Break Up to Me Gently/C2 /N EW H O U S E; N E W L I F E/
+ Add to Library
Break Up to Me Gently/C2 /N EW H O U S E; N E W L I F E/
+ Add to Library

C2 /N EW H O U S E; N E W L I F E/

MARHI'S POV

I'm so happy! Ito lang naman kasi ang unang araw na lilipat ako ng bahay na binigay sa akin ng lolo at lola. Matagal ko na itong request sa kanila, noong 18 years old pa lang ako pero hindi nila ako pinagbibigyan dahil baka mapano raw ako at mag-isa pa.

I'm 20 now, inabot din sila ng 2 years upang mapagtanto na kailangan ko na talagang maging independent. Hindi ko alam kung anong nagpapayag sa kanila, pero kung ano man 'yon ay napaka-suwerte ko dahil mararanasan ko na rin ang mamuhay ng mag-isa. Don't get me wrong, I love my dear grandparents so much but I'm not getting any younger. Dapat na akong matuto na mamuhay ng walang katulong at hindi inaalagaan ng lola upang sa gayon ay maalagaan ko silang dalawa ni lolo ng tama. Graduating na rin naman ako sa Education kaya sapat na sa akin ang one year na pagiging independent.

Hindi pa rin naman ako nakatakas sa pagiging overprotective ng mga matatanda dahil pinasamahan pa rin nila ako ng dalawang katulong, isang driver at dalawang tagabuhat ng mga furniture na binili ko, pati rin si yaya Muning ay sinamahan ako.

Pinalabas ko na ang mga furniture sa truck at sinabihan si yaya ni ipapasok na ang ibang mga gamit. Binilinan ko rin si yaya na ipapasok lang ang mga furniture, ako lang ang dapat mag-arrange dahil gusto ko perfect ang lahat at naaayon sa gusto ko since this is my first owned house.

Nakita ko ang mahinang pag-iling ng ulo ni yaya while smiling. I know she's proud and happy for me.

Busy ako sa pag-uutos sa mga naglilipat ng furniture nang makita ang isa sa mga kasamang katulong na nag-aalalang lumapit sa akin.

"Ma'am Marhi, may mga gamit na po sa loob." ani nito.

Biglang nangunot ang mga noo ko. Kaka-check ko lang ng bahay the other day at wala naman itong laman.

"Pa'nong may gamit e' first day natin ng paglilipat ngayon? Did lolo ordered some of you to arrange things prior on my arrival here?" tiningnan ko silang lahat at sinuri ang mga facial expression nila kahit na hindi naman talaga ako magaling magturo kung sino ang nagsasabi ng totoo gamit ang facial expressions.

Sabay-sabay silang umiling lahat at sabay-sabay ding sumagot, "Ngayon lang po kami nakapunta rito ma'am."

I pause for awhile. Naiinis ako pero ayokong ma-ruin ang mood ko wholeday kaya bumuntong hininga na lamang ako.

"Fine! Ibalik niyo ang mga furnitures at idodonate natin yan sa charity na sponsored ko."

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at nauna nang naglakad papasok sa loob. Kung sina lolo at lola man ang nagpalagay ng mga furnitures na'to—which I think ay sila lang naman, then it's fine with me. Alam naman nila ang mga favorites ko e'. White furniture o di kaya ay 'yong mga plain wood na itsura. Simple but elegant. Magaling din naman si lola mangilatis ng mga furniture kaya okay na sa akin kahit na hindi ko personally handpicked ang mga gamit.

Excited akong nagbukas ng pintuan dahil makikita ko na ang arrangement na ginawa sa akin nina lolo at lola. For sure, dahil sila, the house would be light and simple. Pero ganon na lamang ang pagka-disappoint ko nang tuluyan magbukas ang pinto at nakita ang itsura sa loob. My smile fades away from my face.

Ang loob ng bahay ay naging black and white inspired theme. Unang-una na nakapagpangit ng interior ay ang chandelier na napaka-yellow ng light. Imbes na magbigay ng class sa bahay ay nagiging dark ito dahil sinasapawan niya ang normal na lighting ng house. Pangalawa namang naka-agaw ng pansin ko ay ang kulay gray na sofa at black na table. Napaka-dry. Parang naging malungkot at depressing ang ambiance ng bahay dahil sa mga colors na ito. At ang mas ipinagtaka ko pa ay ang aquarium na nasa loob ng bahay ko. The fish is so out of place. Hindi ito bagay dito. Isa pa bakit naman maglalagay si lola ng aquarium sa bahay e' hindi naman ako mahilig sa mga isda. Not to mention the curtains na kulay itim pa.

Hindi kaya maling bahay 'tong napuntahan namin? Pero imposible kasi nanggaling na naman ako dito the other day and I'm sure this is my house. I should check this with yaya.

"Yaya!"

"Ma'am?" Wala pang isang segundo ay nakaabot na agad sa harapan ko ang mga kasama naming katulong. Kanina lang yata sila sa likuran ko dahil madali lang silang nakalapit. But they're not yaya. Si Yaya Muning lang ang hinahanap ko.

Sigurado akong mga bago sila dahil hindi nila alam ang nag-iisa kong rule: yaya is not for everyone it is only for yaya Muning. If I called Yaya walang ibang lalapit dapat si yaya lang upang agad kong masabi ang kailangan ko.

"Yaya Muning!" nararamdaman ko ang frustration na unti-unti nabubuo sa loob ko. I should check if this is really my house, because if this is it, then I won't live that place with those kinds of furniture.

"Yes Marhi?" malumanay na sagot ni yaya. She's on her 50's at malapit na rin siyang mag-retire sa amin. She's my one and only yaya. Ang yaya ay parang naging second word na ng mama sa akin. Dahil si yaya naman talaga ang hands-on na nag-aalaga sa akin, she seems like more of a mother to me.

"Yaya, sugurado ka bang dito ang house ko?" sumilay ang pagtataka sa mukha ni yaya Muning at kinuha niya ang cellphone na binigay ko sa kanya. Iphone X ito at sinadaya ko talaga itong binili para sa kanya, that's my 50th present for her.

Nag-scroll lang siya sandali at hinanap yata 'yong picture at kopya ng lot number na galing sa agency ng bahay.

"Ito nga ang bahay anak. Block 4A, number 602. May picture pa. Tingnan mo." Iniabot niya sa akin ang cellphone at tinitigan ko naman itong mabuti. I double check the number that was indicated on the message and the number of the house. Pati na rin ang picture ng bahay sa phone at ang bahay mismo na nasa harap ko ngayon ay kinompara ko. Parehong-pareho. So bahay ko nga ito. What happened here?

Nang matapos na akong mag-check ay binalik ko kay yaya ang phone niya. Then, I started explaining to her.

"Yaya, something is wrong sa furniture tapos may aquarium—"

"Excuse me."

Hindi pa man ako nangangalahati sa explanation ko kay yaya ay napatigil ako dahil sa isang pamilyar na boses na galing sa likuran ko.

I should be dreaming right now. Ang mokong na 'yon ay matagal nang walang paramdam sa akin na tila ba wala siyang asawang iniwan dito sa Pilipinas at inenjoy na lamang ang buhay abroad. Hindi naman ako galit, pero siguro karapatan ko namang maramdaman ang inis na hindi i-contact ng napangasawa ko for a year, right?

"Sorry for interrupting both of you but may I ask what's the commotion outside my house?"

... my house.

... commotion outside my house.

Pabalik-balik na nag-echo ang mga huling salita niya sa tainga ko na nagpapainit sa ulo ko ngayon. After one year of not seeing me, contacting me or even sending me a message na buhay pa siya ay susulpot siya na parang kabute at aakuin ang bahay ko? No way!

Unti-unti akong humarap at inihanda ang ngiti kong pilit na pilit. Sinadya kong ibaba ang tingin ko dahil naiilang ako sa eye to eye contact. Una kong nakita ang sapatos niya na kasingkintab ng purse ko. Nakasuot siya ng slacks na parang ilang beses plinansiya dahil wala man lang kagusot-gusot. May nakasabit rin na black suit sa kanang kamay niya at nakasuot siya ng white top na ang dalawang butones ay nakabukas. Sunod kong napansin ang muscles niya sa loob. It brings shivers on my body. Muscles.

"Ew."

Peho kaming nagulat sa lumabas sa bibig ko. Agad akong napatakip ng bibig dahil maskin ako ay hindi inaasahan ang narinig mula mismo sa sarili. That was meant to be said only in my head. Mahina kong binatukan ang sarili ko dahil sa katangahan ko minsan.

"Ano ba kasing iniisip mo ha at diring-diri ka matapos titigan ang dibdib ko?"

Tiningnan ko ngayon ang mukha ng lalakeng kaharap ko at ito nga ang missing in action kong asawa sa papel—Kadan Dazila.

Pinili ko na lang ang manahimik dahil baka ano pa ang masabi ko ng wala sa oras. Hindi na rin naman siya namilit pa dahil nasa likuran ko rin naman si yaya Muning na nakangiti lamang ngayon sa kanya. Binati niya ito na para bang isa siyang mabait na lalake. Plastic.

"Kaya naman pala ibang-iba ang ngiti ng alaga ko dahil magli-live in na pala kayo Sir."

Bigla akong napatingin kay yaya Muning na ngayon ay nakangiti sa aming dalawa ni Kadan. What is yaya saying? Bakit naman kami magli-live in e' sa States naman tumitira itong lalake na'to at isa pa hindi naman kami iisa ng bahay.

But wait...

I paused when I realized what's happening.

Tiningnan ko si Kadan na ngayon ay nakatingin kay yaya at sa furnitures na nasa likuran niya.

"That's yours?" turo niya sa mga gamit na pinabalik kong ipasok sa truck.

I just nod my head, as if I am reading his mind and we're thinking the same thing.

"This is your house?" turo ko naman sa bahay na nasa harapan namin ngayon.

He just slowly nod his head, still pacing out. Para bang pareho kami na iniintindi ang nangyayari ngayon.

My lola and lolo gave me this house. I purchased this furniture, but when I arrived here, may mga gamit na sa loob. Then I saw Kadan who just said that this is his house. So for short if my grandparents gave me this house and this is also Kadan's house, this means that ...

Nagkatinginan kami ni Kadan at magkasabay na tinuro ang isa't isa. It took a couple seconds before both of us talk in chorus.

"OMG/ We need to talk to the oldies."

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height