C18 Section Representative
Kinuha niya ito at handa ng makita kung ano ang itsura ng kanin. Pumikit pa siya at dahan-dahan na binuksan muli ang lunch box pero ng unti-unti na niyang nakikita ang laman ay mabilis na niya itong binuksan. Nakataas pa rin ang kamay niya na may hawak ng takip dahil sa nakita.
Napangiti siya at may konting pangingilid ng luha dahil ang akala niyang simpleng kanin lang ay hindi pala