paglalakad. I'm just standing here nang bigla kang dumating at nasagi mo 'yong wine glass ko."

Mabuti nalang at walang masyadong tao sa kanilang kinaroroonan. Hindi siya 'yong tipo ng babae na mahilig mag-iskandalo ngunit hindi rin siya isang babae na basta-basta na lamang magpapatapak sa iba.

"Do you want to get rid of this party? I can call the security to get you out of here."

"Is this your party?"

Hinahamon siya ng babaeng ito, hindi niya ito aatrasan kahit saang korte pa sila makarating.

Hindi nito sinagot ang tanong niya.

Maya-maya pa ay may dalawang lalaking lumapit sa kaniya. Kina-usap siya ng mga ito at sinabing umalis na lang saw that muna siya sa party ayon kay Mrs. Anderson.

"I'm invited to this party. If you will excuse me," wika niya saka tuloy-tuloy na umalis.

Ngunit naka-sunod pa rin sa kaniyan ang dalawang lalaki na para bang may gagawin siyang hindi maganda anumang oras.

"Leave her alone. Bisita ko siya!"

Si Mr. Antonio nagsasalita.

Mabilis namang sumunod ang dalawang lalaki.

"Who told you to harass my visitor?"

May tono ng galit ang boses nito.

"Si Miss Dina po, Sir. Humihingi po kami ng pasensiya."

Nakayukong pareho ang dalawang lalaki saka umalis.

"Are you okay, Amanda? That woman is ridiculous."

"Okay lang po Mr. Antonio. You don't have to worry about these."

Nakangiting sabi niya saka sabay na silang bumalik ng table kung saan naroroon si Marco.

Nagtanong pa ito kung bakit sila natagalan. Pareho silang nagsinungaling ni Mr. Antonio.

Ilang oras pa at natapos na ang birthday celebration ni Mr. Antonio. Nagpa-alam na sila sa kaibigan at tinungo na ang parking area para kunin ang sasakyan.

Si Marco nalang ang tumungo sa parking area, naghintay na lang siya sa pagdating nito.

Nakakuyom ang mga kamay ni Harry sa halos buong party ng Daddy niya. Nakita niya kung paano asikasuhin ni Marco si Amanda. Nakita niya kung gaano sila kasaya. Hindi na siya dapat nasasaktan ng ganito. Dahil wala na siyang karapatan pa, nasa ibang tao na si Amanda. She still looks amazing and sexier on her own. Parang sasabog ang puso niya sa matinding selos. Lalo na kapag hinahawakan ni Marco ang beywang nito. He had already marked her as his woman, but still, someone stole her from him.

"I didn't know Dad invited you."

Bungad niya kay Marco.

Kanina pa niya ito gustong maka-usap. Naghintay siya ng pagkakataon at ngayon nag-iisa ito kaya pwede niya itong komprontahin tungkol sa ginawa nitong paglayo kay Amanda sa kaniya.

"Harry, don't you know that your dad and I were best friends too?"

He chuckled at what he had heard from Marco.

"What do you want?"

"Nothing, I just want to congratulate you on having a great, perfect family."

"Thank you. I wish you all the best, Harry. By the way, congratulations, engaged ka na pala."

Tumawa siya ng bahagya dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na maraming tao pa rin pala ang naniniwala sa mga maling balita.

"So, how was it?"

Napansin siya ang pagkalito sa mukha ni Marco.

"You ignored my invitation last time. I waited for you to come at our meeting place."

Nagulat ito sa sinabi niya na tila wala itong alam.

"I didn't receive any calls from you."

Tumagal pa ang kanilang naging pag-uusap. Tila nawala na nga ang dating kislap ng kanilang pagkakaibigan. Tuluyan ng nagbago ang lahat.

"Why didn't you tell me that you were hiding Amanda in Korea?"

Nanlaki ang mga mata ni Marco sa tanong niya. Nagpapanggap lang siguro ito nang sa ganoon ay maituring na inosente.

"Why do I have to hide Amanda from you?"

"Because you like her. Marco, I only loved you once, but you took it away from me."

"Because you hurt her, Harry. You gave her false hope. Pina-asa mo siya sa wala."

Mariin ang pagkakasabing iyon ni Marco.

Hindi na siya nakapagpigil pa, ito na ang tamang panahon na sabihin niya sa kaibigan kung ano ang nararamdaman niya. Kailangang malaman nito na nasasaktan siya sa ginawa nitong pag-agaw sa babaeng mahal niya.

"Hindi ko siya sinaktan. I just told her to wait for me. But after years, I saw her again with another man in her life."

Gusto na niyang umiyak ngunit dahil sa ego niya nagpigil siya. Ayaw niyang makita siya ni Marco bilang isang mahina. Ipaglalaban niya si Amanda kahit alam niyang talo na siya. Isusugal niya lahat para muli itong bumalik sa kaniya.

"You lied to her and you're already engaged. Do you think Amanda will be yours again?"

Sa tono ng pananalita nito ay tila di ito papayag sa gusto niyang mangyari. Pinapakita nito sa kaniya na hindi nito isusuko si Amanda.

"I will make her mine again, Marco. Because she's only mine."

Inilapit pa niya ang mukha dito habang sinasabi iyon. Saka mabilis na umalis.

Nag-iba na nga ang mundo nilang pareho Marco. Para silang naging estranghero ulit sa isa't-isa. Hindi lang naman siya ang may kasalanan kung bakit sila nauwi sa ganito. He tried to communicate with his best friend, but he ignored him. He rejected his calls until he couldn't contact him.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nilalamok dito oh," wika nito na halatang naiirita.

"I just talked to an old friend. Sorry na."

Pinagbuksan niya ng pinto si Amanda.

"What if Harry already knows about Harold?"

Nakita niya ang bahagyang pag-asim ng mukha nito. Hindi ito sumagot sa tanong niya.

Lumipas pa ang ilang minuto.

"Just pretend to be Harold's father."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height