C16 Fate 15
NAGKANYA-KANYANG talon at salubong ang mga Gibbous sa pagbagsak ng mga Sturgeon sa kanila. Tuluyan na kasing nasira ang harang at ngayon naman ay kailangan na nilang harapin ang tunay na laban.
"Aahhhhh!"
Lahat ng lobong nagtatalunan papunta kay Shanella ay sinasalubong ni Thallon na noo'y nasa anyong lobo na rin. Kung mula sa kalangitan
