Break Up to Me Gently/C4 /T H E B L A C K E N V E L O P E/
+ Add to Library
Break Up to Me Gently/C4 /T H E B L A C K E N V E L O P E/
+ Add to Library

C4 /T H E B L A C K E N V E L O P E/

MARHI's POV

Sabay kaming pumasok ni Kadan sa loob ng bahay at sinamahan na rin kami ni yaya Muning.

Medyo hindi pa rin ako maka-get over sa boses ng lolo ni Kadan. He's a sweet lolo as what I've known him, pero ngayon ko lang nakita ang seryoso at authoritarian na side niya. Kahit nga si Kadan ay hindi naka-angal sa kanya.

Nakita ni Kadan ang isang black envelope na sa tingin niya ay ang papeles na tinutukoy ng lolo niya kanina. Umupo kami sa sofa at tinitigan ang envelope. I have a feeling that something bad will be revealed on that envelope. Kulay itim ba naman kasi.

Si Kadan na ang kumuha sa envelope at nagbukas dito dahil hindi ko naman ito ginagalaw.

"It's a letter from them." Saad niya.

Lumapit ako ng bahagya sa kanya upang sabay naming mabasa ang nakasulat.

We, the Deserna and Dazila family heads, agreed to provide our grandchildren, Marhi Deserna and Kadan Dazila, with a joint account card. As a lawful wife and husband with each other, this will be the source of their funds and money. In accordance with this, all existing cards, including bank accounts owned separately by the two, will be suspended. Their allowances will be directed to the joint account that we provide as well.

Their individual cards and bank accounts will be released only if they split up. They will only be able to access the released funds after 5 years then. They can also use our consent and signatures to file a release of funds on their respective cards and accounts. We will only sign if a new generation of Deserna and Dazila is born, regardless if they decided to break up or not. We have the authority to freeze the accounts because the funds on all of the cards and bank accounts are coming from the family's company, which we own.

Any argument against this statement will be ignored.

Good luck and God bless.

Hindi ako nakapag-react agad sa nabasa namin. I heard Kadan cuss beside me and started calling someone. He always ends up saying "Shit" at the end of the call.

Naramdaman ko ang kamay ni yaya sa balikat ko at inabot sa akin ang cellphone.

"Lahat ng accounts and cards mo ay temporarily disabled anak."

Hindi ako nakasagot kay yaya. Hindi ako makapaniwala na nangyayari lahat ng ito ngayon. Kanina ang saya-saya ko pa pero biglang nag-shift agad ang emotion ko tapos wala pa akong pera. Kung ang kapalit naman pala ng sariling bahay ay makasama ang lalake na'to at ma-freeze ang mga cards at accounts ko ay mas pipiliin ko pa ang bahay namin nina lolo at lola.

After sometime, nagpa-alam na rin si yaya na aalis siya at kami na ang bahalang mag-usap sa arrangement namin sa bahay. Bago sila umalis ay pinagbilin ko kay yaya na i-arrange na lamang sa loob ng kwarto ko ang mga furniture na puwde kong gamitin, because there is no way that I will eat in a black table with Kadan Dazila.

Silence embrace the room when Yaya left.

Iniisip ko pa rin kung ano ba ang nagtulak sa mga grandparents ko na ilagay kami sa ganitong sitwasyon. For a year, they never interfered with our lives. Is this something they've been planning?

"This is the card at isa lang." pagputol ni Kadan sa katahimikang namamagitan sa amin.

Tiningnan ko ang card at kulay itim ito. This time, I will really conclude na napakalungkot siguro ng bahay ng Dazila dahil nababalot ito ng mga kulay itim na mga gamit.

"You keep that." Walang gana kong saad.

"Okay. So we need to talk about our arrangement. You know—"

"I know. You don't like this set up and me as well." Pagputol ko sa sinabi niya.

Hinayaan ko lang si Kadan na magsalita. To be honest simula nang pumasok ako sa bahay na'to parang nawala ang energy ko. Sobrang dry ba naman kasi ng mga colors dito, nakikisabay sa sitwasyon naming dalawa.

Nag-suggest si Kadan ng set-up namin upang maprotektahan pa rin ang privacy naming dalawa. Hindi dapat kami mag-sabay sa pagpasok at paglabas ng subdivision lalo na ng bahay. Sa harap siya dadaan at sa likuran naman ako. Pagdating sa pocket money, 40%-40% kami at ang 10% ay sa groceries. Hindi na ako umangal dahil sigurado naman akong once in a bluemoon lang yata kami kakain dito sa loob ng bahay.

"May gusto ka bang idagdag or baka may hindi ka gusto sa suggestions ko?"

Hindi agad ako nakasagot dahil lahat naman ng nangyayari ngayon ay hindi ko gusto. Napatingin na lang ako sa aquarium na nasa harapan ko at kay Kadan. But before I could say anything ay naunahan na niya akong magsalita.

"No, not my aquarium."

I rolled my eyes.

"So puwede ba nating ilabas 'yan?"

"No!"

I stared at him and when he realized that he just raised his voice at me ay kunwaring umubo siya.

"I mean, that fish is quite expensive and that's a gift from Sabel my girlfriend."

Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Technially kabit niya si Sabel dahil asawa niya ako at ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin ng harap-harapan ang tungkol sa babae niya. Parang nabasa niya naman ang nasa isip ko o baka obvious lang talaga sa mukha ko dahil nag-react naman siya agad sa huli niyang sinabi.

"Well kasal lang naman tayo sa papel at nag-agree naman tayo both na whatever relationship we will have on other people, we won't intervene."

Guilty. Wala pa nga akong sinasabe nag-eexplain na. So defensive.

"Then can we at least change the color of the curtains into white? And can we at least have one white table and chair? As you see, hindi mo lang 'to bahay. These colors are ugly and TBH wala ka talagang taste."

Ramdam kong gusto akong duruin ni Kadan pero pinigilan niya ang sarili niyang mga kamay at tinikom ng mahigpit ang bibig. I wonder if his teeth bleed.

"Fine! We'll change the color, but we will keep this aquarium."

"Fine! Itabi mo pa 'yang aquarium ng Sabel mo!" pasigaw kong sagot sa kanya.

Lumaki ang mga mata niya pero bigla rin naman itong lumiit. He's annoyed but whatever, naiinis din ako sa bahay na'to at lalong-lalo na sa kanya.

Nang makita kong bumuka ang bibig niya ay dali-dali ko siyang tinalikuran at naglakad papuntang k'warto ko. Narinig ko pa siyang pinapabalik ako pero hindi ko na siya pinansin. Sino siya para utusan ako?

Humiga ako sa kama at pinikit ng mariin ang mga mata ko. I have a feeling that this will be the worst year of my life.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height