+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Prologue

Project: Break up to Me Gently

Objectives:

1. To ensure that people, particularly grandparents, suffer from minimal to no heartache.

2. To maintain the partnership even if the relationship ends.

3. To give each other the freedom of marriage and the willingness to choose who they want to be with for the rest of their lives.

Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay habang binabasa itong mga nakasulat sa folder na binigay ni Kadan sa akin. Ang taray naman kasi nitong plano na'to parang nagpre-present lamang ng isang business proposal. Not to mention that it sounds too formal. Feeling ko ay parte ako ng isang mission na dapat talagang maging successful sa huli. Well, dapat naman talaga kaming mag-break sa huli dahil hindi naman namin gusto ang isa't isa in the first place.

Kadan and I are married. Sa US kami ikinasal at civil wedding lang 'yon.

May dalawang rason kung bakit civil nagpapakasal ang dalawang tao: it's either because they want to invest more in their marriage rather than their wedding; or because they intend to break up after sometime dahil hindi naman talaga nila mahal ang isa't isa. Sa sitwasyon namin ni Kadan, it's the latter.

Ikinasal kami ayon sa gusto ng mga pumanaw naming mga magulang. Sa katunayan ay ang Dazila lang naman ang somobra ang kayamanan, kaming mga Deserna ay sakto lang. Pero dahil wala namang mga kapatid ang mga magulang ko at ako lang din ang ipinanganak nila, I feel like whatever I have today is too much for me. Simple lang naman kasi akong babae dahil mga lolo at lola ko na ang kinalakihan ko which are very traditional in parenting.

"Tapos ka na ba?"

Nagulat ako sa boses ni Kadan. Nakalimutan kong nandito pa pala siya sa harapan ko at hinihintay akong matapos magbasa ng binigay niya.

Tiniklop ko ang folder at iniabot ko ito sa kanya kahit na hindi pa naman talaga ako tapos sa pagbabasa. Baka maisip niya pang slow reader ako.

Hinintay kong kunin niya ang folder pero tiningnan niya lang ito tapos ibinaling ang tingin sa akin. Napalunok ako sa seryoso ng tingin niya. Hindi ako sanay na makita siya dahil to be honest ikalawang pagkikita pa lang naman talaga namin ito.

Una kaming nagkita ay sa araw mismo ng kasal namin. Simula pa lang ay alam ko na ang tungkol sa arrange marriage na'to dahil palagi itong sinasabi nina mama at papa sa akin. Sabi nila ay nasa mabuting kamay daw ako dahil Dazila ang mapapangasawa ko. Noong una ay masaya ako nang makita ang picture ni Kadan sa isang package na pinadala ng mommy niya. I admit he's cute—no, handsome is the right word. O kung may sobra pa man sa salita na 'yan ay iyon ang best description sa matangos niyang ilong, heart-shaped niyang lips, mesmerizing amber eyes, smooth brown hair at sa height pa nitong parang isang higante dahil 6 footer lang naman siya. I'm also tall, pero mas mataas pa rin siya sa akin at rare lang naman kasi sa Pilipinas ang mga matatangkad.

There are just two things that I hate about him: first is his body, kung ang iba ay attracted sa muscles, ibahin niyo ako dahil ang mga muscles ang pinaka-cringe na body part sa akin. Big no to guys who has muscles; pangalawa ay ang attitude niyang hindi ko ma-explain pero ubod ng ubod. He's so snob, in fact sa first meeting namin imbes na batiin ako o kilalanin pa ay prangka niyang sinabi sa akin na I'm not his type and this marriage is nothing for him. As if naman ginusto kong makasal sa kanya! Duh. Tapos napaka-impatient niya pa, isa sa naging rason kung bakit civil ang wedding namin dahil ayaw niya ng mataas na seremonyas, boring daw. Ayaw pa sana ng mga lola namin na hindi church wedding dahil alam niyo na naman ang pamahiin ng mga matatanda, there's more blessing if you're married at the church. Well, hindi na naman namin kailangan ang blessing-blessing na 'yan dahil magbre-break lang naman kami. Ang tunay na blessing ay ang hindi siya makasama.

"Tapos ka na bang titigan ako Miss Deserna?"

I blink twice and that's when I realize that I'm still holding the folder. Isa pa 'yan sa mga ayaw ko sa kanya, napaka-unfriendly at napakamahangin. Feeling niya dahil g'wapo siya, lahat ng babae magkakagusto sa kanya. Kung totoo man 'yan, baka panahon na para i-check ko ang gender identity ko.

"Kukunin mo ba 'to o itatapon ko na lang?" mataray kong tanong sa kanya.

Nandito kami ngayon sa coffee shop na pagmamay-ari ng mga Dazila. Sinadya pa talaga na ipasara ito upang hindi kami makita ng mga tao. Secret lang naman kasi ang kasal namin ni Kadan. Iniisip ng lolo ni Kadan at ng lolo at lola ko na kung sakali mang malaman ng lahat na kasal na si Kadan ay baka ako ang mapag-initan. Kadan is not just the heir of Dazila group of companies, isa rin siyang international supermodel. The oldies think that this is not the best time yet to announce that he's married and that I'm the wife. Sino ba naman kasi ako para ika-proud na maging asawa? I mean I am beautiful in my own way, pero iba pa rin ang na-set na standard sa mga nagiging partner ng mga supermodel and they think that we are not ready , yet. Or perhaps, it's Kadan who is not ready yet to lose his fans and career.

Hindi pa rin kinukaha ni Kadan ang folder. Sa halip ay inabot niya sa akin ang ballpen na maayos na nakalagay sa bulsa ng damit niya. Hindi ko pa ito mapapansin kung hindi niya ito hinugot.

"There's another page after that, it's a contract that states your willingness of this break up. Baka i-black mail mo pa ako kasi na-inlove ka na sa akin at ayaw mo nang makipag-break, you know that I don't and won't like you, right?"

Kadan sounds very confident upon stating these words na para bang ine-expect niyang mahuhulog talaga ako sa kanya. Asa! Sa muscles niya pa lang turn off na ako!

Marahas kong kinuha ang ballpen at nilagdaan ang likod ng papel. Sinadya ko pang lakihan ang pirma ko na halos na-occupy ang kalahati ng papel.

Noong una ay naisip ko na ayos lang kung ikasal kami at maghihiwalay din sa huli, we can still be friends tho. Kung naging magkaibigan ang pamilya namin, we can be friends with each other as well. Kailangan lang naming magkita at ng oras. Pero nang magkita kami sa personal ay napagtanto kong we are really not meant to be with each other, kahit friends ay wala talagang chance.

Ipinakita ko sa kanya ang pirma ko at nakita kong medyo nagulat pa siya sa laki nito pero bumalik din sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"Napirmahan ko na po Sir Dazila. Isa pa wala naman akong pake kung hindi mo ako gusto at magugustuhan, because you know what? The feeling is mutual! Akala mo sino kang g'wapo may muta ka naman sa mga mata! K. Bye!"

This time hindi ko na iniabot pa sa kanya ang folder dahil baka hindi niya lang ulit ito kunin. Sa halip ay padabog ko itong inilapag sa mesa at iniwan siyang mag-isa.

Nasa labas lang naka-park ang kotse ko kaya madali akong nakasakay dito. Bago ko ito ipinaandar ay tinapunan ko muna siya ng tingin, there I saw him checking his eyes in a mirror. Wala naman talaga siyang muta pero nanggigil na ako sa inis sa kanya. Hindi naman ako gano'n kapangit upang harap-harapang sabihan ng gano'n. At hindi naman talaga ako pangit! Ano bang mawawala sa kanya kung purihin man lang ako kahit isang beses? Sino ba siya para insultuhin ang kagandahan ko? For pete's sake, I am Marhi Deserna and I am fucking beautiful in my own way! Kung hindi niya makita 'yon, ay hindi p'wedeng forever na lang siyang blind. He should see how beautiful I am.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height