Break Up to Me Gently/C5 /T H E P R O J E C T/
+ Add to Library
Break Up to Me Gently/C5 /T H E P R O J E C T/
+ Add to Library

C5 /T H E P R O J E C T/

KADAN's POV

My situation seems getting worse everyday. Akala ko wala nang ikaka-bad news ang nalaman ko kahapon tungkol sa bahay pero meron pa pala. Naka-receive ako ng command email from lolo tungkol sa report from work ko. Akala ko sa site ako ilalagay since civil naman ang major ko sa engineering at ako rin ang ginawang head ng mga projects ni lolo do'n sa mga buildings na ginagawa ng isa sa company namin, pero nagulat ako nang sa project sa university ako nina Marhi nilagay.

Para namang nalaman na agad ni lolo ang magiging reaksiyon ko kaya naglagay siya ng note sa email na it is not just my duty as the CEO and soon to be owner of our companies but it is also my responsibility to oversee things especially those projects that involves both Deserna and Dazila family.

Ano pa bang magagawa ko kung may-ari ng kompanya ang magbibigay ng command? I'm just the CEO but lolo is still the owner of everything that I have now.

Hindi ko na sinabi kay Marhi ang tungkol dito dahil naiinis pa rin ako sa ginawa niyang pagtalikod sa akin kahapon kahit na may sasabihin pa ako. Mababait naman ang mga grandparents niya pero hindi niya yata namana ang manners sa kanila. Hindi tuloy namin napag-usapan kung paano namin sisimulan ang break up project na pinabasa ko sa kanya last year.

Nandito na ako sa loob ng administrative office ng Seville University. Hinihintay ko lang ang president nila para pormal na naming mapag-usapan ang gagawing construction ng isang building for one of their departments. I heard he's promising and very smart.

Nagbukas ang pinto pero laking pagtataka ko ng isang estudyanteng lalake ang pumasok. Akala ko exclusive for the president and his guests lang ang opisina na'to.

He smiled at me, hindi ako ngumiti dahil inoobserbahan ko pa siya. He eventually noticed my gaze.

"Oh, I'm sorry for my attire. Kagagaling ko lang kasi sa isang class ko. You are Mr. Kadan Dazila, right? I saw you on one of our webinars online."

Naglakad siya papunta sa harapan ko at umupo sa swivel chair niya. I'm a bit confused.

"You're Akiro Seville? The president of Seville University?"

He stared for a while and I heard him laugh a bit.

"I apologize for not introducing myself beforehand. I'm Akiro Seville, I'm the president and yes I'm a student in my own university."

He extends his hand and patiently waits for me to get it. I admit I'm quite impressed. Totoo ngang promising ang mga Seville.

Inabot ko ang kamay niya and we shake hands. Mas bata lang siya ng tatlong taon sa akin, he's 20 ka-edad ni Marhi pero kung pagbabasehan sa itsura ay hindi nalalayo ang mga edad namin. He looks mature because of his height and aura. Since we're here for business, we still maintain the formalities. Ayaw niya sanang tawagin ko siyang president but I'm a formal person, I really call the person by their profession and position. Gano'n naman kasi sa negosyo.

Hindi na nagtagal pa ang pag-uusap namin dahil ni-review ko lang naman sa kanya ang proposal ng company namin sa building and he also set his expectations. Malaki ang expectation niya sa project dahil nga ako ang head nito. It's not a big problem at all. I love expectations because it makes the goal clear.

Nag-volunteer na rin si Akiro na ilibot ako sa Seville dahil magiging workplace ko rin naman 'to for quite sometime. Hindi na ako umangal kahit na hindi naman talaga ako interesado. Wala rin naman akong pupuntahan ngayong araw na'to. Lolo made sure that my time and focus will be on this project.

Sa corridor pa lang ay pansin ko na ang tingin ng mga estudyante sa amin. Hindi ko alam kung dahil ba soot ko ngayon dahil naka-formal attire ako o dahil ba sa kasama ko ang president ng University. Hindi rin naman maipagkakaila na may itsura itong namumukod tangi sa lahat.

"I hope you won't mind the stares. That's something that I really cannot control in this university."

"I really don't mind at all." Maiksi kong sagot sa kanya.

Pababa na kami ng hagdan nang maramdaman ko na lang na may tumama sa ulo ko. Maging si Akiro ay nagulat kaya kapwa kami napalingon sa likuran namin. Nabigla ako nang ang bumungad sa amin ang likod ng isang babae na ngayon ay pa-landing sa akin. Agad naman na nakapag-react ang katawan ko at kusa itong gumalaw, pero agad niya rin namang nahawakan ang necktie ko. Parang nag slow motion ang lahat sa paligid ko and that last thing that I know was that I'm at the top of the girl I hate the most.

--------

MARHI'S POV

Nagmamadali ako ngayon papunta sa school. Hayop talaga ang Kadan na 'yon alam niya namang freezed ang mga accounts namin at wala pa akong sasakyan, hindi man lang ako ginising at nag-offer ng libreng sakay. Napaka-ungentleman! Kaya heto ako ngayon hingal na hingal at pinagpapawisan pa dahil simula pa sa bahay papuntang university ako naglakad.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko at akala ko may tumatawag sa akin, alarm pala. 5 minutes na lang at start na ng first class ko. Naman! Bakit sa lahat ng araw ngayon pa na demonstration ko. Nakakainis talaga ang Dazila na 'yon isusumpako talaga ang lahi niya 'pag ako hindi nakapag-demo!

Huminto muna ako sandali habang ag-iipon ng hangin. Ngalay na ngalay na talaga ang legs ko pero after ng hagdanan na'to classroom ko na kaya mas dinalian ko pa ang paglalakad. May nadaanan pa akong dalawang lalake na ang isa ay naka-formal attire. Uso pa pala ang paghahatid ng college student ngayon? Chismosa ako pero ayokong ma-late kaya kahit na gusto ko mang tingnan pang maigi 'yong mukha ng dalawa ay hindi na ako lumingon.

Nasa tuktok na ako ng hagdan nang bigla akong madulas. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko agad nabawi ang balance ko kaya tuloy-tuloy na lang ang pagkahulog ko sa hagdanan.

Lahat sa paligid ko ay nag-slow motion pati na ang pagkatapon ng cellphone ko. May nahagip akong mukha ng isang lalakeng naka uniform and he tried to catch me however his distance is quite far to reach me. Luckily, may nakapitan ang mga kamay ko. A necktie. Pero hindi ko man lang naiangat ang sarili ko, bagkus ay sumabay pa ito sa pagkahulog ko.

Naramdaman ko ang pagka-untog ng ulo ko sa sahig pero agad ko naman itong naigalaw. That's when I freezed when I saw the man who caused all the misfortunes that I've been facing today. Gulat na gulat ako at maging si Kadan rin. Hindi kami nakapag-react agad at nagkatitigan lang kaming dalawa. Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang mga mata niya at hindi ko maiwasang mapatingin pababa sa ilong at labi niya. Saka ko lang nakita ang position namin. Nakahiga ako sa sahig habang si Kadan naman ay nakapatong sa akin pero ang mga kamay ay nakatukod sa sahig.

Agad ko siyang tinulak palayo at saka lang din siya nahimasmasan sa nangyari. Pinagpag niya ang sarili niya at hindi man lang ako inalalayan ng kamay para tulungang tumayo.

"Hey, are you okay?" napatingin ako sa kamay na naka-extend sa kamay ko ngayon. Pumaitaas ang mga tingin ko at gano'n na lang ang panginginit ng mga tainga ko nang makita ang long time crush kong si Akiro.

Inabot ko ang mga kamay niya at nang makatayo na ako ay nginitian ko siya and answered I'm okay. Naramdaman ko naman ang bahagyang pag-ubo ni Kadan sa likuran ko.

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Tinuro niya ang sarili niya at nakita kong medyo nadumihan ang slacks na soot niya. Deserve niya 'yan! Buti nga siya hindi nauntog sa sahig.

Hindi ko siya pinansin at kinausap na lang si Akiro. Nagpasalamat ako sa pag-offer niyang tulungan ako. Nag-ubu-ubuhan ulit si Kadan at ngayon ay pinakita na niya ang slacks niya.

"Should I wash it for you?" irritable kong tanong sa kanya.

Nakita ko ang pangungunot ng noo niya at tinitigan ako ng masama. Hindi niya ako madadala sa ganyan.

"I'm sorry for that Sir Kadan. I'll just ask someone to buy you a new set."

"No need." Seryoso niyang tugon at saka ako tinuro. "I only want that girl to wash my slacks since she offered."

I rolled my eyes. This man is getting on my nerves!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height