+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Prologue

Isang malaking kulay gintong gate ang bumukas upang makapasok ang pulang kotseng dumating. Mula roon ay bumaba ang isang babaeng nasa mid 30's at nagmamadaling pumasok sa malaking mansiyon. Bago naman siya makapasok ay yumukod pa ang dalawang lalaking malalaki ang pangangatawan na nakabantay sa pinakapinto ng mansiyon na iyon. Sunod namang yumukod ang katulong na nasa loob.

"Where's my husband?" tanong ng babae sa katulong habang patuloy sa paglalakad.

"Nasa library po siya, Luna Desa," ang sagot naman kaagad ng katulong na mabilis ding nakahabol sa paglalakad ng tinawag niyang luna.

Huminto ang tinawag si Desa nang nasa tapat na ito ng pinto ng library sa loob ng mansiyong iyon.

"Maaari ka ng bumalik sa iyong trabaho, Ida. I need privacy with my husband," wika ng babae nang hindi tumitingin sa katulong.

Magalang namang tumango at yumukod muli ang katulong bago ito tuluyang umalis. Humugot muna nang malakas na buntonghininga ang babae bago tuluyang binuksan ang pinto ng library.

"Rome, kailangan nating mag-usap," kaagad na bungad ng babae sa lalaking kampanteng nakaupo sa isang couch at nagbabasa.

"I need to—"

"Right now, Rome. This is about Gibbous. At hindi makapaghihintay ang sasabihin ko," putol ni Desa sa asawa nitong si Rome.

Bahagyang kumunot ang noo ni Rome bago itiniklop ang librong binabasa. "You sound in trouble, Desa."

"We're in trouble," madiin namang sagot ni Desa.

"If from Gibbous, I don't think so," pagngiti ni Rome bago ito tumayo upang lumapit sa asawa, "Nag-o-overthink ka na naman dahil sa nangyari sa 'yo. You're worrying about Gibbous White Moon Pack, but the truth is, you don't have to. At alam mo iyon, Desa," pahayag nito.

Umiling-iling si Desa. Kahit nang makalapit na si Rome sa kaniya ay patuloy pa rin ito sa pag-iling.

"I'll call Dr. Trinidad," saad ni Rome.

"No, Rome. First, you listen to me. Hindi ako nagha-hallucinate o nagbre-break down. If that's what you're thinking about," sambit ni Desa.

"Are you sure?" pinakatitigang mabuti ni Rome ang asawa.

"Gibbous will win over us," puno ng pag-aalalang ani Desa.

"Alam mong hindi iyan totoo dahil nakausap na natin ang Tagapagbantay," nakangiting saad ni Rome.

"Alam ng Gibbous ang mga sinabi ng Tagapagbantay, Rome..." mahinang sagot ni Desa.

Doon na natigilan si Rome. Nagtatanong ang mga mata nito kay Desa.

"Huwag mong isiping ako ang nagsabi sa kanila. Hindi ko alam kung paano, pero dahil alam nila ang sinabi ng Tagapagbantay sa atin—"

"Gumawa sila ng paraan?" putol ni Rome sa asawa.

"Yes. Mananalo sila, Rome..." mariing sabi ni Desa na may takot sa mga mata.

Bumuntonghininga si Rome. "Tell me what's on your mind," anito sa asawa dahil base sa kaniyang nakikita sa mga mata ng asawa, mayroon itong solusyon sa problemang sinasabi nito sa kaniya...

*******

Natipon ang lahat sa maluwang na sala ng mansiyon habang nakatayo sa gitna ang mag-asawang Rome at Desa.

"Ngayong gabi ay isasakatuparan natin ang nakasulat sa libro ng hinaharap!" malakas ang boses na panimula ni Rome.

"Para sa Sturgeon!" sabay-sabay namang hiyaw ng mga taong nandoon na pawang mga nakasuot ng itim.

Itinaas ni Rome ang kanang kamay at kaagad namang tumahimik ang lahat. "Pero mayroong mga bagay na sumisira o nais sirain kung ano ang itinadhana. Gibbous, will take us down, too..."

Umugong muli ang ingay. Makikita ang pag-aalala sa ibang naroon at ang iba naman ay bumagsik ang itsura.

"Explain to us, Alpha Rome," matapang ngunit may galang na sambit ng isa sa mga naroon.

"They called on the goddess of the moon, Selene. Meaning, they sacrificed one of their newborns. Para lang makahingi ng tulong kay Selene. Isang hakbang na makasarili. Na hindi dapat nila ginawa dahil una sa lahat, kinakalaban nila ang hinaharap, ang kapalarang itinakda sa atin at sa kanila," paliwanag ni Rome.

"At dahil doon, they leave us no choice. Newborn versus newborn. Sinigurado naming sila pa rin ang talo sa bandang huli," pagsingit naman ni Desa.

"Anong inyong naging solusyon?" tanong ng isa.

"Sa ngayon ay hindi namin maaaring isiwalat sa inyo ang solusyong aming ginawa. What's important is...we made sure that victory is ours..." kampanteng sagot ni Desa.

"Pagtuunan muna natin ng pansin ang dapat gawin sa gabing ito. So, let's march to Gibbous and start fulfilling what's on the book of fate," pagtatapos ni Rome.

Nang gabi ngang iyon, ang Sturgeon Black Moon Pack na pinangungunahan ng kanilang alpha at luna na sina Rome at Desa kasama ang lahat ng kanilang warriors ay nagpunta sa kinaroroonan ng Gibbous White Moon Pack.

*****

Itinaas ni Rome ang kaniyang kanang kamay bilang hudyat na tumigil muna ang lahat sa paglalakad. Nasa kagubatan na halos ang lahat ng Sturgeon Black Moon Pack upang puntahan ang kinaroroonan ng itinuturing nilang katunggali, ang mga Gibbous White Moon Pack.

"Bakit tayo huminto?" may pagtatakang tanong ni Desa sa asawa.

"Sshhhh..." ang tanging sagot ni Rome. "Be alert," baling niya sa mga kasamahan nila.

Bahagya namang suminghot-singhot ang mga warriors ng Sturgeon nangangahulugan na inaamoy ng mga ito ang paligid. Alam kasi nilang may kakaibang nararamdaman ang kanilang alpha kaya kailangan din nilang pakiramdaman ang paligid.

"Makiramdam kayo... Maaaring natunugan ng mga kalaban ang pagpunta natin sa kanila. Ayaw kong malagasan tayo bago pa maisagawa ang dapat isagawa," mahinang saad ni Rome.

Isa-isang nagbago ang anyo ng lahat. Unti-unting lumalaki ang katawan ng mga ito at kasabay ng pagkawarak ng mga kasuotan nila ay ang paglitaw naman ng makapal at kulay itim na balahibo sa kanilang mga katawan. Kumislap ang kulay puti nilang mga mata at bahagya ring nakita ang paglitaw ng kanilang mga pangil. Maging ang mga kuko nila sa paa at kamay at nagsipaghabaan. Lahat sila ay nasa anyong lobo na at nakahanda ng lumaban.

"Tonight is the most important night..." mahinang saad ni Rome na unti-unti na ring nag-aanyong lobo. Mas malaki lamang siya nang kaunti sa mga lobong kasama niya.

"Ang gabing pagsisimulan ng ating tagumpay..." usal naman ni Desa na nasa anyong lobo na rin at mas malaki rin nang kaunti kagaya ni Rome.

Sabay-sabay na tumakbo ang mga itim na lobo na halos hindi na makita dahil sa kanilang bilis at pagiging kulay itim. Tila ba nakikiayon ang gabing iyon sa kanila. At ang kanilang sadya, walang iba kundi ang kuta ng mga puting lobo o ang Gibbous White Moon Pack.

Samantala...

Walang kamalay-malay ang Gibbous Pack sa trahedyang naghihintay sa kanila nang gabing iyon. Payapa silang nasa kani-kanila ng higaan habang ang iba naman ay nasa labas pa at tahimik na nakatunghay sa malaking buwan.

"Alam kong hindi papayag si Luna Gara sa sinasabi ng Tagapagbantay ng mahiwagang libro. Mas lalong hindi papayag ang Alpha Thallon na bumagsak lang tayo sa mga kamay ng mga Sturgeon..." nakangiting wika ng isang babaeng nakasuot ng puting bestida habang nakatingala sa buwan.

"Hindi nila maaaring kalabanin ang tadhana nating mga lobo. May katapusan talaga ang lahat, at nakasulat na ang tungkol sa atin," sagot naman ng kasama nitong lalaki.

Sasagot pa sana ang babae nang bigla na lamang silang may marinig na sigaw. Ang isang sigaw ay nadagdagan pa na nangangahulugang mayroong nangyayaring hindi maganda.

"A-anong nangyayari?" kinabahang baling ng babae sa kasama nito.

"Ang nakatakdang katapusan..." tanging sagot ng lalaki na muling tumingala sa buwan at ipinikit ang mga mata.

Dali-daling tumakbo ang babae upang tingnan ang nangyayari at tila ipinako siya sa kinatatayuan nang makita ang kahindik-hindik na senaryo. Ang kaniyang mga kasamahan ay walang kalaban-laban na inaatake ng mga itim na lobo. Ang iba ay mapapansing sinubukang mag-anyong lobo ngunit mukhang hindi na iyon hinintay pa ng mga umaatakeng itim na lobo.

Tila kaagad namang natauhan ang babae at mabilis siyang nakapagpalit ng anyo. Mula sa pagiging tao ay naging isa siyang puting lobo na may kulay pulang mga mata. Puno ng galit niyang sinunggaban ang isa sa mga itim na lobo. Nagawa man niya iyong patayin ay hindi naman na niya napigilan pa ang iba. Nag-iisa lang siya dahil halos patay na ang lahat. Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang kapalarang itinakda sa kanila. Bago siya malagutan ng hininga ay pilit niya pang tiningala ang kalangitan.

"G-gibbous w-will c-come b-back..." ang mahinang anas ng babae bago siya tuluyang bawian ng buhay.

**************

Tahimik lamang na lumuluha si Gara habang nakahiga sa malambot na kama.

"It's over. There's nothing we can do about it... For now..." buntonghiningang sambit ni Thallon.

"S-sana i-sinama natin sila..." may paghikbing sagot ni Gara.

"We need to sacrifice them to save our clan. Napag-usapan na natin ito, Gara," malumanay na sagot ni Thallon.

"I-I j-just can't—"

"Stop. Ang kanilang sakripisyo ay kailangang magkaroon ng saysay kaya tama na ang pag-iisip mong mali ang ating desisyon," putol ni Thallon.

"Sakripisyo?" bumangon si Gara mula sa pagkakahiga. "Wala silang kaalam-alam na inabandona natin sila, Thallon."

"Yes. But we save few so we can continue our race. This is how we save the clan," mariing sagot ni Thallon.

Muling nahiga si Gara at hindi na umimik pa ngunit alam ni Thallon na nagdaramdam pa rin ito. Nagpasya siyang sumampa na rin sa kama at pilit na iniharap si Gara.

"We need to this. Now..." halos pabulong na wika ni Thallon.

Hindi umimik si Gara ngunit alam niya ang sinasabi ni Thallon. They need to mate. Iyon ang bubuo sa desisyong ginawa nila.

Unti-unting inilapit ni Thallon ang mukha sa leeg ni Gara. Inamoy-amoy nito ang samyo ni Gara bago idinampi nang bahagya ang kaniyang mga labi sa leeg nito. Kaagad namang naipikit ni Gara ang mga mata at hinayaan si Thallon sa ginagawa nito. Even if she's feeling guilty for abandoning their pack, she needs their sacrifice to be worth it. Kailangan niyang ipagbuntis ang pipigil sa extinction ng Gibbous...

***********

Ngiting tagumpay ang sumilay sa labi ni Rome katabi si Desa habang nakatingin sila sa mga wala ng buhay na puting lobo sa kanilang harapan.

"Alpha Rome, wala rito ang bangkay nina Thallon at Gara," lapit ng isa nilang kasamahan.

"Huwag niyo silang intindihin. May kapalarang itinakda para sa kanila at ang kapalarang iyon din ang magpapabagsak lalo sa kanila," malumanay na sagot ni Rome.

"Bumalik na tayo at huwag ng magtagal pa rito. Hindi lilitaw sina Thallon kaya wala ng dahilan pa para manatili. Hayaan na natin ang itinakda para sa kanila," saad naman ni Desa.

Isa-isa na ngang umalis ang mga itim na lobo sa lugar na iyon. Makikita namang wala na ngang halos buhay sa mga puting lobo. Ang gabing iyon ang itinuturing ng Sturgeons na simula ng kanilang pinakamimithing tagumpay...

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height