Book of Fate/C4 Beginning
+ Add to Library
Book of Fate/C4 Beginning
+ Add to Library

C4 Beginning

Pagpasok pa lang ni Lucas sa loob ng bahay ay nakita niya na ang kanyang lolo na mukhang may hinahanap sa mga lagayan ng mga libro.

" Narito na po ako!" sigaw niya.

Napalingon ito sa kanya at tumigil sa ginagawa." Buti narito ka na dahil may kailangan akong itanong."

" Ano po 'yon?" litong tanong ni Lucas.

" Nakita mo ba ang mahiwagang libro, baka mamaya pinaglaruan mo 'yon?" Pinaningkitan pa siya nito ng mata.

" Hindi po, noong binigay ko po sa inyo 'yon noon ay hindi ko na po ginalaw ang libro."

Nagsalubong ang kilay ni Victor." Pero bakit nawala sa ibabaw ng lamesa ang libro, doon ko lang nilagay sa gilid ng lamesa ko iyon, at ang naka-pagtataka rito ay ibang libro ang naroon sa table ko."

" Paano pong iba?"

Lumakad si Victor patungo sa lamesa." Itong libro na 'to." Sabay kuha ng libro at hinarap kay Lucas.

Si Lucas ay nanlaki ang mata dahil ito ang libro niya." Sa akin po 'yan, naipatong ko po diyan pero may dinampot po akong libro diyan na dapat ay 'yan pong hawak niyo."

Nagkatitigan ang dalawa at mukhang na realize na ni Lucas na maling libro ang nakuha niya kanina." Ibalik mo na sa akin ang libro Lucas."

" Pasensya na lolo nagmamadali po kasi ako kanina." Binuksan niya ang bag at hinanap ang libro pero wala siyang libro na mahawakan sa loob ng bag kaya kinabahan na siya.

" Anong problema?"

Namutla ang mukha ni Lucas sa tanong ni Victor." Parang nawawala po ata ang libro," mahinang sambit niya.

" Ano! Hindi ko maintindihan lakas mo yung boses mo."

Pumikit ng madiin si Lucas." Parang. . . nawawala po ata," sa nauutal na sambit ni Lucas.

Nagtaka na si Victor." Anong nawawala hindi puwedeng mawala 'yon dahil hindi ordinaryong libro ang kinuha mo Lucas!"

" Pero 'yon po ang totoo wala na po sa bag ko ang libro."

Tumingala si Victor at kinakalma ang sarili." Sa lahat naman ng puwede mong mawala ay ang libro pa ng tadhana, hindi mo ba alam na baka maudlot ang pagkikita ng mga taong nakasulat sa libro dahil sa kapabayaan mo!"

Yumuko si Lucas dahil alam niyang mali siya l, pero habang nakayuko siya ay naalala niyang may naramdaman siyang bumagsak sa gilid ng upuan sa simbahan habang kinakausap niya si Victor.

" Mukhang alam ko na po kung nasaan ang libro."

" Saan?"

" Na sa labas po ng simbahan doon ko naramdaman na may nahulog sa gilid ko habang nakaupo."

" Kung gano'n kailangan na natin magpunta ro'n hangga't hindi ka pa nagtatagal na nakauwi."

Umalis sila at nagtungo na nga sa simbahan ngunit sa pagpunta nila roon ay walang libro silang nakita sa lahat ng upuan maging kung saan umupo si Lucas." Nakita mo ba?" tanong ni Victor kay Lucas.

Umiling si Lucas." Mukhang may nakakuha na sa libro lolo!"

" Hindi puwede Lucas, alam mong sagrado ang libro na 'yon tanging ako lang dapat ang may hawak doon at alam mo bang may dalawang taong mauudlot na naman ang kanilang pagtatagpo dahil sa ginawa mo!" Pigil ang galit ni Victor kay Lucas.

" I'm so sorry Lolo, hindi ko po sinasadya!" May munting kislap ang makikita sa mata ni Lucas.

Bumuntong-hininga si Victor at tumingin kay Lucas." Sa ngayon ay umuwi na muna tayo at isipin kung paano mahahanap ang libro." Lumakad na si Victor at sumunod naman agad si Lucas.

Samantala nakauwi na ng bahay si Alexa, pagbukas niya ng pinto ay tinawag niya agad si Lexie.

" Lexie narito na ko!" sambit niya habang hinahanap sa loob ng bahay si Lexie pero maging sa kwarto nito ay wala roon si Lexie." Nag-over time na naman siguro ang babae na 'yon."

Ibinaba niya muna ang gamit niya maging ang librong napulot niya sa lamesa ng kanyang kwarto bago pumunta ng kusina at magluto ng hapunan niya.

Pagkatapos kumain ay nagbihis lamang ito ng pantulog at nag-antay ng isang oras bago mahiga pero ilang minuto na siyang nakahiga at nakapikit ang mata ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Dumilat siya at saktong sa gawi kung nasaan ang libro niyang napulot nag-landing ang paningin niya.

Tumayo siya at sinuri ito." Sino kaya ang may-ari nito?" Binuklat niya ang libro at sa sobrang ganda ng mga pahina ay parang nahuhumaling siyang sulatan ito." Pero baka balikan ito ng may-ari." Sa huli napag-isipan na rin niyang sulatan ang libro dahil parang hinahatak talaga siya nito para sumulat.

" Ano naman kayang istorya ang puwede kong isulat rito?" Habang ang ballpen ay pinaglalaruan niya sa kamay at nakatingala ng biglang may naisip siyang idea." Tama! High School story katulad ng nangyari noon sa akin at kukuha ako ng idea sa naranasan ko noon." Nakangiti si Alexa habang sinasabi ang pumasok sa isipan niya.

Si Alexa kasi noon ay may nagustuhan na isang lalaki hanggang maka-graduate sila. Siya noon ay lihim na nagpapapansin rito pero hindi niya maka-usap ng harapan o masabi ang nararamdaman at kasama na doon ay isa pang lalaki na lagi siyang inaasar sa tuwing sinusubukan na niyang kausapin ang nagugustuhan niya pero hanggang sa maka-graduate na sila hindi niya pa rin nasabi. Siguro ay hindi talaga sila ang para sa isa't-isa noon kaya nabalitaan na lang ni Alexa na kasal na ito ngayon. Pero sa isang lalaki na naging kaklase niya ay wala na siyang naging balita.

" Maganda naman ang istorya ko noon, iibahin ko na lang ang mga scene, characters name, attitude at hindi ko na isasama ang iba kong na encounter na tao. This time ang gagawin kong katangian ng bidang babae ay matapang at walang hiya sa katawan at kayang sabihin ang nararamdaman niya, at ang bidang lalaki naman ay isang gwapo at madalang lang ngumiti at tahimik. Magsasama na lang ako ng ibang characters base sa gusto kong isama. Some scene ay isusulat ko na lang base sa imagination ko not totally my story." Hinanda na niya ang libro at binuklat ito sa unang pahina at ang pamagat ay, " Book of Fate."

Sa isang papel ay sinulat niya muna ang magiging characters niya.

Si Daniella ang bidang babae na may ugaling kayang sabihin ang lahat sa taong gusto niya kahit pa hindi nito napapansin ang ginagawa niya. Siya rin ay mapagbirong babae at masayahin.

William ang bidang lalaki. Ang nagugustuhan ni Daniella, may ugaling tahimik pero madalang ngumiti sa ibang tao.

Charice ang karibal ni Daniella kay William dahil ito ay may gusto rin kay William at ito rin ang hadlang sa kung paano makukuha ni Daniella ang pag-ibig nito.

Bree ang kaibigan ni Daniella na handang ipagtanggol siya kay Charice sa tuwing may binabalak ito.

Ngumiti si Alexa habang tinitingnan ang papel." Okay na siguro ang characters ko, puwede ko na siyang umpisahan." Idinikit niya ang papel sa pader at hinawakan ang ballpen upang mag-umpisa na sa panibago niyang istorya.

Sa oras na gumalaw na ang kamay ni Alexa para sumulat ay 'yon na rin ang umpisa ng istorya ni William at Daniella.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height